Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39 - Bestfriends

Magkasama si RJ at Matt sa Gym nung araw na yon.  Nasa threadmill si RJ at nagbubuhat ng weights si Matt. 

Matt:  Bestfriend mukhang inspired sa pagg-gym ha.  May pinaghahandaan ba?  

RJ:  Wala, grabe lang ang mga kain na ginagawa namin ng tropa pag magkakasama.

Matt:  Balita ko nga nasa Singing Cook and Waiters daw kayo eh.

RJ:   Ikaw naman kasi lagi kang wala ang dami mong lakad kasama si Sam hindi ka na nakakasama sa amin.

Matt:  Ang sweet nyo nga eh, nakita ko yung pictures eh.

RJ:  pictures? anong pictures?

Matt: Yung kasama nyo sila Analyn at Jennilyn, pinakita sa akin ni Jennilyn kahapon.  Nagselos ata kaya nagsusumbong sa akin eh.  May gusto sa yo yun eh.

RJ:  Since alam mo na may gusto sa akin yung si Jennilyn, siguro nagets mo kung bakit ganon ang pose namin.

Matt:  Pasensya na bro, medyo slow utak ko may hangover pa eh.

RJ:  Actually, Idea ni Miggy para tantanan ako nung Jennilyn. May nakita si Jill na picture namin ni Maine sa phone ko.  Akala nya GF ko,  ito namang si Miggy na napagtanungan hindi nagdeny.  Kaya akala nung Cabin Crew girlfriend ko nga. Nakiusap ako kay Maine to pretend para matapos na nga.  Kaya ayun  pinangatawanan na namin. 

Matt:  Ah akala ko totoo tapos hindi mo sinasabi sa akin eh.

RJ:  Bakit ko naman hindi sasabihin sa yo? Kung naging girlfriend ko yun syempre ikaw unang makakaalam.  Kaso ayaw nga magpaligaw di ba?

Matt: Bro, gusto kong ligawan eh, kahit ayaw niya.  Attracted talaga ako eh. Pwede ba?

RJ:  Ikaw ang bahala, basta huwag mong pipilitin. Just ask for a chance.  

Matt:  Sure ka na ok lang sa yo ah. 

RJ:  Oo sige.  Basta Matt, wag mong sasaktan, magkakasira tayo.

RJ:  Bukas pala, binyag nung apo ni Capt. Frank pupunta ka diba? Ikaw na ang sumabay kila Miggy para sunduin sila Ciara.  Uuwi ako ng Laguna ngayon eh baka hindi ako makabalik ng maaga.  Susunod na lang ako don.

Matt: Sige, bro akong bahala salamat ha.  Basta ikaw, malakas ka sa akin eh.

Nung hapon na yun, wala sa oras na napauwi ng Laguna si RJ. Nagulat ang Tatay niya sa kanya dahil hindi naman ito nagsabi na uuwi ito.

RJ:  Hi Dad!

Daddy Richard:  O napasugod ka may problema ba?

RJ:  Wala dad, gusto ko lang magpahinga at mapagisa.  Mamaya na tayo magkwentuhan ha.

Dumeretso ito sa ref at kumuha ng apat na SMB light at dumeretso sa kwarto.

Daddy Richard:  Napailing na lang  ito.  Kilala nito ang anak, kailangan lang nyang pabayaan ito dahil kapag kaya ng magkwento lalapit ito sa kanya.

Binuksan ang aircon, binuksan ang unang lata ng beer at tinungga ng derederetso. Nang maubos, kinuha ang pangalawang lata, tinungga at inubos ulit.  Kinuha ang cellphone at ini-off ito. Binuksan ang pangatlong can ng beer at tinungga ulit hanggang sa maubos. Bumulong ito ...

sorry Maine... sorry talaga!

At tuluyan ng bumagsak ang luha nito.  Ibinato ang mga walang laman na lata ng beer sa pader at tuluyan ng napahagulgol. 

Narinig ng kapatid nya ang pagtangis niya.  Bumaba ito sa sala at kinausap si Daddy Richard.

Riza:   Dad, si kuya ba yon? Nagulat ako eh.

Daddy Richard:  Oo, bakit ano bang ginawa?

Riza: Nagbabato ng lata sa wall tapos umiiyak.

RJ:  Mommmyyyyyy... tulungan mo ako!  

Malakas na hiyaw nito.  Napaiyak na lang din si Riza at Daddy Richard.

Riza:  Dad, anong gagawin natin?

Daddy Richard:  Wala pabayaan lang natin. Kailangan nya yan.  Kaya yan umuwi dito dahil dito lang nya mailalabas yan ng walang huhusga sa kanya. Kaya pabayaan mo lang.

Naubos na ni RJ ang pang-apat na lata, ibinato ang lata sa kung saang sulok ng kwarto.  Bumaba ng kusina at kumuha ulit ng anim pa.

Daddy Richard:  Nak, baka sumobra ha.

RJ:  Bitin pa nga Dad eh.  Hi bunso! andyan ka pala.  

Lumapit ito kay Riza at niyakap ang kapatid. 

RJ:  Kamusta ka na? 

Riza:  Ok lang kuya. Ikaw kuya?

RJ:  Eto, gago pa rin.  Kaya ikaw ha, wag kang papayag na lokohin ng isang gagong lalaking katulad ko. lalo na huwag kang papatol sa isang duwag na katulad ko.

Riza: Oo Kuya.

Tumalikod na ito, bitbit ang ang anim na lata ng beer.  Nagpatugtog ito ng malakas at sumayaw habang umiinom, pinipilit alisin sa isip si Maine. Ibinuhos ang galit sa sarili sa punching bag na nakasabit sa terrace ng kwarto nya suntok dito, suntok doon, walang humpay na suntok habang walang tigil din ang pagpatak ng luha niya. Nang mapagod tinungga ang panganim na lata ng beer. Naupo sa gilid na kama binuksan ang videoke player at kumanta ng paulit ulit habang umiiyak...

" Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling, at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo koy tumitigil. Para lang sayo ang awit ng aking puso, sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin..."

"ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi't araw, ikaw ang nais kong sa twina ay natatanaw, ikaw ang buhay at pagibig wala na ngang iba, sa aking puso'y tunay kang nagiisa..."

ininom ang pangpito, pangwalo, pangsiyam hanggang maubos ang pang sampung lata ng beer... sumigaw ito...

"MAAAAIIIINE, MAHAL KITA, MAHAL NA MAHAL KITA.  SORRY..."  humagulgol ito.  Humiga sa kama, kinuha ang wallet at inilabas ang litrato ni Maine at paulit ulit na sinabi, "mahal kita maniwala kang mahal na mahal kita" ... hanggang sa nakatulog ito.

Malalim na ang gabi ng umakyat si Daddy Richard para silipin ang anak. Nakita nya ang mga lata kung saan saan.  Mga magazine, unan na hinagis. Nakita niyang tulog na tulog na ito, hawak ang lirato ng babaing itinatangis nito.  Ngayon lang nya nakitang nagkaganito ang anak ng dahil sa babae.  Kaya sigurado siyang kung sino man ang babaing ito, mahal na mahal ito ng anak nya.











Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro