Chapter 40 - Lost
Excited si Maine at Ciara nang araw na yon. Kumakanta ang dalawa habang nagaayos ng buhok. Naka blue na sleeveless dress si Ciara at naka white na off shoulder dress naman si Maine. Nagplantsa pa sila ng buhok. Nagaayos na lang ng bag niya si Maine ng tumunog ang doorbell. Binuksan ang pinto.
Miggy: Hi Ciara!
Ciara: hi there! Tuloy kayo, palabas na yun si Maine.
Matt: Hi Ciara!
Ciara: Oy Matt! Mabuti naman nakasama ka na ngayon.
Matt: Oo nga eh, miss ko na kayo eh. Kaya eto pinilit ko talagang pumunta.
Lumabas ng kwarto si Maine.
Maine: Good morning Miggy! Hi, RJ! Wait kukunin ko lang yung gift natin.
Matt: Hi Maine!
Nilingon nito si Matt.
Maine: Hi, sorry akala ko si R, sila kasi laging magkasama ni Miggy eh. Asan si RJ?
Matt: Umuwi kahapon sa Laguna, baka daw tanghaliin sya kaya pinasama nanya ako para sunduin kayo. Susunod na lang daw siya doon. Hindi ba siya nagtext sa yo?
Nagkatinginan si Maine at Ciara.
Maine: Hindi eh. Di bale ok lang baka nakalimutan lang. Wait ha, kunin ko lang yung mga gift.
Paglabas ni Maine ng kwarto bitbit na nito ang mga regalo. Lumapit si Matt.
Matt: Tulungan na kita, ako na ang magdadala.
Pagdating sa simbahan, nagsisimula na ang binyag kaya wala ng oras para magkwentuhan. Sinenyasan nya si Capt. Frank, itinatanong si RJ, nagkibit balikat lang si Capt. Frank. Tinext ni Maine si RJ ng makailang ulit pero walang reply. Panay ang lingon ni Maine sa pinto nga simbahan pero walang RJ na dumating.
Matt: Ok ka lang? Hindi ka mapakali eh.
Maine: Si RJ hindi sumasagot sa text eh. Hindi naman yun nalelate ng ganito.
Matt: Huwag kang magalala mamaya tatawagan natin.
Pagdating sa reception, sinubukan ni Miggy na tawagan ito.
Miggy: Nakaoff ang phone eh.
Matt: Baka nakatulog at late ng magising kaya hindi na nagpunta.
Ciara: Baka tulog pa hanggang ngayon, nadrain na battery kaya naka-off.
Matt: Huwag ka ng magalala, ok lang yun si RJ. yun pa, baka nga nasa resto lang yon eh.
Frank: Oh bat nandyan kayo? Maupo na kayo at magse-serve na ng pagkain.
Natapos na ang binyagan, nasa sasakyan na sila pauwi, wala pa rin silang balita kay RJ.
Nakinig na lang ng music si Maine. Nagpark sa basement si Miggy, pagbaba nila ng sasakyan.
Matt: Miggy, Ciara pwedeng mauna na kayo sa taas. Kausapin ko lang sandali si Maine
Miggy: Maine, ok lang?
Maine: Oo sige, susunod na lang kami.
Sumakay na ng elevator si Miggy at Maine. Hinawakan ni Matt ang dalawang kamay ni Maine. Tinignan ito ni Maine.
Maine: Matt bakit?
Matt: Maine, alam kong sinabi mo sa akin na hindi ka nagpapaligaw. Pero, sana bigyan mo ako ng chance na ipakita ko sa yo kung gaano ka kahalaga sa akin. Hindi ko naman hinihingi na mahalin mo ako. Sana bigyan mo lang ako ng pagkakataong mahalin ka.
Hinila ni Maine ang kamay nya.
Maine: Sorry Matt, pero kaibigan lang talaga ang turing ko sa yo eh. I know you are a great guy, madaming babae ang may gusto sa yo pero hanggang kaibigan lang talaga eh. Pasensya ka na.
Matt: Ok, sige. Wala naman akong magagawa. Sagutin mo ang tanong ko, dahil din kay RJ di ba? Si RJ ang hinihintay mong manligaw sa yo?
Hindi sumagot si Maine, pero nakita ni Matt sa mata nito ang saya ng mata nito ng mabanggit nya ang pangalan ni RJ.
Maine: Sorry ha, sige aakyat na ako.
Pagpasok nya sa condo, nakaupo si Miggy at Ciara. Inalalayan nila si Maine para nakaupo.
Miggy: Nasan na si Matt?
Maine: Umalis na.
Ciara: Ok ka lang?
Maine: Hindi, parang I just realized something. Kailangan ko lang maconfirm. Miggy, di ba magbestfriend si Matt at RJ? Gaano sila ka-close? Paano sila nagkakilala?
Miggy: Magkababata sila. Pagkagraduate ng High School naghiwalay ang parents ni Matthew. Nagpaiwan si Matthew dito dahil ayaw nyang mamili kung kanino sya sasama. Si RJ ang naging kasama ni Matt, dahil anak mayaman walang alam sa buhay si Matt. Pero sustentado si Matt ng magulang nito kaya inisip nilang pumasok sa Colegio at si RJ ang nagudyok sa kanya na magpiloto. Si Matt ang nagbabayad ng tuition nilang dalawa hangga't nakagraduate sila. Kaya para kay RJ, hindi sya naging piloto kung hindi dahil kay Matt. Tumatanaw ito ng utang na loob kaya kahit buhay nya ibibigay nya para kay Matt
Maine: I think he just did...
Ciara: Ano he did what?
Maine: Alam ko na kung bakit wala si RJ. Planado nya ang pagdating ni Matt. Hindi siya pumunta para magkaron ng chance si Matt na makasama at makausap ako.
Miggy: Papaanong?
Maine: Kanina, kinausap ako ni Matt, humihingi siya ng chance na ligawan ako. Ciara, nagparaya si RJ para kay Matt.
Miggy: Alam ko RJ, can make sacrifices for his family, kaya nga hindi ito nagkagirlfriend eh. He can make sacrifices for his friend, kaya nga hindi siya umiinom kapag umiinom si Matt sa labas kasi para may maguuwi rito at kaya kahit may sarili na itong condo mas madalas na doon sya kay Matt nagstay, lalo na pag depressed ito. Yan ang pagkatao ni RJ, palaging inuuna ang kaligayan ng iba bago ang sarili.
Maine: So, kaya he just gave me up like that... para kay Matt, para sa bestfriend nya? Akala ko ok kami, akala ko masaya kami, pero bakit mas pinili niya si Matt?
Hindi na napigilan ni Maine ang umiyak, umiyak lang ito ng umiyak hanggang sa makatulog ito.
------------------------
Nang mga oras na yon, kagigising lang ni RJ, masakit ang ulo nito dahil sa hangover at namamaga ang mata dahil sa kakaiyak. Inilibot nya ang mata sa kwarto, nakita nya ang kalat nito. Isa-isa nyang pinulot ang mga lata at inilagay sa basurahan. Inayos ang mga magazines sa lamesa, pinulot ang mga unan at inayos ito sa kama. Nakita nito ang litrato ni Maine sa kama. Tinitigan ito sandali at bumuntunghininga. Ibinalik ang litrato sa loob ng wallet niya. Inayos ang kumot at ng makitang maayos na ang lahat sa kwarto nya. Bumaba ito sa kusina para kumuha ng tubig na malamig. Nakita nya ang Daddy nya sa sala.
RJ: Hi Dad! Nasan si Riza?
Daddy Richard: Nasa practice ng choir.
RJ: Practice ng choir eh di ba linggo pa ng hapon yon?
Daddy Richard: Anak, anong oras at araw na ba sa palagay mo? Alas sinko ng hapon na ng linggo.
RJ: Ano ho? 24 oras akong tulog?
Daddy Richard: Hindi naman. Dumating ka dito ng mga 9pm; tatlong oras kang uminom at nagwala tapos anim na oras kang natulog. Nagising ka ng alas sais ng umaga, kumain ka, uminom at nagwala ka na naman ng mga dalawang oras tapos natulog ka ulit ng sampung oras. Kaya mga 16 hours ka lang tulog.
RJ: Daddy naman eh. Dad, anong pagkain nagugutom ako eh.
Daddy Richard: May bulalo dyan, humigop ka ng mainit na sabaw para pagpawisan ka at lumabas yang alak sa katawan mo. Kumain ka, maligo tapos bumalik ka dito maguusap tayo.
Kumain si RJ, umakyat sa kwarto at naligo para mabawasan ang hangover nito. Pagkabihis, uminom ng gamot sa hangover. Kumuha ng malaking baso at nilagyan ng iced water tsaka bumalik sa sala para harapin ang Daddy nya.
Daddy Richard: Kailan ka pa natutong uminom at magpakalasing ng ganon?
RJ: Ngayon lang Dad.
Daddy Richard: Alam mo bang 18 cans ng beer ang ininom mo in total?
RJ: Opo, binilang ko yung niligpit ko lata sa taas eh.
Daddy Richard: Mabuti naman at kinaya mong magligpit.
Daddy Richard: Pinatay mo ang cellphone mo bakit?
RJ: Ayoko lang hong maistorbo, gusto ko lang mapagisa. Dad, pwedeng pakibukas tapos i-delete nyo lahat ng messages. Ayokong mabasa eh.
Kinuha ni Daddy Richard ang celphone nya, binuksan ito at inilapag sa lamesa. Pinabayaan niyang pumasok ang mga messages dito. Nang tumigil na ang pagtunog, kinuha ito at binasa isa-isa ang mga text nito.
Daddy Richard: Sigurado ka bang buburahin ko ang lahat ng ito? Ang daming naghahanap sa yo, pati na itong kay "my Maine girl"? Mukhang naaalala siya sa yo.
RJ: opo Dad, paki na lang.
Nagkunwari itong binura ang lahat ng messages nito.
Daddy Richard: O ngayon, ano bang problema mo? Mahal mo naman yung Maine ba ang pangalan non? Dahil yun lang naman ang paulit ulit mong isinisigaw.
RJ: Same old story Dad. Gusto ko pero gusto din ni Matthew eh. Alam nyo namang hindi ko kakalabanin si Matthew, bestfriend ko yon. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Daddy Richard: Sabi mo nga same old story eh di dapat ok na sa yo kasi lagi mo naman syang pinagbibigyan? The difference is at ang dahilan kung bakit hindi mo matanggap kasi hindi mo lang gusto si Maine. Kundi mahal na mahal mo. Aba eh di ipaglaban mo!
RJ: Papano si Matthew? Alam nyo naman hindi kaya non ang rejections. Iniwan ng magulang yon? Ano pa matitira sa kanya kung pati ako tatalikuran ko sya.
Daddy Richard: RJ, alam kong tumatanaw ka ng utang na loob kay Matthew at mahalaga sa yo ang pagkakaibigan nyo, higit pa nga sa magkapatid ang turingan nyo pero sobra-sobra na ang nagawa mo para sa kanya. Kung tutuusin bayad na pati interes ng utang mo.
RJ: Pero dad, mas kaya ko naman harapin to kaysa kay Matthew eh.
Daddy Richard: Mabait kang anak, tapat na kaibigan kahit nga buhay mo handa mong ibigay para sa kanya. Pero dapat kahit papano iniisip mo rin ang sarili mo. Hindi pwedeng parati na lang para sa ibang tao. Anak, hindi pwedeng kami lang iniisip mo o kapakanan ng mga kaibigan. Kailangan isipin mo din kung paano ka sasaya. Isipin mo din ang sarili mo.
RJ: Hindi po ba selfish yon?
Daddy Richard: Selfish kung pinababayaan mo kami habang iniisip mo ang sarili mo. Selfish, kung hindi ka gusto ni Maine at ipinipilit mo ang sarili mo. Pero kung ikaw ang gusto nya, mas selfish ka kasi itinutulak mo sya sa iba eh sayo sya masaya.
RJ: Hindi ko na alam dad, naguguluhan ako.
Daddy Richard: RJ, pagisipan mo ang mga sinabi ko. Kakayanin mo bang mawala sila pareho sa buhay mo? Sa ginawa mo, oo napagbigyan mo si Matt, pero kung ayaw ni Maine sa kanya wala ka din namang magagawa at para makalimot lalayo si Matt, mawawala ang kaibigan mo sa yo at dahil ipinaparaya mo si Maine sa kanya, iisipin ni Maine na hindi siya mahalaga sa yo, kaya mawawala din sya sa yo. Kakayanin mo ba?
RJ: Sa nakita ko kagabi at kanina. You love this girl so much. Don't be selfish, iniisip mo lang na ikaw at si Matt. Ayaw mong saktan si Matthew pero sasaktan mo si Maine. Pero hindi mo naisip kaya ba ni Maine ito. Kakayanin mo ba kung ano man ang mangyari sa kanya kapag iniwan mo siya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro