Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51 - Drama

Lumipas ang isang oras, lumabas ang Doctor ni Matt galing sa ER.  Napatayo ang magkakaibigan. 

Doctor:  Sino ang kamaganak ng pasyente?

Miggy:  Wala po, nasa America po ang mga magulang niya. Matagal na po siyang walang contact sa mga magulang nya. Kami na po ang pamilya nya.

Doctor:  Oh ok then, I am Dr.  Raul Gonzales the patients Attending Physician. 

Miggy:  Miguel Rodriguez po, this is Maine Mendoza. 

Doctor: Normal na ang mga vitals niya. Pero hindi pa siya nagigising.  Nacheck ko yung bote ng sleeping pills mukhang bago pa at  apat lang ang nabawas don.  He is lucky kung yun lang ang nainom niya.  It's not fatal and he is out of danger. We performed stomach lavage, it will make him  vomit the pill content at sinaksakan na din siya ng neutralizer. So, we will just have to observe and wait for him to wake up.

Maine:  Thank you po Doc.

Doctor:  Sino sa inyo ang pwedeng magfill out ng form? we will have to admit him for at least 3 days. So you need to choose a room  for him.

Miggy: ako po Doc, susunod na lang po ako.

Kinuha ni Maine ang wallet, iniabot kay Ciara.

Maine:  They might need deposit, Ciara sumama ka na kay Miggy.

Miggy:  May pera ako dito ako na.

Maine:  No I insist, ako na.  RJ will want to take care of everything so let me. Get him a private room. Isa lang pakiusap ko, ako na ang tatawag sa Icon at kung tatawagan nyo ang tropa. Please wag ng tawagan si RJ kasi magaalala pa yon.  Hintayin na lang natin na makabalik sya.

Sumangayon naman ang lahat.  Tinawagan ni Miggy si James.  Tumawag naman si Ciara kay Pauleen at Patricia para ipaalam ang nangyari. Tumawag si Maine kay Capt. Frank.

Maine:  Hi Capt. Frank inform ko lang po kayo, may sakit po si Matthew, something in his stomach, hindi pa po namin alam kung ano pero maco-confine po kasi siya.

Capt. Frank:  O sige, I will file a sick leave for him.  Itext mo sa akin kung saan hospital and room number para makadalaw kami ni Pia.

Maine:  Sige po.  Capt. kung pwede po sana atin-atin  na lang kasi hindi pa po alam ni RJ eh ayoko pong magalala sya. Europe flight po kasi siya bukas pa ng gabi ang balik niya.

Capt. Frank:  O sige, makakaasa ka.

Nakakuha na sila ng kwarto at sinabihan sila na doon na maghintay.  Nagpaalam si Maine na may bibilhin pero umuwi ito para kumuha ng gamit. Dalawang shorts at t-shirt ni RJ na iniwan sa Condo para ipagamit kay Matt. Pinagdala din niya ng t-shirt at leggings si Julia, face at bath towel pati na extra kumot at sabon. Kumuha ng iba pang kakailangan tulad ng baso, kutsara at tinidor, pinggan pati electric kettle. Dumaan sya para bumili ng instant coffee, biscuit, instant noodles. Pagkatapos ay bumalik na siya sa Ospital. Pagdating nya, may pagkain ng nabili si Miggy.

Maine: Ciara, iayos mo na nga dyan sa kabinet ang mga gamit na to. Julia, alam kung ayaw mong umuwi may dala akong damit at kung ano-ano pa para sa inyo ni Matt. May electric kettle dyan para hindi ka na lumabas kung gusto mo ng kape, may biscuit at noodles din. 

Miggy: Kumain ka na, nagising na si Matt, chinecheck lang nila uli kung normal ang vitals nya tapos dadalhin na siya dito.

Mayamaya pa kumatok ang nurse at binuksan ang pinto para makapasok ang stretcher na hinihigan ni Matt. Tumayo si Julia at nagsimula na namang umiyak. Binuhat ng mga nurse si Matt palipat sa kama nito at isinabit ang dextrose. 

Nurse:  Sino po ba ang magbabantay sa kanya?

Julia: Ako po.

Hinawakan ni Matt ang kamay ni Julia at tumulo ang luha nito sa pisngi. Hindi tumitingin si Julia.

Nurse:  Magsusuka po sya dahil sa Stomach lavage na ginawa sa kanya. Everytime po na susuka o iihi siya tawagin  niyo lang po ako, para macheck ko, we have to take note po kasi yung oras, ilang beses at pagitan ng pagsuka nya. Hindi pa po sya pwedeng tumayo dahil mahihilo po sya.  Kung nasusuka may basin po sa ilalim ng kama at may bedpan naman kung naiihi. Pwede po siyang pakainin ng small portions para hindi mabigla ang sikmura niya. Liquid at soft diet po muna siya.  

Julia: Ano pong pwede niyang kainin? Soup, Jello ganon po?

Nurse:  Opo, pwede yung tinapay pero small portions at at yung pinaka malambot, pwedeng mashed potatoe or cooked oatmeal. Tubig lang po ang pwede nyang inumin.

Julia:  Thank you po.

Nurse: Welcome po, may gamot pa din po syang iinumin in the next four hours, eto po yung reseta. Bukas po ng umaga around 8am po magra-rounds si Doctor Gonzales.

Tumayo si Miggy at kinuha ang reseta. Nagpaalam na ang Nurse at lumabas ng kwarto. Lumapit si Miggy kay Matt tinapik ito at pinisil ito sa balikat. Umupo naman si Julia sa upuan sa tabi ng kama. Lumapit sa gilid ng kama si Ciara. Tumayo si Maine, kinuha ang bag at susi kay Ciara.

Miggy: Bababa muna ako para bilhin ang gamot.

Maine:  Sasabay na ako sa yo Miggy.  Bahala na kayo dito. 

At lumabas na ng kwarto.

Miggy:  Paspasensyahan mo na, sya ang nakakita sayo, hindi mo siya masisisi.

Matt:  Naiintindihan ko. 

Lumabas na ng kwarto si Miggy, nasa labas lang ng pinto si Maine.

Maine: Miguel, pakicontact mo lahat ng tropa pati si Capt. Frank at Ms. Pia. Magkita tayong lahat dito bukas ng after lunch gusto ko kayong makausap.

Miggy:  Sige

Hinatid ni Miggy si Maine sa kotse nito at hinintay na makaalis bago ito tumawid papunta sa drugstore na nasa tapat ng Ospital.

Patulog na si Maine ng magring ang celphone niya. Tinignan nya kung sino, Si RJ. Sinagot nya ang tawag nito.

Maine: Hi, Luv! Kamusta byahe.

RJ:  hello there! Ok naman, magaling na Piloto ang Luv mo kaya laging smooth ang take of and landing. Bakit ngayon lang kita nacontact, out of reach ang phone mo.

Maine: Sorry, Luv, nakatulog ako nadrain yung battery ko as usual naiwang bukas ang music player.

RJ:  Ok, lang.  Nagtaka lang naman ako tyaka miss na miss na kita eh.

Maine:  Hala siya, wala ka pa ngang 24 hours dyan eh.

RJ: yung ilang seconds nga nawala ka sa tabi ko namimiss kita eh.

Maine:  Ang sweet mo,luv nilalanggam ako.

Nagtawanan ang dalawa. Trenta minutos din na nagusap ang dalawa hanggang magpaalam na si RJ 

RJ:  Luv, matulog ka na alam kong late na dyan at may meeting pa ako kay Capt. Benitez.

Maine: Ok sige, wag magpapakapagod at magpapagutom ha.  Ingat sa flight. Luv, uwi ka na agad ha, miss na din kita.

RJ:  Yun naman ang hinihintay ko! Buo na araw ko miss mo ako eh.  Ikaw din magiingat ka sa flights mo at ikamusta mo ako sa tropa.  See you tomorrow. I love you so much Maine.

Maine: Yan tayo eh ang galing mambola bat hindi ka na lang naging  NBA player? Sige, sabihin ko sa kanila.  I love you too.

Naisip ni Maine, "hay naku Luv, kung alam mo lang. Mabuti na din wala siya mas madali kong magagawa binabalak ko."

Kinabukasan mga ala una hapon, maayos na ang pakiramdam ni Matt, hindi na ito bangag sa sleeping pills at  kahit papano ay nakakaupo na ito sa kama. Kasama nya sa kwarto si Julia, nakaupo ito sa tabi niya sa kama. Si Miggy at Ciara, magkatabi sa couch na nanonood na movie sa laptop ni Ciara. Dumating na magkasabay si James at Patricia, may dalang prutas, nagkumustahan at nagkwentuhan ang mga ito.  Makalipas ang trenta minutos dumating naman si Capt. Frank at Ms. Pia at Pauleen. May dala naman na bulaklak at kung ano anong pagkain.  Nang makahanap ng upuan ang lahat tsaka ikinuwento ni Ciara kung anong ginawa ni Matt ang nangyari dito. Pinagalitan si Matt ni Ms. Pia at Capt. Frank.

Ms. Pia: Nasaan nga pala si Maine?

Matt:  Baka po hindi pumunta yon, inabutan ko siya dito pero hindi po nya ako kinausap, galit po eh.

Capt. Frank: Hindi mo masisisi yung tao, sino bang hindi magagalit sa ginawa mo, mabuti wala si RJ naku kung nandito yon baka nakaligtas ka sa sleeping pills eh sa galit ni RJ hindi ka makakaligtas. 

Biglang bumukas ang pinto. Humahangos na pumasok si Maine. Galit ang mukha nito.  Isinara at inilock ang pinto.  Dere-deretsong tumayo sa tabi ng kama ni Matt. 

Maine: Julia umalis ka muna dyan (umalis naman ito sa tabi ni Matt.)  Ano, buhay ka pa? Nanghihinayang ka ba na buhay ka pa?

Matt:  Maine... please pakinggan mo ako.

Maine:  Hindi, ngayon  ikaw ang makikinig sa akin. Gusto mo talagang magpakamatay ha?  Kung magpapakamatay ito ang gamitin  mo!  (Inilabas nito ang baril at itinutok sa sintido ni Matt)

Miggy: Maine ano ba! (Lalapit sana si Miggy)

Maine: Sige, Miguel gumalaw ka ipuputok ko to. Kahit sino sa inyo kapag gumalaw ipuputok ko to. 

Natahimik ang lahat, kilala na nila ang kaibigan at nakita na nilang naging ganito ito kaya nanahimik na lang sila.

Capt. Frank: Maine, please ibaba mo yan.

Maine: Hindi Capt. Frank. Maupo kayong lahat at makinig kayo sa akin para hindi tayo magkaproblema. 

Miggy:  Sige na sundin nyo sya baka makalabit nya ang gatillo. (naupo silang lahat).

Maine:  Ano, Montecillo? Gusto mo nang mamatay di ba, yun ang gusto mong gawin. Kayo, akala ko ba mahina itong si Matt eh ang lakas nga ng loob magpakamatay eh... Ano Montecillo,  sabihin mo lang tutulungan kita, Instant to! Isang kalabit ko lang tapos ang lahat ng problema mo. 

Matt:  Hindi Maine, ayoko! ayoko!

Maine:  Ang problema sa yo, wala kang iniisip kung hindi sarili mo lang, yung nararamdaman mo lang. Hindi mo naiisip may mga taong nagpapahalaga sa yo, nagmamahal sa yo. Sampung taon na ang nakalipas pero nabubuhay ka parin don sa araw na iniwan ka ng magulang mo. Kaya pakiramdam mo nagiisa ka, miserable ang buhay mo kaya pati mga taong nagmamahal sa yo gusto mo miserable din!  Hindi mo nakikita ang mga taong nakapaligid sa yo. Napakaselfish mo, puro ikaw, puro sarili mo!  (Umiiyak na si Matt, at lahat ng kaibigan nila naluha na). Kahit minsan ba naisip mo na nasasaktan si James kaya ipinagtatangol ka niya dahil tinatawag ka nilang lousy drunk? Naisip mo ba na nakokompromiso sa opisina si Capt. Frank kapag pinagtatakpan nya ang pag-aabsent mo? Naisip mo ba kahit minsan na baka napapagod na si Miggy sa kakasundo sa yo kapag lasing na lasing ka? At naisip mo din ba na napapagod si RJ sa kakasalo sa mga flights mo? Nakikita mo ba kung papano ka tignan ng may pagmamahal ni Julia?  Hindi!  Dahil yang putanginang sarili mo lang ang nakikita mo!  (Idiniin ni Maine ang baril sa sintido ni Matt) For God's sake Montecillo, gumising ka nga! 

Matt:  Maine, hindi ko alam na ...

Maine:  Hindi mo alam dahil walang naglakas ng loob na magsabi sayo. (Gumaralgal ang boses ni Maine pero hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa ulo ni Matt.)  Hindi sila nagrereklamo, palagi nilang iniisip hindi mo kakayanin! baka kung ano ang gawin mo?  Pero kahit anong tulong nila sa yo, ganyan ka pa din, nabubuhay sa nakaraan kaya eto ka ngayon suicidal na! (Umiiyak na si Maine) Parang awa mo na Montecillo, kung hindi mo na kayang mabuhay para sa sarili mo, mabuhay ka para sa iba.  Dahil kung sa yo walang halaga ang buhay mo sa amin  mahalaga ka. Mabuhay ka para sa mga taong umiintindi, nagmamahal at nagpapahalaga sa yo.  Everytime na dadaanin mo sa inom, pagwawala yang mga hinaing mo sa buhay, nakikita mo man lang ba kung paano natataranta ang mga taong to sa pagaasikaso sa yo. Alam mo bang maraming beses na silang napaaway, nasaktan at munting masaksak o mapahamak dahil sa yo?  

Matt:  Hindi ko alam yun Maine...

Maine:  HINDI! talagang hindi, dahil lagi kang lasing! Lagi kang wala sa huwisyo! (humahagulgol na si Maine) Kahit buhay ni RJ ibibigay nya sa yo, wag ka lang mawala sa kanya pero ikaw mas inisip mo pang tapusin ang buhay mo dahil lang nasasaktan ka. Hindi mo naiisip eh sila, si RJ paano sila kung mawawala ka. Gago ka eh!  Hindi mo alam na pamilya na ang turing nila sa yo! Hindi mo inisip na masasaktan sila. Hanggang ngayon magisa pa rin ang pakiramdam mo pero sa totoo lang pag lumilingon ka lagi ka namang may kasama, kung tinitignan mo lang sana sila. Pero hindi!  Hanggang kaylan  ka magiging ganyan Matt, hindi pa ba sapat ang sampung taon na nabuhay ka sa nakaraan mo. Akala mo ba kapag nagstay ka dyan, babalikan ka pa nila? Hindi na!  At lalong hindi na talaga dahil sino ang magtyatyaga sa yo, sa isang mahinang katulad mo. You just have the looks of a man Montecillo but you have no balls at all!!!

Matt: Sorry... sorry talaga... 

Maine:  Kung sila hindi napapagod, ako Matt pagod na pagod na.  Alam ko ang nararamdaman mo because I have been there before, I was one selfish person, nasaktan  ako kaya lahat ng tao sa paligid ko dinamay ko nung hindi ko na kaya lumayas ako. Pero eto na ako ngayon, nakaya ko Matt kaya alam kong kaya mo dahil kinaya ko. Sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin, sa tulong ninyo kinaya ko. Kaya parang awa mo na Matt tulungan mo ang sarili mo. 

Bumuhos na ang emosyon ni Maine, kinuha ni Miggy ang pagkakataong yon para lapitan si Maine. Niyakap niya ito ng isang braso at ihinawak ang kabilang kamay sa kamay ni Maine na may hawak ng baril. Dahan-dahang ibinaba niya ito.

Miggy:  Tama na Dei, tama na. 

Hilam sa luha ang mata ni Miggy, hinaplos nito ang likod ni Maine at pinapakalma ito. Lumapit si Capt. Frank at kinuha ang baril.  Walang tigil ang pagtulo ng luha sa pisngi ni Matt. Ngayon lang may nagpamukha sa kanya ng mga ginawa nya, tagos sa puso ang lahat ng sinabi ni Maine. Iginala ni Matt sa paligid ang mata nya, lalo syang naiyak at tuluyan ng napahagulgol ng makita ang luhaang mata ng bawat isa sa mga kaibigan niya. Hinawakan ni Matt ang nanginginig na kamay ni Maine.

Matt: Sorry... sorry sa inyong lahat... sana mapatawad ninyo ako.

Hinila niya si Maine, palapit sa kanya at niyakap ang kaibigan. Napaupo ito sa kama at yumakap din kay Matt. Sabay na humagulgol ang dalawa.

Matt:  Sorry... sorry  talaga.  Sana mapatawad nyo ako.

Maine:  Gago ka! Tarantado ka! Mauuna pa akong mamatay sa pagaalala at takot na mawawala ka. Matt please tulungan mo ang sarili mo. Nandito lang kami oh, tutulungan ka namin. Hindi ka namin iiwan.

Matt:  Susubukan ko, para sa inyo gagawin ko. Salamat Maine.

Lumapit ang lahat sa kama ni Matt.

Capt. Frank:  Tama si Maine, tulungan mo ang sarili mo Matt.  Ang dami mong kakampi laban sa buhay oh. 

Ms. Pia:  Tama din si Maine na dapat hindi natin tinotolerate ang mali ng isa. Pag mali, mali dapat sabihin at pagsabihan para naaayos.

Ciara:  Siguro dapat naniniwala tayo sa kakayahan ng bawat isa, tinignan natin si Matt na mahina siya kaya lalo syang naging mahina dapat iencourage natin sya para may paghuhugutan siya ng lakas na loob na lumaban sa buhay.

James:  At dapat alam nyo ang papangit nating umiyak kaya tama na please. 

Nagkatawanan ang lahat. Nagpahid ng mga luha at isa-isang lumapit kay Matt para yakapin ito na parang sinasabing "we got your back Matt!"

Patricia:  Group Hug!!! 





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro