Chapter 57 - Home
Inalam ni RJ kung anong oras ang balik ng flight ni Maine from her last flight that day. May dala siyang bouquet of white roses and carnations at nasa isang coffee shop siya sa airport. Nauuna si Capt. Sam at FO Jordan sa kanila ni Ciara sa paglalakad kaya nakita agad ng mga ito si RJ.
Capt. Sam: FA Mendoza mukhang may nagaabang sa yo.
RJ: Good afternoon Capt.!
Capt. Sam: Same to you Capt. RJ!
RJ: Hi Luv! (Pabulong na sabi nito)
FO Jordan: Narinig naman yon, Luv pala ha.
Nagblush si RJ at Maine, nanukso naman ang ibang FA at Cabin Crew na kasunod nila.
FA Sheila: Good Afternoon sir, enjoy your date!
Sumabay si RJ sa paglalakad ni Maine at Ciara. Inabot niya kay Maine ang flowers na dala at kinuha ang maleta nito.
Maine: Thanks Luv!
Humalik ito sa pisngi ni RJ. Paglabas nila ng may mga ilang staff ng Icon na nakakasalubong nila na bumabati kay Maine.
RJ: Wow Luv! Sikat ka na ha. Pwedeng paauthograph?
Ciara: Wag mo nang asarin yan, kanina sa flight pinaguusapan na yan ng passengers at pinagtripan pa ni Capt. Sam.
RJ: oh bakit? Anong ginawa ni Sam?
Ciara: Inannouce lang naman "we are very fortunate to have as our FA for this flight, Icon's Achiever Miane Mendoza, so sit back and relax because you are in good hands."
RJ: Wow! Ibang klase talaga si Capt. Sabagay kung sa flight ko ikaw nakaschedule malamang mas malala pa don ang ginawa ko.
Maine: Bakit ano naman sasabihin mo?
RJ: Sa akin may pahabol pa na, "Fiance' ko yan!"
Kinurot ni Maine si RJ s tagiliran, nagtawanan na lang sila. Pagdating sa entrance ng airport andon na si Miggy kaya dumeretso na sa kotse si RJ at Maine.
RJ: Uwi na tayo.
Maine: Oo nga eh, pagod na din ako eh.
Habang bumibyahe napansin ni Maine na iba ang daan na tinatahak nila. Pero hindi niya pinansin yon, naisip nya baka may surprise si RJ ayaw niyang sirain yun. Nakita niya ang signboard na "Raya Gardens, North Gate."
Maine: Luv, hindi ko alam na may ibang gate pala ang Raya Gardens.
Nagpark sila at ibinaba ni RJ ang maleta ni Maine. Hinawakan ni RJ ang kamay ni Maine. Pumasok sila sa isang building binati si RJ ng guardiya.
Guard: Good afternoon Sir, Maaga ka ha.
RJ: Kababalik ko lang Manong Fidel. Girlfriend ko ho si Maine, si Manong Fidel.
Guard: Good afternoon Mam!
Pagdaan nila sa reception area, huminto si RJ.
RJ: Grace, yung pinaduplicate ko ready na?
Receptionist: Good afternoon Sir, Mam. Opo Sir, eto na po.
RJ: Thanks! Grace, Fiance' ko si Maine.
Receptionist: Para sa kanya po ba yung pinagawa ninyo?
RJ: Oo
Grace: Sige sir I-add ko na lang sya sa owner name... Maine..
RJ: Mendoza- Faulkerson.
Grace: Okay Sir. Done!
RJ: Thanks again, akyat na kami.
Natatawa na lang si Maine.
Maine: Sa Raya Gardens ka din pala nakatira eh bakit hindi mo sinabi.
RJ: Hindi mo naman tinatanong, hindi ko naman alam na gusto mo palang malaman eh.
Maine: Akala ko lang din ayaw mong ipaalam eh.
RJ: Bakit ko naman hindi ipapaalam kung alam kong gusto mo palang malaman?
Maine: Malay ko ba, baka may ibang umuuwi sa bahay mo kaya hindi mo sinasabi sa akin kung saan.
RJ: After you just heard my conversation with Grace palagay mo meron?
Maine: Wala po, joke lang.
Niyakap ni Maine ang kasintahin. Yumakap din naman ito sa kanya. Nasa fifth floor ang condo nya.
RJ: I have to warn you, this is a bachelors pad, kaya hindi siya malaki but I already adjusted things inside for you, so sana magustuhan mo.
Unit 516, tinandaan ni Maine ang number na nasa pinto. Binuksan ito ni RJ. Light blue ang wall paint ng buong lugar It does look like a Bachelors pad. Black and white ang color comination ng mga gamit dito but it looks like a woman has fixed it. Pagpasok katapat ng pinto ang living room. May wooden 3 seater couch, black ang cushions nito at may yellow na throw pillows. May table sa gitna, magazine rack ang ilalaim ng table. May flat screen na TV wall mounted, sa ibaba nito may dvd player at cd rock at speaker sa dalawang gilid. May glass door papunta sa maliit na balkonahe at may clothe hanger rack . May kurtina ito na beige ang ilalim at light yellow ang ibabaw.
Sa kanan ang kusina. May maliit na coffee table, may coffee maker at bread toaster sa ibabaw nito at yung coffee, sugar at cream dispenser. Sa tabi nito ay gas range with exaust on top. Sa may counter top may microwave oven tapos sa kabilang counter top paglagpas ng lababo may rice cooker. Katabi nito ang cabinet na lalagyanan ng pinggan. Napansin ni Maine na yellow at black ng mga pinggan at ang black na Ref. Sa itaas may wall mounted na kabinet. Ang nasa dulo, pots and pans sa itaas na shelf at plater at big bowls sa ibaba. Ang gitnang double door na kabinet puno ng grocery items. Ang nasa kabilang dulo mga cleaning materials at bathroom essentials. Kasunod ng Kitchen ang dining area. Four seater wooden table with glass top, may apat na white placemat sa ibabaw nito at black din ang cushions ng mga wooden chair. May last suffer painting sa isang wall at painting naman ng fruits in a basket yung painting sa kabilang wall.
Nasa kanan pag katapos ng dining area ang banyo. Paglagpas ng salas ang kwarto dumeretso don si RJ at ipinasok ang maleta sa closet. White ang closet, wooden na queen sized and bed at white and yellow ang pillow case, bedsheet at bedcover nito. May kurtina katulad nung nasa salas, mirror door papunta sa may balkonahe at may dalawang silya at maliit na mesa. Kinuha ang remote at binuksan ang aircon, split type ang aircon kaya generalized ang aircon sa buong lugar. Inabutan siya ni RJ ng tsinelas, tweety bird at tasmanian devil ang suot nito.
RJ: Ang cute di ba binili ko sa disneyland.
Maine: Ang cute ng Luv, Thanks! Your place is really nice.
RJ: How do you like the combination black and yellow?
Maine: Bagay na bagay.
RJ: Dati black and white lang lahat ang kulay ng gamit ko. Lahat ng makikita mong yellow bago pati yung kurtina. Inisa-isa kong dinagnag para pag dinala kita dito, it would look like our place not just mine. Punta ka sa banyo.
Pumunta naman si Maine...black ang floor at lower wall tiles at white ang upper wall, white ang sink at bowl. Pero ang mga gamit ay blue and yellow. From towel to toothbrush. Yung holder ng shampoo at soap left side lang ang may laman. Napangiti si Maine. May dirty clothes rack sa likod ng pinto ng banyo.
Umupo si Maine sa couch. Kumuha naman ng dalawang bottled water si RJ sa freezer. Iniabot and isa kay Maine.
RJ: This is not much, but this is mine. How do you like the place?
Maine: I love it, luv!
RJ: Dahil nagustuhan mo, eto oh.
Inabot ni RJ sa kanya ang susi na may keychain na broken heart. Sisimangot sana si Maine pero biglang dumukot si RJ sa bulsa at ipinakita ang keychain niya broken heart din. Kapag ipinagdikit yung dalawa, buo na ulit yung heart.
RJ: You can go here anytime you want. Kung alam ko lang dapat matagal ko ng ibinigay sa yo yan. Sige na , take a shower and change. May aayusin lang ako dito sa kusina.
Sumunod naman si Maine. Pumasok ito ng kwarto, inilabas ang maleta niya. Napansin nya na may isang portion ng closet na walang laman at ang mga damit na nakahanger nakausog lahat sa kaliwa. Inilabas ni Maine ang maleta nya at ipinatong sa kama, non nya napansin ang nas ibabaw ng beside table katabi ng lampshade ay ang litrato nilang dalawa na kuha nung bday ni Matt. Sa kabilang bedside table picture nyang magisa kuha noong mock wedding. Naluha si Maine. Pinahid ang luha at ianyos na ang mga damit niya sa kabinet. Kumuha ng isusuot na damit at binitbit ang bathroom essentials niya. Inilagay nya ang shampoo, conditioner, sabon, napkin at pantyshield sa lalagyan sa banyo na walang laman. Isinara ang pinto at naligo na ito. Lumabas itong nakabihis na at nakabalot ng tuwalya ang buhok. Naamoy ni Maine ang niluluto, kinuha niya ang cellphone. Kinuhanan niya si RJ ng picture habang nagluluto. Nakaapron pa ito.
Maine: Luv, mas maganda kung topless tapos nakaapron.
Hinubad ni RJ ang t-shirt at ibinalik ang apron. Nagpose pa ito na hawak ang sandok. Lumapit si Maine at nagselfie sila kasama ang niluluto ni RJ. Nagluto ito ng garlic buttered fried chicken at chicken alfredo.
Maine: marunong ka talagang magluto?
RJ: I know the basics, maggisa, magprito pero ngayon lang ako nagluto ng pasta. Bumili ako ng recipe ng pasta at seafood kasi alam kong yun ang paborito mo.
Maine: Ang sweet mo naman luv.
RJ: Alam mo namang maaga kaming iniwan ni Mama kaya lahat natutunan ko. Ako ang naglalaba ng uniform ko pati underwear at socks. The rest yun ang pinapalaundry ko.
Maine: Ang swerte ko naman ang Papa ko hindi lang magaling na piloto, marunong pa sa gawaing bahay.
RJ: Mas maswerte ako kasi ang Mama ko hindi lang masarap magluto, magaling na FA, at sikat pa. Oh ready na to, kain na tayo.
Kumuha ng dalawang pinggan at tinidor si Maine. Nilagyan nya ng pasta ang pinggan at kinuha nag parmesan cheese sa kabinet at inilagay sa lamesa. Kumuha ng gardenia bread si RJ sa wooden na lalagyang ng loaf bread na nasa ibabaw ng ref. Nagtoast ito ng apat. Naglabas naman ng dalawang baso si Maine. Kumuha ng dalawang coke diet sa ref si RJ at yelo..
Maine: Ange cute naman puro yellow talaga pati, baso, kutsara at tinidor.
RJ: Isang set yan eh, set of four. Meron na ako nung black na set of four kaya set of four na lang din ng yellow ang kinuha ko. Kaya kapag yung yellow na placemat ang gamit natin dapat yung black na plates ang gagamitin natin.
Inilabas ni RJ ang fried chicken at naupo na sila para kumain. Tahimik na kumain ang dalawa. Binasag ni RJ ang katahimikan.
RJ: That picture of you sa front cover ng magazine ang ganda. Sosyal ka, you are the very first person sa Icon na nakakita nung bagong A350 XWB. Nagphoto shoot ba kayo for it?
Maine: Oo, grabe pala yung ganon ang tagal gawin para sa iilang pirasong pictures lang. Yung front cover, yung aerokaebo, yung nagdedemo lang ang kasali sa photoshoot. Pero yung pic with the girls galing kay Miggy at yung pic with you guys galing kay Ms. Pia.
RJ: Speaking of pictures, nandyan na sa laptop ko yung sa mock wedding, piliin daw natin yung gusto nating ilagay sa album. Tsaka kung may gusto tayong palakihan.
Maine: Sige, tignan natin mamaya.
Pagkatapos kumain, si Maine ang naghugas ng pinggan. Si RJ naman kinuha ang laptop at binuksan ang file ng mock wedding pictures nila. Kinuha ang magazine at ginupit ang cover at ang dalawang page sa loob na may article at pictures ni oMaine. Umupo si Maine sa tabi ni RJ sa couch.
Maine: Anong gagawin mo dyan?
RJ: Ilalagay sa frame.
Pumasok ito sa kwarto at kinuha sa ilalim ng kama ang isang mahabang picture frame.
RJ: Binili ko kanina yung frame. Ang tagal ko ng naghahanap ng babagay na picture dito sa sala eh.
Isinabit ito ni RJ sa wall na nasa likod ng couch.
RJ: Tignan mo ang ganda di ba?
Tinignan ni Maine, nasa kaliwa ang article, nasa gitna ang front cover at nasa kanan ang page ng limang maliliit na pictures with caption.
Maine: Oo nga ang ganda. Dyan mo talaga ilalagay yan?
RJ: Oo kasi hindi pwede sa kwarto don ko ilalagay yung wedding picture natin eh.
Maine: Thanks Luv, this does look and feels like home.
RJ: Alam mo maganda yung article, gusto ko yung comment ni Ms. Fatima and the wisdom that you imparted to everyone. Kaya kahit mahirap, kahit masakit, kahit mamimiss kita.... I still want you to fly high Maine, fly high until you reach your skies because yes I will soar with you.
Masaya ang mata ni Rj pero puno ng luha na nagbabadyang pumatak.
RJ: Fly high Mendoza and when you get tired of flying I just hope you remember that you have a home that you can come back to.
Tuluyan ng pumatak ang mga luha nito. Niyakap si Maine ng mahigpit.
RJ: Abutin mo ang mga pangarap mo. Kung saan ka man dalhin nito lagi mo lang tatandaan. Mahal na mahal kita at maghihintay ako.
Umiyak na din si Maine, sa dibdib ni RJ tuluyan nyang pinalaya ang lahat ng luha. Paulit-ulit na sambit nito...
Maine: mahal kita, tatandaan mo mahal na mahal kita RJ.
Hindi na nila alam kung gaano katagal silang umiyak... at ng maubos ang sakit tinuyo ng mga labi ni RJ ang luha sa mata at pisngi ni Maine. Hinalikan nya ito ng buong pagmamahal. Nang gabing yon ipinaramdam nila sa isa't isa ang pagmamahal na sinambit ng kanilang mga labi na naguumapaw mula sa kanilang puso. Muli't muli ibinigay nila ang buong pagkatao sa isa't isa ng walang pagaalinlangan. Kasabay ng pagpatak ng unang ulan sa Mayo, pumatak ang luha ni Maine sa kaligayan... "Mahal siya ng taong pinakamamahal nya at kung ano man ang mangyari sa darating na araw na hindi sila magkasama ang pagmamahal nito ang bubuhay sa kanya".
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro