Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29 - Interrogation

Nasa harap ng hapag-kainan ang pamilya ni Maine at ang magkakaibigan. Nakaupo sa Kabisera si Tatay Teddy. Nakaupo sa kanan nito si Nanay Mary Ann at nasa tabi nito si Coleen. Nasa kaliwa naman ni Tatay Teddy si Maine.

Tatay Teddy: Miguel dyan ka na sa kabisera maupo, Ciara dyan ka na sa tabi ni Miguel. RJ dito ka na sa tabi ni Maine.

Sumunod naman ang mga ito sa Tatay ni Maine. Nang nakaupo na.

Nanay Mary Ann: Meng, let's say grace.

Pumikit silang lahat at nakinig kay Maine.

Maine: Panginoon, maraming salamat po sa pagkakataong ito na kami'y magkakasama, at sa maraming pagkakataon pang ibibigay nyo sa aming pamilya at mga kaibigan. Bless us oh Lord ang this thy gifts that we are about to receive from thy bounty through Christ our Lord. Amen.

Lahat: Amen

Coleen: Kainan na.

Tatay Teddy: Kumain na kayo, walang mahihiya ha.

May tig- dadalawang lalagyan ng kanin at ulam sa ibabaw ng lamesa. May kanin, bacon, hotdog, longanisa at itlog. Naunang kumuha ng kanin sila Miggy. Tumingin si RJ kay Maine

RJ: Maine, anong gusto mong egg?

Maine: Yung sunny side up, yung malasado.

Inabot ni RJ ang pinggan na may itlog, nilagyan ng isa ang pinggan ni Maine at ang sa kanya at ibalik sa lamesa...

RJ: Maine, si Coleen anong gusto nya.

Maine: Scrambled eggs at tsaka bacon

Kinuha ni RJ ang pinggan ng scrambled eggs at iniabot kay Coleen.

Ngumiti naman ito at kumuha ng scrambled eggs.

Inabot ni RJ ang lalagyan ng bacon, nilgyan si Maine sa pinggan nito bago nya nilagyan ang plato nya at iniabot ulit kay Coleen. Nang makitang nakakuha na ng kanin si Miggy. Ciara at Coleen, kinuha niya ito nilagyan ang plato ni Maine at ang plato nya. Tumingin ito sa Tatay ni Maine at nakita nya itong nakatinging sa kanya.

RJ: Tito kayo po gusto nyo ng kanin?

Tatay Teddy: Hindi na hijo magtitinapay lang ako.

Nangingiti si Tatay Teddy sa nakikita nyang pagaasikaso ni RJ kay Maine at pagkagentleman nito.

Tatay Teddy: Magkakasama ba kayong lahat sa trabaho?

Maine: Opo Tay, Piloto po silang pareho.

Miggy: Tay, mas mataas ranggo niyan ni RJ kaysa akin. Kapitan na po yan eh.

Tatay Teddy: Aba'y bilis bilisan mo, baka maiwan ka sa paglipad. Ano na ba ranggo mo?

Miggy: First Officer pa lang po. Parang ayoko na nga pong umangat eh para lagi na lang akong assistant nitong si Capt. Faulkerson, magaling na Piloto eh at least sigurado akong hindi babagsak ang eroplano.

Nanay Mary Ann: Faulkerson? May lahi ka bang amerikano Hijo?

RJ: Americano po ang Lolo ko.

Nanay Mary Ann: Kaya naman pala, maputi ka at maganda ang kutis mo eh. Napakagwapong bata.

Coleen: Nay may crush ka ba kay RJ kanina mo pa sinasabing gwapo siya.

Nanay Mary Ann: Huwag kang maingay Coleen sikreto lang natin yon, baka marinig ng Tatay mo.

Nagtawanan ang lahat, muntik mabilaukan si Maine sa sinabi ng Nanay nya, agad naman syang inabutan ng tubig at pinainom ni RJ.

Tatay Teddy: Tigilan mo nga yan Nay, aagawan mo pa ng boyfriend itong bunso ko.

Namula si RJ at lalo namang naubo si Maine.

Natawa si Miggy at Ciara, nanunukso naman si Coleen. Pagkainom ng tubig

Maine: Tatay naman eh! Kaibigan ko lang po (parang batang nagmamaktol ito)

Tatay Teddy: Oh sige hindi na, nagbibiro lang naman. Taga-saan ka ba Hijo?

RJ : Taga laguna po.

Nanay Mary Ann: Doon ka pa umuuwi araw-araw?

RJ: Hindi po, may condo unit po ako na malapit sa Airport. Umuuwi po ako sa Laguna kapag may pagkakataon. Maaga po kaming iniwan ng Nanay ko. Kaya si Tatay at yung bunsong kapatid ko na lang po ang nasa bahay.

Tatay Teddy: Dalawa lang kayong magkapatid?

RJ: Tatlo po, Yung panganay po lalaki, may sariling pamilya na.

Miggy: Tay, bread winner yan si RJ, pinagaaral nya yung bunso nila, ipinapagawa ang bahay nila at may sariling restaurant.

RJ: Hindi naman po. Nagtatrabaho naman po si Tatay, kaya lang para makatulong at maging magaan para sa kanya. May kasosyo po akong kaibigan don sa restaurant at bago pa lang po yun, mga 4 na buwan pa lang.

Coleen: Kung hindi mo girlfriend ang ate ko, may girlfriend ka na ba?

Maine: Coleen ano ba?!

Tatay Teddy: Malamang wala, kasi kung meron eh di nandon yan sa girlfriend niya ngayon.

RJ: Wala nga po.

Maine: Busy yan si RJ Tay. Madalas international flight, at kung may day off naman umuuwi sa Laguna o kaya nandon sa Tagaytay inaasikaso ang negosyo nya. Tsaka hindi na kailangan ng GF nyan, daming babaeng naghahabol dyan don sa office eh.

Miggy: Selos ka Dei?

Maine: Tigilan mo ako Miguel! Babatuhin kita ng tinidor.

Tatay Teddy: Madami palang may gusto sa yo eh, bakit wala ka man lang bang nagugustuhan kahit isa sa kanila?

RJ: Tama po si Maine Tito, puro trabaho, negosyo at pamilya lang po ang inaasikaso ko. Ngayon nga lang po ako nakakalakwatsa ng ganito eh. Kung hindi pa po ako pinilit ni Miggy baka nasa Laguna ako ngayon.

Nanay Mary Ann: Masama naman Hijo ang puro trabaho, at siguro naman kahit tinutulungan mo ang tatay mo, gusto rin nya na maging masaya ka. Matutong magmahal at magkapamilya. Wala ka bang nagugustuhan man lang?

RJ: Kung Tatay ko po ang tatanungin baka inihanap na po ako non ng mapapangasawa. May nagugustuhan naman po kaya lang po hindi ako siguradong maibibigay ko ang oras ko sa kanya eh. Ayoko pong pumasok sa isang bagay na hindi ako sigurado lalong ayokong makasakit ng babae.

Coleen: Ang responsible mo naman at sweet pa.

Tatay Teddy: Kung ang babaeng nagugustuhan mo, gusto ka din at mahal kang talaga. Maiintindihan ka non. Sinubukan mo na bang sabihin na may gusto ka sa kanya?

RJ: Hindi po, mahirap po kasi talaga yung hindi sigurado eh

Tatay Teddy: Nung magbukas ka ng negosyo, hindi ka din naman sigurado na kikita ang negosyo mo di ba pero sinubukan mo. Hindi ka natakot.

RJ: Tito, sa negosyo kahit sumugal ako kapag natalo capital lang, pera lang ang mawawala sa akin, ang masasaktan ko lang bulsa ko. Pero kapag puso ko ang sinugal ko, hindi lang ako ang masasaktan, makakasakit pa ako. Masyado ho siyang mahalaga sa akin, baka kapag nasaktan ko sya ikamatay ko na.

Ciara: aaaawwwwww grabe ka tisoy! Kung sino man yan napakaswerte nya.

Coleen: Ang sweet mo naman pala talaga eh.

Tatay Teddy: Mahusay kang sumagot ah. At hanga ako sa katwiran mo.

Nanay Mary Ann: RJ, Hijo. Tama naman na magingat ka pero bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo. Huwag kang matakot na makasakit dahil ang sakit kaakibat ng pagmamahal. Nasasaktan ka dahil mahal mo eh. Kapag nasaktan mo siya alam mong mahal ka niya dahil hindi sya masasaktan kung hindi ka mahalaga sa kanya. Wala namang taong hindi natin mahal na makakasakit sa atin.

RJ: Tatandaan ko po ang mga payo ninyo. Hahanap po muna ako ng lakas ng loob.

Tahimik lang na nakikinig si Maine habang kumakain. Kunyari walang naririnig pero tumatanim sa isip at puso nya ang mga payo ng kanyang mga magulang kay RJ.

Tatay Teddy: Nicomaine, hindi ka na nagsalita dyan?

Maine: Tay, nageenjoy ako sa pagkain. Ewan ko ba sa inyo bat nyo inenterrogate yang si RJ. Malaki na yan, alam na nya gagawin nya sa buhay nya. Kailan ka pa naging si Papa Jack tay at kaylan ka pa naging si Lovingly yours Helen Nay.

Nagtawanan sila. Nakatatak din sa isip at puso ni RJ ang mga payo ng magulang ni Maine. Alam nyang may punto naman sila, wala lang talaga syang lakas ng loob na isugal ang puso nya.































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro