Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50 - Crisis

Dumaan ang ilang buwan.  Regular na sila Maine, Ciara, Pauleen, Patricia at Julia sa trabaho nila bilang FA sa Icon. Nakilala na sa Icon ang grupo nila, dahil close kay Ms. Pia, madalas na kasama sila sa mga organizer ng activities. At lalong kilala sila dahil ka close nila ang pinaka mga gwapo na Piloto sa Icon. Si Patricia kinilala bilang Ms. Icon Airways. Maine  was awarded Icon Achiever on last years Year-ender Awards at kinikilala bilang FA of the month for 3 consecutive months now.

May mga nagretire na Chief Commercial Senior Pilots ang Icon, kaya alam nilang may mga promotions na magaganap kaya Si Miggy at James, naghahanda para sa interview at examination para sa application nila para maging Captain.  Si Matt kinukumpleto ang 600 hrs nya para makaapply as a Flight Captain at si RJ kinukumpleto ang 100 flight hours including a minimum of 30 flight hours per new aircraft utilizing the CAX airline based schedules & the ARC07 at may Ground Schooling pa din siya for Senior Captain.  Kaya busy talaga silang lahat. Pero kahit gaano ka busy, humahanap ng paraan si RJ at Maine para magkaron ng  oras na magkasama. In between flights, maagang dumadating si RJ para hintayin si  Maine at kapag si RJ naman ang may flight si Maine naman ang naghihintay sa kanya bago ito umalis. Kaya normal na tanawin na sa Pilot/FA lounge na magkasama ang dalawa.  Kumakain, nagbabasa o kaya nagkukwentuhan lang.  Katulad ng araw na yon. RJ has a flight in two hours si Maine kababalik lang so they are just there, naghihintay ng oras.

Nakaupo si Maine at RJ magkahawak kamay ito pero parehong nagbabasa.  Dumating si Julia...

Julia: Hi guys...

Napatingin si Maine at RJ at sabay na bumati... Hi!

Julia:  Ahm RJ, nagkita na kayo ni Matt or nagtext ba siya sa yo?

RJ:  Hindi pa, bakit?

Julia:  Nagaway kami kagabi eh

Maine:  huh! Bakit?

Julia:  Magkasama kami sa isang gig kagabi, we were having fun tapos the band who are playing kilala ko, yung vocalist dedicated a love song, syempre kumaway at nagsmile ako to say thanks.  Ayun, yung gagong kaibigan nyo nagwalk out, hinabol ko, tried explaining.  Wala na galit na at iniwan ako.

RJ:  Julia tapatin mo nga kame... kayo na ba?

Julia: Hindi pa... though can't really blame him if he's kinda jealous kasi nga we seem to go out almost everyday, hinahatid pa nya ako pauwi and he doesn't really drink pag magkasama kami kasi nga ihahatid pa daw nya ako. 

Maine:  So, MU?

Julia: Mutual Understanding? Siguro pero we never really talk about it.

Maine: Hindi, MU as in Malabong Usapan.

Julia:  Nagwo-worry lang ako.  Yung mga sinabi nya sa akin kagabi feels like he's really mad and nagse-self pity.

Kinuha ni RJ ang celphone, tinawagan si Matthew. Sumagot naman ito.

RJ: Hi bro! San ka?

Matthew:  Home.

RJ:  May flight ka? 

Matthew:  later at night.

RJ:  Ok ka lang?

Matthew:  Yah, ok lang. lagi naman bro.

RJ:  Nakita ko si Julia kanina eh, kumusta kayo?

Matthew: Kami? I don't think she knows that there's us.

RJ:  Nagaway kayo? Call her baka naman misunderstanding lang.

Matthew: Bro, no worries sana'y naman na ako ng naiiwan. I already perfected the art of moving on. Sige na RJ magpapahinga na ako. See you later.

Napatingin si RJ kay Julia.

Julia: Anong sabi?

RJ: Hindi mo nga daw ata alam na there is you and him.  Sana'y na daw  syang iniiwan and he perfected the art of moving on by now.  Julia, I think you have to go see him.

Julia:  RJ naman, you know how hard headed Matt is.  Hindi ko talaga alam how I will convince him.

Maine:  Julia question, how much do you like Matt?

Hindi umimik si Julia, tumingin lang kay Maine tapos kay RJ. Naintindihan naman ni RJ na nahihiya itong sagutin si Maine dahil  nandon siya.  Tumayo ito.

RJ:  Luv, bibili na ako ng coffee natin, Julia what do you like?

Julia:  No, thank you kakatapos ko lang.

Pag alis ni RJ, umupo si Julia sa tabi ni Maine.

Maine:  So, ano na?

Julia:  Sis, I think I've fallen for him, tapos yung nangyari kagabi kahit na galit na galit siya, kinikilig ako knowing na parang nagseselos sya.  Kaya lang hindi naman ako sigurado kung puso ba niya o ego lang nya yung nasaktan kagabi eh.

Maine:  Would you rather wonder than exactly know? Wala namang masamang umamin na may nararamdaman ka or kahit tanungin siya kung bakit sya nagseselos? Just talk to him, kung hindi mo sya maconvince at least ikaw you did your part. Julia, walang hindi nadadaan sa maayos na usapan.  Kung ako sa yo puntahan mo sya when you get the chance wag mo ng ipagpabukas pa yan.

Julia:  Sige girl susubukan ko. Thanks ha!

Maine:  No, problem.  If there is anything I have learned about relationship is that to think what good it can bring than the bad. Positive thinking and believe in the power of a loving heart.

Niyakap ni Julia si Maine at nagpaalam na ito.  Nakasalubong niya si RJ paglabas nya ni Lounge.

RJ:  So?  What happened?

Maine:  Positive Luv, in love ang friend natin.  Sana nga lang, puso ni Matt ang nagseselos hindi ang ego nito.  I've convinced her to tell Matt how she feels. So, we'll just have to wait and see.

RJ:  Hmmm, mukhang nagpe-play cupid na naman ang mahal ko ah.  You succeeded on Miggy and Ciara, pag nagsucceed ka with Matt and Julia, sobrang bilib na ako sa yo Luv.

Maine:  Ganon talaga Luv,  hindi pwedeng tayo lang ang masaya dapat sila din. Since, it seems that love is in the air and its only few more dates na mapasagot ni James si Pat.  Simulan na natin si Matt at Julia. I want Matt happy dahil kaibigan ko sya at alam kong magiging masaya ka kapag naging masaya siya.

Niyakap ni RJ si Maine at hinalikan sa buhok nito. Napatingin si RJ sa wall clock.

RJ:  Naku Luv, time to board na pala.

Maine:  Oo nga, o sige na. have a safe flght Luv.

Hinalikan ni RJ si Maine sa labi at niyakap.

RJ:  I will, ingat ka  pagdrive pauwi ha, text me when you get home. I love you.

Maine:  I love you more.

Alas sinko ng hapon nasa condo na si Maine, at nagpapahinga ng tumawag si Julia. Na-excite si Maine. Sinagot ang kaibigan.

Maine:  Hello, Julia ano kamusta? Good news ba?

Julia:  Maine, nasan ka? Pwede ka bang pumunta dito sa Condo ni Matt?

Maine:  Bakit? 

Julia:  Isang oras na akong kumakatok, tumatawag hindi siya sumasagot. Nagpunta ako sa garahe nandon yung kotse nya. Nagcheck na din ako sa Lobby ang sabi simula kaninang umaga na manggaling ito sa grocery hindi na ito lumabas pa ng condo. Ang sabi pa nung guard puro gamot daw ang dala nito kaya ang alam nila may sakit.

Kinabahan si Maine pero hindi nagpahalata sa kaibigan. 

Maine: Ok, papunta na ako ngayon, katukin mo ng katukin, wag kang aalis dyan.

Binaba ni Maine ang celphone, tumakbo sa kwarto para kuhanin ang bag niya at susi ng kotse. Nilock ang pinto at tumakbo papunta sa parking area. Pagkasakay ng kotse, tinawagan si Miggy.  Sinabi ang nangyari at pinapunta sa Condo ni Matt. Ang lakas ng kaba ng dibdib ni Maine, umuusal ito ng dasal habang nagmamaneho. "Diyos ko parang awa niyo po iligtas nyo si Matt.  Nakarating ito sa Condo ni Matt after 15 minutes.  Dumeretso ito sa Lobby kinausap ang gwardya, may niradyo lang ang gwardya, bitbit ang duplicate key na sumama ito kay Maine. Dinatnan nila si Julia na umiiyak na.

Maine:  Calm down Julia, baka naman wala talaga dyan.

Pagbukas nila ng kwarto nakita nila si Matt, nakahandusay sa sahig, may suka sa sahig.  Sumigaw si Julia, napaluhod at natulala, paulit ulit na binabanggit ang pangalan ni Matt. Lumuhod si Maine, pinulsuhan si Matt, meron.  Idinikit ang tenga sa dibdib nito humihinga pero masyadong mabagal. Narinig ni Maine na rumaradyo na ng tulong ang gwardya.  Sinubukan ipump ni Maine ang dibdib nito habang tumutulo ang luha. Isa, dalawa, tatlo... pinakinggan ang paghinga ni Matt, ganon pa din. Sinubukan niya ulit... Isa, dalawa, tatlo... pareho pa rin. Natataranta na si Maine, bumilis ang pag pump ni Maine.

Maine: Matthew please gumising ka. Please God, please help him.

Iginala ni Maine ang paningin, may tatlong bote ng gamot sa ibabaw ng bedside table, kinuha ni Maine ang mga ito at inilagay sa bag.  

Biglang dumating si Miggy at Ciara. Tumingin si Maine sa kanila.

Maine:  I think its sleeping pills overdose. He has pulse and a very slow heartbeat. Kailangan natin siyang dalhin sa hospital.

Dali-daling binuhat ni Miggy si Matt, nauuna si Ciara papunta sa elevator para buksan ito. Hinila ni Maine si Julia palabas ng condo pero hindi ito tuminag. Sinampal ni Maine si Julia, bigla itong natauhan at pumalahaw ng iyak. Niyakap ito ng kaibigan.

Maine:  Julia, you have to be brave kung hindi mawawala sa atin  si Matthew. Halika na!

Tumakbo silang dalawa papuntang elevator deretso sa  basement kung saan nakapark ang kotse.  Kinuha ni Ciara ang susi kay Maine. 

Ciara: You go with Miggy ako ng bahala kay Julia, susunod kami sa inyo.

Maine: Ok, Cia, do not call or text RJ, nasa flight siya.

Tumango si Ciara at nilapitan na si Julia. Tumakbo si Maine papunta sa kotse ni Miggy.  Umupo ito sa likuran at inilagay ang ulo ni Matt sa kandungan niya.  Hinawakan ang pulso at ang dibdib nito. Nagmamadali si Miggy na sumakay ng maisakay na si Matt. Mabilis na pinaharurot nito ang kotse.  Nilingon ni Maine sila Ciara, nakita naman nyang nakasunod mga ito sakay ng kotse nya. Mabilis ang pagmamaneho ni Miggy palabas ng parking area papunta sa pinaka malapit na hospital. Hindi pa nakakahinto ang kotse sa harap ng hospital humihiyaw na si Maine ng tulong kaya paghinto ng kotse may stretcher na nagaabang sa pinto ng ER. Isinakay si Matt sa stretcher, mabilis na itinulak ito papuntang ER, nakakapit sa stretcher is Maine.  Lakad takbo ang mga nurse at doctor pati si Maine papuntang ER.

Maine: Matthew  Montecillo ang pangalan niya, 25 years old. Nakita lang namin sya nakahandusay sa condo unit niya.  I think its drug overdose, inabot ni Maine sa doctor ang mga bote ng gamot na nakuha niya. Kaibigan niya po ako, please Doc iligtas nyo ang kaibigan namin. Please...

Bumukas ang pinto ng ER... bago pumasok ang Doctor, hinawakan nito ang kamay ni Maine

Doctor:  Gagawin naman ang lahat ng makakaya namin para mailigtas siya.

Tumulo ang luha niya. Nasa likod na niya si Miggy, inakbayan siya nito. Tuluyan na siyang umiyak sa dibdib nito.

Miggy:  Calm down Dei, you have to calm down baka ikaw naman ang maghyperventillate.

Pinaupo siya ni Miggy sa waiting area ng ER, dumating sila Ciara at Julia.

Julia: asan si Matt? 

Miggy:  Nasa loob, don't worry they are taking care of him. 

Pinaupo ni Ciara si Julia sa tabi ni Maine. Humihikbi si Maine. Umalis si Miggy, pagbalik nito may dala na itong tubig. Inabot kay Maine, Julia at Ciara.  Habang tumutulo ang luha ni Maine, punong puno ng pagaalala ang isip at puso nya.  Hindi lang  para kay Matt kung di pati kay Julia, ngayon lang nya nakita si Julia ng ganon kahina at lalong lalo na pinaka nagaalala siya kay RJ. Alam nya kung ganon kahalaga si Matt sa kasintahan, hindi kakayanin ni RJ kapag may nangyaring masama kay Matt.  Napausal na lang ng dasal si Maine. "Panginoon ko, Diyos ko, tulungan nyo po si Matt.  Iligtas nyo po sya. Tulungan nyo po kami."




















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro