Chapter 54 - The Unexpected
Nang kasunod na buwan naging busy nga silang lahat. Ang mga girls sa sunod-sunod nilang mga Flights. Sina Miggy at James naghahanda para sa deliberation para sa pagiging Captain. Si Matthew kinukumpleto yung flight requirements niya para maging Flight Captain. Si RJ nagGround Schooling for Senior Captain. May interview at exam siya in the next two weeks. Pagkatapos non Deliberation din nya. Idagdag pa ang pag eextend ng restaurant ni RJ, nirentahan na din nya yung katabing coffee shop at nagextend. Kapag wala namang flight si RJ, nagpupunta sya sa restaurant. Kaya kung magkita sila ni RJ, kain sa labas ng 1 oras o kaya naman sa Pilot/FA's Lounge.
Sa sobrang pagkaabala sa trabaho, hindi na napansin ni Maine na hindi pala siya dinatnan ng buwan na yon. Hanggang isang araw nagising ito alas sinko ng umaga na nasusuka. Inisip nya na nalamigan lang siguro ang sikmura nya. Uminom na lang sya ng maligamgam na tubig. Kinabukasan ganon na naman ng sumunod na dalawang araw ay ganon pa din at may mga oras din na masakit ang kanyang boobs, kinakabahan na si Maine. Nagonline sa internet at nagbasa tungkol sa symptoms ng pagbubuntis. Tinignan nya ang kalendaryo sa kwarto nya, non nya napansin na wala siyang binilugan na date na nagkaron sya ng nagdaang buwan. Inisip nya, "16 yung anniversary nila, limang araw bago ang regular menstrual date nya. Dapat safe pa yun di ba? Pero yung 17 at 18 baka hindi na. Pero sabi sa mga nabasa nya 5 to 10 days before safe eh?" Nagmamadali siyang nagpunta ng convenient store, bumili ng pregnancy test kit. Gusto nyang makasiguro kaya, tatlo ang binili nya.
Pagbalik nya sa Condo, dere-deretso sya sa banyo. Ilang sandali pa lumabas ito bitbit ang tatlong pregnancy test, inilagay sa ibabaw ng dining table, inilock ang main door at baka biglang dumating si Ciara, kumuha ng tubig at naupo, nagintay ng oras. Makalipas ang sampung minuto, isa-isa nyang tinignan. Dalawang pulang linya... napasandal siya sa silya at nagsimulang tumulo ang luha niya. Napahawak sa puson at bumulong...
Maine: Pano ba to baby, wrong timing yata tayo eh. Masaya sya dahil syempre sigurado naman syang anak nila ni RJ ang nasa sinapupunan niya. Sigurado din syang matutuwa si RJ kapag nalamang buntis siya. At sigurado din siyang ititigil ni RJ lahat ng balak nito sa buhay niya para sa kanila, yun ang ikinalulungkot niya. Dahil dalawang buwan na lang may chance na maging Senior Captain na ito, at nagsisimula ng lumaki ang restaurant nito. Napabuntunghininga si Maine. Naalala nya yung araw na na sinabi ni RJ na dalawang taon lang ang hinihingi ni RJ at pakakasalan siya nito. Napaiyak na lang ulit ang dalaga. Naguguluhan at hindi alam ang gagawin. Bumalik ito sa kama at doon pinalaya ang emosyon, umiyak lang sya ng umiyak habang kinakausap ang nasa sinapupunan niya na para bang maririnig siya nito...
Maine: Baby, wag mong isipin na nalulungkot si Mommy dahil sa yo, masaya ako, masayang masaya. Kasi alam kong magiging kasing cute ka at kasing galing ng Papa mo. Pero, kawawa naman si Papa kasi kapag nalaman nya ang tungkol sa yo baka hindi na niya tuparin ang mga pangarap niya.
Nakatulugan na ni Maine ang pagiyak. Makalipas ang 3 oras nagising siya sa tawag ni RJ. Sinagot nya ang cellphone.
Maine: Hello?
RJ: Hi Luv! Mukhang nakatulog ka ha, bedroom voice eh.
Maine: Oo eh, nasan ka na?
RJ: Nandito sa Lounge, may Ground Schooling ako in an hour di ba?
Maine: Ay, oo nga.
RJ: Namimiss na kita eh.
Maine: I miss you too.
At hindi napigilan ni Maine na maiyak, naalala nito ang nasa sinapupunan niya.
RJ: Oh, bat ka umiiyak Luv?
Maine: Wala, namimiss lang talaga kita eh.
RJ: Luv pasensya ka na ha. Kung pwede nga lang itigil ko na ito pero para sa atin din naman ito di ba. Para mabilis matapos yung 2 years or para mapabilis.
Maine: Hindi mo naman kailangang magpaliwanag eh. Naiintindihan naman kita tsaka gusto ko din naman yang ginagawa mo para nga mapabilis di ba? Pag naging Senior Captain ka mas malaking sweldo, mas mabilis makakaipon. Mas mabilis maabot ang mga pangarap natin. Kaya wag mo na akong pansinin nae-emo na naman siguro ako dahil sa ulan.
RJ: Kaya mahal na mahal kita napaka understanding mo eh.
Maine: Kaya mahal kita dahil ang sipag mo sa lahat ng bagay.
RJ: Speaking of masipag, Luv, buksan mo yung email mo ngayon, ipinadala ko sa yo yung design nung kitchen di ba suggestion mo palakihan ng konti? Tapos pinadala ko din sa yo yung application ng dalawang Chef, ikaw na nga tumingin, let me know kung pasado sa yo.
Kinuha ni Maine ang laptop at binuksan ang email.
Maine: Ayan, eksakto yung working table Luv, makakaikot at makakagalaw sila ng mabilis pag ganyan, yung ilalim nyang working table Luv, palagyan mo ng sliding trashcan sa gitna, tapos drawer para sa Chef's knives.
RJ: Yun nga problema ko Luv, wala akong kilalang Karpintero na makakagawa nung specs na gusto natin. Tapos di ba, yung kabilang gilid sink, tapos yung kabila naman yung kalan. Mas maganda kung puro aluminum pero mapapamahal tayo.
Maine: May kilalang magaling na Karpintero si Tatay. Tatawagan ko, tapos pasasamanahan ko sa Resto. May available na araw ka ba this week para pumunta don?
RJ: Wala nga Luve eh, pwede kung hindi na ako matutulog.
Maine: O sige ako ng bahala, ako na ang sasama. Tapos ung aluminum na sink, magtitingin ako sa internet, pwede namang second hand eh. Baka may makita ako, iemail ko sa yo.
RJ: Sabi ko na hulog ka ng langit sa akin eh, may sagot ka sa lahat ng tanong ko. Thanks for helping me out Luv.
Maine: Ok lang yun, after two years Assistant Manager na ako ng Resto eh di mabuti na ngayon pa lang may nagagawa na ako, para kapag nagapply ako in two years, maganda ang credentials ko.
RJ: Hindi na kailangan mag-apply Luv ngayon pa lang pasado ka na.
Nagtawanan sila. Naisip ni Maine, "hindi talaga pwedeng magkaron ng distraction ang pangarap ni RJ. Bahala na."
Kinabukasan nagtungo si Maine sa Paranaque Doctors at sumanguni sa isang OB-Gyne. Sinabi nya sa Doctor ang lahat ng nararamdaman nya na maaaring symptoms ng pagbubuntis at agad naman ipinacheck ng Doctor ang ihi niya. Pagbalik ng test results, lumabas itong positive. Bitbit ang resulta ng check-up nya bumalik sya sa Condo at tinawagan ang Ama.
Maine: Hi, Tay!
Tatay Teddy: Oh anak mabuti naman napatawag ka.
Maine: Oo Tay, kasi alam nyo naman na ipaparenovate yung restaurant ni RJ, kailangan po kasi namin ng Karpintero na magaling pero mura lang sumingil. Si Mang Dante po kaya pwede?
Tatay Teddy: Naku, mabuti naman naalala mo sya kagagaling lang dito nung linggo naghahanap ng trabaho.
Maine: Pupunta po sana ako ng Tagaytay bukas, kung gusto ninyo, isama na ninyo bukas at pagdalhin ng gamit tapos daanan ninyo ako dito sa Condo para hindi na ako magmaneho papuntang Tagaytay.
Tatay Teddy: O sige anak
Maine: Tay, may special request ako, pwede mong isama si Nanay? Miss ko na kayo eh.
Tatay Teddy: Asus! ang anak ko, syempre naman. O sige magkita tayo bukas.
Nang may biglang nagbukas ng pinto.
Ciara at Miggy: Hello...
Maine: Oy, nagpangabot din tayo. Kamusta?
Miggy: Eto, pagod na grabe!
Maine: Teka bat nandito ka, di ba may flight kayo ni...
RJ: Surprise... Hi Luv!
Maine: oh, bat andito ka? Kayo?
Miggy: Nakiusap si Matt at James kung pwedeng palit kami ng flight kasi si Matt gustong makasama si Julia sa first Europe flight at si James naman may exam bukas sa time ng flight nya kaya nagpalit kami.
RJ: Kamusta ka naman Luv?
Niyakap nito si Maine ng mahigpit. Napaaray si Maine, naipit kasi ang boobs niya. Binulong niya kay RJ na may dalaw siya kaya masakit ang dibdib.
RJ: Ay sorry, kaya pala parang matamlay ka at nangangalumata. The Hitchhiker is around.
Maine: Hala siya, i-announce pa talaga?
Miggy: Malas mo bro, red flag is up pala eh.
Hinampas ni Maine si Miggy. Nagtawanan sila
Ciara: Ano kaya mamiryenda natin nagugutom ako.
Maine: Yung carbonara ng Shakey's
Miggy: Uy, gusto ko yan.
Ciara: May pang carbonara pa tayo dito magluto na lang tayo.
Maine: Gusto ko yung sa shakey's eh tsaka yung platter nila na may calamares, fish fillet at frenchh fries.
Ciara: Ah yun wala tayo sige magorder na lang tayo.
Maine: RJ, bili na lang kayo ni Miggy, sige na please. Malapit lang naman yun eh.
RJ: Asus, naglalambing ang Luv ko, sige na, bibili na po. Anything else?
Maine: Pakurot sa dimples at pakagat sa Biceps.
RJ: Patay na naman magpapantal na naman ito Luv eh.
Maine: Ayaw mo? Sige wag na!
RJ: Eto naman nagtatampo agad. Sungit mo! Eto na oh, kurot at kagat na!
Kinurot ni Maine ang pisngi ni RJ yung tapat ng dimples at kinagat ang biceps nito.
RJ: Arrraaayyy! luv naman eh.
Maine: Sorry, napadiin ata. Sorry...
Hinalikan nito ang parte ng kinagat niya.
Miggy: Oh halika na at baka pati ako makagat nyan.
Nagtawanan sila, habang palabas ang dalawa, nakatingin si Maine at tumulo ang luha. Nakita yun ni Ciara. Tinabihan nito ang kaibigan.
Ciara: May problema ba? May sakit ka ba? Matamlay ka eh at yang mata mo parang galing ka sa kakaiyak.
Maine: Wala sis. Meron lang kasi ako sumasakit ang puson ko eh. Kaya ko pinaalis si RJ. Iinom lang ako ng gamot tapos iidlip lang ako sandali.
Ciara: O sige, mabuti pa nga. Magbibihis muna ako.
Pumasok si Ciara sa kwarto at nahiga si Maine sa Couch. Naiisip nito, "Kakayanin ko kaya ito? Dapat kayanin ko para sa baby namin at para kay RJ."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro