Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28 - Pagharap sa nakaraan

Tulad ng napagkasunduan ni Maine at Miggy sabay silang uuwi ng Bulacan. Alas sinko y media ng umaga, nakaupo si Maine at Ciara hinihintay ang pagdating ni Miggy.  Nakita ni Maine na malungkot ang mukha nitong pumasok sa  building nila.  

Maine:  Bakit naman nakasimangot ka Miguel?   Akala ko pa naman matutuwa ka kasi may moral support akong kasama oh. 

Nilingon nito ang nakaupong si  Ciara sa receiving area ng building.  Napangiti ito ng makita si Ciara. 

Miggy:  Sasama ka talaga?

Ciara:  Ayaw ko nga sana eh, pero ang kulit nitong Ex mo. Hindi ako pinatulog, kinunsensya ako ng todo.

Miggy:  Salamat Dei ha, maraming salamat talaga.

Maine: Oh tama na ang drama at isave mo na lang yan para mamaya.

Kinuha ni Miggy ang dalang bag ng dalawa at lumabas na ng building, nagulat si Maine ng makita si RJ sa driver's sit. 

Maine:  Miguel, bakit kasama siya?

Miggy:  Dei, pasensya na. Muntik na talaga akong hindi pumunta ngayon eh. Natatakot talaga ako eh, hindi ko alam kung kaya ko.  Si RJ lang nagpalakas ng loob ko. Pagbigyan mo na ako.  Besides kung sakaling magkaproblema at least may magda-drive para sa akin.

Napailing na lang si Maine. 

Ciara:  Don ka sa na unahan maupo Miggy.

Miggy:  Bakit? Hindi tayo magkatabi.

Ciara:  Miggy, wag ka ng magtanong, sige na kung gusto mong isama si  RJ, tabihan mo na sya sa unahan.

Inilagay ni Miggy ang gamit ng mga dalaga sa compartment. Umupo si Maine sa likod ng drivers sit at si Ciara sa likod ng upuan ni Miggy.

Ciara:  Hi RJ! Buti nakasama ka.

RJ:  Si Miggy kasi dinadaga na naman eh.  Good morning!

Maine:  Good morning!

Nang makasakay na ang 3, nagsimula ng bumiyahe ang magkakaibigan. Hiniram ni Ciara ang phone ni Maine para magpatugtog ng mga dancing songs. 

Ciara:  Ilang oras byahe natin? 

RJ: Hanggang Bulacan Proper mga 2.5 hours.

Miggy:  Umidlip na muna kayo, gisingin namin kayo kapag nagstop over tayo for coffee.

Hindi naman mapigil ni RJ na tignan si Maine sa salamin, nakita nya itong nakatingin na naman sa malayo sa may bintana ng kotse.  Alam nya nagiisip na naman to, palagay din nya kinakabahan din ito sa mangyayari kaya lang hindi nito ipinapakita kay Miggy. Maya-maya ay napapikit na ito at nakatulog.

Nakaraan ang isa't kalahating oras na habang tulog na tulog si Maine at Ciara.

RJ:  Pare magkape na tayo dyan sa Starbucks ha.

Miggy:  Oo sige, inaantok din ako at pampalakas na din ng loob.

Ginising ni Miggy sila Ciara at Maine, sabay-sabay na bumaba ang magkakaibigan. Nagpilit si Miggy na maupo na lang sila Maine at RJ, sila na ang bibili ng pagkain at kape nila.  Wala ng nagawa si Maine. 

Maine:  Salamat ha.

RJ:  Saan naman?

Maine:  Sa pagpilit kay Miggy at pagsama sa amin.  Hindi ko din alam kung ano mangyayari but in case it did't go well at least may kasama si Miggy.

RJ:  Kaibigan ko si Miggy, kung makakatulong ako sa kanya gagawin ko yon.

Naglabas ng sigarilyo at lighter si RJ.

Nagulat si Maine, hindi nya alam na naninigarilyo pala ito.  Eksakto namang pagupo ni Miggy at Ciara.

Miggy:  Yan ang gusto ko sa yo bro eh lagi kang handa. (sabi nito ng makita ang sigarilyo)

RJ:  Alam  ko namang kailangan mo ito eh.

Maine:  I didn't know that you smoke Miguel.

Miggy: Nakalimutan mo na ba na badboy ako bago mo ako nakilala. Sinabi lang sa akin ng pinsan mo na hindi mo ako magugustuhan kung nagsisigarilyo ako and ever since that day. I stopped. Ngayon kapag na-stress o kinakabahan  tsaka lang ako naninigarilyo.

Maine:  Alam mo ba tungkol dyan Ciara?  

Ciara:  Yah, binanggit ni Miggy sa akin, actually pareho sila ni RJ pero ngayon ko lang sila makikitang magsigarilyo.

RJ:  If you mind that we smoke pwede naman kaming lumipat sa kabilang table to smoke.

Nagkatinginan si Ciara at Maine. Sabay na inabot ang kaha ng sigarilyo, at nagtawanan. Kumuha ng tig-isang stick at sinidihan ito. Nakatunganga lang si RJ at Miggy. 

Miggy:  I didn't know you two smoke.

Ciara:  Turn off ka? College days nung matuto ako lahat ng kasama ko sa dorm nagsisigarilyo kaya kaysa makalanghap ako ng second hand smoke, natuto ako.

Miggy:  Eh ikaw naman Mendoza?

Maine:  Nung nasa New York ako.  Pero nung umuwi ako dito I stopped.  Baka mapatay ako ni Tatay pag nalamang nagsisigarilyo ako. 

Nakatingin si Miggy kay Maine, lumungkot ang mata nito.  Hinawakan ni Maine ang kamay ni Miggy na nakapatong sa lamesa. 

Maine:  Migs, pitong taon ang dumaan sa buhay ko na wala ka. Maraming nangyari sa akin masaya, malungkot, nakakatakot pero wala kang kasalanan don.  Ako yon, desisyon ko yon at matagal ng tapos yon.  Ngayong araw na ito tutuldukan natin ang nakaraan na yon. Para mabuo ka, ang puso mo at maibigay mo na yan sa iba.

Ngumiti ito at tumingin kay Ciara. Pinisil ni Miggy ang kamay ni Maine na nakahawak sa kamay niya.

Miggy:  Salamat Dei, maraming salamat talaga.

Maine:  Oh sige tama na ang drama, umuwi na tayo and let's get this done and over with.

Habang naguusap si Maine at Miggy, noon narealize ni RJ na malalim talaga ang pinagsamahan ng dalawa at sa murang idad nila noon totoong minahal at pinahalagahan nila ang isa't isa. Noong oras na yon nakita ni RJ ang kakaibang Maine. 

Dumating sila sa bahay ni Maine ng 8:30 ng umaga, pinaparada ni Maine si RJ sa harap ng bahay nila. Sabay-sabay na bumaba ng kotse ang apat at nakita sila ni Coleen. 

Coleen:  Nay, Tay nandito na si Meng.

Sabay  si Maine at Miggy na naglakad papasok ng bahay at  magkasabay namang nakasunod si Ciara at  RJ. Nagulat si Coleen ng makita si Miggy.

Coleen: Miggggggyyyyyyyyyyy!   (Nagtatakbo itong yumakap sa binata, niyakap naman ni Miggy ito at hinaplos ang buhok.

Miggy: Colini, dalagang dalaga ka na, may bf ka na ba?  Sinagot ka na ba ni Raul?

Coleen:  Gagi ka! May asawa na yun. Ikaw talaga! 

Maine: Coleen, mga kaibigan namin si Ciara at RJ. Guys, sister ko.

RJ at Ciara:  Hi!

Pagpasok nila ng Sala,  Nakaupo si Nanay Mary Ann at Tatay Teddy sa couch.  Lumapit si Maine nagmano at humalik sa pisngi ng kanyang magulang. Napatayo ang mga ito ng mapagsino ang katabi ni Maine.

Miggy:  Magandang Umaga po... Nay... Tay... 

Inabot nito ang kamay ng magasawa para magmano. Nangilid ang luha nito.  Imbes na magpamano, niyakap ito ni Nanay Mary Ann. Hindi na napigilan ni Miggy ang lumuha.

Nanay Mary Ann:  Dyoskong bata ka! Ang tagal mong nawala, nagalala na kami sa yo bigla ka na lang umalis dito sa atin.

Tinapik ni Tatay Teddy sa balikat si Miggy at ginulo ang buhok nito. 

Tatay Teddy:  Ang tangkad mo na Miguel! Mas matangkad ka na sa akin ngayon ah.

Nakita ni Maine na umiyak ang Nanay nya habang mahigpit na yakap si Miggy at nangilid ang luha ng Tatay nya.  Hindi na napigilan ni Maine ang maiyak na rin.  Niyakap ni Ciara ang kaibigan at hinimas ang likod nito. Tumayo naman si RJ sa tabi ng dalawang dalaga at hinimas ang buhok nito.

Miggy: Tay, sorry po sa lahat lahat, sana po mapatawad nyo ako.  Nay, sorry po talaga. Hindi ko po talaga alam kung papaano pa ako haharap sa inyo matapos ang lahat ng nangyari.  Maiintindihan ko po kung hindi ninyo ako mapatawad ngayon kasi kahit sarili ko hindi ko mapatawad eh. Tama na po sa akin na nakita ko na maayos kayo.

Nanay Mary Ann: Miguel, matagal na yon, pitong taon na anak. Matagal na naming kinalimutan yon at wala ka namang kasalanan sa amin. Kung sa palagay mo may kasalanan ka, dapat alam mong  hindi ka pa nagsosorry, napatawad ka na namin.  Kaya anak patahimikin mo na ang puso mo, patawarin mo na ang sarili mo.

Napatahan na ni Ciara ang kaibigan, lumapit ito sa Tatay niya. Inakbayan ni Tatay Teddy ang anak.

Maine:  Migs, tama na. Sabi ko sa yo ok na yon eh.

Nang marinig ni Miggy ang boses ni Maine tumingin ito sa dalaga  at niyakap  niya ito.  Pauli-ulit na bumulong...

Miggy: Sorry... sorry talaga Dei... basta kahit anong mangyari nandito lang ako palagi para sa iyo.

Niyakap ni Maine ng mahigpit si Miggy at sa huling pagkakataon iniiyak nya sa dibdib nito ang lahat ng natitirang sakit na nasa puso nya. Lumapit si Nanay Mary Ann at niyakap ang dalawa. 

Tatay Teddy:  Sus, mga batang ito talaga. Tama na yan. Magiiyakan na lang ba kayo dyan o ipapakilala ninyo sa amin mga kasama ninyo?

Lumapit si Miggy kay Ciara habang pinupunasan ng palad ang mukha niya. Inabutan ni  Ciara ng panyo si  Miggy.   Ngumiti ang binata at ipinunas ito sa mukha.  Dumukot naman ng panyo sa bulsa si RJ at pinunasan ang mga luha ni Maine.  Hindi nakaligtas sa mata ni Tatay Teddy yun napangiti ito ngunit parang walang nakita.

Miggy:  Nay, Tay, kilala nyo na po si Ciara hindi ba?

Ciara:  Good morning po Tita, Tito (inabot ni Ciara ang kamay ng dalawang matanda)

Miggy:  Kung papalarin ako, si Ciara po ang future girlfriend ko. (kinurot ni Ciara si Miggy)

Ciara:  Miguel tumigil ka nga nakakahiya.

Tatay Teddy: Naku, anak hindi ka na sasagutin niyan, nakita na nya ang pangit mong umiyak

Nagtawanan silang lahat.

Miggy: Tatay naman eh.

Nanay Mary Ann:  Meng, sino naman ang napakagwapong lalaking ito?

Maine:  Nay, Tay si RJ po. Kaibigan ni Miguel.

RJ:  Good morning po, Mr. and Mrs. Mendoza, Richard Faulkerson Jr. po. (Inabot ni RJ ang kamay ng mga magulang ni Maine at nagmano)

Nanay Mary Ann:  Napakapormal mo namang bata ka, Tito at Tita na lang.

Coleen:   Tapos na po ba ang drama?  Pwede na po ba tayong kumain?  Nagugutom na ako.

Nagtawanan sila.  

Tatay Teddy:  Oo nga naman.  Halika na kayo doon na tayo sa dining room magkwentuhan.

Hindi maintindihan ni RJ pero naiinggit sya sa kung papano tratuhin ng magulang ni Maine si Miggy.  Base sa mga narinig nya, parang anak na ang turing nito kay Miggy. Napakabait ng magulang ni Maine, may pinagmanahan naman pala siya eh.




























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro