Chapter 33 - Manugang?
Kinaumagahan, mga alas singko ng umaga, lumabas sa garden si Nanay Mary Ann, magdidilig sana ito ng halaman. Nagulat ito na makita si Maine at RJ na magkayakap na natutulog sa damuhan.
Nanay Mary Ann: Susmaryosep na mga bata ito, bumangon nga kayo dyan.
Inugoy nito ang balikat ni Maine.
Nanay Mary Ann: Menggay! gising!
Parehong gulat na naalimpungatan si Maine at RJ, nagkatinginan ito at biglang binitiwan ang isa't isa.
Maine: Naku Nay! Sorry nanonood lang kami ng mga bituin kagabi eh
RJ: Opo, nagstargazing lang kami, hindi na namin namalayan na nakatulog na kami. Pasenya na po talaga!
Nanay Mary Ann: Mabuti akong nakakita sa inyo, kung ang Tatay nyo baka makakita ka ng bituin kapag tumama sa mukha mo ang kamao non. Bilisan nyo, umakyat na kayo bago pa magising yon.
Maine: Opo Nay, sorry talaga!
Kinurot si Maine sa tagiliran, napahagikgik ito. Piningot naman si RJ, natatawang napakamot na lang ng ulo si RJ. Naalala nya ang Nanay nya, malamang ganon din ang ginawa nito.
Nanay Mary Ann: O siya, tutal gising na din lang kayo, magbihis kayo at kayo na ang sumama sa akin sa palengke para hindi ko na gigisingin ang Tatay nyo. Pagbaba mo Meng kunin mo yung susi sa tukador. Bilisan nyo!
Nagtatakbo ang dalawa paakyat ng hagdan. Natatawang, naiiling si Nanay Mary Ann. Nasabi sa sarili "kung sakali ang gwapo naman ng manugang ko at piloto pa, ang cute ng mga apo ko". Itinuloy na nito ang iniisip na pagdidilig kanina habang hinihintay na bumaba ang dalawa.
Nakamaong na pants si RJ at red na smiley shirt, lalong lumutang ang kaputian nito. Nakamaong na jumper shorts si Maine at red and white n a striped shirt sa ilalim nito. Pareho silang nakasneakers. Kinuha ni Maine ang dalawang bayong sa kusina ng bumaba si RJ.
RJ: Ang cute naman ng suot mo?!
Maine: Yung suot ko lang talaga ha. Ilabas mo na nga lang yung kotse dami mo pang sinasabi.
Ibinigay niya ang susi ng kotse at itinulak si RJ. Tumakbo ito papunta sa tarangkahan at binuksan yun.
RJ: Nay, aalis na po tayo? Ilalabas ko na yung kotse.
Nanay Mary Ann: Oo sige anak, andyan na.
Maine: Ang kapal mo ah, bat mo tinatawag na Nanay ang Nanay ko.
Nanay Mary Ann: Nagrereklamo ka pa eh natulog ka nga ng nakayakap sa kanya kagabi?
Maine: Nay naman, hindi nga po sadya yon. Nakatulog lang kami dyan siguro gininaw kami kanina kaya ayon.
Ipinark ni RJ ang kotse sa harap ng bahay at hinintay na makalabas ang magina bago ito isinara at inilock. Bumiyahe na sila papunta sa palengke.
Maine: Nay, anong bibilhin natin?
Nakapamalengke na kami kahapon, nandon na nga sila Aling Natie at Rosa sa likod bahay at naghihiwa ng pang menudo, hamonado at beef calderata. Ang ipamamalengke natin ay yung iluluto mo. Ang Tatay mo gusto na namang ipagmayabang na may anak syang Chef.
Maine: Patay tayo dyan! Ang Tatay talaga!
RJ: Pagbigyan mo na minsan lang naman, tutulungan na lang kita.
Maine: As if makakatangi pa ako. Sige po, Mag Ceasars with ripe mango and shrimp salad na lang ako, baked zitti promodoro, chicken courdon bleu at fish fillet with sour cream deep. Gano kadami po ba ang bisita?
Nanay Mary Ann: Eh di ang buong angkan at buong baranggay.
Maine: Susmaryosep si Tatay! Grabe sya!
Nanay Mary Ann: RJ, Hijo! Handa ka na bang makilala ang buong angkan namin.
Biglang naubo si RJ. Nagtawanan naman ang magina. Bago bumaba si RJ, iniabot ni Nanay Mary Ann ang sampung libong piso kay RJ, ikaw na ang magbayad at baka magkamali pa ako sa mga sukli.
Sa palengke, sinamahan sila ni Nanay Mary Ann sa suki nito sa manok.
Tindera: Naku, Mrs. Mendoza mabuti naman po at nadaan kayo.
Nanay Mary Ann: Sinamahan ko lang itong anak ko.
Tindera: Ang ganda naman ng anak nyo. Ineng, ano bang kailangan mo(Ngumiti si Maine at nagpasalamat)
Maine: Chicken breast po yung malalaki, pang chicken courdon, mga 20 pcs. po.
Tindera: Sige, ipipili kita ng malalaki at ico-courdon ko na din para sa yo.
Maine: Tsaka tig-isang kilong purefoods hotdog at ham.
Habang naghihintay kahuntahan ni Nanay Mary Ann ang nasa kabilang stall ng gulay.
Nanay Mary Ann: Ipili mo na nga ako ng gulay pang Ceasar salad.
Tindera2: Sosyal ka ngayon, magvegetable salad ka.
Nanay Mary Ann: Andyan yung dalaga kong Chef.
Lumapit si RJ kay Maine ng nakita nitong iniaabot na kay Maine ang ipinamili nya. Kinuha niya ang dalawang malaking plastic at inilagay sa bayong.
RJ: Manang, magkano po lahat?
Tindera1: 2,680 Hijo. (Nakatunganga ito habang tinatawag si Nanay Mary Ann. Binayaran ni RJ ang matanda at nginitian nya ito)
RJ: Eto po bayad.
Tindera 1: Mrs. Mendoza, anak mo din ba itong makisig na batang ito?
Nanay Mary Ann: Hindi, yan ang mamanugangin ko. Piloto yan.
Tindera1: Dyaske mukhang artista eh! At galante pa! Ineng, bagay na bagay kayo.
RJ: Salamat po. Tutuloy na po kami.
Natatawa na lang si Maine sa pinagsasabi ng Nanay nya. Although, she feels proud every time pinupuri si RJ.
Lumapit na sila sa Nanay nya.
Nanay Mary Ann: Tignan mo yan kung kumpleto para sa salad mo. Nangmacheck na ni Maine at makitang kumpleto naman. Lumapit si RJ para kunin at bayaran ito.
Nasa suki ng Nanay mary Ann sa isdaan sila at bumibili ng pang fish fillet ng makita sila ni Miggy. Kasama nito ang Mama Amy nito at si Ciara.
Miggy: Dei! RJ!
Nag bro-fist ang magkaibigan at nagbeso naman si Ciara at Maine.
Nanay Mary Ann: Marami ka bang bisita Amy?
Mama Amy: Hindi naman mga kamaganak lang para sa tanghalian.
Nanay Mary Ann: O sa hapuan, doon kayo sa amin, magtatampo si Teddy kapag hindi kayo dumating.
Mama Amy: Huwag kang magalala ipinaalala sa akin ni George at nagpabili pa ng alak dito kay Miguel para daw mamaya. Oo nga pala ipadadala ko na lang yung maja blanco kay Miguel.
Sumimple ng bulong si Miggy kay RJ
Miggy: Kamusta kagabi?
RJ: Ayos lang, sakto lang. kwento ko sa yo mamaya.
Naghigh-five ang dalawa.
Nanay Mary Ann: O sige, hihintayin namin kayo sa bahay mamayang gabi.
Matapos ang isa't kalahating oras natapos din sila sa pamimili. Bumalik sila sa bahay. Dumeretso na sa sila sa likod bahay. Nagulat si RJ at Maine. May dalawang babae na nagluluto sa dalawang malaking kawa, may apat na babae naman na naghihiwa.
Maine at RJ: Good morning po.
Nagmano silang pareho kay Tatay Teddy.
Tatay Teddy: Akala ko ba ako ang magmamaneho para sa yo pagpunta ng palengke?
Nanay Mary Ann: Naku, eh ang sarap ng hilik mo hindi na kita inistorbo, ng magising ako nagkakape na itong dalawang ito kaya sila na ang isinama ko.
Aling Natie: Teddy, yan na ba si Dei?
Tatay Teddy: Oo Natie sya na nga.
Aling Natie: lalong gumanda eh, hindi ko nakilala
Tatay Teddy: Kanino pa ba magmamana yan eh di sa akin.
Nanay Mary Ann: Oy, Teodoro, anong sinasabi mo dyan.
Tatay Teddy: Wala mahal nagbibiro lang.
Rosa: Anak nyo po din ba ang binatang yan?
Tatay Teddy: Hindi, boyfriend nitong dalaga ko.
Maine: Hay naku! parehong pareho kayo ni Nanay! Nakakainis! Dyan na nga kayo!
Nagdadabog na bumalik sa loob ng bahay si Maine.
Tatay Teddy: O anong nangyari don RJ?
RJ: Tito, kasi po si Tita, ipinakilala ako sa palengke kanina na manugang ninyo.
Ang lakas ng tawa ni Tatay Teddy. Nagulat sila ng biglang sumigaw si Maine
Maine: RICARDO! Isa ka pa! Umakyat ka na dito dalhin mo na yang pinamili dito!
RJ: Hala galit na ho talaga, Ricardo na ang tawag sa akin.
Tatay Teddy: O sige na sundan mo na at masamang magalit yan.
Habang naglalakad papunta ng kusina, naiiling at natatawang sabi nito sa sarili, "Nagagalit kang tinatawag akong manugang eh bakit hindi mo itanggi, kunyari ka pa kinikilig ka din parang ako."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro