Chapter 23 - Evidence
Nung nasa SLEX na sila.
James: Guys, magstop over muna tayo ha. Restroom break daw sabi ni Patricia eh.
Maine: Uy, don ka huminto sa tapat ng Starbucks. Bibili ako. Anong gusto nyo guys? Si Ciara at Patricia parehong Chocolate Cream Chip ang gusto nyan eh.
Miggy: Mocha Frap sa akin, Dei!
James: Chocolate Frap sa akin Maine, Thanks!
RJ: Samahan na kita.
Pagdating sa counter, inabutan ni RJ si Maine ng 1k.
RJ: Iload mo na yan lahat sa card mo
Naalala ni Maine na ayaw nitong nakikipagtalo pagdating sa pera kaya kinuha na lang nya ang pera nito.
Maine: Anong gusto mo?
RJ: Java Chip, Venti! Ikaw?
Maine: Coffee Jelly Frap
Pagkabigay ng inumin ng mga kaibigan. Nagpasalamat ito sa kanya
Maine: Huwag kayo sa akin magpasalamat si RJ ang nagbayad nyan.
James: Uy, Faulkerson, galante ah!
RJ: Bayad ko sa paghatid nyo sa akin at pasasalamat na din na sinamahan nyo ako.
Miggy: Napamahal pa tuloy ang pamasahe mo.
Nagtawanan naman sila.
James: Ito naman kasi si Maine ang sosyal magkape, Starbucks talaga?!
Maine: Sorry guys, yan lang ang luho ko, pagbigyan nyo na ako. Tsaka ako sana manlilibre eh may mamang nag abot ng pera ayoko namang masinghalan pa kaya kinuha ko na lang yung pera nya. I can learn you know, and I learned fast.
Nagtawanan na lang sila habang kumakamot sa batok si RJ. Habang bumibyahe, nakikisabay sa tugtog sa radyo na kumakanta ang magkakaibigan.
Miggy: RJ buksan mo bluetooth mo may ipapadala ako sa yo.
RJ: ok na sige send mo na.
Pagbukas ni RJ ng mga litratong ipinadala ni Miggy, natatawa ito.
Miggy: Ayos ba bro? Dami mo ng souvenir ha.
Maine: Ano yan?
RJ: Pictures natin nung bday ni Matt.
Nakangiti namang nakitingin si Maine.
Maine: Oh teka di ba group picture yan? eh bakit tayong dalawa lang.
Ciara: Kunyari lang na group pic yun pero kayo lang kinuhanan ni Miggy.
Miggy: Meron din akong kinuhanan kagabi pero hindi ko ipapadala sa inyo. Ang sweet kaya nito.
Ipinakita nya kay Ciara ang lirato.
Ciara: Ay favorite ko yan, namatay ako sa kilig sa itsura nilang yan.
Ipinakita rin ni Miggy kay James at Patricia
James: Hala, may pangblackmail na sa inyo si Miggy.
Maine: Patingin
Ito yung picture nila na nagsasayaw sila ng sweet. Namula si Maine.
Maine: Hala siya nakuhanan mo pa yan. Miguel idelete mo yan.
Miggy: Bakit ayaw mo ba ng souvenir para maalala mo? lasing ka na ata nyan eh
Maine: Hindi ako lasing, naaalala ko yan kaya hindi ko kailangan ng souvenir. Migs sige na burahin mo na please.
Miggy: Ayaw! bakit si RJ nga hindi nagagalit oh. Guilty ka lang kasi.
Maine: Miguel Martin Santillan Rodriguez.. burahim mo na yan... isa!
Miggy: Hindi ako natatakot sa yo Nicomaine Dei Capili Mendoza!
Maine: Miggy naman eh... please... Pag hindi mo binura yan hindi kita sasamahan sa Bulacan. RJ oh si Miggy. (Parang batang nagsumbong ito kay RJ)
RJ: Pre sige na pakibura na lang please.
Miggy: Oh sige sige na buburahin ko na (pero bago nya burahin, ipinadala muna nya kay RJ)
Miggy: O ayan burado na po.
Maine: Pahiram ng celphone mo titignan ko.
Ibinigay naman ni Miggy ang phone nya. Napangiti na lang si RJ ng makita na sinend sa kanya ni Miggy ang litrato. Natahimik na si Maine ng hindi na nya makita ito sa celphone ni Miggy at ibinalik na kay Miggy ang phone nito.
Maine: Natikman mo naba tong Coffee Jelly?
RJ: Hindi pa pero mukha namang sarap na sarap ka eh.
Maine: Tikman mo bilis (at itinapat sa bibig niya straw, humigop naman si RJ)
RJ: Eh para lang naman yang kape na may sago
Natawa si Maine, alam nyang yon ang sasabihin ni RJ
RJ: favorite mo yan?
Maine: Hindi ang favorite ko Dark Mocha Frap, gawa sa arabic coffee yun medyo matapang eh baka hindi ako makatulog, kaya ito na lang parang nescafe lang.
Natawa si RJ.
Maine: James, wala ka bang cruisin dyan masakit na ang tenga ko sa mga kanta sa radyo eh.
James: Wala eh, akina yung phone mo, patugtugin natin ang playlist mo.
Iniabot ni Maine ang phone kay James.
Miggy: hay naku, kung playlist ni Mendoza papakinggan natin makakatulog tayo nya.
Maine: Tse! Migs alam mo sabayan mo na lang yung kanta para matuwa ako sa yo.
Ciara: Sige na kanta ka na lang. Masarap naman makinig ng love songs eh.
Ngumiti at tumango si Miggy kay Ciara sabay sabing... para sa yo kakanta ako!
Maine: at tama ang mga FA's nagpapaander nga! Nagtawanan silang lahat.
Miggy: Mendoza manahimik ka na kung hindi papalitan ko yang kanta.
MAINE'S CRUISIN PLAYLIST
01 First Love - Seals and Crofts
02 Maybe This Time - Michael martin Murphy
03 Is It Okay If I Call You Mine - Paul McCrane
04 Don't Give Up On Us - David Soul
05 I Won't Last A Day Without You - Paul Williams
06 Hiding Inside Myself - Kenny Rankin
07 Too shy to say - stevie wonder
08 the old songs - david pomernaz
09 getting to know each other - gerard kenny
10 very special love - maureen mcgovern
11 tonight i give in - angela bofill
12 suddenly it's magic - vesta williams
Tumahimik na lang si Maine at inilagay sa basurahan ang baso ng kape at umayos sa pagkakasandal sa upuan. Nagsimulang tumugtog ang kantang first love at sumabay dito si Miggy at nakahilig ang ulo ni Ciara sa balikat nito.
James: ay kanta ni Miggy at Maine oh (hindi naman umimik yung dalawa) pero kinanta ni Maine ng malakas ang ilang linya ng kanta... na parang sinasabi nya kay Miggy...
"I wish you love, I wish you happiness. And may the years be kind to you.
You'll always be a part of me, share this thought with me. I'll carry you always."
Matapos ang kanta, tumugtog naman ang "Maybe this time"
James: ah eto kanta ko yan (bigla silang nagtawanan)
Tapos, "Is it Ok if I call you mine"
James: Oh kaninong kanta yan?
Miggy: kay RJ...kantahin mo nga tol.
Nangingiti namang kinanta ni RJ, nakapikit si Maine humilig sa balikat ni RJ habang kumakanta ito, inakbayan naman niya ito, makalipas ang dalawa pang kanta tulog na si Maine sa balikat ng binata.
Makalipas ang isa't kalahating oras, nagising si Maine sa hanging nanggagaling sa bintana ng Van. Umupo ito ng maayos.
RJ: Mainit ba? Si James kasi pinatay yung aircon, malamig naman daw kasi sa labas.
Maine: Hindi ok lang masarap naman yung lamig nung hangin eh. Malapit na ba tayo?
RJ: Oo, 10 minutes nandon na tayo.
Tulog si Ciara at Miggy. Nakadantay ang ulo ni Ciara sa dibdib ni Miggy at nakayapos naman si Miggy sa dalaga. Napangiti si Maine sa nakita at bumuntunghininga. Isinandal ang ulo sa gilid ng bintana at tumingin sa malayo na parang ang lalim ng iniisip. Pinagmamasdan lang ni RJ ang dalaga. Wala naman sa mukha nito ang lungkot pero hindi rin nakatawa. "Bakit kaya lagi na lang syang nagiisip ng kung ano-ano? Parang ang daming gumugulo sa isip nya. Kailan ko kaya sya makikitang masaya lang talaga?"
James: Guys, nandito na tayo! gising na!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro