Chapter 64 - Clueless
Magisang nagbabantay si Maine sa Nanay nya. Lumabas si Tatay Teddy at Ram para bumili ng makakain.
Nanay Mary Ann: Anak, nagkita na ba kayo ni Tisoy? Nagkausap?
Maine: Nagkita na po kami pero ayaw po niya akong kausapin.
Nanay Mary Ann: Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo.
Maine: Nay, hindi ko kailangang sabihin sa kanya. Dahil makikita at mararamdaman nya yon kung gugustuhin niya. Si Ciara at Miggy nga unang beses pa lang na nakita si Ram, may idea na agad kung sino ang ama nito.
Nanay Mary Ann: Pero binubulag ng galit si Tisoy anak.
Maine: Yun na nga Nay eh sa mahigit apat na taon wala siyang ipinagbago, inuuna nya yang pesteng init ng ulo at galit niya. Huwag ho kayong magalala para sa anak ko susubukan ko hong kausapin siya. Hindi ko na ho inaasahan na patawarin niya ako gusto ko lang kilalanin niya ang anak niya.
Hindi na umimik si Nanay Mary Ann, alam naman nyang may katwiran ang anak at alam nito ang ginagawa niya. Nang hapong yon dumalaw si Daddy Richard sa ospital tuwang tuwa si Ram, magkatabi sa couch si Tatay Teddy at Daddy Richard nakikipaglaro ito ng building blocks sa kanyang mga Lolo. Papasok si Maine sa kwarto ng ina ng dumating si Ciara, Miggy at RJ. Bumati si Maine pero hindi pa rin umimik si RJ.
Tumingin siya kay RJ at hinarap ito,
Maine: Kung galit ka sa akin ok lang, awayin mo ako, murahin mo o kahit saktan mo ako tatanggapin ko isa lang ang ipapakiusap ko huwag sa harap ng anak ko. Dahil ang alam nya mababait at mahal kami ng pamilya ko at mga taong kasama ko. Kahit ipinaliwanag ko na sa kanya kung bakit ka galit sa akin, anak ko pa rin yon at masasaktan yon kapag nasasaktan ako at magagalit yon sa yo. Kahit galit ka sa akin, ayokong magalit ang anak ko sa yo. Kaya pakiusap... huwag mong idamay ang anak ko.
Binuksan ni Maine ang pinto ng kwarto at pilit na ngumiti... kasunod nitong pumasok si Miggy, Ciara at RJ.
Maine: Ram, look who's here...
Lumingon si Ram at tumakbo palapit kay Ciara, nagmano at niyakap nito si Ciara, ganon din si Miggy. Natigilan ito at lumapit kay Maine ng makita si RJ. Hinawakan ni Maine sa balikat ang anak. Tumingin si Ram sa ina.
Maine: Ram, go say hello to Tito RJ.
Ram: Hello Tito
Inabot ni RJ ang kamay nito para magmano, may kung anong naramdaman si RJ sa dibdib ng mahawakan ang kamay ni Ram. Bago pa nakapagsalita si RJ tumakbo na ito papunta kay Daddy Richard. Lumapit si RJ sa ama at nagmano ito ganon din kay Tatay Teddy. Tapos pinuntahan nito si Nanay Mary Ann at nagmano.
RJ: Nay, ano naman ang ginawa ninyo? Masisira ang kaseksihan at kagandahan ninyo nyan eh.
Nanay Mary Ann: Naku Tisoy, wala ka pa ring ipinagbago bolero ka pa rin. Balita ko mas mataas na ang rango mo ngayon.
RJ: Opo Nay, medyo sinuwerte kaya eto.
Nanay Mary Ann: Eh di pwede ka ng mag asawa?
RJ: Iniwan na ho ako ng pakakasalan ko, meron na ho siyang iba. (Mahinang sagot nito).
Nanay Mary Ann: Pano mo nalaman, tinanong mo na ba?
RJ: Obvious naman ho
Ciara: lalabas lang ho muna kami ni Maine, magchichikahan lang.
Maine: Ram, you want to go with us?
Ram: Mama, can I just play with Lolo Dada and Lolo Tatay?
Maine: Ok, do you want anything?
Ram: No, Mama, I told Daddy to bring me McDonalds.
Nagkatinginan si Miggy at RJ. Nakita ni Daddy Richard ang pagkunot ng noo ni RJ. Natawa na lang ito, alam niya na nagseselos ang anak. Nagusap si Nanay Mary Ann at RJ sandali, mayamaya pa ay pinaalis na nito si RJ at hindi daw makakapagpahinga sa kakakwento nito. Tumayo si Tatay Teddy para makipagpalit ng pwesto kay RJ. Naupo naman si RJ sa couch katabi si Ram at Daddy Richard habang naglalaro ang mga ito.
RJ: Kanina ka pa dito Dad?
Daddy Richard: Oo kaninang umaga.
Ram: Lolo Dada, its your turn
Nakita nito si RJ, umupo ito ng maayos sa tabi ni Daddy Richard at tumahimik.
Daddy Richard: O bakit ka tumigil maglaro apo?
Ram: Lolo Dada it is your turn but if you are talking to Tito, I can wait until you're done.
Napangiti si RJ, mabait ang anak ni Maine. Nakita ni Ram na inaabot ni Nanay Mary Ann ang mansanas na nasa katabing mesa tumakbo ito palapit sa lola.
Ram: Lola Nay, let me get it for you.
Kinuha ni Ram ang mansanas pumunta sa banyo hinugasan iyon at kumuha ng tissue at pinunasan tsaka iniabot sa Lola nya.
Nanay Mary Ann: Thank you Ram, you're so sweet.
Ngumiti ito, lumabas ang dalawang dimples sa magkabilang pisngi. Nagulat si RJ parang pamilyar sa kanya ang mukha ng bata hindi niya lang maalala kung saan nya nakita. Bumalik na ito sa tabi ni Daddy Richard.
Daddy Richard: Ram do you know who he is?
Ram: Yes, Lolo. Tito Tisoy is your son.
Natawa si RJ sa itinawag sa kanya ng bata.
RJ: What did you just call me?
Ram: Tito Tisoy, I just remembered your face, I remember my Mom called you Tisoy before when he showed pictures of all her friends. And mom said, all her guy friends should be called Tito and the girls Tita.
RJ: How old are you?
Ram: I'm turning five next month. And Lolo Dada said, we will have a party on my birthday at his house but my Mom said No.
RJ: Did she say why?
Ram: Opo, because Lolo Dada needs to tell you first.
RJ: Well its up to your Lolo Dada, if he said you can, then you can.
Ram: It's okay, we can have it at Lolo Tatay's house. Mom, said you might got mad at Lolo Dada for saying yes to me. So its ok, just don't get mad at Lolo Dada.
RJ: Really Ram, am not mad. You can have your party at Lolo Dada's house.
Umusog palapit sa hita niya si Ram, humawak sa hita nya.
Ram: Tito, can you tell my mom that I can, please. She might not believe me.
RJ: Why do you want to celebrate at our house anyway?
Ram: Because Lolo Dada said I can have a cowboy party with chickens, goats, dogs and a horse. I have only seen them on TV.
RJ: Dad ha kung ano-anong ipinapangako nyo sa bata.
Daddy Richard: Kaya ko namang gawin yon eh.
Ram: Please Tito Tisoy, can you tell my mom?
RJ: Ok I will.
Bumukas ang pinto, pumasok si Jerome. Tumakbo si Ram at humiyaw at tumalon paakyat dito.
Ram: Daddy... daddy... you're here!
Napatayo si RJ at Miggy. Tumayo din si Daddy Richard. Bitbit si Ram lumapit si Jerome at nagmano kay Tatay Teddy at Nanay Mary Ann. May kirot na naramdaman si RJ sa puso nya. Lumapit ito kay Daddy Richard at nagmano.
Daddy Richard: Jerome eto si Capt. Miguel Rodriguez at Senior Flight Capt. Richard Faulkerson Jr., anak ko. Siya naman si Chef Jerome.
Iniabot ni Jerome ang kamay kay Miggy tapos kay RJ
Jerome: Nice meeting you Sir!
RJ: same here.
Ram: Dad where is my pasalubong?
Jerome: It's with your Mom. You will have to share it with everybody.
Ram: of course I will Dad.
Jerome: I see you have met two Pilot's today?
Ram: Yah finally! But they are not in their uniforms so I cannot salute to them.
Miggy: If you know how to, pwede naman kahit hindi naka uniform.
Tumayo ng tuwid si Miggy. Ibinaba ni Jerome si Ram. Tumayo ito ng tuwid nakaharap kay Miggy at sumaludo, hinintay nitong sumaludo din si Miggy.
Miggy: That was good Ram. Do you want to be a Pilot?
Ram: Yes.
Miggy: But your daddy is a Chef don't you want to be a Chef too.
Ram: Mom, can do all the cooking. But I want to fly planes. I want to bring people back to where they belong just like my Papa.
Nagkatinginan si Miggy at RJ.
Jerome: hindi ako ang biological father ni Ram, daddy lang itinuro ni Maine na itawag nya sa akin kasi kaming tatlo ang laging magkasama. Para kahit hindi ako ang ama may kalakihan siyang father figure. Cousin ko si Maine, magkasama kami sa bahay sa LA with my mother.
Miggy: What's your Daddy's name?
Ram: Jerome Santiago
Miggy: What's your Papa's name?
Ram: Tito Miggy, I know my Papa's Name but I can't tell you just yet. Maybe someday I can when he already knows I am his son.
Jerome: Alam nya lahat, wala kaming inilihim sa kanya. Matalino siya, mahalaga sa kanya ang bawat salitang binibitiwan nya tungkol sa kanyang ama. Hindi niya ito nakagisnan pero napakataas ng tingin at respeto niya dito. Tumingin si Jerome kay RJ. Kaya mataas ang respeto nya sa inyong mga Piloto dahil Piloto ang Tatay nya.
Kumunot ang noo ni RJ, Tinanong sa sarili, "Piloto? sino sa taga Icon? Gusto na naman nyang magalit pero pinigil ang sarili."
RJ: Kilala ba ni Ram ang Papa niya? Nakita na niya?
Jerome: Oo nakita na niya sa picture so malamang na kapag nakita niya kilala niya.
Dumating sila Maine at Ciara kasama si Pauleen.
Ram: Yehey! there's my mcdd's
Maine: Ram, darling you're toys.
Kinuha ni Ram ang bag at isa-isang inilagay ang mga laruan nya sa bag. Ibinalik yon sa tabi ng upuan. Pumunta sa banyo at naghugas ng kamay habang kumakanta ng happy birthday. Natawa si RJ naisip niya parang si Maine lang. Lumabas ito, ipinakita ang kamay kay Maine, pinunasan ni Maine ng tissue ang kamay. Iniabot ni Maine ang paper bag kay Ram. Ipinatong ito ng bata sa lamesa at inabutan ng cheeseburger silang lahat. Naghilera ito ng tissue sa ibabaw ng lamesa na nasa harap ng couch. Inilagay sa ibabaw ng tissue ang lahat ng french fries. Tinignan nya ang mga nakapaligid sa kanya at sinabi...
Ram: what are you waiting for, dig in!
Maine: I think you are forgetting something.
Ram: oh right, thanks mom... (ipinagsalikop nito ang mga palad at pumikit.)
Ram: Bless us o God and this food that we are about to eat. Thank you for all your blessings everyday. Please make sure other people has something to eat too. Amen.
Napatingin si RJ kay Maine, nakangiti ito kay Ram, she looks like a proud Mom. She should be.
RJ: Ram, di ba we were supposed to tell your Mom something?
Tumango si Ram, hindi makapagsalita, ngumuya muna ito at nilulon ang kinakain.
Ram: Mom, we have something to tell you
Tumingin si Maine kay Ram tapos kay RJ.
RJ: Maine, kung ok lang sa yo, sa bahay daw magcecelebrate ng bday si Ram
Maine: Kung ok lang din sa yo sige.
Tumakbo si Ram papunta kay RJ, niyakap nito si RJ ng mahigpit. May kung anong saya ang naramdaman ni RJ ng yakapin siya ng bata. Hindi matapos tapos ang pasasalamat nito at tumulo ang luha. Nagulat si RJ ng maramdamang umiiyak ito. Kinuha ni Maine si Ram at lumabas ng kwarto. Sinundan sila ni Jerome.
Maine: Bakit ganon Jerome, bakit hindi niya nakikita, bakit hindi niya nararamdaman?
Jerome: Nabubulag si RJ ng galit niya sa yo.
Maine: It's okay Ram, he said yes for you. See, how much he loves you, he even talked to me because you asked him to.
Ram: I know Mama, Papa is a good guy. he loves me right?! I felt it when he hugged me back that's why I cried. I felt his heart beating so fast for me.
Maine: Yes he does darling, he does.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro