Chapter 21 - The morning after
Nagising si RJ sa tunog ng doorbell at boses ni Ciara. Pagmulat ni RJ mukha ni Maine ang bumungad sa kanya, nakapikit na parang ang sarap ng tulog nito. Napansin din nyang nakayakap ang dalawang braso nya sa katawan nito at nakadantay ang hita nito sa hita niya. Nagisip siya ano na bang nangyari kaninang madaling araw? Naalala nyang nagising siya na umuungol at umiiyak ito parang takot na takot, ginising niya ito at pinainom ng tubig. Nanaginip ito ng hindi maganda. Hindi na sya makabalik sa pagtulog kaya pinahiga niya ito sa balikat nya at niyakap para makatulog ulit. Nagdoorbell ulit tinawag sila ni Ciara. Ginising nya si Maine, ginalaw niya ang braso niya na hinihigaan nito.
RJ: Maine, maine! Si Ciara nasa pinto ginigising tayo.
Nagmulat ng mata si Maine at parang nagulat din ito na nakayakap siya kay RJ. Tinakpan nya ng kumot ang bibig nya.
Maine: Good morning!
Narinig niya ang boses ni Ciara, nagmamadali itong bumaba ng kama at pinagbuksan ng pinto ng kaibigan. Sumunod naman si RJ at tumayo ito sa likod ni Maine.
Ciara: Good morning girl! Nasa cafe na si Miggy at James, para magbreakfast. Bumaba ka na daw RJ. Susunod na lang kami don.
RJ: Ah ok, magbibihis lang ako.
Maine: Tuloy ka girl, magkakape lang ako, ayaw pa gumana ng utak ko.
Pumasok si Ciara at naupo sa chair sa tabi ng coffee table, iginala ang mata sa paligid. Nakaupo naman si Maine sa kabilang chair at nagtitimpla ng kape. Lumabas si RJ ng walang t-shirt pero suot na ang pantalon. Kinuha ang knapsack nya na nasa ibabaw ng dresser inilabas ang pabango at ang Navy blue na bench t-shirt.
Maine: Faulkerson mag-t-shirt ka nga nadi-distract ako. Natawa si RJ.
RJ: Opo, eto na po.
Pagkasuot ng t-shirt, nagspray ng pabango at lumabas na ng kwarto, Nasalubong nito si Patricia.
Isinara ni Patricia ang pinto at nagtatakbo ito papunta sa mga kaibigan.
Patricia: So, anong nangyari?
Ciara: Maine, bakit mo suot ang polo ni RJ?
Patricia: Ayyyiiieeee oo nga!
Maine: Teka, bago kayo magisip ng kung ano-ano. Hiniram ko lang to sa kanya kasi hindi ako makakatulog ng nakadress. Since naka t-shirt naman siya sa ilalim ipinahiram nya sa akin.
Ciara: Tapos si RJ naman, nakaboxers at t-shirt lang. Cute ng itsura nyo kanina nung pagbuksan nyo ako ng pinto parang katatapos lang. Ang halay!
Nagtawanan ang tatlo.
Maine: Mga luka-luka, o kayo anong nangyari sa inyo?
Patricia: Waisted na talaga si James, nagtanggal nga lang ng polo shirt at nagkumot at natulog na.
Maine: Nakat-shirt? O topless?
Patricia: Topless (Tumili si Ciara at Maine)
Ciara: Tapos?
Patricia: Naghilamos lang ako at nagtoothbrush tapos humiga na ako sa tabi niya. Nung magising ako nakadantay ang ulo ko sa dibdib nya at nakayakap ako sa kanya
Maine: Ano ba yan Pat!
Patricia: Ang lapad kaya ng chest nya at walang bilbil ang tyan, tapos meron syang chest hair parang balbon siya eh.
Ciara: Spanish ata ang father ni James eh.
Patricia: Oh ikaw Ciara, anong kwento?
Ciara: Nagkwentuhan pa kami ng konti, pero nauna akong nahiga, nakashorts ako so hinubad ko lang yung skirt bago ako matulog ako. Nagsabi sya kung ok lang na nakaboxers lang matulog kasi hindi din siya nakakatulog ng nakapants. Madali lang din naman kami nakatulog. Nagising kami ng magkaharap, sabi niya sa akin. Good morning, I love waking up with you beside me. Sabi ko ang aga-aga ang cheesy nya.
Maine: Ang sweet naman. Nagsalita na ba?
Ciara: First time kagabi just before we go to sleep. His words were, "I love you Ciara, hindi mo kailangan sumagot tama na sa akin na alam mong mahal kita.
Patricia: Oh my God, I just died.
Maine: Ako kinuha na ng liwanag sa sobrang kilig!
Nagtawanan ang tatlo.
--------
Dinatnan ni RJ na nagkakape sila Miggy at James. Kumuha muna ito ng kape bago lumapit sa ma kaibigan.
RJ: Good Morning mga bro!
Miggy: Mukhang maganda ang gising mo ah, ganda ng ngiti eh.
RJ: Napasarap lang ng tulog
James: Ang sarap gumising sa umaga kapag maganda ang view no?
Miggy: I never felt this great in the morning, palagi akong tinatamad bumangon, pero today nauna pa akong nagising at pinanood ko sya habang natutulog
James: Ako nga kinikilig pa hanggang ngayon, magising ka bang may nakayakap na magandang dilag sa katawan mo eh.
RJ: Guys too much details! Grabe ang saya nyo ha.
Miggy at james: Bakit ikaw hindi?
RJ: Sakto lang... pero hindi nito mapigil ang ngiti.
Miggy: Inilaglag ka ng ngiti mo Tisoy!
Napakamot na lang sa batok si RJ.
James: Isang tanong na lang and we're done. Sabay sabay ang sagot ha... San kayo natulog?
Miggy, james at RJ: Sa Kama!
At nagtawanan sila.
Miggy: Parang ayaw ko pang matapos ang araw na ito.
James: Anong plano mo? Eh malamang magyaya ng umuwi yung mga yon eh.
RJ: Ayoko pa din sanang umuwi eh pero kailangan kong pumuntang resto eh. Nakapangako ako kay Joe na pupunta ako. May lakad kasi silang magasawa eh.
Miggy: Eh kung ihatid ka kaya namin sa Tagaytay?
RJ: Pabor sa akin yon, kung ok lang sa inyo. Para makita nyo na din yung resto.
James: Oo nga masaya yan, sana pumayag sila no?!
Ciara: Pumayag saan?
Miggy: Bat ang tagal nyo?
Maine: May binili lang kami dyan sa dress shop.
Napansin nila na nakamaong shorts na ang mga girls. Suot pa rin ni Maine ang Polo ni RJ pero nakatuck-in ito sa maong shorts at nakafold ng 3/4 ang sleeves nito. Nagyaya ng kumuha ng pagkain si Patricia. Habang kumakain may naalalang ikwento si Maine.
Maine: Guys, alam nyo bang laman kayo ng kwentuhan ng mga FA's sa Icon?
Ciara: ay oo nga totoo yan.
James: Anong sinasabi, grabe naman sila pinagtsitismisan tayo.
Maine: "The hot hunks" ang tawag nila sa inyo. Pinagpapantasyahan ata kayo eh. Ang sabi nila si James pang one night stand na hindi mo malilimutan. He could bring a girl to heaven and back. Pero takot sa commitment kaya a girl would end up in hell with great memories to ponder.
Nagkatawanan sila.
James: Grabe naman sila sa akin ha.
Maine: Si Matthew, boyfriend material. Kapag niligawan daw sila hindi na daw nila pakakawalan pa. Kasi sya yung tipong mamahalin, aalagaan at hindi sila sasaktan. Marami nga sa FA ang naghahangad kay Matt eh. The other girls calls him Yummy! Yung tipong kahit isang gabi lang papayag ang babaeng magkamali para lang malahian niya, ang gwapo daw kasi. Kaso magkakasakit ka ng nerbyos sa kakaisip na baka agawin sya ng iba.
Ang lakas ng tawanan nila.
Maine: Tapos si Miggy ang tingin nila, maginoo pero medyo bastos. He's a typical flirt kahit kelan makakita ng babae given the chance magpapacute. Pero kapag ikaw ang pinili nya, mamahalin ka, susundin ka, ilalagay ka sa isang pedestal. Yung tipo ng lalakeng magpapaunder sa asawa.
Lalong lumakas ang tawa ni RJ.
Miggy: Ganon?!
Maine: Ikaw RJ, gusto mong malaman kung anong sinasabi ng mga FA tungkol sa yo?
RJ: I don't really care pero sige nga, ano naman ang sabi nila.
Maine: Suplado ka, parang may bayad ang bawat ngiti mo. Pero kapag nanginitian mo sila pwede na silang mamatay. Responsible, seryoso sa buhay na parang may pinapaaral na mga anak. Pero mukha ka naman daw mabait so kahit ano ka pa ikaw yung tipo ng lalaking ipapakilala nila sa parents nila at pakakasalan.
Ciara: Tapos tinanong nila kami kung ano sa tingin namin sa inyo. Ang sabi ko, pare-pareho naman kayong mabait kaya lang, si James playboy, si Miggy flirt, si Matthew boring at si RJ suplado pero pare-pareho naman silang gwapo so ok na din.
RJ: grabe ka sa amin Ciara, eh ano namang sinabi mo Maine?
Maine: sabi ko, I will have to agree with Ciara, iba-iba nga sila but they do have one thing in common... pare-pareho silang totoong kaibigan, at palagay ko naman pare-pareho silang totoong magmahal.
Miggy: Yun oh, Mendoza strikes again!
Nagtawanan sila.
Ciara: Teka muna bago ko makalimutan, ano yung pinaguusapan ninyo bago kami dumating.
Patricia: Oo nga yung kung papayag kaming sumama. Saan ba kayo pupunta?
RJ: Kailangan ko na kasing umalis. Wala kasing tatao sa Resto, aalis sila Joe. Kaya sabi ko sa kanila mauuna na akong umalis.
Miggy: Naisip ko, baka wala naman kayong gagawin eh di ihatid na natin si RJ, makakapamasyal pa tayo.
James: Oo nga pero kung may mga lakad kayo, ok lang ihahatid na namin kayo pauwi
RJ: Oo nga madali naman akong makapunta ng Tagaytay.
Patricia: Sa Tagaytay ang resto mo? Matagal na akong hindi nakakapunta don. Sama ako James, sige na. (Humawak pa ito sa braso ni James na parang naglalambing)
Nagkatinginan si Ciara at Maine, pareho kasi silang hindi nagsabi na hindi makakauwi.
Maine: Mabuti pa ihatid nyo na si RJ sama nyo na si Pat at Ciara. Mas malapit naman ang Condo magka-cab na lang ako.
Ciara: Sige, wait tatawag lang ako kay Dad.
Maine: Excuse guys, kuha lang ako ng Juice.
Miggy: Pano RJ? Anong gagawin natin.
RJ: Ihatid na muna natin si Maine sa Condo bago tayo pumunta ng Tagaytay. Wala naman akong magagawa kung ayaw nya sumama eh.
James: Nawala ang ngiti mo pare koy ah. (At tinapik nito sa balikat ang kaibigan)
Ciara: Hindi naman sa ayaw nyang sumama, ang alam ko kasi dadalaw sa condo ang family nya eh. Nag-grocery pa nga kami kahapon kasi ipagluluto daw nya ng baked mac ang Daddy nya.
Bumalik si Maine bitbit ang juice.
Maine: So, anong plano nyo?
RJ: Ihahatid ka na muna namin bago kami bumyahe ng Tagaytay.
Maine: Pasensya na kayo ha. I don't want to spoil the fun, kaya lang pag hindi ako umuwi ng condo baka mapauwi ako ng Bulacan for good. Kilala ni Miggy ang Daddy ko.
Tumango naman si Miggy.
RJ: Ok lang, walang kaso yon. Marami pa namang next time eh.
Nagring ang phone ni Maine, tinignan nya.
Maine: Ciara, naku si Colleen , baka nandon na sila sa Condo.
Sinagot ni Maine ang tawag ng kapatid.
Maine: Hello Sis, lumabas lang ako para mag grocery, mag-coffee muna kayo. Ha? kakausapin ako ni Tatay? bakit daw? Coleen, hello... Hi Tay! Opo, ok lang po. Ganon po ba? Sige po ikamusta nyo na lang po ako sa kanila. Sabihin nyo kay Tito libre rooms namin pagpunta namin ng Bora ha. Ok lang Tay, kasama ko naman po si Ciara hindi din sya uuwi. Tay... pwede po kaming mamasyal ni Ciara? Sasama po sana kami sa Tagaytay, si Patricia po tyaka ibang friends. Magda-drive, ahm si Capt. Frank po. Meron din po mga piloto din. (Tumawa ito) Opo, eto po si Ciara.
Ipinasa nito ang celphone kay Ciara...
Ciara: Hello po Tito, Good Morning! Ok lang po hindi naman po talaga ako uuwi eh. Po? Ok naman po siya. Nagkausap naman na po sila ni Miggy, ok naman na po siya. She seems to be happy. Two weeks from now po, local flights. Po? (Natawa si Ciara) Tito, yaan nyo po sasabihin ko sa inyo kapag may nanligaw. Ok po, thanks Tito, Magtetext na lang po kami later.
Ibinalik nito ang phone kay Maine...
Maine: Tay... opo, sige po pasalubong namin ha. Love you Tay!
Pagkababa ng celphone... sige sasama na ako sa Tagaytay! And she thought, This is going to be a great day.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro