Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45 - The Promise

Naging abala sila ng mga sumunod na araw.  Bakasyon na at travel season na  kaya medyo madami silang flights at idagdag mo pa na sinasalo ni Maine kapag may absent na FA at sinasalo naman ni RJ si Matt kapag hindi nakakapasok si Matt.  Nagte-text pa din naman si Maine at RJ araw-araw.  Nagkikita kapag may pagkakataon.  Pareho na silang nakakaramdam na nagiging routine na lang ginagawa nila. Pero pareho din nilang iniisip na it is just because busy talaga sa work.  Kaya naisip ni RJ na gawing espesyal ang araw na ito para sa kanila. Pareho silang nagfile ng leave sa trabaho.  Alas syete pa lang ng umaga sinundo na ni RJ si Maine.

Nagising si Maine sa tunog ng cellphone nya. Naisip nito "sino ba itong nagtetext ng ganito kaaga".

BFF RJ:  Good Morning Luv!  Patingin naman ng "woke up like this look" mo oh...

MM GF:  Luv naman ang aga-aga gusto mo akong magselfie?

BFF RJ:  Hindi Luv, gusto kong pagbuksan mo ako ng pinto para  makita ko ng personal

Nagulat si Maine sa nabasa, nataranta itong nagtatakbo sa banyo, naghilamos, nagmumog at nagtali ng buhok. Sinipat ang sarili sa salamin, maayos naman ang shorts at t-shirt na ipinantulog nya kaya dali-dali itong tumakbo palabas ng salas para pag buksan ng pinto ang kasintahan.

Maine: Anong nangyari bakit ang aga...  hindi na natapos ang sasabihin nito ng makita si RJ na may bitbit na bouquet of flowers at supot ng Starbucks.

RJ:  Good Morning Luv! Happy Monthsary! Breakfast for my beautiful sunshine.

Napangiti na lang si Maine at lumapit dito para humalik sa pisngi nito pero biglang humarap si RJ. Naglapat ang kanilang mga labi.

Maine:  Ano ka ba? Hindi pa nga ako nagtoothbrush eh.

RJ:  Ok lang Luv, masarap pa rin ang lasa.

Ibinaba nito ang mga bitbit at niyakap si Maine.

RJ:  Luv, paisa pa nga, 10 seconds.

Nangingiti na lang si Maine, pano naman sya tatanggi ang gwapo na ang bango pa ng boyfriend nya. Inilagay ni Maine ang braso sa balikat nito, nginitian ito...

Maine:  Ayusin mo kapag hindi ako nasarapan, ito na ang monthsary kiss mo wala ng kasunod pa.

RJ:  Yes Mam!

Natawa na lang si Maine at pinabayaan niyang halikan siya ng kasintahan.  Habang magkalapat ang kanilang labi hinaplos ni RJ ang likod ni Maine papunta sa batok nito habang humihigpit ang yakap nito. Napaungol si Maine. Nagulat ito sa sarili at bumitaw kay RJ.

RJ:  Did you just moan? 

Maine: Hindi no! (pero namumula ang mukha nito)

RJ:  Luv, I think you're not wearing a bra.

Napakrus ang braso nito sa dibdib at tumakbo papasok sa kwarto. Hiyang-hiya siya at inis na inis sa sarili bakit ba kasi nakalimutan nya na hindi nga pala sya natutulog ng naka bra.

Bumalik na si Maine sa salas at niyaya ng magbreakfast si RJ.  Matapos kumain...

Maine:  Thanks for the breakfast Luv, magshower lang ako, mabilis lang then alis na tayo.

RJ:  Ok lang Luv, take your time.  Hihiga lang ako dito.

Naligo nga ang dalaga, nagbihis ng kanyang fitted jeans at yellow 3/4 sleeved dress shirt. Nagpatuyo ng buhok at nag make-up. Matapos ang isang oras tapos na ito. Nagsuot ng flat sandals at kinuha ang sling bag,  isinabit sa katawan at pinuntahan na si RJ sa salas.

Nakita ni Maine na nakatulog na nga ito.  Naupo sya sa tabi ng couch at pinanood ang pagtulog nito. Nasabi sa sarili, "ang gwapo mo talaga, ang cute ng dimples mo at kapag ngumingiti ka wala na nanlalambot na tuhod ko. Ang mga labi mo ang pula ang sarap halikan at ang bango bango mo pa. Five months siguro naman, that's enough to bring this relationship to the next level."

Naupo si Maine sa gilid ni RJ. Ginigising nya ito.  Hinaplos ang dibdib nito, umungol lang si RJ at hinawakan ang kamay niya.

Maine: Luv, gising na.

Nang hindi sumagot si RJ, hinalikan nya ito sa tenga, inamoy ang buhok nito, hinalikan sa leeg, sa pisngi, sa ilong, sa labi... tumugon ng halik si RJ pagtapos ng 10 seconds inilayo ni Maine ang mukha nya.

Maine:  Huwag mong sabihing natutulog ka pa nyan eh naka 10 seconds kiss ka na.

RJ:  Akala ko Luv nananaginip ako eh. You kissed me all over my face, akala ko tuloy nag MOMOL tayo.

Kinurot ni Maine si RJ sa tagiliran. Napaupo na ito at tatawa-tawa.

RJ:  Ikaw Luv ha, nagnanakaw ka ng halik.

Maine: Tse! Tumayo ka na dyan kung aalis tayo.

Tumayo ang binata at inakbayan na lang si Maine at lumabas na sila ng Condo.

Habang bumabyahe nakatulog si Maine, kaya ng gisingin siya ni RJ, hindi nya alam kung nasaang lugar sila.

RJ:  Luv gising na, nandito na tayo.

Nagmulat ng mata at luminga sa paligid.  

Maine:  Nasaan ba tayo? Kaninong bahay yan?

RJ:  You'll see.

Bumaba si RJ ng kotse at pinagbuksan ng pinto ang dalaga. Nakaparada sila sa tapat ng isang malaking bahay. May garden, may terrace ang bahay na ito. At may Kotse at Van na nakaparada sa garahe nito. Itinulak ni RJ ang gate at bumukas naman ito.

Hinawakan ni RJ ang kamay ni Maine habang palapit sila sa pintuan. Binuksan nya ang pinto at nakita nila ang Daddy ni RJ na nagbabasa ng dyaryo.

RJ:  Good morning Dad! 

Napatingin si Maine kay RJ.  Humigpit ang hawak nya sa kamay ni RJ.

Maine:  Good morning po. 

Napangiti si Daddy Richard ng abutin ni Maine ang kamay niya para magmano. 

Daddy Richard:  Anak, pwede bang pahug na din.

Ngumiti si Maine at yumakap kay Daddy Richard.

RJ: Aba, at yumakap ka naman dyan. Ang bilis ah! Dad naman girlfriend ko yan.

Maine: Parang mas masarap yumakap si Tito, ang biceps oh!

RJ:  Nicomaine Dei Capili Mendoza, umayos ka!!!

Nagtawanan si Maine at si Daddy Richard.  Bumaba si Riza at nakita ang Kuya niya.

Riza: Kuya... hello 

Yumakap ito kay RJ.

RJ:  Hi Sis!  Maine this is my younger sister, Riza.  Riza this is Maine Mendoza ang girlfriend ko.

Riza:  Hi Ate! 

at yumakap ito kay Maine.

Maine:  Hi Riza, nice to meet you. Anong tawag mo kay RJ?  Kuya? ilang taon ka na ba?

Riza:  Kuya, Kuya Tisoy, I'm 21

Maine: Ok, mas bata din ako sa kuya mo eh so tawag natin sa kanya kuya ha. Hi Kuya!

RJ:  Anong kuya kapatid ba kita?!

Tumayo sa gitna ni Daddy Richard at Riza si Maine.

Maine:  Bakit pwede naman di ba? Look  Kuya...

Hinila ni RJ si Maine at kiniliti sa tagiliran, habang yakap ito.

RJ:  Kanina mo pa ako pinagtitripan ha.  

Tawa ng tawa si Maine.

Maine:  Huy! tumigil ka nga dyan, mahiya ka nga sa Daddy mo oh!

Tumigil ito sa pagkiliti sa kanya pero hindi inalis ang pagkakayakap.

RJ:  Ok lang yan si Daddy pa.  Cool yan si Dad!

Hinalikan ni RJ si Maine sa batok

Daddy Richard:  Ricardo cool ako pero hindi ko itotolerate ang kalokohan mo. Tigilan mo na yan si Maine. Umayos ka!

Binitiwan naman ni RJ si Maine. Dinilaan namin ni Maine si RJ at natawa si Riza.

RJ:  Dad, napabili mo po ba yung mga binilin ko?

Daddy Richard:  Oo, pabalik na siguro si Manang, kanina pa umalis eh.

RJ:  Dad, puntahan muna namin si Mommy, sama kayo?

Daddy Richard:  Hindi na, kayo na lang.  I'm sure your Mom will love to meet her.

Pagdating nila sa sementeryo, kinuha ni RJ ang kandila at bulaklak sa likod ng kotse.  Naglakad sila papunta sa isang lapida . 

Binasa ni Maine ang nakasulat  "Rosario Reyes Faulkerson"

Inilagay ni RJ ang bulaklak at sinidihan ang kandila sa ibabaw ng puntod ng Ina.  Inilabas ang wallet niya at kinuha ang litrato ng magandang babae sa wallet niya at ibinigay kay Maine.

RJ:  Hi Ma, pasensya na po kung medyo natagalan dumalaw ha.  Busy lang sa trabaho at sa lovelife. Oo Ma, may lovelife na ako. Kasama ko po siya ngayon,

Inakbayan ni RJ si Maine... Ma, si Maine Mendoza po girlfriend ko.  Maine, ang mommy ko.

Maine:  Hello po! Ang ganda naman po ng pangalan ninyo tsaka ang ganda nyo din po pala. Huwag po kayong magalala. Lagi ko pong sasamahan si Tisoy na dumalaw sa inyo.

RJ:  Ang bait nya no Ma?! Magaling din syang magluto, malambing, masayahin parang ikaw.  I'm sure magkakasundo kayo.

Maine:  Promise po aalagaan ko sya at mamahalin tulad ng pagmamahal nyo sa kanya. At sisiguraduhin ko po na hindi sya gagawa ng anumang ikagagalit ninyo.  Salamat na din po kasi napalaki nyo siya ng tama, gentleman, caring, loving and loyal to the people he loves.  Minsan lang ho masyadong mabait, nagiging martyr na. Pero pipilitin ko pong intindihin at tanggapin ang lahat ng kahinaan nya. 

Tumayo si RJ sa likod ni Maine at niyakap ito galing sa likod. Noon lang napansin ni Maine na tumutulo na pala ang luha nito.

RJ:  Tulad nung sinabi nyo sa akin noon Ma, kapag nakita ko na ang babaeng mamahalin ko, gagawin ko ang lahat mapangiti lang sya araw-araw,  mamahalin  ko sya ng higit pa sa sariling buhay ko at aalagaan ko sya  katulad ng pagaalaga ninyo sa amin.  Kahit ipagtabuyan niya ako palayo hindi ako aalis sa tabi nya, kapag iniwan nya ako hahanapin ko sya kahit saan siya magpunta at iuuwi ko sya sa inyo. Tulad ng ginawa nyo noon kay Daddy.  Pang-forever na to Ma, kaya sana bantayan at gabayan mo kami ha?!

Hindi na napigil ni Maine ang umiyak, dama nya ang pagka sincere ng mga salitang binitiwan ni RJ sa harap ng puntod ng Mommy nya.  Humarap siya sa kasintahan, yumakap at umiyak sa dibdib nito.

RJ:  Mahal Kita Maine, Mahal na mahal kung kulang ang pagmamahal na nararamdaman mo galing sa akin sabihin mo lang, pupunuan ko.  Panghahawakan ko ang mga pangakong binitawan ko kay Mommy para sa yo. Hindi man ikaw ang una Maine, pangako ko sa yo, sa harap ni Mommy, ikaw na ang huling babaeng mamahalin ko.

Maine:  Kung sakaling hindi man tayo umabot sa forever... isa lang ang sigurado ako, hindi ko na kakayaning magmahal ng iba dahil ibinigay ko na sa yo ang buong puso ko simula ng araw na ipinaglaban mo ako.

Humarap si RJ kay Maine, hinawakan nya ang mukha nito, pinunasan ng mga daliri ang mga luha nito at buong pagmamahal na inilapat ang kanyang labi sa labi  ni Maine. Isang halik kalakip ang mga pangakong binitawan. 





















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro