Chapter 46 - Shower (slightly for ADULTS ONLY)
Bandang alas singko ng hapon gumagayak ng aalis si RJ at Maine pabalik ng Maynila.
RJ: Dad, pasensya na kayo hindi kami pwedeng magstay dito may flight ako ng 4:10 ng umaga eh.
Daddy Richard: Naiintidihan ko anak, mabuti nga at kahit papano ay nadalaw kayo. O sige na bago pa kayo abutin ng malakas na ulan. May padating daw na bagyo eh.
Lumapit si RJ sa ama at yumakap ito, ganon din si Maine at nagmano pa.
Maine: Tito, tutuloy na po kami. Dadalaw na lang po kami ulit kapag may pagkakataon. Salamat po!
Daddy Richard: O sige Hija! Magiingat kayo.
Sumakay na sila sa kotse at bumiyahe na pabalik ng Maynila. Makalipas ang trenta minutos nagsimulang bumagsak ang malakas na ulan at pagpasok nila ng SLEX bumagal ang usad ng mga sasakyan. Nasa kalagitnaan sila ng trapik sa SLEX ng biglang...
Maine: Nasusuka ata ako Luv, may candy ka?
RJ: Meron dyan sa compartment sa harap mo.
Kumuha si Maine ng Candy, pagkasubo nito, sumandal at ipinikit ang mata.
RJ: Nasobrahan ka yata sa kain Luv eh.
Maine: Hindi naman madami yung kinain ko eh.
Makalipas ang 15 minutes hindi na napigilan ni Maine ang masuka. Nakahinto ang sasakyan dahil sa trapik kayat binuksan nito ang pinto at inilabas ang kalahati ng katawan kahit na bumubuhos ang ulan at sumuka. Walang nagawa si RJ kundi ang himasin ang likod nito.
Maine: Luv, ano bang meron yung paella, yun ata hindi ko matunaw eh
RJ: Seafood paella yun, so may tahong, baka yun, baka hindi maganda yung tahong na nabili ni Manang.
Magtatatlong oras na sila sa byahe ng makarating sila sa Alabang at medyo lumuwag ang daloy ng mga sasakyan. Tatlong oras na ding bumubuhos ang malakas na ulan at lumalakas na ang hangin. At tatlong beses na ding sumuka si Maine. Kaya basang-basa na din ang kalahati ng katawan nito. Inilipat ni RJ ang radyo sa news station. Ang sabi sa balita dumating na ang bagyong Rigor, matrapik na sa halos lahat ng lugar sa maynila ang kahabaan ng SLEX patungong Makati at Maynila ay usad pagong na simula sa paglagpas ng toll gate sa Nichols. Napailing na lang si RJ.
RJ: Luv anong pakiramdam mo?
Maine: Mas ok na at parang naisuka ko na lahat, kaya lang nanlalambot na ako.
RJ: Medyo maluwag naman na trapik Luv eh, mageexit na tayo ng Sucat at nasa Paranaque na tayo.
Pag exit ng tollgate ng Sucat, kumaliwa si RJ nagulat sya na sa mismong side ng street going to Paranaque may mga sasakyan na umikot na and it looks like a terrible traffic.
RJ: Shit!
Maine: Oh bakit?
RJ: Mukhang may problema din dito eh tignan mo umiikot yung mga sasakyan. Teka ipark ko muna dito sa malapit sa trapik aid, magtatanong lang ako.
Paghinto sa gilid ng kalsada. Bumaba si RJ at sinugod ang ulan kinausap nito yung Traffic Enforcer na nagpapaliko sa mga sasakyan. Ilang sandali pa ay bumalik na ito at sumakay sa kotse ng basangbasa.
RJ: Luv, hindi daw nakakadaan ang mga kotse, limang oras na daw umuulan dito at hanggang dibdib na tubig sa Fourth Estate. Kaya ang dami ng na-stranded at yung mga kotse umiikot na.
Maine: Anong gagawin natin? Hindi naman tayo pwedeng pumasok ulit ng SLEX di ba sabi sa news kanina trapik na daw.
RJ: Wala naman tayong ibang pwedeng daanan Luv eh kundi dito sa paranaque or SLEX to Manila but both would mean getting stuck.
Maine: Luv, nilalamig na ako, nanlalambot na ako and I'm really tired of sitting here. May kalyo na ata tong butt ko eh.
RJ: I'm sorry Luv, actually ako din hindi ko tatagalan tong basang damit ko and my back hurts too. I think kailangan nating humanap ng lugar where we can rest at palipasin itong trapik at ulan na to.
Maine: Eh do you know anybody who lives around here or any place near na we could spend the night?
RJ: wala akong kakilala near here pero I know there are hotels in Alabang, we can go back using the service road, sana lang hindi matrapik.
Maine: Sige na Luv, let's go.
Bumaba ulit si RJ at kinausap yung enforcer para i-assist sila para makaikot. Bumalik ito sa sasakyan at umikot na sila going to the service road to Alabang. Medyo matrapik din pero gumagalaw naman. Naalala pa ni RJ ang daan papunta sa Bellevue, kinuha nya ang wallet at tinignan kung nandon ang credit card niya at kung magkano pa ang pera nya. Nakita ito ni Maine.
Maine: I have cash with me, kung kailangan mo just let me know.
Napangiti si RJ at hinaplos ang pisngi ni Maine. That's one thing he loves about her she's observant and never a pay loader, she always offer to pay her share kapag alam nitong nasa isang mamahaling lugar sila. Kahit alam nyang tatanggihan din naman, she always try.
RJ: Don't worry Luv, makapal pa naman laman ng wallet ko eh. Kapag naubos, yung pera mo naman ang uubusin natin.
Ngumiti lang si Maine. After 45 minutes narating din nila ang Bellevue. Nagulat si Maine ...
Maine: Luv, dito tayo nagpunta nila James di ba?
RJ: Oo, at eto lang ang alam kong hotel dito eh.
Nagpark si RJ sa harap ng hotel. Kinuha ang blue na poloshirt na nakasabit sa likod ng kotse. Pinagbuksan naman si Maine ng Staff ng Hotel at bumati ito ng Good Evening. Lumapit si RJ kay Maine.
RJ: Luv, ok ka lang ba? O nanlalambot ka pa rin?
Maine: Nanlalambot pa rin pero makakalakad naman ako.
Inalalayan ni RJ si Maine para maupo sa isang couch sa lobby ng hotel. Lumapit si RJ sa Counter para magcheck-in. Ibinigay ang credit card at ID nya. Maya-maya pa pinapirma na siya ang ibinalik ang Card at ID nya, iniabot ang keycard at ipinahatid na sila sa roomboy. Inalalayan ni RJ ulit si Maine. Pagsakay ng elevator kinausap ni RJ ang roomboy.
RJ: May malapit bang convenient store at drugstore dito?
Roomboy: Meron naman po sir.
RJ: Pwede mo kaya kaming ibili ng ilang bagay na kailangan namin, hindi ko lang kasi pwedeng iwanang magisa itong girlfriend ko sa kwarto at sumasakit ang sikmura niya eh.
Roomboy: Oo naman Sir, walang problema don. Ano po bang kailangan nyo?
Maine: Yung gatorade na blue, yung malaki dalawa at tsaka isang pack ng yakult.
Roomboy: Sige po, ihahatid ko lang po kayo sa kwarto ninyo at ibibili ko na ho kayo.
Tinapik ni RJ sa balikat ang roomboy at nagpasalamat dito.
Pagpasok nila sa kwarto, dumeretso si Maine sa coffee table at naginit ng tubig. Si RJ naman tumawag sa house keeping at nagtanong tungkol sa laundry service ng hotel.
RJ: Luv, pwede nating ipalaundry ang damit natin and they will bring it back after 3 hours. Punasan mo nga muna yang buhok mo.
Iniabot ni RJ ang isang towel kay Maine at nagpunas na din ito ng buhok niya.
RJ: luv alisin ko yung shirt ko ha, giniginaw na ako eh.
Maine: Oo sige, you better take a shower, naulanan ka eh baka magkasakit ka nyan.
RJ: Ikaw din, mauna ka na kaya.
Maine: Hihigop lang muna ako ng warm water para mainitan sikmura ko. Gusto mo ng coffee?
RJ: Yes please.
Mayamaya pa ay bumalik na ang roomboy na napagutusan nila, binigyan ni RJ ng tip ang lalaki at nagpasalamat ito at umalis. Sinara ni RJ ang pinto.
RJ: Luv oh eto na yung gatorade at yakult. Bakit nga pala yung blue na gatorade?
Maine: Naaalala ko sabi ng doctor ko noon yan daw ang malakas makapag pabalik ng water sa katawan, para hindi madehydrate.
Kinuha ni Maine ang isang bote at ininom ang kalahati nito. Ininom naman ni RJ ang kape na itimpla ni Maine.
Maine: Magshower muna ako Luv, you wanna join?
Nasamid si RJ sa narinig. Natawa naman si Maine.
RJ: Ikaw Mendoza, inuumpisahan mo naman ako ha. Let me remind you na boyfriend mo ako, pwedeng pwede kong i-call yang pang ba-bluff mo.
Maine: Bakit palagay mo ba kung hindi kita boyfriend, yayayain kita magshower?
RJ: Never ko pa na-experience showering with a girl, pag hindi ka tumigil papasukin kita dyan sa banyo.
Maine: Well if you want to experience it, you are welcome to join. Magshower lang naman, andumi kasi ng isip mo eh.
Iniwan na bukas ang pinto naghubad ng blouse at jeans at isinabit ito. Pumasok sa shower area, binuksan ang shower. Napalingon si RJ sa banyo, naririnig nya ang tubig mula sa shower. Nagiisip si RJ, "tignan mo hindi talaga isinara ang pinto, sinusubukan lang kaya ako ni Maine?"
RJ: Sigurado ka ba na I can join you, it is worth the experience anyway.
Maine: ay ang kulit mo Faulkerson! Alam mo ba I am one of the few people na naniniwala that nothing will happen to me unless I let it happen to me. Kaya kahit pa sabayan mo akong maligo you cannot do anything else unless I permit you to.
Hinubad ni RJ ang pantalon naka boxers ito, isinabit sa tabi ng damit ni Maine, hindi nya nakita don ang underwear ng dalaga kaya alam nyang naligo ito ng nakaunderwear. "matalino talaga itong girlfriend ko" nangingiting inisip ni RJ
Medyo nagulat si Maine ng bumukas ang pinto ng shower area pero hindi ito nagpahalata. Nakatingin sa mukha niya si RJ. Pumasok ito at tumayo sa harap ni Maine sa ilalim ng shower.
RJ: wow rainshower naman pala eh and the water feels good.
Nang pareho na silang basang basa pinatay ni Maine ang shower at naglagay ng shampoo sa kamay
Maine: Close mo yung eyes mo shampoohin ko yung hair mo.
RJ: Masarap naman palang may kasamang magshower eh may taga shampoo pa.
Maine: Oh ayan tapos na banlawan mo na magsha-shampoo lang ako.
Matapos kuskusin ang buhok lumapit si Maine sa shower dahil nakapikit ito nabunggo nya si RJ, hinawakan ni RJ sa magkabilang bewang ang dalaga.
Maine: Sorry
RJ: akina ako magbabanlaw sa buhok mo.
Matapos magbanlaw ng buhok si Maine, inabot nya ang sabon at inilagay sa dibdib ni RJ. Kinuha naman ni RJ. Nagpalit sila ng pwesto, nagsabon ng katawan si RJ habang nasa ilalim ng shower si Maine. Napalunok si RJ ng makita ang kabuoan ng katawan ni Maine. Naka black na bra at black boyleg panty ito. The boyleg panty does something to him, it really looked sexy on her. Tumalikod siya para kalmahin ang sarili. Akala naman ni Maine nagpapasabon ito ng likod, inilagay niya ang dalawang kamay sa likod ng kasintahan.
Maine: Luv akina yung sabon.
Inabot naman ni RJ ng hindi humaharap. Naramdaman ni RJ ang sabon at kamay ni Maine sa likod niya at bawat haplos nito sa likod niya may kung anong init ang hatid ng palad ng dalaga. Ang hindi alam ni RJ, kanina pa nanunuyo ang lalamunan ng dalaga lalo na ng haplusin nito ang biceps ni RJ. Wala itong nagawa kung hindi lumunok ng laway. Nakatapat naman siya sa ilalim ng shower ang dumadaloy ang tubig sa katawan nya pero parang lalo syang naiinitan. Napansin ni Maine na parang hindi na kumilos ang binata. Nawala sa loob nito na naiyakap ang dalawang braso mula sa likuran papunta sa tyan ni RJ.
Maine: Luv okay ka lang?
Naramdaman ni RJ ang mainit na dibdib ng kasintahan sa likod nya. Napalunok na lang si RJ.
RJ: Luv, magbabanlaw na ako, giniginaw na ata ako eh.
Maine: Ay o sige dito ka na sa shower, magsasabon na ako.
Nagpalit sila ng pwesto at tumalikod si Maine at nagsabon ng katawan. Nakita ni RJ ng sabunin ni Maine ang leeg, balikat at dibdib nito, kahit sa kilos lang ng kamay at braso ni Maine alam ni RJ aling parte ng katawan ang sinasabon nito. alam nya na sinabon ng dalaga ang tyan at napapikit na lang si RJ at itinapat sa shower ang mukha ng maisip nya kung anong kasunod non, nang magmulat siya ng mata sinasabon na ni Maine ang hita, napasandal si Maine kay RJ ng iangat nito ng bahagya ang hita para sabunin. Inalalayan naman ito ni RJ. Hindi nya napigilang halikan si Maine sa balikat. Lumingon lang ito at ngumiti kay RJ.
Maine: Luv, pakisabon yung likod ko.
Sumunod naman si RJ, ng makarating ang kamay sa bra ng dalaga, inalis nya ang pagkakasabit nito, napangiti si RJ tinitignan nya lang kung anong magiging reaksyon nito. Napansin nyang nagulat ito pero humalukipkip lang at hindi umimik. Nang matapos sabunin ang likod ni Maine ibinabalik niya sa pagkakasabit ang hook ng bra nito sa likod...
Maine: Luv wag na, aalisin ko din naman.
Nagulat si RJ at tuluyan na ngang inalis ni Maine ang bra, umatras lang ito para mapatapat sa shower naipit naman si RJ sa likod nito. Natawa lang si RJ.
RJ: Talagang pinagtitripan mo ako no?!
Maine: Luv wala akong ginagawa sa yo ha, nagbabanlaw lang ako. (Pero halata sa boses ng dalaga na natatawa ito)
RJ: Di ba sabi ko sa yo, kahit gaano ako kagentleman, lalaki pa rin ako. Ang right now you are making me feel something I shouldn't feel... baka kung anong magawa ko sa yo.
Humarap si Maine kay RJ pero nakatakip ang dalawang braso nito sa dibdib.
Maine: Sinabi ko din sayo na walang mangyayari sa akin kung hindi ko gugustuhin.
RJ: Pasalamat ka kasi mabait ako.
Maine: hindi, alam ko lang na mahal mo ako kaya hindi ka gagawa ng hindi ko magugustuhan.
RJ: Mahal na mahal...
Hinalikan niya si Maine sa labi, dahan dahang inilagay ni Maine ang braso sa balikat ng kasintahan at tinugon ang halik nito. The kiss went deeper, hinaplos ni RJ ang likod ng dalaga papunta sa batok nito napaungol si Maine. Ngumiti si RJ, hinalikan si Maine sa pisngi, sa leeg at sa likod ng tenga sabay bulong.
RJ: If I can make you moan like that, I can make you do more kahit ayaw mo pa. But bathing with you is a wonderful experience. Thanks luv!
Pinalo ni RJ Si Maine sa butt cheek at lumabas na ito ng shower area. Hindi alam ni Maine kung maiinis ba siya, maiinsulto o matutuwa sa ginawa ni RJ. Naisip nya, "dapat matuwa ako dahil nirerespeto nya ako pero bakit ganito ang pakiramdam ko, ready na ba talaga ako to give him my all?!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro