Chapter 55 - The Decision
Lulan ng Van ng Tatay Teddy niya, ang alam ng mga magulang nya ay tahimik lang na nakikinig sa music si Maine sa kanyang cellphone. Pero ang totoo nagiisip ito, isa-isa nyang iniisip ang lahat ng kailangan nyang asikasuhin. Mula sa Restaurant, sa kanyang trabaho, pamilya at kaibigan. Isang plano ang nabubuo sa isip niya na idinadalangin nyang maayos nyang maisakatuparan sa lalong madaling panahon.
Nakarating sila sa Resto ng bandang alas tres ng hapon. Ipinakilala nya sa kasosyo ni RJ na sila Joe at Gemma ang Nanay at Tatay nya. Naupo sila sa isang mesa.
Maine: Joe, Gem. Eto yung plano ng Kitchen am sure naipadala na sa inyo ni RJ, may mga gusto pa ba kayong idagdag?
Joe: Wala na, I think that design of yours would be a very effective kitchen. Ang kailangan lang naman talaga natin maimplement sya in a low budget kasi, ayaw namin na mabawasan yung current operational budget at mapunta sa renovation.
Maine: That is why dinala ko si Mang Dante. I am sure hindi niya tayo tatagain sa presyo because he is a family friend.
Gemma: Thanks Maine.
Maine: Kung ok lang sa inyo, habang gumagawa si Mang Dante, dito na siya matutulog. Since 11 pa nagoopen ang Resto, pwede syang magtrabaho sa umaga at pagkasara natin sa gabi. Para tulog siya sa araw. 6am to 10am tapos after closing from 11pm to 4am sya gagawa. Tsaka para daily makikita ninyo yung natatapos at kung may mga kailangan sya masasabi nya sa inyo agad.
Joe: Walang problema yun, pinoproblema nga namin yan kung pano mapapadali kasi kapag weekend lang gagawin aabutin ng matagal bago matapos eh bumabayad tayo ng renta dyan sa kabila.
Kinausap ni Maine at Joe si Mang Dante at sinabi kung ano ang gusto nilang mangyari sa working table. Pagkatapos kausapin si Mang Dante niyaya ni Maine si Joe at Gemma sa bandang likod ng Restaurant.
Maine: Sabi ni RJ hindi pa sure kung papayag yung owner na galawin ang structure?
Joe: Oo, may meeting pa ako para ipakita sa kanya itong kitchen plan.
Maine: Eto ang suggestion ko, tignan mo itong likod. Maluwag di ba, yang sukat nyan tingin ko kakasya sa size ng kitchen, icheck mo. Kung makitid ng bahagya, mahaba naman di ba?
Gemma: Oo nga tingin ko din.
Joe: Tama ka Maine, makitid ng bahagya pero mahaba.
Maine: If that is the case, itanong mo na lang kung pwede natin iextend dito sa likod to be used for the kitchen para hindi na natin galawin yung structure nya. Hindi din natin kailangang butasin kasi pwede naman nating lagyan ng pinto yung magkabilang gilid. At kung makitid, yung lababo ilagay sa gilid ng pinto. Palagay mo?
Joe: Tama ka, its her choice and am sure mas papayag sya sa extension. Good Job Maine!
Gemma: Pakasal na kasi kayo ni RJ para kasama ka na namin dito.
Maine: Two years pa ata eh. Until that, I will always try to help.
Matapos makipagusap, pumunta na sa loob kung saan nandon ang magulang. Eksakto namang dumating ang inorder nilang pagkain. Kinuha ni Maine ang lemonade at sumilip sa kusina para kamustahin ang mga tao don. Mayamaya pa ay dumating si Daddy Richard, nagmano sya dito at dinala ito sa mesa ng mga magulang. Pinabayaan nya munang makapagkwentuhan ang mga ito, kumain at makapagpahinga. Habang naghuhuntahan at kumakain ang mga ito pinuntahan ni Maine si Joe at Gemma sa loob ng opisina.
Maine: Gusto ko sana kayong makausap ng sarilinan.
Joe: Halika, upo ka.
Maine: Joe, Gemma alam kong kakailanganin ninyo ng pera para sa gusto nating mangyari sa Kitchen. Alam kong tatangihan ni RJ ang iaalok ko kapag sa kanya ko sinabi kaya sa inyo na ako lumapit. Inilabas ni Maine ang isang envelope na may cheke na Five Hundred Thousand Pesos. It's not much to share para maging kasosyo ng business na ito so, kung ok sa inyo. Ipapahiram ko sa inyo. Kung maging maganda ang negosyo kahit 10% interest ok na sa akin. Kung hindi naman, mabalik lang sa akin ang pera in 2 to 3 years, ok na sa akin. Sabihin nyo na lang kay RJ na magdadagdag kayo ng puhunan.
Gemma: Sigurado ka?
Maine: Oo, ngayon para sigurado akong maibabalik ang pera ko, here is my account number. Magdeposit kayo every month kung magkano ang kaya ninyo, hanggang maibalik ang total amount in 3 years. I have a contract of what we have discussed here, all you have to do is sign and I'll have my lawyer notarized it and send you a copy. Siya din ang magche-check kung nakakapag deposit kayo every month.
Joe: Bakit mo ito ginagawa?
Maine: I am sure you know why, but if you still wanted to hear it from me. Mahal ko si RJ, mahal na mahal gusto kong tulungan syang maabot ang mga pangarap nya. Kung sakaling hindi kami magend up together at least wala kaming pagaawayang pera. Kasi hindi nya naman alam ito.
Joe: You indeed love him.
Maine: I do at lahat gagawin ko para maging masaya sya kasi ganon din naman ang ginagawa niya para sa akin. So ano? Payag na kayo?
Imbes na sumagot, kinuha ng magasawa ang kontratang inilabas nya at pinirmahan. Nakipagkamay ang mga ito sa kanya at niyakap siya ni Gemma.
Gemma: Huwag kang magalala gagawin namin lahat para kumita tayo.
Lumabas na si Maine at niyaya ang mga magulang sa ipinalagay nyang lamesa sa viewdeck. Palubog na ang araw kaya malilim na doon. Umorder sya ng 3 kape para sa magulang at kay Daddy Richard at Lemonade para sa kanya. Huminga sya ng malalim bago tuluyang naupo sa harap ng mga ito.
Maine: Pasensya ka na Dad, napasugod ka tuloy dito.
Daddy Richard: Ok lang yun anak basta para sa inyo ni RJ. Ano bang importanteng paguusapan natin?
Bahagyang nagulat ang Nanay at Tatay niya.
Maine: Nay, Tay, may sasabihin po ako sa inyo. Sana po wag kayong mabibigla at sana maging masaya kayo para sa akin.
Kinuha ni Maine ang resulta ng check up nya at ang tatlong pregnancy test kit. Inilagay nya ito sa harap ng bawat isa ng nakataob.
Maine: Buntis ho ako. Positive po lahat yang mga yan. Tinignan naman nila ang mga ito. Sabi po kasi 99.9 % inaccurate kaya nagpunta na din po ako sa OB Gyne para makasiguro ito po ang resulta.
Nakita ni Daddy Richard na nanginginig ang kamay ni Maine. Hinawakan niya ang kamay nito, nagsimulang tumulo ang luha ni Maine.
Nanay Mary Ann: Huwag kang umiyak, wala kang dapat iiyak, dapat masaya ka kasi masaya kami para sa yo anak.
Hinawakan ni Tatay Teddy ang kabilang kamay ni Maine.
Tatay Teddy: Tama ang Nanay mo. Matanda ka na, alam mo na ang ginagawa mo. Kung walang pagsisisi sa loob mo hindi ka dapat umiyak. Dapat masaya ka dahil magiging nanay ka na.
Daddy Richard: Dahil ako ang pinapunta mo dito, tama ba ako para isiping hindi pa alam ni RJ ang tungkol dito?
Maine: Opo, kaya ko po kayo dito kinausap kasi po ayokong may makaalam, lalong lalo na po si RJ.
Bago nagpatuloy sa pagsasalita, kinuha nya ang resulta ng checkup at mga pregnancy test at ibinalik sa bag. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
Maine: Dalawang bagay po kasi ang ipinagaalala ko. Una, marami pa po kaming pangarap ni RJ, sa ngayon po umaattend si RJ ng Ground Schooling para maging Senior Pilot, tinatapos din po nya ang flight requirements niya. In two weeks my exam siya, in another two weeks may interview siya. Kapag natapos at naipasa nya po yon two months from now may Deliberation siya at kapag naging Senior Pilot siya may training siya ulit. Hindi po pwedeng magkaron ng distraction si RJ ngayon. Daddy Richard kilala ninyo ang anak ninyo kapag nalaman niya ito. Ititigil nya lahat ng yon para sa akin at sa magiging anak namin at ayoko hong gawin nya yon. Dahil ginagawa lang naman nya yon para din sa amin.
Bumaling si Maine sa mga magulang nya, hinawakan ang kamay ng Nanay nya.
Maine: Nay, Tay kung noon ho pinabayaan ninyo ako sa desisyon ko sana po ngayon maintindihan ninyo ako sa gusto kong mangyari. Alam ko pong mahal na mahal ako ni RJ at dalawang taon lang po ang hiningi nya na panahon para makapagipon at pakasalan ako at gusto ko pong ibigay sa kanya yon. Ang ikalawa pong ipinagaalala ko ay ang dating sakit ko. Bumalik po ako sa cardiologist ko, normal naman po lahat sabi nga ng doctor ganon pa rin naman daw po. Tinanong ko po kung pwede ba akong magbuntis, oo naman daw po pero ang tanong ay kung kakayanin ng puso ko yung panganganak. Don po sya hindi sigurado.
Nanay Mary Ann: Ano ngayon ang balak mo?
Maine: Gusto ko po sanang umuwi sa Tita Jean sa California.
Tatay Teddy: Wala namang problema don. Papayag naman kami pero bakit hindi mo sabihin kay RJ? Tay, ayoko nga hong madistract siya, isa pa ho, papano kung hindi ko kayanin o hindi kayanin ng baby namin. Masasaktan po si RJ. Ayoko pong mangyari yon. Mabuti na pong wala siyang alam para wala syang inaasahan.
Napatingin sila kay Daddy Richard ng magsalita ito ng may garalgal ang boses.
Daddy Richard: Napakaswerte ng anak ko at ikaw ang minahal nya. Talagang mahal na mahal mo sya. Naiintindihan kita anak sa gusto mong mangyari pero papano ka? Hindi naman pwedeng magisa mong dalhin yan.
Tatay Teddy: Oo nga naman anak?
Maine: Sa mga Tita ko po ako titira sigurado naman po akong maalagaan ako doon. Nurse po ang Tita ko kaya may kilala naman po siyang magaling na OB Gyne at pamilyar din po sya sa sakit ko. Pwede nyo naman po akong dalawin basta sana po wag na lang malaman ni RJ kung nasaan ako. Kaya pagkatapos po nating magusap, para lang po tayong walang napagusapan.
Nanay Mary Ann: Papano pala ang trabaho mo?
Maine: Susubukan ko pong kausapin sa office namin kung pwede nila akong ilipat sa Office namin doon. Kailangan ko din naman po ng trabaho para hindi ako magmukmok lang sa bahay.
Daddy Richard: Pabayaan mong tulungan kita kahit papano anak, pangako hindi malalaman ni RJ. Pero apo ko ang dinadala mo, gusto kong masiguradong magiging maayos kayo. Ibigay mo sa akin ang address mo doon, ipapaayos ko ang property namin doon para doon kayo tumira ng Tita mo, Malamang naman nangungupahan yon dahil OFW siya hindi ba? Kung makakalipat kayo wala na syang rentang iintindihin pa.
Maine: Opo kayo, pong bahala.
Nagkatinginan ang mga magulang nya at si Daddy Richard.
Tatay Teddy: Pumapayag na kami, basta siguraduhin mong ipapaalam mo sa amin kung ano na ang nangyayari sa yo kahit si Tita Jean mo na lang ang tatawag sa amin. Ok na yon.
Nanay Dub: Ano nga pala ang sasabihin mo kay RJ?
Maine: Kapag maililipat po ako sa branch doon, yun na lang po siguro ang pwede kong gawing dahilan sa kanya.
Daddy Richard: Kailan mo balak umalis?
Maine: Sa lunes po makikipagusap na ako sa Office. Kung magkaron po ng magandang resulta siguro po mga two weeks from now. Basta sa lalong madaling panahon habang hindi pa lumalaki ang tyan ko.
Nanay Mary Ann: Mukhang buo naman na ang desisyon mo kaya sige susuportahan namin ang gusto mo.
Tumayo si Maine at niyakap ang Ina. Lumapit si Tatay Teddy at niyakap ang kanyang mag-ina.
Humarap si Maine kay Daddy Richard. Niyakap siya ni Daddy Richard at tuluyan na siyang umiyak sa dibdib nito.
Maine: Daddy, ikaw na ang bahala sa kanya ha. Kahit anong mangyari Dad, iencourage ninyo syang abutin ang mga pangarap nya.
Daddy Richard: Huwag kang magalala anak gagawin ko ang lahat para hindi mapunta sa wala ang pagsasakripisyo mo. Pagbalik mo, handa na ang ama ng anak mo at kaya na nyang ibigay sa yo ang lahat ng ipinangako nya. Pangako yan anak. Ipangako mo din na aalagaan mo ang sarili mo at ang anak mo dahil hihintayin namin kayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro