Chapter 52 - Hurting Each Other
Samantala nakarating na si RJ sa airport, nagtataka siya na wala kahit isa sa kaibigan niya ang nandon. Dumaan siya sa Office ng Icon, nagcheck ng schedule. Wala ngang mga flights, puro mamayang gabi pa. Nasan kaya ang mga yon? Nakasalubong nya si Capt. Sam.
Capt. Sam: RJ kamusta? Kadarating mo lang?
RJ: Oo eh, ako lang nga may flight ngayon mamaya pa sila Miggy.
Capt. Sam: Ah, eh baka nasa hospital yung mga yon, dumalaw.
RJ: Ospital? Sinong nasa ospital?
Kinabahan si RJ. Nagtataka din siya na walang nagtext o tumawag man lang sa kanya. Naisip niya, si Maine, baka si Maine ang nasa ospital kaya walang nagsabi sa kanya.
Capt. Sam: Si Matt, nasa Paranaque Medical Center. Narinig ko lang na may kausap si Miggy, so hindi ako sure sa kung anong nangyari.
RJ: O sige, salamat Sam. Alis na ako.
Nagngingitngit ang kalooban ni RJ, bakit hindi sinabi sa kanya ni Maine kagabi nung magkausap sila? Kahit si Miggy. Naguguluhan siya at galit dahil walang nagpaalam sa kanya lalo na si Maine. Pinaharurot nito ang sasakyan papuntang Ospital. Pagdating don nagtanong sa nurse station kung anong room ni Matt.
Nakaupo si Maine sa kama at kausap si Matt, umiiyak ito. Nakaupo naman si Julia sa silya sa tabi nito, naluluha din sa pakikinig sa paguusap ni Matt at Maine. Yun ang tagpong inabutan ni RJ, lalong naginit ang ulo nito ng makitang umiiyak si Matt habang kausap si Maine. Dere-deretsong pumasok sa loob ng kwarto palapit sa kama. Hinawakan sa magkabilang braso si Maine.
RJ: Anong ginagawa mo? Ano to? Bakit hindi mo sinabi na nasa ospital si Matt?
Miggy: Bro, kasi ayaw na namin na...
RJ: Isa ka pa! Ano bang problema nyo kahit isa sa inyo walang nagsabi sa akin, nagmukha akong tanga. Bestfriend ko ang nasa ospital hindi ko alam?
Maine: RJ, ako ang nakiusap na wag ng sabihin sa yo kasi...
RJ: Fuckin' shit! Bestfriend ko yan... at bakit umiiyak si Matt ano bang ginawa mo?
Nagulat si Maine, ang dating sa kanya sinisisi siya ni RJ.
Matt: Sinabi nya sa akin lahat-lahat ng itinatago nyo sa akin.
RJ: Putangina Ano?! bakit? Anong karapatan mong makialam? Hindi mo alam ang pinagdaanan ni Matt. Hindi ka dapat makialam dahil wala kang alam.
Lumapit si Miggy para awatin si RJ. Itinulak ito ni RJ.
RJ: Lumayo ka sa akin Miggy baka masapak kita. Ikaw ang inaasahan ko tapos ano?
Miggy: Gago ka pala eh! Makinig ka nga muna.
RJ: Gago nga kasi ginagago nyo ako! Sige, magkampihan kayong dalawa. Bullshit! Lalo ka na... at dinuro nito si Maine.
Don na nagpanting ang tenga ni Maine, lumabas ang galit. Umigkas ang kamay nito at buong lakas na sinampal si RJ.
Maine: Bullshit ka rin! Kung makapagsalita ka akala mo kung anong sekreto ang itinago sa yo. Bakit Ricardo ikaw, wala ka bang itinatago sa akin ha?! Akala mo hindi ko alam, na halos dalawang beses isang linggo mong sinasalo ang flight ni Matt? Akala mo hindi ko alam na madalas nagdadahilan ka lang na may lakad ka o may flight ka o may masakit sa yo at uuwi ka na para masalo mo ang flight nya o para sunduin siya kung saan man sya nakahandusay sa kalasingan? Alam ko lahat! Pero wala kang narinig sa akin, dahil pilit kong iniintindi na bestfriend mo sya. Na pamilya mo sya at kailangan nya ang panahon mo. Wala kang narinig kahit ano sa akin.
RJ: Maine... umakma itong hahawakan ang dalaga
Maine: Huwag mo akong hawakan! Pero ikaw, hindi lang sinabi sa yo dahil ayaw kong magalala ka pa! Kung magalit ka at murahin ako parang kasalanan ko ang lahat! Oo sinabi ko kay Matt lahat ng hindi niyo sinasabi sa kanya para matauhan sya at para matauhan kayo na hindi niyo siya tinutulungan kung hindi kinukunsinti nyo lang! Oo sinaktan ko, pinaiyak ko si Matt, tinutukan ko pa nga ng baril dahil yang kaibigan mo nagtangkang magpakamatay!
RJ: Ano? Matt?
Maine: Nagulat ka? Mali nga ba ako na hindi ko sinabi sa yo ha? Ano ngang sinabi mo kanina... wala akong alam? wala akong pakialam? Ganon ba? Pasensya ka na... dahil the last time I checked... girlfriend mo ako at ang pinakikialam ko buhay ng bestfriend ng boyfriend ko. Kaya ang alam ko may pakialam ako!
Kinuha nito ang bag sa silya at umalis na. Susundan sana ni RJ pero humarang si Miggy.
Miggy: Huwag mo ng sundan, you have said enough RJ! Pag nagpumilit ka baka ikaw ang masapak ko!
Tumingin si Miggy kay Ciara...
RJ: Kausapin mo nga yang tarantadong yan. Dinaan na naman sa init ng ulo.
Tumango si Ciara. Tumalikod na ito at sinundan si Maine.
Nang gabing yon, naiwan si Julia at RJ para magbantay kay Matt.
Matt: Bro, pasensya ka na dahil sa akin nagaway pa tuloy kayo ni Maine.
RJ: Hindi kasalanan ko yun, dinaan ko na naman kasi sa init ng ulo.
Matt: Tawagan mo kaya, o kaya puntahan mo na lang, nandito naman si Julia.
RJ: Hindi sinasagot ang tawag ko eh, galit pa yon. Tsaka may flight sya. Itetext ko na lang.
BFF RJ: I was trying to call you pero ayaw mong sagutin. Kaya alam kong galit ka. Kaya dito na lang. Luv, sorry. Pasensya ka na, alam ko na mali ako, dapat hindi ko dinaan sa init ng ulo, dapat nakinig muna ako sa inyo. Sorry talaga, I didn't mean to shout at you more so I didn't mean all the mean words I said. Dala lang talaga ng galit. Naiintidihan ko na din kung bat hindi mo sinabi at yung mga ginawa mo at sinabi kay Matt. I understand now. Luv sorry na please. Kahit anong parusa tatangapin ko, mawala lang ang galit mo. I miss you... I love you so much. Again I'm sorry.
Nabasa naman ni Maine ang text message ni RJ pero hindi nya ito sinagot. Humupa na din naman ang galit nya. Kaya lang gusto nyang ipaalam kay RJ na walang mabuting naidulot ang ginawa nito. Pinatay nya ang phone. Pero nakangiti siya, pinaka mahirap sa lahat ang umamin sa pagkakamali kaya alam nya kung gaano kahirap yung ginawa ni RJ.
Lumipas ang tatlong araw. Namimiss na ni Maine si RJ. Hindi nya ito tinetext pero kapag dumadalaw sya kay Matt lagi nyang winiwish na sana nandon ito. Maaga siyang gumising at nagluto ng cream of corn soup with bacon bits at adobo rice wrapped in scrambled eggs. Nakakakain na si Matt ng kahit ano, pupuntahan nya ito dahil lalabas na ito ng ospital. Anim ang ginawa niya dahil si Miggy at Ciara ay pupunta din, tapos para sa kanya, kay Matt at Julia at kay RJ.
Hindi pa rin nagtext o tumawag si Maine kay RJ. Sinubukan din nyang puntahan ito sa bahay pero hindi niya inaabutan. Nagkakasalisi sila sa pagdalaw kay Matt. Lalabas na si Matt ng araw na yon. Tinatamad sana syang umalis pero alam nyang naghihintay si Matt sa kanya. Tinawagan nya ito.
RJ: Bro, anong gusto mong breakfast?
Matt: Coffe na lang. Dalawang tall latte from Starbucks. At pumunta ka na dito now na. may breakfast na dito
RJ: Ok sige.
Umalis na ito ng bahay at dumeretso sa pinaka malapit na Starbucks. Habang nasa daan, nakareceive ito ng text. Napangiti ito, excited nitong tiningnan kung sino.
Miggy: Bro, pabili ng dalawang brewed coffee at cappucino, tall. Nandito na kami sa Ospital.
Nanlumo ito na hindi galing kay Maine ang message. Miss na miss na niya ang kasintahan. Sinubukan nya itong tawagan, hindi pa din ito sumasagot. Pero at least masaya na din sya dahil hindi na nakapatay ang cellphone nito. Naisip na lang nya na mamaya na lang tawagan ulit dahil kapag tinawagan nya at sumagot ito at nalamang tumatawag siya habang nagmamaneho, magagalit na naman ito.
Mayamaya may nagtext ulit, si Ciara naman.
Ciara: Bilisan mo, yung coffee wag mong kalimutan.
Napabuntunghininga na lang ito. Ito namang mga kaibigan niya parang nangaasar pa, hindi ba nila alam na naghihintay siya ng text galing kay Maine? Pumarada ito sa harap ng Starbucks. Umorder ng 2 brewed coffee, 2 cappuccino at 2 Latte to go.
Samantala, wala namang kaalam-alam si Maine na isine-set up sya ng mga kaibigan.
Matt: Maine, nasettle na ba yung bills? Gusto ko ng umuwi.
Maine: Oo, eto na pupuntahan ko na. Ciara, ligpitin na ninyo yang mga ilang gamit.
Ciara: Oo sige na kami ng bahala dyan.
Miggy: Bilisan mo para pagbalik mo kumain na tayo, mukhang masarap itong dala mo eh.
Lumabas na ng kwarto ang dalaga at nagpunta sa billing section para ayusin ang bills ni Matt. Pagbalik nito, nakaligpit naman na yung ilang gamit.
Miggy: Ayan kain na tayo.
Inilabas ni Maine ang anim na dispossable na baunan. Umupo si Miggy at Ciara sa Couch. Iniabot ni Maine kay Julia ang isa at iniabot kay Matt ang isa pa ng biglang bumukas ang pinto at iluwa nito si RJ. Hindi tumingin si Maine. Nagulat naman si RJ, napahinto.
Matt: yehey, eto na ang coffee, namiss ko na to.
RJ: Good morning guys, Hi Luv! O, kanino itong brewed coffee?
Miggy: sa akin
Matt: Ako din.
RJ: Eh yung Cappuccino?
Ciara: Sa akin.
RJ: Yung Latte... hinintay ni RJ na sumagot si Maine
Julia: sa akin.
Nang matira sa kamay ni RJ ang cappucino nya at ang isang latte, don nya lang narealize kung para kanino yon. Tumingin sya kay Matt, at sumenyas ito na nagsasabing, ibigay mo na.
Papunta na sana si Maine sa couch para maupo at kumain pero sinalubong siya ni RJ.
RJ: Luv oh, coffee mo.
Tumingin si Maine sa mukha nito. Ngumiti si RJ na labas ang dimples, pinipigilan niyang ngumiti. Kinuha ang kape.
Maine: Thanks!
Tiningnan nya ang mga kaibigan at pinandilatan ng mata.
Maine: Anong tinitingin tingin niyo kumain na tayo.
Umusog si Miggy at Ciara sa Couch para makaupo si RJ at Maine.
Pagupo ni Maine, umupo sa tabi nya si RJ.
RJ: Luv, sorry na, patawarin mo na ako please. Sobrang miss na talaga kita eh.
Hindi pa rin umimik si Maine.
RJ: Luv, hindi ka ba napapagod?
Maine: Bakit pagod ka na? eh sino ba may sabi sayong suyuin...
RJ: kasi araw araw kang tumatakbo sa isip ko eh.
Maine: Wow! sobrang bago ng pick up line mo ha.
Pero hindi na nito napigil na ngumiti.
RJ: Yes!!! ngumiti ka din.
Maine: Hay naku Ricardo, kung hindi lang kita mahal talaga...
Niyakap ni RJ si Maine.
RJ: Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita!
Maine: Oh eto breakfast mo, kumain ka na lang, ang dami mo pang sinasabi eh.
At nagkatawanan ang magkakaibigan. Nakatingin si Matt kay Maine at RJ. Natutuwa siya na masaya ang dalawa. Tumingin siya kay Julia at napaisip, "Salamat Maine, sa pagkakataong ayusin ko ang sarili ko. Salamat sa pagmamahal Julia, gagawin ko ito, mabubuhay ako para sa yo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro