Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26 - Ang pag-iwas

Forty five days in FA Training, 15 days na lang. Flight training na. That Monday, excited ang mga magkakabarkada sa Training, because its Avation Training. Yung mg ibang kasama nilang FA excited kasi malamang na mga Piloto ang magbigay ng training sa kanila.

Magkatabing nagbabasa si Maine at Ciara ng Brochure na binigay ni Ms. Pia ng lumapit si Jen, isa sa mga kasama nilang FA.

Jen: Hindi nyo ba alam kung sino magtraining sa atin today?

Ciara: Ang alam ko lang si Capt. Frank, not sure kung may kasama syang iba.

Bea: Sana kasama si Capt. Matt at Capt. RJ

Maine: Sabi ni Ms. Pia may isa pa daw Senior Pilot eh. Abangan na lang natin kung sino man sila, sana magaling silang mag-train.

Pumasok si Ms. Pia sa Lab

Pia: Good morning ladies, Aircraft and Aviation Orientation will be handled by Capt. Frank and Capt. Sam. The names that I will call, please proceed to room 306 - Ciara, Patricia, Pauleen, Jennylyn and Julia just look for Capt. RJ he will be assisting Capt. Sam in your training. The rest Sheena, Francine, Grace, Jean and Maine please proceed to room 308, look for Capt. Matt he will be assisting Capt. Frank.

Nasa room 306 na si RJ at room 308 naman si Matt at nagreready na ang mga ito for the Aircraft/Aviation Training. Inaayos ni RJ ang projector ng pumasok sila Ciara sa training room 308. Nang makita nya si Ciara, alam nya na buong grupo nito ang kasama nya.

RJ: Good morning ladies, it seems that I know everyone here. Ciara, Particia, Pauleen, Julia and Mai...

Jen: Sorry Sir, Jennylyn po.

RJ: Are you sure, you are on the right group?

Jen: Yes Sir.

RJ: Ciara can you confirm this?

Ciara: Yes, Capt. Jen is on the right group.

RJ: Anyway, let's start, get your pens and your paper or recorder ready so you can take down notes.

Napatingin ito sa katapat na pinto ng makita na pumasok ang ibang FA don pati na si Maine.

RJ: We will be using the projector, so we will close the door, the blinds and the lights. so make sure everything you need is ready on your table.

Group: Yes Captain!

Dumating si Capt. Frank.

Frank: Good morning beautiful ladies. Are you excited on your training today?

Group: yes Capt.

Frank: You should be because today you will learn about Aviation and the Aircraft. Later we will bring you to the Airplane para makita ninyo ang mga parts nito. If you are all ready, we will start now. Capt. RJ, the door please.

Isinara nito ang pinto at blinds, binuksan ang projector at pinatay ang ilaw at nagsimula na ng training si Capt. Frank. Si Capt. Frank and nagdiscuss ng Aviation Orientation and si RJ naman ang Aircraft. After two hours they took a break, nakita nila sa Lounge ang kabilang grupo.

Ciara: Oh kamusta training?

Maine: Ok naman, Si Capt. Sam parang si Capt. Frank din mapagbiro.

Pauleen: Kaya nga hindi nakakaantok training kasi nakakatawa si Capt. Frank.

Julia: Maine, sana nagpalipat ka na lang sa amin.

Patricia: Oo nga

Maine: Yaan nyo na ganon talaga hindi naman pwedeng lagi tayong magkakasama

Ciara: Nagtataka lang ako bakit ka napahiwalay ka. am sure naman si Ms. Pia ang gumawa ng groupings eh. Bakit kaya?

Maine: Huwag na nating kwestyunin pa yun. Siya ang Trainor natin sumunod na lang tayo. At least nagkikita pa naman tayo pag break katulad ngayon.

Julia: Pero kanina parang nagtaka din si Capt. RJ eh.

Pauleen: Oo tinanong pa nga si Jen kung tama ba yung group na sinamahan nya eh.

Maine: Yaan nyo na. mag-hi na lang ako sa kanya mamaya.

Nang matapos ang oras naglakad na pabalik ng training room ang mga dalaga. Nakita nilang magkausap si RJ at Matt sa tapat ng pinto ng training room. Bumati sila Ciara kay Matt.

Ciara, Pauleen, Julia, Patricia: hi, Capt. Matt

Matt: Oy, long time no see ah. Kitakits tayo mamaya after training.

Maine: Hi Capt. RJ! (Ngumiti naman ito sa kanya)

RJ: Hi, Mendoza! Kamusta?

Maine: Ok lang Sir!

Ciara: Sige, Capt. Matt later na lang

Maine: Bye, guys!

At pumasok na ang lahat sa kanya-kanya ng kwarto.

Natapos naman nila ang 5 topics na nakaassign sa araw na yon. Pagkatapos ng training nauna nang magpaalam si Maine. Nagsabi ito kay Matt na uuwi na at magpapahinga dahil masakit ang ulo. Makalipas ang 10 minuto naglabasan na din ang grupo nila Ciara.

Matt: ang tagal nyo naman? Umalis na tuloy si Maine.

Ciara: Iniwan ako? San daw pupunta?

Matt: Masakit ang ulo eh, sabi magtetext daw siya sa yo.

Tinignan ni Ciara ang phone. may message nga

Maine: Sorry, mauuna na ako, wala akong dalang gamot eh. Sumasakit ang ulo ko. Iniwan ko ang susi ng kotse kay Matt, para may magamit ka paguwi.

RJ: Nagdrive siya pauwi ng masakit ang ulo?

Ciara: Hindi iniwan yung kotse, iniwan kay Matt ang susi. Malamang nagtaxi na lang yon.

Matt: Let's go na guys, namiss ko na kayo, lalo na to si RJ tagal na nating hindi nagkuwentuhan bro.

Ngumiti lang si RJ at inakbayan ang bestfriend niya, dumeretso na sa isang bar and restaurat ang tropa. Nagtext si RJ kay Maine.

Gentleman: Masakit daw ang ulo mo? Ok ka lang ba?

Emergency: Oo ok lang ako, uminom na ako ng gamot at itutulog ko lang 'to nawawala din.

Gentleman: O sige matulog ka na.

Emergency: Sige thanks sa concern friend. Enjoy kayo ikain at iinom nyo na lang ako.

Sa buong isang linggong training na yon, nakikita lang nila si Maine kapag lunch. Kapag uwian madalas itong naiiwan dahil hindi pa sila tapos kaya kay Matt siya sumasabay pauwi. O kaya naman nauuna ito dahil may gagawin or may bisita sa bahay.

Pagdating ng Sabado, may lakad ang tropa, mag-gygym sila tapos mamamasyal sa Mall. Nakasama naman sa gym si Maine. Hinihintay nila ang mga boys sa Starbucks, ng biglang may natanggap na tawag si Maine mula kay Coleen.

Maine: Hello, Coleen. Nandito ako sa Mall kasama ko sila Ciara eh. Kailangan ba talaga? kasi ngayon lang kami nakalabas eh. Oh sige sige na daaanan mo na lang ako sa mall. Nasa Starbucks kami.

Ciara: Oh bakit daw

Maine: si Coleen dadaanan daw ako. May ipinaaasikaso daw si Daddy eh. Tapos magkikita kami sa Condo. Pasensya na kayo ha

Patricia: wala naman tayong magagawa eh.

Dumating ang mag boys at nagbeso sa mga girls.

Umupo si RJ sa tabi ni Maine.

RJ: Kamusta ka naman Mendoza?

Maine: Eto, medyo busy-busyhan. Sakit sa ulo ng mga itunuro nito oh. Mageexam pa this Wednesday.

Matt: Pasensya na po, trabaho lang walang personalan.

Nagtawanan naman sila.

Maine: Matt, sabi mo ie-email mo sa akin yung ibang ebooks na pwede kong basahin about Aviation.

Matt: Oo sige mamaya i-email ko sa yo.

RJ: Just let me know kapag hindi naemail ni Matt, I think I have some that you can read.

Maine: Ok, Thanks! Siguro naman maalala na ni Matt yon. Patricia kayo kamusta? si James ba darating?

Patricia: Oo darating yon tsaka si Miggy.

Maine: Sayang, baka hindi ko na sila abutan, dadaanan ako ni Coleen eh. Sibling duties you know.

RJ: May lakad ka? Aalis ka na agad?

Maine: Oo eh, hinihintay ko lang si Coleen.

RJ: Hindi ka na namin nakakasama ha.

Maine: Busy eh. Bawi na lang ako next time.

Pumarada ang kotse ni Coleen sa harap ng Starbucks at bumusina ito. Tumayo na si Maine at nagpaalam na sa mga kaibigan. Tinapik sa balikat si RJ.

Maine: Alis na ako. Paano guy kitakits na lang next time. Ciara, paalala mo kay Miggy at James yung sa Fiesta ha.

Ciara: Ok sige, ingat kita tayo later sa condo.

Maine: Sige, bye guys.

Hindi na nito hinitay pang magpaalam si RJ. Nagmamadali na itong sumakay sa sasakyan ni Coleen.

Coleen: Ano bang problema mo at nagpasundo ka, wala naman tayong lakad di ba.

Maine: Nandon si RJ eh. Alam mo na, mabuti na yong ganito di ba, para hindi lumalim kung ano man meron kami.

Coleen: Mukha naman gusto ka nong tao eh.

Maine: Di ba nakwento ko na sa yo, wala nga daw siyang maibibigay na time sa girlfriend if ever. So, bago pa ako mapunta sa kung ano mang sitwasyon, iwas pusoy na lang ako.

Coleen: Hanggang kailan mo naman gagawin yan aber?

Maine: Hangga't kaya ko.

Coleen: Hindi pa ba nakakahalata si Ciara?

Maine: Hindi siguro wala naman syang nababanggit eh.

Namasyal na sa mall ang tropa. Humiwalay ang mga boys dahil may mga bibilhin sa ibang shop. Isang oras ng nagiikot sa Mall sila Ciara ng masalubong nila ang Parents ni Maine.

Ciara: Hi, Tita! Hi, Tito!

Nanay Mary Ann: Oh, Ciara Hija! Kamusta?

Ciara: Ok naman po, mga kaibigan po namin ni Maine, si Pat, Pau at Julia.

Pat, Pau at Julia: Hello po!

Ciara: Nagkita na po ba kayo nila Maine, sinundo na po ni Coleen, may ipinapaasikaso daw po kayo sa kanila.

Tatay Ted: Hindi pa. Pinapaasikaso? wala kong maalala eh.

Nanay Mary Ann: Sinabi ba kung saan sila pupunta?

Patricia: Hindi po eh pero ang pagkakaintindi namin, may aayusin sya para sa inyo

Tatay ted: Ah ok, sige tatawagan ko na lang, hindi ko maalala kung ano yung ipinaayos ko sa kanila eh.

Nanay Mary Ann: Paano tutuloy na kami

Ciara: Sige po ingat!

Lumakad pang palayo ang magasawa na parang nagtataka sa sinabi nila.

Pauleen: Eh bakit parang nagulat sila.

Julia: Oo nga hindi nila alam na magkasama si Maine at Coleen.

Ciara: Nagtataka nga din ako, bakit sasabihin ni Maine yun at magdadahilan kung wala naman talagang lakad.

Patricia: Hindi kaya umiiwas si Maine sa atin?

Pauleen: Bakit naman nya gagawin yon?

Julia: Or may iniiwasan siyang isa sa grupo natin.

Ciara: Baka iniiwasan nya si RJ?

Patricia: Bakit nya iiwasan eh di ba ok naman sila nung nagTagaytay tayo?

Pauleen: Baka she feels they're getting too close for comfort?

Julia: Oo nga baka sumosobrang close na sila at ayaw nya yon.

Ciara: Bakit nya naman aayawan, they are friends naman. Not unless...

Patricia: Not unless, she's beginning to like him more.

Nagkatinginan ang magkakabarakada... maaari nga.






















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro