Chapter 44 - Personal charger
Tatlong buwan na rin na mag-on si RJ at Maine. Sa nakaraang tatlong buwan nalaman nila na may mga bagay na magkaiba sila ng gusto tulad ng mga pelikulang pinanood. Si RJ mahilig sa adventure, action at sci-fi; si Maine naman mahilig sa romance at drama. Kaya kapag nagmo-movie marathon sila isang adventure at isang romance ang pinanonood nila. At kapag nanonood ng sine salitan sila sa movie. Natutunan nilang magustuhan ang klase ng pelikula na gusto ng isa't isa; Si RJ matipid pero hindi naman kuripot kundi practical lang kung gumastos. Si Maine hindi naman gastador pero pagdating sa pagkain basta sulit sa sarap ok lang sa kanya kung mahal. Kaya kapag kumakain sila sa labas, kung sino ang nagyaya siya ang taya. Marami pang maliliit na bagay na magkaiba sila pero para sa kanila walang hindi nadadaan sa maayos na usapan.
Pero sa nakaraang tatlong buwan may isang taong hindi talaga nila pinaguusapan... si Matthew. Ang alam ni Maine, ok naman na si RJ at Matt dahil may mga pagkakataong nagte-text si RJ na don siya natulog sa condo ni Matt o kaya naman may lakad sila ni Matt o kaya magpapaalam ito ng maaga dahil magkikita sila ni Matt. Kaya madalas kay Miggy siya nakikibalita tungkol dito. Dumalaw si Miggy kay Ciara ng hapong yon. Paglabas ng Maine ng kwarto naglalaro ng baraha si Miggy at Ciara.
Maine: Hi Miggy, andyan ka pala. Musta?
Miggy: Ok naman, ikaw kamusta naman ang inlove.
Maine: Eh di inlove pa rin.
Ciara: sobrang inlove kamo.
Maine: Bakit kayo hindi?
Nagkatinginan si Miggy at Ciara.
Ciara: Sis, inlove din kaya nga sinagot ko na sya eh.
Napatalon si Maine sa saya. Niyakap si Ciara at tinapik sa balikat si Miggy.
Maine: Ang saya ko grabe, congrats Miggy!
Miggy: Thanks, ayos ka parang ikaw yung sinagot sa pagkakatalon mo eh.
Maine: Masaya ako para sa inyo. Matutuwa din si RJ kapag nalaman niya.
Ciara: Eh nasan nga ba yon? Wala naman silang flight ni Miggy eh.
Maine: As usual may sinalo na flight, alam mo naman yun everytime may kulang na Piloto ready to take over.
Miggy: Malamang flight ni Matt yung sinalo nya. Tumatanggi naman yun pero kapag flight ni Matt siguradong sasaluhin non.
Ciara: Ganon?
Maine: Kamusta na ba yon? May balita ka ba sa kanya Miggy?
Miggy: Mukha namang ok sya. Wala naman siyang nakwento nung nagkita kita kami last week. Narinig ko din naman na kinamusta ka niya kay RJ. Kapag tinutukso namin si RJ na lalong gumagwapo dahil inlove nakikitukso naman siya, so siguro naman nakamove on na siya sa yo.
Maine: Mabuti naman kung ganon.
Ciara: Bakit sis, hindi ba nagkukwento si RJ tungkol kay Matt.
Maine: Kilala nyo si RJ, hindi yon mahilig na pagkwentuhan ang mga tao. Lalo na ayaw nyang isineshare ang problema niya tungkol sa isang kaibigan. Bakit daw namin aaksayahin ang oras na pagusapan eh wala naman kaming magagawa.
Miggy: Mabait at mapagkakatiwalaan talaga si RJ, sya ang nagpauso ng bro-oath.
Ciara: Ano naman yang bro-oath na yan.
Maine: Mga sekretong sila lang magkakaibigan ang nakakaalam. Nabanggit na nya sa akin yan. Kapag nagtatanong ako tungkol kay Matt, James at sa yo Miggy, lagi niyang sinasabi kung may gusto kang malaman sa kanila mo tanungin because I am under the bro-oath.
Miggy: So Ciara, I will say the same to you.
Ciara: Baka naman yang bro-oath na yan pati pambabae nyo kasama dyan.
Miggy: Babe naman, ako mangbababae? Sa yo nga lang kulang na ang oras ko eh pano pa ako magkakagawa non.
Maine: Wow! Babe na talaga ha.
Namula naman si Ciara at ngumiti.
Maine: Ano naman ang feeling na may bagong girlfriend Miggy.
Miggy: I feel like I am the king of the world!
Maine: Oy, Miguel Martin Rodriguez, huwag mong paiiyakin yang kaibigan ko makakatikim ka talaga sa akin.
Miggy: Sus ako pa? Gusto mo pakasalan ko na yan ngayon eh.
Ciara: Ay sya kasal agad?
Hinampas nito sa braso si Miggy, niyakap naman ni Miggy si Ciara.
Miggy: Joke lang pero sabihin mo lang kung gusto mong totohanin ko mabilis pa kay the flash bibili ako ng singsing at magpo-propose sa yo.
Nakatawa lang na nanood sa magkasintahan si Maine. Masaya talaga siya sa nangyayari kaya hindi na niya napigilang ibalita kay RJ.
start of text convo...
MM GF: Hi Luv! I've got great news for you...
BFF RJ: hello there my sunshine, ano namang news yan?
MM GF: Sinagot na ni Ciara si Miggy just a few minutes ago.
BFF RJ: Wow! Sa wakas!
MM GF: Grabe ka kay Ciara Luv ha!
BFF RJ: Joke lang, tell them congrats! Pagdating ko dyan magcelebrate tayo.
MM GF: What time is your flight back?
BFF RJ: Paalis na kami in 30 minutes. So, mga 6 to 7pm andyan na ako. Miss mo na ba ako?
MM GF: Luv, tinatanong pa ba yon? syempre naman sobrang miss na kita.
BFF RJ: Missing you more luv! So mamaya pwedeng patingin kung gano mo ako kamiss?
MM GF: Ayan tayo eh! Sige mga 60 seconds.
BFF RJ: 3 minutes?
MM GF: hala siya... 1 min. 30 seconds ayan ha may dagdag na.
BFF RJ: sandali naman ng pagkamiss mo sa akin eh... 2:45 seconds?
MM GF: kung hindi lang kita mahal... sige 2 minutes.
BFF RJ: Luv, mas mahal kita ng sobra sobra kaya dapat 2.30 seconds
MM GF: Ricardo abuso ka na! 2 minutes, take it or leave it!
BFF RJ: Cute mo pag napipikon ka na actually kahit 60 seconds lang ok na eh, but would be a happier man sa 2 minutes. Got you Luv!
MM GF: Ikaw talaga hanggang makakahirit, hihirit. O sige na take care flying.
BFF RJ: I will, see you later. I love you...
MM GF: I love you too, Luv!
BFF RJ: I love you three to infinity and beyond!
.... end of text convo.
Alas singko ng hapon nagpaalam si Miggy na bibili ng champagne para sa celebration nila. Naiwan namang naghahanda ng iluluto si Ciara at Maine para sa hapunan nila. Magluluto ang dalawa ng Beef Salpicao na paborito ni Miggy at Camaron Rebosado na paborito naman ni Ciara. Nakakatawang tignan ang magkaibigan na nagsasayaw habang naghihiwa ng mga rekado. Nagpiprito na ng camaron si Maine habang nakasalang ang beef at nagsasaing naman si Ciara ng bumalik si Miggy.
Miggy: Anong maitutulong ko?
Ciara: Wait lang, tapusin ko lang to tapos tulungan mo akong magset ng table.
Natapos ng lutuin ang camaron at natapos na din magset ng table si Miggy at Ciara ng biglang mapasigaw si Maine.
Maine: Oh my Gosh! Ciara wala pala tayong worcestershire sauce!
Ciara: Sige, sige bibili na lang kami dyan sa malapit na convenient store.
Nagmamadali ng umalis si Miggy at Ciara. Tinignan ni Maine ang oras sa relo nya 6:45 malamang nasa airport na si RJ. Pumasok na lang siya sa kwarto, nagpalit ng damit, nagtoothbrush at nagsuklay. Paglabas ng kwarto uminom ng tubig, isinuot ang apron at hiniwa na ang pinalambot na baka into cubes. Nang biglang may nagdoorbell.
Maine: Tuloy, bukas yan, bilisan nyo na nga Ciara, darating na si...
RJ: hmmm kamukha ko na ba si Ciara?
Maine: Hi, Luv! Sabi ko na darating ka na eh. Upo ka muna tatapusin ko lang to. Yung dalawa may binili lang.
Imbes na umupo, lumapit si RJ at niyakap ang dalaga galing sa likod nito. Hinalikan niya si Maine, sa pisngi at sa batok.
RJ: Mamaya mo na tapusin yan, patingin muna kung gaano mo ako kamiss.
Maine: Hala sya, hindi makapaghintay?
RJ: Sige na, habang wala pa sila.
Walang nagawa ang dalaga kung hindi humarap kay RJ at ilagay ang braso nya sa balikat ni RJ. Tumingin ng malambing sa mata ni RJ at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa mukha nito, bago pa maglapat ang kanilang mga labi ay sabay na pumikit ang magkasintahan upang namnamin ang tamis ng kanilang halik. Naglapat ang kanilang mga labi, ang dalawang kamay ni RJ na nakakapit sa bewang ni Maine ay yumapos ng mahigpit sa katawan dalaga. 5 sekundo bago matapos ang dalawang minuto ay bumukas ang pinto, nakita ni Ciara at Miggy ang magkasintahan.
Ciara: Ehem... ehem!
Miggy: Babe, naiingit ako pwedeng pakiss?
Naghiwalay naman ang labi ni Maine at RJ pero magkadikit pa rin ang noo at nagkatinginan ito. Parehong namumula ang mukha pero wala ng nagawa kung hindi magtawanan na lang.
RJ: gusto nyong sumabay?
natawa sabay isinubsob ang mukha sa balikat ni Maine habang nakayakap.
Ciara: Oy, Ricardo, wag mong bigyan ng idea itong si Miguel ha.
Miggy: Babe ang KJ mo!
Ciara: Tse! umayos ka dyan. At kayong dalawa pwede ba maghiwalay na kayo at magluluto pa yang si Menggay!
RJ: Luv, may utang ka sa aking 5 seconds.
Maine: Hala sya, bilang na bilang ha.
Lumapit si RJ kay Ciara, nagbeso at lumapit kay Miggy at nakipagkamay ito.
RJ: I heard the news bro, congrats!
Miggy: Oo sa wakas bro nadaan ko sa mga pagkanta kanta sa mga bar na pinupuntahan namin.
Nagtawanan sila. Itinuloy na ni Maine at Ciara ang pagluluto habang si Miggy at RJ naman naupo sa couch at nagkwentuhan ng mahina ang boses.
Miggy: pre sinalo mo na naman si Matt?
RJ: Oo, sabi ni Capt. Frank may sakit daw eh.
Miggy: Pre ilang beses mo ng ginagawa yan, hindi naman kaya sumosobra na. Hindi ako nakikialam paalala lang bro bago ka pa magkaproblema.
RJ: Bakit, may nasabi ba si Maine? Nagtatanong ba?
Miggy: Hindi naman siya, pero si Ciara hinanap ka kanina since obvious naman na wala ka dapat flight.
RJ: Anong sabi ni Maine?
Miggy: Sabi, as usual may sinalo na flight, kilala ka naman daw namin hangga't pwede at kaya mo sasaluhin mo lahat ng flight na mawawalan ng piloto. She doesn't sound mad or sarcastic pero mahirap na, alam mo naman mga babae, minsan sinasabi ok lang pero yun pala hindi.
RJ: Naiintindihan ko naman, salamat sa paalala bro. Yaan mo matatagalan naman siguro bago ulit magpasalo yun.
Ciara: Kainan na!
Sabay-sabay na kumain ang apat habang nagkukwentuhan. Napagkasunduan din nila na manonood ng pelikulang "a walk to remember". Matapos kumain, nagprisintang maghugas ng pinggan si Miggy at Ciara. Kaya naupo naman sa salas si Maine at RJ.
Maine: Sure ka na okay ka lang magstay? Baka pagod ka na?
RJ: Nawawala ang pagod kapag kasama kita. Ikaw ang lakas ko eh.
Maine: Ano ako spinach ni Popeye?
RJ: Parang ganon. Isang yakap mo lang na-re-recharged na ako eh.
Maine: Patingin ng recharged
RJ: Yakapin mo muna ako.
Umusog naman sa tabi ni RJ si Maine at niyakap ito.
RJ: Luv, wag mong aalisin yan hanggang hindi pa ako fully charged ha.
Maine: Ang OA mo!
Natapos ng magligpit sa kusina si Miggy at Ciara Inabutan nila na magkayakap ang mga kaibigan. Umupo si Miggy sa single couch. Nakatayo sa harap niya si Ciara.
Ciara: Oh ano naman yan ha?
RJ: Nagre-recharge ako Cia... try mo effective.
Miggy: Babe, try nga natin.
Biglang hinila ni Miggy si Ciara, napaupo ito sa kandungan nya. Niyakap naman siya ni Miggy.
Ciara: Ay ano ba Miguel!
Wala ng nagawa si Ciara kundi yumakap kay Miggy at nagkatawanan silang lahat.
Ciara: So, manonood tayo ng buong movie na naka-kalong ako sa yo?
Miggy: Oo naman! I don't mind ang gaan mo eh.
Inabot ni Maine ang remote at pinindot ang play. Tahimik na nanood ang magkakaibigan. Masaya at kuntento na kasama ang isa't isa. Nakaraan ang 45 minutes at nasa kalahatian na ng pelikula nag-ring ang cellphone ni Miggy, tinignan niya kung sino pero hindi ito nakasave sa phone book nya pero sinagot pa rin nya ito.
Miggy: Hello?
Albert: Miggy, si Albert to ng Uno Bar, hindi ko kasi macontact si RJ. Si Matt andito lasing na lasing eh ayaw tumigil sa paginom baka pwedeng paki tawagan si RJ.
Miggy: Sige papunta na kami dyan.
End call. Ibinulsa ang cellphone at tumingin kay RJ.
Miggy: Bro, si Albert ng Uno Bar pinapupunta tayo ngayon na may emergency lang.
Alam na agad ni RJ kung bakit nila kailangan pumunta.
RJ: Luv, can we finsh the movie next time? Emergency lang.
Miggy: Oo nga Babe, it's a good movie kaya lang we really have to go there. Baka may trouble na kailangang ayusin eh.
Nagkatinginan si Maine at Ciara.
Ciara: Sige go, marami pa namang next time. Hindi naman mawawala yang movie. Yung kaibigan nyo baka kailangan talaga ang tulong nyo.
Nakakunot ang noo ni Maine at lumungkot ang mata nito. Ngunit pinilit nitong ngumiti.
Maine: Ah yah sige, go!
Humalik si Miggy kay Ciara. Yumakap naman si RJ kay Maine. Ramdam ni RJ na hindi kumilos si Maine at hindi ito yumakap sa kanya.
Maine: Sige na, may naghihintay sa inyo.
Miggy: Tara bro!
Tumingin pa ulit si RJ kay Maine pero tumalikod na ito papunta sa kwarto. Nalungkot si RJ pero wala naman siyang magawa. Umalis na ang magkaibigan. Naiwan si Ciara na nagsara ng pinto. Nilingon niya si Maine na papasok na ng kwarto.
Ciara: Sis, ok ka lang?
Maine: Oo naman, magshower na ako para makatulog. Goodnight!
Ciara: Goodnight.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro