Chapter 37 - Special Friend
Simula ng bumalik ang magkakaibigan sa Maynila galing sa Fiesta dalawang linggo ang nakakaraan. Araw-araw na walang palya na nagtetext si RJ kay Maine. Kahit mga simpleng messages tulad ng "Good Morning Sunshine! :-)" sa umaga; "Tama na ang diet, kumain ka na" sa tanghali; "Goodnight Princess!" sa gabi. O kaya, "SF (Special Friend), pagandahin mo naman ang umaga ko oh, isang smile naman dyan" sa umaga; "Kain na tayo, subuan kita." sa tanghali at "Tulog na ako ha, pagod na ako sa kakaisip sa yo eh" sa gabi. Mga simpleng messages na nakakapag pangiti kay Maine. Katulad ng Byernes ng gabing yon nagtext ito ng...
Text convo:
SF RJ: My heart just landed on yours... (may beating heart emoticons pa) napangiti ang dalaga.
My Maine girl: musta naman ang landing?
SF RJ: To the core... hindi na nga ako makaalis dito eh
My Maine girl: Cheesy mo! Di nga kamusta?
SF RJ: Eto pagod sa byahe at miss ka na. Ikaw musta?
My Maine girl: Tired, 5 local flights eh. Nakahilata nga kami pareho ni Cia eh
SF RJ: Grabe naman sila sa inyo. Wala na bang ibang FA?
My Maine girl: Sick, yung dalawa. Kaya eto taga salo.
SF RJ: don't tire yourself out, pwedeng tumanggi!
My Maine girl: Ok lang yun, para mabilis makalipat ng Int'l.
SF RJ: ayun eh may hidden agenda ka pala eh.
My Maine girl: Pauwi ka na?
SF RJ: Oo, bakit? Gusto mo dumaan ako dyan?
My Maine girl: hmmm, pwede din pero pagod ka na eh.
SF RJ: ulitin ko, gusto mo bang dumaan ako dyan?
My Maine girl: Gusto po.
...End of text convo.
Maine: Hala... hindi na sumagot. Ciara!
Ciara: Ano?
Maine: Magkasama ba si Miggy at RJ ng flight?
Ciara: Oo, bakit ba?
Maine: Hala! Pupunta ata si RJ eh
Ciara: bakit ano ba ang sabi mo?
Maine: Tanong kasi kung gusto ko daw ba na dumaan sya dito? sabi ko Oo. ayun hindi na sumagot
Ciara: Ay sya, pupunta nga yon.
Maine: Magluluto ako! magligpit ka ang kalat natin!
Nagbake siya ng lemon buttered chicken breast and asparagus, nagluto ng pasta carbonara at gumawa ng garlic bread.
Ciara: Hala sya, nataranta na! O eto nagtext na si Miggy pupunta daw sya.
Maine: Sabi ko na nga ba eh. Talaga tong si RJ!
Ciara: Sabi mo gusto mo eh. Alam mo naman yun.
Makalipas ang 45 minutes, naayos na ni Ciara ang condo at nakaluto na ng carbonara si Maine at nagpalamig na din ito ng coke at beer in can sa freezer.
Maine: Kinakabahan ako sis!
Ciara: Cool ka lang, sabagay first time nyang aakyat dito para dalawin ka. Kinakabahan ka o kinikilig ka?
Maine: Pareho!
Kinuha nito ang throw pillow at tumili dito. Tawa ng tawa si Ciara. Biglang may nagdoor bell
Binuksan ni Maine ang TV, kunyari busy ito sa panonood. Binuksan naman ni Ciara ang pinto.
Dalawang babae ang kumatok, parang naka scrub suite na kulay blue.
Masahista: Good evening po, massage room service po para kay Ms. Maine Mendoza at Ciara Sotto
Iniabot nito ang resibo, nakita ni Ciara may pangalan at celphone number ni RJ.
Ciara: Tuloy kayo. Maine, massage room service padala ni RJ.
Tinawagan nito si RJ.
phone convo...
RJ: Hello angel!
Maine: Did you send a masseuse?
RJ: Yes, that's good na nandyan na sila.
Maine: Why?
RJ: Sabi mo pagod ako, magpapamasahe talaga sana ako, eh kaso mas gusto kitang makita eh. Kaya nagparoom service na lang ako dyan para makapagpamasahe na tayong lahat, tapos nakita pa kita. Ayaw mo? (lumungkot ang boses nito)
Maine: Was just surprised. You didn't have to, you know.
RJ: I don't but I want to. Sige na magpamasahe na kayo ni Ciara. Dadaan lang ako sa condo, to change and leave my things. Punta na ako dyan.
Maine: Ok... ingat sa pagdrive.
RJ: Opo, see you.
Maine: see you later. bye.
--- end of phone convo.
Maine: Magpamasahe na daw tayo. Uuwi muna sya sa condo. Nauna ng magpamasahe si Ciara. Hinintay naman ni Maine na dumating si Miggy. Pinagbuksan ito ng pinto ni Maine.
Maine: Si Ciara nasa kwarto nagpapamasahe.
Miggy: Nagparoom service kayo?
Maine: Padala ni RJ. Papunta yun dito.
Miggy: Wow! Ibang klase dumiskarte ang brod ko ha! Kaya pala sabi sa akin bilisan ko daw.
Maine: Anong gusto mong inumin? Coke o Sanmig light?
Miggy: Coke please.
Inabutan ng coke si Miggy. Binuksan ang TV at iniabot ang remote kay Miggy.
Maine: Pasok na ako sa kwarto ha, Ciara will be out in 30 minutes.
After 30 minutes lumabas na si Ciara.
Ciara: Hi! Grabe ang sarap magpamasahe!
Miggy: hey you! Pasalubong mo oh!
Inabot ang paper bag kay Ciara
Ciara: Wow! dream catcher and yellow roses, Thanks! (hinalikan si Miggy sa pisngi)
Nagulat si Miggy, nagulat din si Ciara sa ginawa niya.
Ciara: lagay ko lang ito sa base.
Kumuha ng base nilagyan ng tubig at inilagay ang roses tsaka binitbit papunta sa kwarto. Bumalik ito sa sala at naupo sa couch. Kinuha ni Miggy ang isang throw pillow nilagay sa lap ni Ciara at nahiga ito sa couch at nagkwentuhan ang dalawa. After 15 minutes nagdoorbell si RJ. Pinagbuksan ito ni Ciara.
RJ: Hi there
Ciara: Hello! Thank you sa free massage ha. Si Maine nasa loob pa mga 15 minutes tapos na yon. Drinks?
RJ: Iced water lang please.
Miggy: Bro, ikaw ha, panalo ang diskarte mo!
RJ: Bro, magpapamasahe kase ako eh gusto ko din pumunta dito kaya ayan para lahat tayo makapagpamasahe na.
Miggy: Kumain ka na ba?
RJ: Hindi pa, nawala gutom ko nung sinabi ni Maine na gusto nyang dumaan ako dito eh
Miggy: Malala ka na bro!
RJ: padeliver na lang tayo.
Ciara: Hindi na kailangan, may food naman. Yung isang ale, natarantang magluto dahil darating ka daw. Samantalang 4pm pa lang tinatanong ko kung ano dinner namin, sagot sa akin mcdo na lang tayo tinatamad akong magluto.
Natawa si RJ at Miggy.
Miggy: Lakas mo tol ha?!
Nagblush naman si RJ. Lumabas si Maine ng kwarto.
Maine: Hey you! Kanina ka pa?
RJ: Mga 15 minutes pa lang.
Miggy: ay ako naman magpapamasahe.
Ciara: Don ka sa kwarto ko, awayin ka ni Maine pag pumasok ka dyan sa kwarto nya.
Nagpunta na sa kwarto ni Ciara ang dalawa, naiwan si Maine at RJ sa sala.
Rj: May pasalubong ako sa yo. Pikit ka.
Maine: Ano ka ba may masahe na may pasalubong pa.
RJ: yaan mo na, sige na pikit ka na.
Maine: o ayan nakapikit na.
Kinuha ni RJ ang paperbag na nasa gilid ng couch. Inilabas ang laman nito.
RJ: Now, open your eyes.
Pagmulat ng mata, nakita ni maine ang isang bouquet of white tulips and yellow carnation at snow globe.
Maine: hala may pabulaklak pa. ang ganda naman nito. Golden gate to di ba?
RJ: Yup, at tsaka ito pang mga ito.
Inilabas nya ang mga ref magnet na binili nya sa bawat lugar na napuntahan niya simula nong bumalik sila galing Bulacan.
Maine: ay ang dami naman nito.
RJ: Lika lagay na natin sa Ref nyo. Mag-collect tayo nito ha.
Maine: Sobra na 'tong ginagawa mo ha. Baka masanay ako.
RJ: Eh di masanay ka, wala naman akong planong itigil to eh. Basta masaya ka.
Maine: Dapat masaya ka din. Tsaka I don't like you spending too much, ok?!
RJ: Opo, Maine, magcollect tayo nyang ref magnet ha... punuin natin itong ref nyo.
Maine: sige, basta yung mura lang. Yan na lang lagi mong pasalubong sa akin. Ay nga pala, magpapamasahe ka pa, bilis naghihintay si Ate sa yo pasok ka na don.
Inayos ni Maine sa isang flower vase ang bulalak na dala ni RJ at pumasok ito sa kwarto nya. Eksakto namang nakaupo si RJ sa kama at naghuhubad ng T-shirt nito.
Maine: Sorry, ilalagay ko lang ito dito.
Nakita ni RJ na nilagay ni Maine ang bulaklak at snow globe sa bedside table nito at lumabas na ito. Nagpunta ng kusina, ininit na nya ang sauce ng pasta at eksakto namang tumunog ang oven at luto na ang chicken. Nagpalamig din siya ng white wine. Naamoy ni Ciara ang niluluto nito lumabas ito ng kwarto.
Ciara: Wow ha, kanina lang mcdo tayo ngayon mukhang pang-fine dining ang dinner natin.
Maine: Huwag ka ng manukso, pumili ka na lang ng pinggan dyan sa tokador at white wine glass.
Si Ciara naman ang nagset ng table. Nilagyan ni Maine ng carbonara, garlic bread, baked lemon buttered chicken breast with asparagus ang bawat pinggan, at yung iba inilagay sa platter at nilagay sa gitna ng lamesa.
Ciara: Wow! ang ganda naman, parang ayoko ng kainin.
Lumabas si Miggy ng kwarto ng topless at pinuntahan sila sa dining area.
Miggy: Grabe, hindi lang pala amoy masarap, mukhang masarap pa. Akala ko ba mcdo ang dinner ninyo?
Maine: Tse! Isa ka pa, manukso ka hindi kita pakakainin kahit asparagus.
Miggy: Ito namang little sister ko, hindi ko na mabiro. Nakakabilib ka Dei ha.
Lumabas ang dalawang masahista, inabutan ni Miggy ng tig 500 na tip para sa kanilang apat. Nagpaalam na ito, hinatid ni Ciara sa may pinto, pagkasara sa pinto bumalik ito sa dining area. Natawa ito na nakatanga pa rin si Miggy sa dining table.
Ciara: Huy, ano na hindi ka na nakarecover dyan.
Miggy: Hindi talaga! I am amazed!
Sa tabi ng ref nandon ang tokador ng ibang mga plato at baso, tumungtong si Maine sa stool, para tignan sa bandang itaas ng tokador ang ice bucket. Lumabas si RJ ng wala ding t-shirt, dumeretso ito sa ref para kumuha ng tubig.
RJ: Amazed by what Miggy?
Maine: Ano yon? Tumingin ito kay RJ, napalunok ito ng makita ang hubad na katawan ng binata, nagulat ito ng pumasok sa isip nya na nakahawak siya sa dibdib nito, na-out balance ito sa stool at muntik ng mahulog. Mabuti na lang at nasalo ito ni RJ.
RJ: Bakit ba kasi nakatungtong ka dyan sa stool. Sana ipinakuha mo na lang kay Miggy kung ano man ang kailangan mo.
Binuhat na ito ni RJ hanggang sa dining area. Nang makarecover ito sa pagkagulat.
Maine: Ibaba mo nga ako!
Ibinaba naman sya ni RJ, naiinis na pumadyak si Maine.
Maine: Kung bakit ba kasi lumabas ka ng wala kang t-shirt, nadidistract ako sa biceps mo!!! Umalis ka nga sa harapan ko!
Nagulat din si RJ, nawala sa isip nya na hindi pa pala sya nakakasuot ng t-shirt. Pumasok ito sa kwarto ni Maine at nagbihis. Nagtawanan sila Ciara at RJ ng mapansin ni Ciara na wala din itong t-shirt. Kumuha ng bottled water si Maine at ininom yun ng dere-deretcho.
Ciara: Isa ka pa Miggy eh!
Hinampas ni Ciara si Miggy, pumasok din ito at nagsuot ng t-shirt. Nagkatinginan ang dalawang dalaga, sumenyas si Maine na parang sinasabi na "ang laki ng biceps nya no?" at sumenyas naman si Ciara ng nanggigigil. At humagalpak sila pareho ng tawa.
Miggy: Eh bakit hindi ba maganda naman katawan namin?
Maine: Mahiya ka nga dyan sa burger mo!
Miggy: Uy Dei, wala akong bilbil ha. Abs meron, gusto mo hawakan?
Maine: Miguel kapag hindi ka tumigil, babatuhin kita ng sandok!
RJ: Sorry, sorry nakalimutan ko lang. Miggy, tigilan mo na.
Maine: Maupo na nga lang kayo dyan, at kakain na tayo.
Naupo naman yung tatlo...
Miggy: As I was saying kanina, you amazed me Dei.
RJ: Wow! Pasta ala Carbonara with Garlic bread and baked lemon buttered chicken breast with asparagus. Dinner ng First class flight ito ah!
Maine: ako lang ang nagluto but si Ciara ang nagset ng table. That's why we're friends we compliment each other.
RJ: May tinatago ka palang talent Ciara eh.
Ciara: Itago ko na lang ba?
Miggy: Hindi ah, maganda kaya, tama si Dei kung hindi maganda ang setting it wouldn't look as appetizing.
Ciara: Nambola ka pa, kumain ka na nga lang.
Maine: Ay sandali, yung wine pala nasa freezer, kunin ko lang.
RJ: Ako na!
Nilagyan ni RJ ng wine ang lahat ng baso nila at nagsimula ng kumain.
Miggy: Alam mo itong asparagus, hindi ako talaga nasasarapan pero bakit itong luto mo masarap.
Maine: Baka masyado lang luto, mas masarap kasi talaga yan ng half cooked lang.
Ciara: Itong chicken diba lemon lang, a little pepper and salt?
Maine: Yup tapos baked it with butter.
RJ: This pasta is Fettucini right?
Maine: Yung iba, spaghetti pasta ginagamit eh, pero ako mas gusto ko sa carbonara yang Fetuccini kapag chicken alfredo penne.
Miggy: Pare-pareho lang namang pasta pinahihirapan pa natin eh. Kakainin din naman.
Maine: May point ka, at hindi naman magrereklamo kung alin ang gamitin mo.
Miggy: Ang sarap ng mcdo ah.
Maine: Ciara ha, nilaglag mo ako.
Ciara: Hindi, kasi magpapadeliver daw sila ng food kaya ang sabi ko wag na kasi nagluto ka nung nalaman mong darating sila. Kahit na kanina eh tinatamad ka at dapat mcdo ang dinner natin.
Maine: eh di nilaglag mo nga ako in full details!
RJ: You cooked for me? Thanks!
Nginitian nya si RJ.
Maine: Pangbawi lang sa free massage, pabulaklak at sangkatutak na pasalubong.
RJ: Kung ganito ang pagkaing uuwian ko sa araw-araw in the future. Lahat ng pasalubong bibilhin ko.
Maine: Kumain ka na nga lang ang dami mo pang sinasabi eh.
Bigla syang sinubuan ni Maine ng malaking piraso ng chicken. Nagtawanan na lang si Miggy at Ciara.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro