Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 61 - Pagtanggap

Simula ng dumating si Maine sa  Los Angeles. Araw-araw pa rin  siyang nagoonline sa skype para makausap si RJ.  Nakalipas ang dalawang linggo at nakalipat na sila sa bahay na pagaari ng pamilya ni RJ.  Kasama ang Tita Jean niya na Nurse at  and pinsan niyang si Jerome isang Chef sa isang hotel. Madali naman silang nakasettle.  Natuwa ang Tita Jean niya dahil mas malapit sa ospital na pinagtatrabahuhan niya ang bahay.  Si Maine naman ay nagsimula na ding pumasok sa Icon Office doon sa LA.  Nadadaanan ang opisina ni Maine papunta sa hotel na pinapasukan ni Jerome kaya't ito ang naghahatid at sundo sa kanya. Madali ding nakahanap ng OB Gyne si Maine dahil sa recommendation ni Tita Jean.

Naging busy din si RJ, kaya ang araw-araw nilang paguusap sa skype video call ay nabawasan. Naging every other day na lang, tapos naging ones a week, naging dalawang beses isang buwan at hanggang sa naging isang beses na lang sa isang buwan.  Kahit parehong may hinanakit, tinitiis na lang nila pareho dahil naiintindihan naman nila ang sitwasyon nila.  Dumaan ang buwan, lumalaki na ang tyan ni Maine at hindi na din niya makuhang magvideo call pa dahil mahahalata ni RJ ang tyan nya . Idinahilan na lang ni Maine na parang may sira na ang video card ng laptop nya.  Kaya nagkasya na lang si RJ sa pakikinig sa boses nya at pagtingin sa mga litrato nila. Nang lumabas ang papel ni RJ bilang  Flight Captain lalo itong naging busy at hindi na magtugma ang oras nila ni Maine. Kaya nageemail na lang silang dalawa. 

 Naging maselan ang pagbubuntis ni Maine sa ikaanim na buwan ng bata sa kanyang sinapupunan. Kinailangan nyang mag total bed rest kaya napilitan siyang magresign sa Icon. Nakarating na lang ang balita kay RJ dahil sa newsletter na natatanggap nila mula sa opisina.

Nasa condo sila ni Matt ng ipinakita ni Ciara ang newsletter.

Ciara:  Alam mo na ba ito?

Kinuha ni RJ ang newsletter, yung sumulat nang article niya noon , yun pa rin ang sumulat ng maikling article na yon...

"Good Luck, FA Maine Mendoza 

"Nicomaine Dei Mendoza was and still is Icon's most valuable Flight Attendant. Our best employee. achiever and our inspiration. It is with a heavy heart that we have to say goodbye for now to Maine. Due to health reasons, she was left no choice but to end his working relations with Icon Airline, LA Branch. Maine, we will miss you and your antics. We are praying for your quick recovery and good luck. Take care and we hope to see you back someday.  Thank you for soaring with us."

RJ:  Hindi, matagal na din kaming hindi nagkakausap. Nagemail ako sa kanya tatlong araw na ang nakakaraan pero wala pang sagot.  Susubukan kong tumawag kila Tatay, baka may alam sila.

Kinuha ni RJ ang cellphone at tinawagan si Tatay Teddy.

RJ:  Hello Tay, RJ po ito.

Tatay Teddy:  oh anak, kamusta na?

RJ:  Ok lang po, makikibalita po sana ako, kasi po matagal na kaming hindi nagkakausap ni Maine tapos may lumabas na article sa office na nagresign siya.  Baka po alam nyo kung anong nangyari?

Tatay Teddy:  Oo nga anak eh, nagresign talaga sya, yung sa sikmura niya patitignan nya muna kasi ang huling diagnosed may gal stones daw siya.  Lagi siyang umaabsent kasi laging sumasakit eh ayaw naman pumayag ng office na indefinite leave kaya napilitan siyang magresign.

RJ:  Ganon po ba? Nagemail po kasi ako, hindi din siya sumasagot.

Tatay Teddy:  kasi anak di ba wala naman syang internet sa bahay, kaya sa opisina lang sya nakakapaginternet.

RJ:  Oo nga po pala.  Sige po, balitaan nyo na lang po ako.

Tatay Teddy:   Paki kamusta mo ako sa Daddy mo ha at ikaw na ang magsabi kung anong nangyari.  Baka hindi din nya macontact si Maine eh.

RJ:  Ok po sige po. Salamat po Tay.

Ikinuwento ni RJ sa mga kaibigan ang balitang nakuha mula sa Tatay ni Maine.

Ciara:  Kawawa naman si Maine, magisa pa naman siya don.

Miggy:  Kasama naman niya si Tita Jean. Hindi yun pababayaan ni Tita Jean.

RJ: Nakakainis kasi wala akong magawa, ayaw niyang ibigay ang address nya don. Nung nagpunta naman ako sa Icon Convention sa LA nasa training naman siya. Hindi ko na talaga maintindihan.

Julia:  Pabayaan mo na, hindi ba dalawang taon naman ang sabi niya at babalik sya mabilis na lang yon. Tsaka matapang si Maine, kaya nya yan.

James:  Oo nga bro, si Maine pa.

Hindi na umimik si RJ.  

Dumaan ang isang buwan wala pa ring sagot si Maine. Nagaalala na si RJ. Minsang umuwi siya sa Laguna, nailabas nya ang hinanakit niya kay Daddy Richard.

Daddy Richard:  Anak, ano ka ba naman wala pa ngang isang taon nagkakaganyan ka na.  Wala ka bang tiwala kay Maine at sa kakayahan nito?

RJ:  hindi naman po sa ganon Dad. Kaya lang ang huling balita ko may sakit siya, so papanong hindi ako magaalala.

Daddy Richard:  Yon na nga baka naman kaya hindi sumasagot sa yo dahil hindi naman nya nabababasa ang emails mo. Kaya hindi din siguro nya sinabi dahil ayaw nyang magalala ka pa.  Ibigay mo na sa kanya yun anak. Kung ako sa yo ipagdasal mo na lang palagi na sana walang masamang mangyari sa kanya at gumaling na sya.

Pero ang katotohanan, napaanak ng maaga si Maine, 7 and a half months lang ang bata ng iluwal ni Maine. At parehong mahina ang katawan ni Maine at ng bata kaya talagang nagaalala din si Daddy Richard. Pero para matahimik si RJ

Daddy Richard:  Hayaan mo anak sa susunod na byahe ko papuntang states pipilitin ko siya na makipagkita sa akin.

RJ:  Salamat po Dad.

Dumalaw nga si Daddy Richard sa LA.  Nakita nya ang malaking pagbabago sa katawan nito.  Paya't na payat at humpak ang mga pisngi. Yumakap at umiyak ito sa dibdib niya.  Awang-awa si Daddy Richard.  Pero pinilit nitong maging masaya.

Maine:  Naku Dad, pasensya na kayo napaka iyakin ko talaga. Namiss ko lang po kayo.  Kamusta naman po sa Manila?

Daddy Richard:  Maayos naman ang lahat, ang mga kaibigan namamayagpag sa kanilang mga Career.  Si James at Miggy pareho ng Captain; Si Matt naman maayos na lagi ng masaya kasama si Julia at Flight Captain na siya.  Si Ciara balita ko Employee of the Month.  At si RJ pumasa na sa pagiging Senior Captain.  Tinatapos nya ang flight requirements para sa Senior Flight Captain taposa susunod na taon pwede na ulit siyang mag ground schooling para dito in 2 years time kung suswertehin isa na syang  Senior Flight Captain. 

Maine: Mabuti naman po kung ganon, ako eto po walang trabaho, kailangan po kasing tutukan si Ram eh. Kulang po kasi sa buwan.

Daddy Richard: Ram? Ram ang palayaw ng aking apo? Nasaan nga pala ang aking apo?

Isinama ni Maine si Daddy Richard sa kwarto, natutulog si Ram. Hindi na nagulat si Daddy Richard.

Daddy Richard:  Hindi mapagkakailang anak ni RJ yan, ganyan na ganyan ang itsura nito nung baby pa eh. Medyo malusog lang kaysa kay Ram.  Bakit nga pala Ram ang palayaw niya, ano ba ang buong pangalan? 

Maine: R and M po kasi Dad initial namin ni RJ, pero ang buong pangalan niya Ricardo Nicholas Mendoza.

Daddy Richard: Ricardo Nicholas Mendoza Faulkerson, bagay ah.

Maine: Sana nga po pagdating ng panahon, makuha nya ang apelyido ng kanyang ama.

Daddy Richard:  Anak, bakit naman hindi. Kung magkataong magalit si RJ sa yo, gagawa tayo ng paraan para makuha ng apo ko ang apelyidong dapat para sa kanya.

Maine:  Dad, hindi na po kasi kami nagkakausap ni RJ eh. Kahit sa email hindi na din po ako nakakapag email at wala namang internet connection  dito sa bahay.

Inakbayan ni Daddy Richard si Maine.

Daddy Richard:  Huwag kang magalala, ang intindihin mo ay ang palakasin ang sarili mo, huwag ka ng malungkot kailangan mong lumaban anak kung gusto mong matupad ang mga pangarap mo para sa yo at sa anak mo. May mga aasikasuhin ako dito, habang nandidito ako, akong bahala sa inyong magina.

Yon nga ang ginawa ni Daddy Richard, ikinuha niya ng  katulong at Yaya sila Maine para maalagaan nito ng maayos ang sarili at ang anak.  Parehong Pilipina ang katulong at yaya.  Ipinamili din niya ng gamit ang bata.  Tuwang-tuwa si Daddy Richard sa apo dahil parang pinagbiyak na bunga ito ni RJ. Dalawang buwan na nagstay si Daddy Richard, may mga litrato siya ng unang ngiti ni Ram, ng natutulog, may litrato din niya ng unang beses na iangat nito ang ulo at ng unang beses na ito ay dumapa. Si Maine naman malakas na ang katawan nito. Bumalik na sa dati ang sigla at ang aliwalas ng mukha nito.

Daddy Richard:  Babalik na ako ng Manila bukas, para naman maipakita ko kila Balae ang litrato ng apo namin. Sigurado ka bang ok ka na?

Maine:  Opo Dad, natikman nyo naman po ang luto ni Ate Carmen, baka manaba na nga ako nito eh. At may vitamins naman po ako. Hayaan nyo dad magpapalakas ako.  Siguro naman  po pag 6 months na si Ram pwede na akong magtrabaho ulit.

Inabutan ng envelope ni Daddy Richard si Maine. Hindi mabilang ni Maine sa unang tingin kung ilang $100 dollars ito pero sa wari nya ay makapal ito. Iniaabot ni Maine ang envelope para ibalik kay Daddy Richard.

Maine:  Dad, sobra na ho ang nagastos ninyo sa amin. May natitira pa naman po akong pera eh.

Daddy Richard:  Anak, sige na tanggapin mo na, tatlong buwan pa bago ka makakapagtrabaho, ano ang ibabayad mo sa katulong at yaya, at panggastos ninyo. Nakakahiya naman sa Tita mo. Tutal sila naman ang nagbabayad ng bills, kahit yung pagkain at gamit na lang ninyo ni Ram may maibibili ka. Kung gusto mo hindi yan bigay, bayaran mo ako pag uwi mo ng Manila.

Maine: Nakakahiya na nga po na nakikitira kami sa bahay ninyo, bibigyan niyo pa kami ng pera. 

Daddy Richard:  Maine, apo ko ang anak mo at anak ko ang ama ni Ram. Hindi ka nakikitira dito, maaaring hindi ka kasal sa anak ko pero apo ko pa rin si Ram.  Kung ayaw mong angkinin ang bahay na ito, sige bahay ito ng apo ko. Yang pera tulad ng sinabi ko, hindi bigay, bayaran mo kung gusto mo pag uwi mo ng  Manila. Kaya huwag ka ng magisip ng kung ano-ano. Ibinigay niya ang kapirasong sulat para kay RJ.

Napayakap na lang si Maine kay Daddy Richard.

Maine:  Salamat po Dad, maraming salamat sa pagtanggap sa amin.

Paguwi ng ama-amahan, ibinigay naman agad nito ang sulat kay RJ.

Dear RJ,

Luv, pasensya ka na. Hindi na ako nakakapagonline, wala kasing internet dito sa bahay eh. Kamusta ka naman?  Sabi ng Daddy Senior Captain ka na daw. Ang galing mo talaga! I'm so proud of you.  Medyo, nagkasakit ako at kailangan kong magpagamot pero ok naman na din ako kaya huwag kang magalala. Tsaka natatandaan ko ang bilin mo na wag kong pababayaan ang sarili ko kaya nga eto nagpacheck up ako at kailangan ko lang talagang magpahinga. Hindi ko na hahabaan to nakakahiya kay Daddy ito na lang ang hinihintay niya eh. Tandaan mo, lahat ng ginawa ko, ginagawa ko at gagawin pa ay dahil mahal na mahal kita. 

missing you,

Maine

Daddy Richard:  Oh ok ka na ba? Matatahimik ka naman na siguro niyan. Maayos siya doon anak.  At malakas na ulit ang katawan niya.  Sa katunayan, nagsisimula na siya ulit na humanap ng trabaho.  Kaya huwag ka ng magalala.

Ngumiti naman si RJ. Wala naman siyang magagawa.

RJ:  Opo Dad, ok na po ako. At least alam kong maayos naman siya.

Pero ang totoo, masama na ang loob niya, nalulungkot pa rin siya pero kilala din niya si Maine, kinaya nga nito noon ang New York kaya siguradong kakayanin din niya ngayon.















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro