Chapter 32 - Ang paglalahad
Pagkatapos ng hapunan, nagpumilit si Maine at Ciara na tumulong kay Nanay Mary Ann sa kusina. Lumabas si Miggy at RJ sa garahe, binuksan ang magkabilang pinto ng kotse at naupo don.
RJ: Ok ka na bro? Kampante na ba ang kalooban mo? Masaya ka ba?
Miggy: Ok na ok bro, salamat ha, kung hindi dahil sa inyo ni Dei baka hanggang ngayon nagtatago at nagaalangan pa din ako. Ngayon, magaan na ang loob ko at totoong masaya ako.
RJ: Mabuti kung ganon, pero bro grabe ka umiyak ha daig mo pa si Alden Richards eh pang award winning!
Sinuntok ni Miggy sa braso si RJ.
Kinuha ni RJ ang sigarilyo sa maliit ng compartment sa harapan ng passengers seat at nanigarilyo ito. Tinignan ito ng kaibigan.
Miggy: Stressed? May iniisip? O pinoproblema? In love?
RJ: All of the above bro!
Miggy: Ay, dadamayan kita dyan! Nagsindi din ito ng sigarilyo.
RJ: Marami akong tanong na gustong masagot, natatakot naman ako sa mga malalaman ko pa.
Miggy: Maniwala ka sa akin, wala kang dapat ikatakot, wala namang matter of life and death sa mga nangyari ngayon.
RJ: Kahit yung kay Maine kanina don sa inyo?
Miggy: Oo bro wala yon, normal yon. Ano bang naramdaman mo kanina?
RJ: Natakot ako, kung tumagal pa ng 10 minuto na hindi mo sinabing ok na sya. Kahit magalit ka pa bibitbitin ko papuntang hospital si Maine. Ewan ko ba?
Miggy: Attracted ka ba? Gusto mo ba siya? Mahal mo na ba?
RJ: Sigurado akong attracted ako, bro. Yung nagsasayaw kami sa Bellevue iba pakiramdam non bro! Tumayo balahibo ko sa kilig, nanigas lahat pwedeng manigas sa katawan ko eh.
Miggy: Ganon ka grabe ang dating?!
RJ: Oo eh, Sigurado din akong gusto ko siya. Matalino, mabait, malambing, maunawin, matulungin sa kaibigan, maasikaso at mapagmahal sa magulang. Ano pa ba namang hindi ko magugustuhan sa kanya.
Miggy: Nakalimutan mo, mataray, matapang, makulit at paminsan-minsan may sapak.
RJ: hindi ko nakalimutan, dahil yang mga yan ang pinakapaborito kong ugali nya.
Miggy: Eh, mahal mo ba?
RJ: Miguel, pwede ko na ba syang mahalin? Ok na ba sa yo? Yung totoo lang?
Miggy: Bro, ano ka ba! Nung una ko palang sinabi sa yo na bagay kayo, pwede na pwede na pero noon hindi ako sigurado sa yo. Eh ikaw ba sigurado kang mahal mo.
RJ: Ikaw na ang mag-analyze bro. Ayoko syang makikitang malungkot, sumasakit ang dibdib ko kapag nakikita ko syang umiiyak dahil sa yo at sa nakaraan nyo. Masaya ako kapag masaya siya. Kapag napapatawa ko siya, pakiramdam ko hari ako ng mundo. She makes me happy in the simplest thing that she do. She has this subtle way of calming me down. Kapag hindi ko sya kasama, tignan ko lang ang mga picture namin buo na ulit ang araw ko.
Miggy: Nampotah, Faulkerson in love ka nga!
RJ: Eto pa nung tumawag sa akin si James at sinabing may date sila, galit na galit ako sa sarili ko, first time nagpakalasing ako dahil sa babae. Nung niyaya nya si Matt na magbreakfast pakiramdam ko gumuho ang mundo ko at wala na akong pagasa kaya ganon na lang ang pagkakapisil ko sa basag na baso, suicidal ako ng oras na yon.
Miggy: You hit the rock bigtime bro! Bullesye ka! Mahal mo nga!
RJ: Pero after ng breakfast nila Matt sabi nya, ayaw daw magpaligaw ni Maine. Kaya eto nagpapakasaya na lang ako sa mga lakad na kasama sya. Tyaka nung nasa Tagaytay tayo pakiramdam ko basted na ako eh.
Miggy: Bakit naman ano bang sinabi sa yo?
RJ: Hindi pa daw sya ready, hinahanap pa raw niya ang sarili nya at hindi pa buo ang puso nya. Tapos bigla na lang hindi na natin siya nakakasama, pakiramdam ko pa iniiwasan ako.
Miggy: Sa palagay mo ba gusto ka niya?
RJ: May mga pagkakataong oo ramdam ko naman when she treats me special. Nung kinantahan ko sya ramdam ko din na kinikilig siya at nung nasa hotel tayo ilang beses kong tinanong kung lasing lang ba sya pero ilang beses nyang sinabi na hindi, alam niya ang ginagawa niya. Hindi naman yun didikit ng ganon sa akin kung hindi ako gusto non.
Miggy: Eh hindi ka naman pala manhid eh. Ano pang pinoproblema mo?
RJ: Hindi kasi ikaw, ako eh!
Miggy: 'tangina pre, wag mong sabihing insecure ka sa akin, babatukan kita!
RJ: Insecure ako sa lalim ng pinagdaanan niyo, sa kung anong meron kayo. Hindi ko kayang talunin yon 'tol.
Miggy: Bro, huwag na huwag mong iisipin yan. May ibang dahilan ang lalim ng pinagsamahan namin at hindi yun dahil naging kami. First Love lang namin ang isa't isa but it doesn't mean na yun na yong greatest love namin.
RJ: Pero di ba sabi nga nila "first lover never dies"
Miggy: ang cliche' nyan bro. Ibig lang sabihin hindi mo yun makakalimutan pero hindi ibig sabihin na it doesn't fade away.
RJ: Tatapatin kita Miggy, gustong gusto ko syang alagaan at mahalin, naduduwag lang ako.
Miggy: Eto pare ha, hindi ko dapat sinasabi to sa'yo kasi ayoko namang parang ibinebenta ko si Dei, pero kapag hindi mo siya niligawan, magsisisi ka, sasabihin mo sa sarili mo ang TANGA mo.
Ciara: Sinong tanga? at bakit tanga?
Nagulat is Miggy at RJ kay Ciara. Nakatayo ito sa gilid ng kotse at nakatayo si Maine sa tabi nito.
Miggy: Huh? wala yung isang Pilotong kasama namin.
RJ: Kanina pa ba kayo dyan? Nakakagulat naman kayo.
Maine: Hindi, kakalabas lang namin. Pero kanina pa namin kayo hinahanap. mag stargazing tayo.
Miggy: Uy gusto ko yan, romantic! Kailan ka pa naging ganyan Dei? In love ka ba?
Maine: Bwiset ka talaga Miguel! panira ka ng mood ko eh.
Bumaba na sa kotse ang dalawa at sumunod sa mga dalaga papunta sa Garden. Inilatag ang isang malaking kumot. Humiga sa gitna si Maine.
Maine: Miguel ayaw kitang katabi.
Miggy: Lalo na ako!
Ciara: Tumigil na nga kayo para kayong aso't pusa eh. Ako na tatabi kay Maine sa gitna.
Humiga naman si Miggy sa tabi ni Ciara at si RJ sa tabi ni Maine.
Maine: Guys gaano kaganda ang ulap?
RJ: Maganda, para siyang malalaking bulak or cotton candy.
Miggy: kapag nakita nyo ang mga ito parang gusto mong higaan kasi parang ang lambot.
Ciara: Kailan kaya kami makakakita ng ulap ng malapitan.
RJ: Huwag kayong magalala, malapit na yon.
Maine: ang daming bituin ano?
Miggy: mabuti naman para hindi umulan bukas para masaya ang fiesta.
Ciara: anong oras natin kailangan gumising bukas?
RJ: Hindi ka pa nga natutulog, pag gising na inaalala mo
Miggy: Oo nga naman
Ciara: Sira pala kayong dalawa eh, nakakahiya naman na tanghaling magising tapos maaga pa lang marami na palang gagawin.
Miggy: Speaking of, Ciara gusto mong sumama mamalengke? Si Mama kasi kinukulit ako eh yayain daw kita. Kaya lang maaga masyado mga 5am.
RJ: Si Mama mo talaga ha, namiss agad ang manugang niya.
Miggy: Oo nga eh. Sabagay ako nga kasama ko pa sya namimiss ko na eh.
Maine: Ang cheesy mo Miguel.
Miggy: Inggit ka lang Dei! RJ bigyan mo nga ng isa yan?
RJ: Sige... Maine, alam mo sana lupa na lang ako at ulan ka na lang.
Maine: Oh eh bakit naman?
RJ: Para kahit gaano ka kalakas o kahina sa akin pa rin ang bagsak mo.
Ciara: RJ mais ka ba?
Ciara: Ang corny mo eh. (Nagtawanan sila)
RJ: Ano ba kasi ang gusto nyo?
Miggy: Bro, yung makabagbag damdamin at galing sa puso.
RJ: Maine, akin na lang yang relo mo, hindi mo na kailangan yan eh
Maine: Bakit?
RJ: Kasi handa ko ng ibigay ang oras ko sa yo.
Ciara: Yun na! ikaw na talaga RJ!
Miggy: Sapul!
Nagtawanan ang magkakaibigan. Tumayo si Miggy at Ciara
Miggy: Oy, uuwi na ako. Maaga pa bukas eh. Sunduin kita ng 5 ha.
Ciara: Ok
Naiwang nakahiga si Maine at RJ sa kumot. Idineretso ni RJ ang braso at ipinatong naman ni Maine ang ulo nya sa braso ng binata. Hinatid ni Ciara sa tarangakahan si Miggy at hinatid ng tanaw hanggang mawala ito sa paningin niya. At mabilis na itong pumasok ng bahay at iniwan ang dalawa.
Maine: Ang ganda ng mga stars sa langit no?
RJ: para silang christmas light
Maine: Naniniwala ka bang, mga love ones natin yang mga stars na yan.
RJ: Oo naman, ayon yung maliwanag na yun ang nanay ko. Ipapakilala kita. Ma, si Maine po. Maine ang Nanay Rosario ko.
Maine: Hello po, ang ganda naman ng pangalan ninyo.
RJ: Sabi ng Nanay ko maganda din daw ang pangalan mo Maine.
Maine: Tita, pasensya na kayo hindi ko kayo nawelcome dyan ha. Pakialamero kasi si Miggy eh. Kung nauna ako diyan eh di sana nagpawelcome party pa ako para sa inyo.
RJ: Sira ka talaga, ano bang ibig mong sabihin?
Maine: 14 years old ako ng taningan ng Doctor ang buhay ko. Sa sobrang dalas ng atake ko, tinaningan ako ng Doctor sabi isang atake pa maaaring ikamatay ko. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko, tumakas ako ng hospital. Yung likod ng hospital may Ilog, binaybay ko ang gilid ng ilog narating ko ang medyo liblib na parte ng ilog na puro halaman. Nandon si Miggy, naliligo kasama ang mga kaibigan nya. Nakita nya akong tumalon sa ilog, sinabihan nya ako na papunta ako sa malalim na parte ng ilog hindi ako nakinig. Lumangoy lang ako ng lumangoy hanggang mapagod ako. Next thing I knew, nagising ako sa hospital. Sabi ni Tatay nalunod daw ako at iniligtas ako ni Miggy.
RJ: Wow, hero mo pala si Miggy eh.
Maine: Nung kinasundan na araw na dumalaw ang mga kaibigan niya, ikinuwento ng mga kaibigan nya kung paano nilangoy ni Miggy ang distansya nya sa akin habang sumisigaw ito ng tulong. Nung maabutan nya ako at nadala sa pampang. Ginawa ni Miggy ang lahat ng paraan para bumalik ang paghinga ko, nung makita niyang humihinga na ako, binuhat nya ako at literal na itinakbo pabalik ng hospital.
RJ: He is a great guy!
Maine: Simula non sinabi ko sa sarili ko na tutulungan ko si Miggy sa kahit na anong problema nito. Bago pa nagtapat si Miggy, alam ko na kung anong klaseng estudyante sya. Kaya nung magsabi si Miggy na liligawan niya ako, sinabi ko kay Tatay ang plano ko para matulungan si Miggy. Tinanaw na utang ng loob ng mga magulang ko kay Miggy ang pagkakaligtas sa akin, itinuring nila itong parang tunay na anak.
Biglang natawa si Maine.
RJ: Oh bakit ka natatawa?
Maine: Naalala ko pa ang sabi ni Miggy noon. "kailangan mo ng boyfriend kasi walang nagbabantay at nagaalaga sa yo, kaya kung ano-anong nangyari sa yo."
RJ: At least he had that idea in his head kaysa ibang idea di ba.
Nagtawanan sila.
RJ: Maine, did you ever regret letting go of him?
Maine: No, alam ko he grew up faster than I did, aware din ako na naiwan na nya ako at hindi ko din naman kayang habulin ang pagmature ng utak nya eh. When I realized that, I knew I had to let him go. Kasi naniniwala ako, if he is still in the relationship dapat sabay kaming natuto.
RJ: Yung nangyari kanina, madalas ba yung mangyari sa yo?
Maine : Hindi, very rare. It's cause by too much emotions, too much heat lahat ng too much. Last time it happened was nung nasa New York ako, 2 years ago.
RJ: Anong tawag sa sakit mo?
Maine: Murmuring heart. Yun ang tawag sa kanya kasi kapag inaatake parang may naririnig kang bumubulong sa puso kasabay ng paghinga.
RJ: Bumubulong ang puso mo? Sana pangalan ko na lang binubulong nyan.
Maine: Umayos ka nga, inaano ka ba?!
RJ: Minamahal mo... sana.
Maine: Ang cheesy mo na ha, must be the ambiance o nahawa ka kay Miggy.
Tumagilid sa pagkakahiga si RJ para mapaharap sa dalaga. Nakapikit naman si Maine.
RJ: Maine, eh pano kung seryoso ako
Maine: Seryoso saan?
RJ: Na sana pangalan ko ang binubulong ng puso mo.
Maine: Eh di Wow!
RJ: at sabihin ko sa yong seryoso ako na kaya ko ng ibigay ang oras ko sa yo?
Maine: Wag ka ngang ganyan, Funny ako ha.
RJ: funny...walaan mo na kasi.
Maine: Eh pano, kung hindi pa ako ready?
RJ: Eh di hihintayin kita. Para kapag ready ka na sabay nating tatahakin kung ano man ang daan para sa atin.
Maine: Ok lang sa yo na magkaibigan lang tayo ngayon?
RJ: Oo naman, basta ba akin ka sa Tamang Panahon.
Maine: Antok lang yan, matulog ka na nga.
RJ: Dito tayo matutulog? malamig dito eh
Maine: Eh di magkumot tayo.
Hinawakan ni Maine ang dulo ng kumot na nasa likod nya at hinila patakip sa katawan nila kasabay ng pagpatong ng braso si rj sa balikat nya, pinatong ang braso sa tyan ng binata. Hinila din ni RJ ang kumot sa likod nya at ipinatong sa katawan nila.
Maine: Ayos na?
RJ: Ayos na ayos!
Pumikit ang binata, sa isip nito "Bahala na kapag may nakakita sa amin dito. Basta masaya akong kayakap siya sa buong magdamag".
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro