Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 63 - Ang Pagbabalik

Nang gabing yon, habang inaayos ang pagkain ni Ram...

Ram:  Mama, what's for dinner?

Maine:  Pasensya ka na anak, it's the leftover chicken.

Ram: Ma, kinain ko na yan kanina. Ayoko na niyan!

Napatingin ni Maine kay Ram, kitang kita nito ang pagkunot ng noo ng bata katulad ng pagkunot ng noon ni RJ kapag mainit ang ulo nito at naalala ni Maine ang itsura ni RJ ng makita nya ito, hindi na niya napigilan ang mapaiyak. Nagulat si Ram, lumapit ito sa ina at niyakap.

Ram: Mama, don't cry. I'm just kidding. I will eat whatever is on the plate, you taught me that. Please Mama, wag ka ng umiyak.

Niyakap ni Maine si Ram. Limang taon na si Ram at lumaki itong matalino. Dahil na din siguro hindi ito tinatrato ni Maine na bata, parang matanda na ito kung magsalita.

Maine:  Ram I saw your Papa today, I had video call with Tita Ciara, nandon siya. Galit siya kay Mama eh.  Baka ayaw na niyang makita si Mama.

Ram:  Kung ayaw ka niyang makita, ayaw ko na din siyang makita Mama. He's bad! Inaway ka niya.

Maine: No, anak wag kang magalit kay Papa.  It's Mama's fault hindi ko na kasi siya tinawagan or sinulatan for four years.

Ram: Pero Ma, kahit na dapat hindi ka nya inaway. He should have listened to you.

Maine:  Papa, is that way. Di ba sabi ko sa yo madali lang uminit ulo non kaya ikaw dapat hindi ka ganon. But after he thought of it, he will come around and apologize. So huwag kang magalit kay Papa ha.

Ram:  If you say so Ma, ayoko lang din nakikita na umiiyak ka.

Maine:  So, Papa has not forgiven me yet kaya hindi na muna natin siya pipilitin ok?

Ram: Ok po. Kain na tayo Ma, gutom na ako eh.

Nung oras na yon alam ni Maine, wala na siyang babalikan pa. Kaya ipinasya nyang kapag mas malaki na si Ram tsaka nya ito iuuwi ng Manila. 

Natuloy na umuwi si Tita Jean at Jerome. Dumalaw sila sa Bulacan sa magulang ni Maine para maghatid ng balita mula sa dalaga at pinapunta din nila doon si Daddy Richard.  Sa pagkikitang yun naikwento ni Jerome ang  nangyari sa paguusap ni RJ at Maine.

Jerome:  Kaya po ayaw talagang umuwi ni Maine.  Ang sabi po kapag nagseven na siguro si Ram kapag may karapatan na itong pumili kung kanino nya gustong sumama tsaka na lang daw po siguro sila uuwi.

Daddy Richard:  Kakausapin ko si RJ.  Sigurado akong nasaktan at nagalit lang yon.

Jerome: Malamang nga po at hindi naman ho aarte ng ganon yon kung hindi na nya mahal si Maine.

Tatay Teddy:  Hayaan mo balae, kakausapin ko din si Maine. Kukumbinsihin kong umuwi.

Nanay Mary Ann:  Oo nga kausapin nyo ang mga batang yan, gusto ko ng makita ang apo ko.

Ilang araw ng malungkot si Nanay Mary Ann, bumabagsak ang katawan nito at walang ganang kumain. Dala na din siguro ng pagaalala sa anak at apo.   Minsan nanghina na at hinimatay ito at isinugod sa ospital.  Tinawagan ni Tatay Teddy si Maine at ibinalita ang nangyari sa Ina. Pinakiusapang umuwi muna ng Pilipinas para dalawin ang Ina at ipakilala si Ram.  Wala ng nagawa si Maine kung hindi ang pumayag.  Nagpabook ito, nakakuha ng flight na tatlong araw mula noon.  Ibinalita niya kay Ram ang nangyari.

Maine:  So there, we have no choice but to go home. 

Ram:  Talaga Mama, makikita ko na ang Lolo Dada, Lolo Tatay, Lola Nanay?

Maine: Oo anak pati mga tito at tita mo, madami sila.

Ram:  Yehey, we have a big family right? That would be fun!

Maine:  Yes, darling and they all love you.

Ram:  Mama, eh si Papa, love din kaya niya ako?

Maine:  Ram, if your Papa will find out that you are his son, am sure he will love you.

Ram:  So can I call him Papa when I see him?

Maine:  Nak mabibigla si Papa so let Mama tell him first and you will know when you can call him that. Pero baka makita at makilala mo siya bago pa niya ako kausapin so don't tell him anything yet.

Ram:  Ok po, eh anong itatawag ko sa kanya? Pag nakilala ko siya.

Maine:  hmmm, how about Tito Pogi or Tito Tisoy.

Dumating sila Maine at Ram biyernes ng hapon.  Dumaan sila sa Condo ni Ciara at sinorpresa ito.  Nagkataong nandon si Miggy. Tuwang-tuwa ang dalawa hindi matapos ang pagyayakapan ng mga ito ng biglang may humila sa damit ni Maine. 

Ram: Ma, I think you forgot about me.

Maine:  Ay oo nga darling sorry naexcite lang si Mama.

Ciara:  Anak mo? 

Nagkatinginan si Miggy at Ciara.

Maine: Ram, I would like you to meet, Tita Cia and Tito Migs. Guys anak ko si Ram.

Lumapit si Ram at inabot ang kamay ni Cia at yumakap pa ito at ganon din kay Miggy. Umupo sila sa couch. 

Ram:  Mama, are they your sister and brother?

Maine:  No Darling, they are my bestfriend.  This is where I live before.

Ciara:  Ram, how old are you?

Ram: I'm tuning 5 next month, May 26.

Miggy: Malapit na ang birthday mo.

Ram: Opo. one month na lang.

Miggy:  What's your real name?

Tumingin muna ang bata kay Maine, tumango naman si Maine parang sinasabing sagutin niya ang tanong.

Ram:  My name is Ricardo Nicholas Mendoza.

Tumingin si Ciara kay Maine.

Ciara:  Tama ba ang iniisip ko Maine at ang calculations ko? 

Bago pa nakasagot si Maine biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si RJ na nagulat sa tagpong inabutan.  Napatunganga si Ram sa ama, ng mapatingin si RJ kay ram, yumakap ito kay Maine at itinago ang mukha.

Maine:  Hi!

Hindi siya pinansin ni RJ, 

RJ:  may kukunin lang akong gamit sa kwarto Ciara, at iiwan ko na din ang susi sa yo. 

Pumasok ito sa kwarto ni Maine inilock ito at napaupo sa kama. Ang daming tanong sa isip niya, "bakit nandito siya? sino ang batang kasama niya?"

Tumayo na si Maine at hinawakan sa kamay si Ram. 

Maine: Cia, mauuna na kami.  Nasa baba sila Tatay eh gusto ko lang naman maghello sa inyo. Tatawagan na lang kita Cia, magkita tayo nila Julia next week. 

Niyakap ni Cia si Maine.

Miggy:  Welcome home Maine. Sana you are staying for good. 

Maine:  Actually, umuwi lang ako para madalaw si Nanay nasa ospital kasi. Wala naman ng ibang rason para magstay ako. Siguro kung makakuha ulit ng magandang trabaho dito.  Bahala na. Ram, you kiss Tita and Tito goodbye na.

Sumunod naman ang bata. 

Ram:  Mama, will I see them again?

Maine: Yes darling you will.

Rinig na rinig ni RJ ng tawagin ng bata na Mama si Maine. Lalong nagpupuyos sa galit ang kalooban ni RJ. Ilang minuto pa ay narinig na niyang sumara ang pinto.  labing limang minuto nang nakakaalis sila Maine ng lumabas si RJ. Nagkukunyari namang busy sa pagaayos ng lamesa si Miggy at Ciara.

Ciara:  Dito ka na kumain nakaluto na ako.

Miggy:  Kung hindi pa naospital si Nanay Mary Ann hindi siya uuwi. Cia, dalawin natin si Nanay sa weekend. 

Umupo na si Miggy at RJ sa dining chair.

RJ:  Pwedeng sumama sa pagdalaw niyo.

Ciara:  Wag ka ng sumama. Baka ikamatay pa ni Nanay kapag nakita niya kung papano mo itrato ang anak nila.

RJ:  Cia naman. 

Ciara: That was rude RJ!  at sa harap pa ng anak niya. You could have at least acknowleged her greeting. Natakot tuloy yung bata sa yo.

RJ:  Anak nya yon? 

Miggy:  Oo ang cute nga eh, kamukha niya.  Come to think of it parang kamukha mo. Siguro nung buntis yun galit na galit sa yo kaya napaglihian ang mga litrato mo.

RJ:  Gago ka talaga Miguel! May anak? Eh di may asawa, nasaan?

Ciara: Dami mong tanong, eh bakit hindi mo tanungin sa kanya?  Hindi pa kami nakakapagkwentuhan inisnab mo at tinakot mo yung bata, umalis tuloy.

RJ:  Sorry... 

Ciara:  sabi mo nga RJ, wala ng magagawa ang sorry mo.  Kumain ka na nga lang nabubwisit ako sa inaasal mo, ang tanda mo na para ka pa ring bata.  Kung galit ka kausapin mo, para yang mga tanong mo masagot hindi yung panay ka iwas dyan.

Miggy:  Bro, sigurado ka ba na ayaw mo na? Hindi mo na ba mahal? Kasi kung mahal mo pa at galit ka lang  baka pagsisihan mo kapag umalis ulit yon.

Natahimik si RJ.  Tama naman si Ciara, alam din naman nyang walang makakasagot ng mga tanong niya kung hindi si Maine. Pero hindi din kasi nya alam kung papano nya haharapin si Maine. Natatakot siya na baka pag nagusap pa sila, mas lalo lang siyang masaktan at mas lalo lang nya itong masaktan.

Nang gabing yon, katulad ng maraming gabi na dumaan ng mahigit na apat na taon, doon sya natulog sa kwarto ni Maine.  Ang totoo may saya naman siyang naramdaman ng makita nya si Maine.  Masaya siya na maayos ito at hindi napahamak.  Pero mas nananaig lang ang galit niya dahil sa ginawa nito at lalo na ngayon, may anak na pala ito.  Hindi na namalayan ni RJ na tumulo ang luha nya, nasasaktan pa rin siya ni Maine kaya alam nyang mahal pa niya ito.



















































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro