Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20 - Getting to know you

Nagkayayaan na ang barkada na magpahinga. Nakahawak sa braso ni Miggy si Ciara, nakaakbay naman si James kay Patricia, at sabay na naglalakad si RJ at Maine sa unahan nila. 

Miggy:  Alam nyo kayong dalawa ang plastic nyo.

Maine: Oh  bakit na naman, Miggy lasing ka na ba?

Miggy:  Kapag nakikita namin kayo, ganyan ang layo ng distansya nyo pero pag hindi para naman kayong glue!

RJ:  Bro, hindi naman sa ganon. Siguro hindi lang hinihingi ng pagkakataon.

Patricia:  Alam nyo bagay kayo! Ang cute nyo kayang tignan

Ciara: Oo nga kanina nung nagsasayaw kayo, you looked like you are two people who are in love with each other.

Maine:  Hala sila, nagsayaw lang ng slow song  in-love na?!

James:  Wala namang masama kung in-love nga, wala din namang masama kung hindi. Ang importante masaya kayong magkasama.

RJ:  you got it right bro! (nakipaghigh five ito kay james)

Nakarating na sila sa room nila.  Huminto ang anim. Unang nagtanong si James

James:  How are we going to do this, obviously ang akala ni Louie, we are  pairs kaya 3 kwarto ang ibinigay sa atin. So anong gagawin natin?

Patricia:  Coming from you, I am surprised!

Ciara:  The girls can stay in one room, you guys can stay in the other. kaso sayang naman yung isa pang room.

Miggy:  Eh di better use all,  May tiwala naman kayo sa amin di ba? You girls can sleep on the bed and we can sleep on the couch or the floor.

Patricia:  I don't have a  problem with that, hindi naman makakagawa ng kalokohan to si James, waisted na ito eh.

Ciara:  I don't have any problems staying with Miggy

Maine: Sigurado ka Ciara? may history yan. At nagtawanan silang lahat.

Miggy: Mendoza, wag mo akong simulan ha.  

RJ:  Oh sige na tama na yan.  I will stay with Maine, if she doesn't mind or pwede kong tabihan si Miggy sa sahig sa room nyo.

Maine:  Ang arte mo Faulkerson! Buksan mo na yung pinto inaantok na ako.

Nagkatawanan na lang sila at nagpunta sa kanya-kanyang kwarto.

Pagpasok ni RJ at Maine sa kwarto, dumeretso si Maine sa coffee table.  

Maine: This is what I like about this hotel service, yung free coffee and tea.

Naginit siya ng tubig sa electric kettle.

Maine:  What do you like coffee, tea or me?

Napalingon si RJ sabay tanong ... Ano?!

Maine:  Joke! sabi ko na magrereact ka eh.  (Tawa ito ng tawa)

RJ:  Alam mo Mendoza, under other circumstances when a girl asks me that, I would quickly answer "You". Pero dahil ikaw ang nagtanong... Coffee please. (Nangaasar na sabi nito)

Maine:  Yun oh descriminated agad ako! Mendoza bokya! (sinabi nito ng nakangiti)

Lumapit ai RJ kay Maine  at kinorner ang dalaga sa upuan.

RJ:  Would you rather let me have  "You" instead?

Dahan- dahang inilagay ang dalawang kamay sa dibdib ng binata at tinulak ito ng dahan dahan.  

Maine:  Ito naman hindi na mabiro. Lagyan mo ng tubig yang tea ko at kape mo. Magshower muna ako.

RJ:  Dyan ka magaling Mendoza, pero kapag nilapitan kita tumatakbo ka naman.

Natatawang sabi nito at binuksan ang butones ng Polo niya. Naisip nito, "Pinagpapawisan ako sa babaing ito kahit ang lakas ng aircon dito."

Nagulat si RJ, pagharap nya nasa likod pala niya si Maine, nakatingin ito ng diretso sa mata nya.

Maine:   RJ... (hinawi ang buhok sa isang side ng leeg...)  Can you unzip me please... (in a bedroom voice that he couldn't resist.) Napalunok si RJ. Tumalikod sa kanya si Maine. Hinawakan ni RJ ang zipper ng damit nito at ibinaba ng dahan dahan, tumambad sa kanya ang itim na underwear na suot ni Maine. Humarap ito sa kanya at dahan dahang ibinaba ang damit hanggang sa ibabaw ng dibdib nito...

Maine:  Thanks Faulkerson! Ang cute mo kapag kinakabahan at pinagpapawisan ka!  At tumakbo itong papasok ng banyo at tumatawa.

RJ: Shit! (Napasuntok sa hangin si RJ) Naisipan nitong gumanti. Mendoza, siguraduhin mo lang na tulog na ako paglabas mo ng banyo dahil kapag gising pa ako lagot ka sa akin.

Medyo kinabahan naman si Maine. Pero kilala niya si RJ, hindi ito gagawa ng ano mang ikagagalit nya. Pero just in case nagbabad na din siya sa bath tub.  Isang oras din siyang nagbabad bago ito tuluyang nagshower.  Isinuot nito ang lower underwear with bagong pantyliner. Nagsuot ng bathrobe at binitbit palabas ng banyo ang bra at dress na suot kanina.  Nakaidlip na si RJ sa kama. Isinabit ni Maine ang bra at damit sa cabinet at ginising si RJ.

Maine:  RJ, pwedeng pahiram ng shirt, I cannot sleep with the dress on.

RJ: Eh di sleep naked! (Tumalikod si RJ natatawa)

Maine:  Pwede naman, pero sa sahig ka matutulog.  

Napaisip si RJ, "so kapag pinahiram ko sya ng shirt pwede akong matulog sa tabi niya".  Pero nagkunyari itong naiinis habang hinuhubad ang long sleeves na polo shirt at iniabot ito kay Maine. Naka t-shirt naman kasi ito sa ilalim ng polo.

RJ:  Alam mo Mendoza pahirap ka talaga! Natutulog na ako eh istorbo ka!

Maine:  Sorry na, but thanks! (Pumasok ito ng banyo at isinuot ang polo ni RJ.  Inamoy ang polo at naisip niya, "ang bango pa rin ng polo nya kahit na pinagpawisan na")

Nakaupo na si RJ sa may coffee table at humihigop nag kape ng lumabas si Maine na suot ang polo nya. Pinagmasdan ito ng binata at napaisip ito, "dahil matangkad ako sa kanya naging mukhang above the knee dress niya ang Polo shirt ko. But she looked sexy ang cute on it.

Umupo si Maine sa isa pang chair sa may coffee table at humigop ng tea.

Maine:  Oy magshower ka ha, ayokong may katabing amoy alak sa kama!

RJ:  Opo, eto na magsha-shower na.  Pwedeng matulog ng nakaboxers, I can't sleep with my pants on eh.

Maine:  Sige, pero sa ibabaw ka ng kumot ha, I'll be under the sheets.

Tumango si RJ at pumasok na ng banyo, natatawa sya. Naisip nya, "Why don't I feel awkward around her. Bakit parang sanay na kami sa isa't isa."

Matapos magshower, magtotooth brush sana siya pero naisip nya may iinumin pa pala syang kape. Hindi nagalaw ang toothbrush na nandon. Isinuot ulit yung t-shirt at boxers nya.  Lumabas ng banyo at isinabit ang pantalon sa cabinet. Katabi ng damit ni Maine, nakita nya ang black bra ni Maine, naisip niya, "She's topless under my polo shirt".

RJ:  Hindi ka nagtoothbrush? Nakalimutan mo?

Maine:  Hindi I have my own, FA ako remember?  Kung alam ko lang na dito tayo matutulog baka pati damit may baon ako.  Pero basic necessities like toothbrush, facial wash, panty liners, cramps and headache medicine meron ako palagi sa bag.  Pero hindi pa din talaga ako nagtoothbrush kasi iinom pa ako ng tea.

RJ: Oo nga naman. Cramps medicine? 

Maine:  yah, tummy cramps kapag dumadating ang monthly period.  Namimilipit kasi ako sa sakit na parang may dinosaur sa loob ko when its my due date.

RJ:  So, ano yun parang pain reliever? Is there anything else to ease the pain? 

Maine:  Hot water bag can ease the pain tapos ipinapahinga ko lang.  Ang hirap maging babae no?!

RJ: It seems so, I know that my mom had the hard time carrying her children in her womb for 9 months, taking care of the kids and the family and all that.

Maine:  Alam mo kung ano pang mahirap para sa amin?  Yung dapat naghihintay lang kami ng guy na manliligaw sa amin at kung may nakita naman kaming gusto namin, we can't just say it, we cannot do anything about it because our values dictates that it is wrong and the society thinks its unethical.  Kaya maraming tumatandang dalaga eh, kakahintay!

RJ:  Alam mo I never really looked at it that way, pero may point ka.  Siguro yung mga nakikilala ko lang mga aggressive na babae and they don't care about what people thinks.

Maine:  Ibig mong sabihin may mga babae na nagsabi  sa yo na gusto ka nila?

RJ:  Meron naman, kahit papano, pero mas gusto ko pa din na ako ang nangliligaw.

Maine:  Ang malas pa namin kasi madami ding lalaking torpe! Pag natyempuhan namin ang ganong lalaki dyosko Lord, end of the world na dalaga pa rin kami.

Natawa si RJ. Tama naman siya.

RJ: So ibig sabihin, if it was you maghihintay ka lang din?

Maine: Hmmm, I can wait syempre parang mas ok naman yung nililigawan ako. Pero kung may gusto akong tao I can also show him na like ko sya but I would never admit it unless he does.  Kahit naman ganito ako kaloka-loka, babaeng pilipina pa rin naman ako.

RJ:  Does that mean you like James and Matthew? Kasi you did something to go out on a date with them.

Maine:  Hindi ba obvious na gusto ko silang maging kaibigan?  James is fun para akong nakahanap ng dancing partner ko.  Si Matthew naman, mukha namang mabait pero medyo seryoso. He can be a nice friend.  Yah I like them both for a  friend.

Maine: Wait, bago ka magtanong, magtotoothbrush muna ako baka makalimutan ko pa. Tumayo ito kinuha ang toothbrush sa bag at pumasok sa banyo

RJ: Ako din pa-toothbrush. Kinuha nito ang isang toothbrush na provided ng hotel at pinalagyan ng toothpaste kay Maine. Pareho silang nakaharap sa lababo, tumalikod si Maine at kumapit sa balikat ni RJ at naupo sa tiles sa gilid ng lababo. 

Maine: Kumanta ka ng "may tatlong bibe"

RJ: Bakit? 

Maine: Basta kumanta ka sa isip mo, dapat matapos mo yung kanta pag tapos na tapos na din magtoothbrush.

RJ: Para kang bata, oo na sige na kakanta na.

Sabay sila halos yumuko para magmumog, nagkatawanan sila habang nagmumumog. Inilagay nila ang toothbrush sa baso.

Maine:  O di ba at least alam mo kung kailan mo dapat tapusin yung pagto-toothbrush mo.  Tapos kapag naghuhugas ka naman ng kamay, dapat isang buong happy birthday to you bago ka magbanlaw.  

RJ:  Iba ka Mendoza!  You're too cute for a 23 year old lady.

Maine:  Siguro nga, kasi I'm 23 pero madalas I think like I'm 4  years old. Speaking of kamay, bakit mo binasa yang kamay mo?

RJ:  I need to clean and change the bandage pala, buti naalala mo.

Maine:  Sige na kunin mo yung gamit mo, tulungan kita.

RJ:  Wag na kaya, you might feel icky looking at it. Para siyang worm sa ibabaw ng palad ko.

Maine:  Wala naman ng dugo, kaya ko yan.  Bilis na kasi.

Kinuha ni RJ ang knapsack at inilabas ang maliit na first aid kit.  Inalis ni maine ang nakabalot na bandage, binuhusan ng agua oxenada yung gasa na nakatakip sa sugat. pinabayaan nyang mabasa ng tuluyan yung gasa tsaka inalis. 

Maine: That's a long cut, pero hindi naman kasing lakit ng worm, medyo matambok lang. Masakit pag hinahawakan?

RJ: Hindi pero  kapag diniin mo masakit kasi yung sa loob sariwa pa. Kaya may anti-biotic akong iniinom.

Nilagyan ni Maine ng ointment, gumupit ng gasa tinakpan ang sugat, nilagyan ng tape at ibinalot ulit ng bandage ang kamay ni RJ. 

Maine:  That should do it!  

Tumayo si RJ  sa harap ni Maine

RJ:  Kanina nung nagto-toothbrush tayo you were a silly 4 year old, just now you turned into a beautiful  23 years old caring lady. I can't help but stare...

Hinaplos niya ang pisngi ni Maine, nagblush ang pisngi nito, bumaba sa lababo.

Maine:  A thank you was enough, huwag mo na akong bolahin Faulkerson!

Naunang lumabas ng banyo si Maine, ipinasok ang  binti sa ilalim ng kumot at nahiga .  Hinila ang kumot hanggang sa dibdib.  Sinarado ni RJ ang ilaw sa banyo at pinto nito.  Inilock ang main door. Pinatay ang lahat ng bright lights at iniwang nakabukas ang bedside lamp. Humiga si RJ nakatitig sa kisame. 

RJ:  Inaantok ka na ba?

Humarap si Maine kay RJ

Maine:  hindi pa naman

RJ:  Kamusta yung date nyo ni Matt?

Maine:  Ikaw ha, fishing ka for info.  

RJ:  Syempre, bestfriend ko yun.  Gusto kong malaman kung anong nangyayari sa kanya.

Maine:  I'd be honest with you, nung nagbreakfast kami, sinabi ni Matt na interesado sya and if I would let him liligawan niya ako.

Humarap si RJ kay Maine

RJ:  Anong isinagot mo sa kanya?

Maine:  Sabi ko hindi ko kailangan ng boyfriend ngayon pero kailangan ko ng kaibigan.  We can be friends, at kapag nabuo ko na ang puso ko tsaka ako magpapaligaw.

Maine:  Eto tanong, Filipino, Italian, Chinese, Mexican, Japanese Cuisine?

RJ:  Filipino and Italian, Ikaw?

Maine: Lahat pwera yung Japanese

RJ:  Maputi, Moreno o Chinito?

Maine: ayaw ko lang ng Chinito, ikaw?

RJ: Morena

Maine:  Sweet or Spicy?

RJ: sweet, parang ako. Eh ikaw? 

Maine:  Spicy, parang ikaw.  You're so hot!

Nagblush si RJ pero natawa. Ginulo ang buhok ni Maine.

RJ:  Ikaw hangga't makakahirit humihirit ka. 

Maine:  Syempre, para masaya.

RJ:  Summer or Rainy Days

Maine:  Rainy Days, emo ako eh I like to hear the raindrops on the ceiling and see the droplets of the window pane.

RJ:  Summer ako, mahilig ako magbike, mag-rock at mountain climbing, magcamping, Ganon!

Maine:  Pero I love the beach, the sea, the water. (humikab si Maine)

RJ: What else do you like?

Maine:  Vanilla Ice Cream, chicken nuggets and fries,  starbucks coffee, hawhaw, mikmik, isaw, guys na may matambok na buttcheek, flat tummy kahit walang abs basta walang beer belly, biceps, dimples,   eyes na parang nangungusap and luscious lips yung masarap halikan. Ikaw?

RJ: anything Mango, tea, strawberries, magandang legs, smooth hands, long hair na pwede kong icomb ng fingers ko, lollipop and mint flavored candies, at tsaka ikaw, I like you.

Tinignan ni RJ ang reaction ni Maine sa sinabi nya pero nakapikit na ito at tulog na. Napaisip si RJ, "ang galing mo talaga, magsasabi ka na lang ng I like you sa taong tulog pa."



































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro