Chapter 41 - Weakness
Maghapong nakahilata si RJ sa condo niya. Walang gana, tulala. Hindi na nagtext pa si Maine sa kanya. Malamang na isinusumpa na siya nito. Tatlong araw na ang nakalipas. Tahimik ang lahat kahit si Miggy, wala ding text. Kapag nagkikita naman sila sa flight, puro tungkol sa trabaho lang ang pinaguusapan nila. Kapag natatapos ang flight nila, hindi na din siya niyaya ni Miggy. Kaya dumederetso na siya ng uwi sa Condo. Alas onse na ng gabi may nagdorbell pa sa pinto nya. Nakahiga na ito kaya hindi na nya pinansin. Sigurado naman syang wala syang inaasahang dumating.
Maya-maya nagtext ang Daddy niya, "pagbuksan mo ako, nandito ako sa labas". Kahit nagtataka na gabi na tsaka lang dumating ang ama, natataranta pa din syang pinagbuksan ito.
RJ: Dad sandali po...
Nagulat siya na si Maine ang nasa labas ng pinto. Maga ang mata nito, mukhang haggard ang itsura at parang wala pang tulog. Malungkot ang mga mata nito, wala ding ngiti ang mukha nito. Ni hindi niya mabasa kung ano ang nararamdaman nito
Maine: Tinawagan ako ng Daddy mo, siya ang nagsabi na nandito ka, kausapin daw kita pero alam nyang baka hindi mo ako pagbuksan kaya nagtext siya sa yo.
RJ: Bakit nandito ka? Gabi na ah, sinong kasama mo?
Maine: Wala ako lang. Huwag ka mag-alala hindi naman ako magtatagal. May itatanong lang ako.
RJ: Sana, ipinagpabukas mo na.
Maine: Bakit ko pa ipagpapabukas kung pwede ko namang gawin ngayon. Tatlong araw na kitang hinihintay pero mukhang wala kang balak magpaliwanag o baka wala ka lang talagang alam sa nangyayari. Alam ko namang naghihintay ako sa wala pero makulit ako di ba kaya eto nandito ako. Tapusin na natin ito dahil hanggang dito na lang ang kaya ng dibdib ko eh. Pagod na akong intindihin ka.
RJ: Tuloy ka...
Maine: Hindi na, sagutin mo na lang ang tanong ko. Bakit hindi ka dumating nung linggo? Bakit imbes na ikaw si Matt ang sumundo sa akin, si Matt ang katabi ko sa simbahan, si Matt ang kasama kong kumain at si Matt ang naghatid sa akin pauwi?
RJ: Pasensya ka na umuwi ako ng Laguna, napainom, tinanghali ng gising, alam kong hindi na ako aabot kaya hindi na ako pumunta. Talaga namang pupunta si Matt ayaw magmaneho kaya sumabay na lang sa inyo.
Maine: Talaga? So, wala kang alam sa pagtatapat sa akin ni Matt ng nararamdaman nya? Hindi mo alam yung paghingi ulit niya ng chance para manligaw sa akin?
RJ: Maine, magpapaliwanag ako. Si Matt kasi...
Maine: Hindi mo kailangang magpaliwanag gusto ko lang i-confirm kung tama ang pagkakakilala ko sa yo. Magbestfriend kayo ni Matt, malaki ang utang na loob mo sa kanya kaya kahit kaligayahan mo isasakripisyo mo para maging masaya lang sya. I get that and I admire you for that. Matt is so lucky to have you for a bestfriend. Ang malas ko lang I was caught in the middle of your friendship. At naiintindihan ko din na mas madali akong igive-up kaysa kay Matt, kasi malalim ang pinagsamahan nyo.
RJ: Maine, hindi ganon yon. Alam mong mahal kita...
Maine: Don't give me that crap!!! Because if you really do, then why did you give me up just like that?! Naisip mo man lang ba ang mararamdamam ko kahit konti? O talaga lang you, just don't love me enough to fight for me. Ang tanga ko, naniwala akong we have something special, naniwala ako sa lahat ng sinabi mo. 'tangina minahal nga kita eh! Mahal kita! Takot ako, takot na takot akong masaktan pero I took the risk of loving you. Kinalimutan ko lahat ng takot dahil sa yo, para sa yo!
Tumulo ang mga luha nito, nanginginig ito, hawak ang dibdib. Nagalala si RJ. Aalalayan sana niya ito pero umatras ito.
RJ: Pumasok ka nga muna, dala mo ba yung oxygen mo? Baka kung anong mangyari sa yo.
Maine: Huwag mo akong hawakan! Kahit anong mangyari sa akin, kahit mamatay pa ako ngayon wala kang pakialam. Dahil inalis mo na ako sa buhay mo nung araw na ipinamigay mo ako sa bestfriend mo!
Tuluyan na itong humagulgol. Gustong-gusto na nya itong yakapin, amuin pero hindi magawa ni RJ. Dahil sa sakit na nararamdaman nito alam nyang lalo lang magwawala kapag hinawakan nya.
Maine: God bless you for being selfless. Pero hindi pwedeng puro para sa ibang tao lang RJ, hindi pwedeng lagi na lang sila ang iniisip mo, dahil sa maniwala ka at sa hindi mabuting tao ka at may karapatan kang lumigaya. Gusto ng Diyos na maging masaya ka din. Sana kahit konti, kahit minsan, pabayaan mong ibang tao naman ang may gawin para sa yo. Hindi pwedeng puro sila lang iniisip mo dahil baka sa huli maubos ang opportunity na sana ay para sayo sa kakabigay mo sa iba.
Tumalikod na ito, lumabas ng condo si RJ para pigilan si Maine.
RJ: Ihahatid na kita please.
Maine: Nakarating ako dito ng magisa, kaya kong umuwi ng magisa.
RJ: Sige na please ihahatid kita, namumutla na ang labi mo eh.
Dumiretso lang ito sa elevator nakabukas at nahintong elevator. Humarang si RJ sa pinto ng elevator.
Maine: Umalis ka dyan.
Itinulak ni Maine si RJ at natumba ito. Tsaka isinarado ni Maine ang elevator. Dinukot nito ang celphone at sinend kay Ciara ang message na kanina pa niya inihanda. Umupo sa loob ng kotse hanggang tuluyang mawalan ng malay.
---------------------
Hindi alam ni RJ ang gagawin niya. Nagbihis ito at kinuha ang susi ng kotse nya na. Hahanapin nya si Maine. Hindi pa yon nakakalayo. Hindi pa siya nakakalabas ng parking area nagring ang telepono nya. Si Capt. Frank.
Capt. Frank: RJ, sumaglit ka nga muna dito sa condo ni Matt. Hindi namin mapigilan eh.
Napahampas si RJ sa manibela niya. Mabilis na nagmaneho papunta sa condo ni Matt habang tinitignan kung makikita niya si Maine.
Pagpasok ni RJ sa condo ni Matt nandon ang buong barkada. Si Matt may hawak na bote ng alak, sumusuray sa sobrang kalasingan.
Capt. Frank: Kanina pa namin pinatitigil ayaw tumigil.
RJ: Mateo! Ano ka ba, umayos ka nga. Hindi ka na bata!
Tumingin lang ito sa kanya.
Matt: Bestfriend, andyan ka pala. Inom tayo, icelebrate natin ang pagkapanalo mo.
RJ: Ano bang pinagsasabi mo?!
Matt: Bestfriend, binasted ako, ayaw niya sa akin dahil sa yo. Hindi siya nagpapaligaw dahil ikaw ang hinihintay nyang mangligaw sa kanya. Ano bang meron ka na wala ako?
RJ: akina nga yang bote na yan.
Ibinato ang bote tumama ito sa kabinet nabasag ito. Binitbit ni RJ si Matt sa banyo. Itinapat nito si Matt sa shower inalog ang buo nito katawan habang sinasabing.
RJ: Matt, wala na sya sa akin. Wala na! Naiintindihan mo!
Makailang ulit nyang isinigaw yan sa harap ni Matt at sinuntok ang pader. Nahimasmasan naman si Matt. Lumabas si RJ sa banyo napasalampak sa sahig at napahagulgol ito. Nilapitan ni Miggy, Hinawakan ito sa balikat.
Miggy: Huminahon ka RJ.
RJ: Matt, sa bawat pagkakataon, na may hiniling ka sa akin hindi ako tumanggi sa yo. Lahat ginawa ko para makabayad ako ng utang na loob ko sa yo. Nung panahong iniwan ka ng mahal mo sa buhay nandito lang ako sa tabi mo. Kapag kailangan mo ng karamay isang kalabit lang nandyan na ako. Kahit saan ka abutin ng kalasingan mo ako ang naguuwi sayo. 'tangina bro, pati suka mo nililinis ko! Pati na sa babae, kahit gusto ko basta type mo sa iyo na, alam mo yan. Maraming beses ko ng ginawa yan. Ngayon lang ako nagisip ng para sakin! Pero hindi ko pa rin nagawa. Nagparaya pa rin ako para sa yo. Ang kaisa-isang babaing minahal ko hindi ko nakayang ipaglaban sa yo! Matt, sana kahit minsan tignan mo ako, isipin mo naman ang nararamdaman ko kasi pare ako kahit anong pagod ko, kahit anong sakit para sa akin lagi kong iniisip yung kapakanan at nararamdaman mo.
Humagulgol na ito ng tuluyan.
RJ: Mahal ko si Maine pare, mahal na mahal pero ipinamigay ko lang sya sa yo. Alam mo bang hanggang kahuli-hulihang sandali, imbes na hanapin sya, dahil tumawag si Sir Frank na may nangyari sa yo. Inuna kita, nandito ako. Ngayon sabihin mo sa akin anong klaseng lalaki ako?...ANO!!!
Miggy: Ano bang nangyari?
RJ: Miguel, tulungan mo ako. Ayokong mawala sa akin si Maine, ikamamatay ko. Tulungan mo ako , parang awa mo na, hanapin natin sya.
Yumakap ito sa kaibigan. Umaagos ang luha sa mata na parang hindi mauubos ito. Humihikbi ito na parang nagsusumbong kay Miguel. Ngayon lang nila nakitang naging mahina si RJ, ngayon lang nila nakitang nagmakaawa ito. Kahit na sino sa kanila kapag may problema kay RJ tumatakbo. Lagi silang tinutulungan ito. Kumuha ng tubig na inumin si James. Lumapit si Capt. Frank.
Capt. Frank: Uminom ka ng tubig, huminahon ka at sabihin mo sa amin ang nangyari para matulungan ka namin.
RJ: Pinuntahan ako ni Maine, inalam niya kung anong nangyari. Umiiyak sya pakiramdam ko sumisikip ang dibdib nya at namumutla ang labi katulad nung nandon tayo sa inyo Miguel. Pero galit sya sa akin, ayaw nyang lumapit sa akin ayaw magpahawak. Sabi ko ihahatid ko siya pero ayaw nya. Iniharang ko ang katawan ko sa elevator pero naitulak nya ako hanggang sa matumba ako. Hindi ko na sya inabutan, tapos tumawag si Sir Frank. Miggy! Natatakot ako baka kung anong mangyari sa kanya. Wala siyang dalang bag nung dumating sya kanina.
Miggy: Matalino si Maine, RJ, kung masama ang pakiramdam non alam nya kung anong gagawin. Kalma ka lang.
Capt. Frank: Tatawagan ko si Pia, baka nagpunta sa kanya.
James: Tatawagan ko si Patricia at Ciara.
Capt. Frank: Hindi daw tumawag o nagawi kila Pia eh.
James: Wala din daw kila Patricia.
Narinig nilang umusal ng dasal si RJ at nagsimula na namang tumulo ang luha nito.
RJ: Diyosko parang awa nyo na. Huwag nyo pong hayaan na may mangyari masama kay Maine. Parang awa nyo na.
Tahimik na lang na nakidasal ang magkakaibigan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro