Chapter 19 - Group Date
Nakarating na ang magkakaibigan sa Bellevue Hotel. Nagpark sila at pumasok sa hotel. Dumeretso sila sa Concierge at hinanap ni James ang kakilala. Mayamaya pa dumating na ito, ang General Manager ng Hotel, Si Louie. Ipinakilala ni James ang mga kaibigan at tuwang tuwa ito ng malaman na Piloto at mga FA sila. Maaga pa para magdinner kaya, nagtour muna sila sa buong hotel. Ipikata sa kanila ang type ng mga rooms at amenities ng hotel. At ang pangalan ng hotel ay french translation ng "beautiful view".
Dinala sila nito sa VIP Lounge kung saan pinakamaganda ang view. Namangha ang grupo. Natuwa naman si Louie na nagustuhan nila ang lugar ang tanging hiling lang nito ay mabanggit nila ang hotel sa mga pasahero. Nangako naman ang grupo na gagawin ang lahat ng makakaya para matulungan sila. Nagpalitan sila ng mga calling card. Iniwan na sila doon para mag dinner.
Nasa magkabilang kabisera si James at Miggy, magkatabi si Patricia at Ciara sa isang side ng table at magkatabi naman sa kabilang side si Maine at RJ. Lumapit ang waiter.
Waiter: Sir, Mam, the buffet table is now open.
Tumayo si RJ at niyaya si Maine para kumuha ng pagkain, pagtayo ni Maine hinila ni RJ ng bahagya ang upuan para makadaan ng maayos si Maine. Paglapit nila sa buffet table ikinuha ni RJ ng pinggan si Maine at kumuha ng sa kanya. nakasunod naman ang mga kaibigan sa kanila. Nang makakuha na ng pagkain bumalik na sila sa lamesa.
Maine: RJ, tikman mo to (sinubuan siya nito ng ginawa nyang salad.)
RJ: Masarap nga, hindi ko alam na bagay ang ripe mango sa salad.
Naglagay ulit ito sa tinidor at isinubo naman kay Ciara, tapos si Miggy, tapos si Patricia at James. Nasarapan naman silang lahat. Natutuwa si RJ na malaman na natural kay Maine ang pagiging sweet.
Nagpakabusog sa pagkain ang grupo. Nang matapos, humingi ng tea ang mga girls, nagkape naman ang mga boys. Nagpicture taking sila doon gamit ang mga celphone nila. Nagpakuha sila ng group picture sa waiter at nagpapicture din sila ng by pair. Sweet ang picture ni Pat at James, pati na ni Miggy at Ciara kaya hindi pumayag ang mga ito na hindi sweet ang picture ni RJ at Maine.
RJ: Tumayo na lang tayo, para maiba naman
Maine: Oo nga tsaka para hindi halata ang burger (bilbil sa tyan).
RJ: Sweet ba gusto nyo?
Ciara at Pat: Oo
Tumayo si RJ sa likod ni Maine. Iniakap niya ang kanang braso papunta sa kaliwang braso ni Maine. Inihawak naman ni Maine ang dalawang kamay sa braso ni RJ na nasa dibdib nya. Yumuko ng konti si RJ para pantay ang ulo nila at ipinatong ang may bendang kamay sa kaliwang braso ni Maine. Tumili si Ciara at Patricia. Tawa lang ng tawa si Maine at RJ. Maya- maya pa ay lumapit ang Waiter at sinabing ipinasusundo na sila ng General Manager para pumunta sa Vue Bar.
Pagpasok pa lang nila ipinakilala na sila ni Louie sa mga kasama nito sa lamesa na puro business man. Pagkatapos ay inihatid na sila sa kanilang mesa, tinawag ang isang waiter at sinabing ibigay ang lahat ng order nila at sa kanya nakacharge. May lumapit kay Louie na Roomboy at may iniabot na 3 key card. Binigyan ng tig-isa si James, Miggy at RJ, ang sabi here's the key to your rooms, so get drunk! Nagatawanan sila at nagpasalamat sila kay Louie. Nagkatinginan ang mga babae. Ibinulsa ni RJ ang keycard. sabay bumulong kay Maine
RJ: Pwede naman akong matulog sa sahig, carpeted naman.
Maine: Ngumiti lang si Maine
James: Parang bigla naman akong nahiya, pinakain na tayo, painom pa tapos may libreng kwarto pa.
Patricia: Maki-ride na lang tayo, let's be nice. Pag may ipinakilala pwede naman tayong makipagkwentuhan, makipagsayaw, basta hindi sweet ha
Miggy: Oo nga we have to mingle kasi mukha namang kakilala niya lahat ng nandito.
Tumango si Maine at RJ.
Hinawakan ni RJ ang kamay ni Maine.
RJ: Ok lang ba sa yo? Kasi kung hindi pwede naman na kitang ihatid pauwi.
Maine: Don't worry trained FA ako, kahit hindi pa ako nakakasama sa flight. We are trained to entertain passengers. I got this.
Umorder ang mga girls ng margarita at dinalhan naman ng isang boteng jack daniels ang mga boys. Nakakailang tagay pa lang. Lumapit na si Louie kay James itinanong kung pwede silang ipakilala sa mga foreign guests nito. Nagpaalam naman ang mga boys, tumango naman ang mga girls. Mayamaya, yung ipinakilala sa kanila na kasama sa lamesa ni Louie ay nakiupo sa table nila. Nakipag kwentuhan naman sila. Mababait naman ang mga lalaki, owner ng manufacturing company yung isa, owner ng banko at yung isa owner ng bar sa makati. Nakipagsayaw si Pat at Ciara, naiwan namang nakikipag kwentuhan si Maine don sa owner ng banko. Nakita ni Maine na nakipagsayaw na din ang mga boys.
Mahilig magtravel yung lalaki, so nagkwento naman si Maine ng mga lugar na napuntahan na niya, yung iba totoo, yung iba imbento ng nya para may maikwento don sa kausap niya. Panay naman ang tingin ni RJ sa dalaga kahit na may kakwentuhan at kasayaw na iba. Dumaan ang mga oras na kung sino-sinong mga kaibigan ang pinakilala sa kanila pero kahit minsan hindi nakita ni RJ na sumayaw si Maine. Kumonti na ang tao sa bar, nawala na yung mga business man at parang puro mga nasa twenties na ang naiuwan na nandon at nagsimula ng mabored si Maine. Nilapitan nya si Ciara at Pat niyaya sa bar at may inorder. Nung dumating yung waiter dala ang order nila sabay sabay na tinungga ng tatlo ang inumin nila. May sinabi sa waiter si Maine,nagpunta naman yung waiter sa DJ.
Nakabalik na ang boys sa table nila, nagsalin ng Jack Daniels at nag toast pa ang tatlo. Nasa pangalawang shot na sila ng tumugtog ang "Uptown Funk" Nagpunta sa dance floor yung 3 at nagsimulang sumayaw. Hinila ni Maine si James, magaling talagang sumayaw si James. Mukhang nagustuhan naman ng iba pang nandon ang tugtog kaya nagsayawan din. Nakangiti namang nanonood si Miggy at James habang umiinom. Hindi inaasahan ni RJ na magaling palang sumayaw si Maine. Natapos ang kanta kaya umupo na at tumagay si James.
Tinugtog ang "Dessert" nagtalunan ang mga nasa dance floor. Nagtatawanan yung 3 at nag high five pa. Nakita ni Maine na nanonood yung 3 boys may binulong si Maine kay Ciara at Pat, tumango naman yung dalawa. Naisip ni RJ, may kalokohang gagawin to. Ang kasunod na tumugtog ang "twirk it like miley", nagsigawan ang nasa dance floor, nakigulo sa ibang nasa dance floor yung 3, nag sexy dance. Pagdating ng chorus nasa harap na sila ng mga boys at nagtwirk it like Ella Cruz. Pinagpawisan si Miggy habang pinapanood sila. Nagbukas ng butones ng polo. Nakatunganga naman si James. At nakatitig lang si RJ kay Maine. He likes the way she was smiling and looking at him while she was dancing. Naisip nya "may kapilyahan din palang tinatago ang babaeng ito". Tumugtog ang worth it, hinila na sila ng mga kaibigan sa dance floor.
Nakapatong ang dalawang braso ni Maine sa balikat ni RJ habang sumasayaw. Hinapit ni RJ sa bewang at bumulong si RJ kay Maine.
RJ: Salbahe ka ha... lasing ka na no?
Maine: Nope, tipsy but not drunk. Nabored na ako eh kakaintay na isayaw mo ako. Hindi nga ako nakipagsayaw sa iba eh, hindi mo naman ako isinasayaw.
RJ: Sorry na! I didn't thought you want me to.
Sumayaw sila ng ganon ang itsura. Nakadikit ang katawan ni Maine sa katawan niya habang umiindak ang bewang at balakang nito at sumasayaw sila. Nanunuyo ang lalamunan ni RJ, naamoy nya ang pabango sa pawis nito. Nang matapos ang kanta biglang nag slow song. Tinugtog ang "beautiful in my eyes". Napahinto si Maine, inalis ang braso sa balikat ni RJ. Nakatingin si Maine kay RJ...
Maine: Gusto mo ng umupo?
RJ: No, Sabi mo hindi pa kita isinasayaw di ba? eh di isasayaw na kita ngayon.
Hinawakan ni RJ ang dalawang kamay ni Maine at ibinalik sa balikat nya. Inilagay ang kamay nya sa bewang ng dalaga at ipinagsalikop ito sa likod nito at nagsimula silang sumayaw, Nakatingin lang sila sa isa't isa. Nakita ni Miggy yon, kinuhanan ng litrato ang mga kaibigan. Nakangiti si Miggy. Natutuwa siya sa nakikita nya, sana nga tama ang naiisip niya, para maging masaya na si Maine.
RJ: Lasing ka na ata eh, alam mo pa ba ang ginagawa mo?
Maine: Oo naman, I'm slow dancing with you and I just feel like getting this close to you.
Iniyakap nito ang buong braso sa leeg ni RJ. Bumingisngis ito.
RJ: Oh bakit ka bumubungisngis dyan?
Maine: Ngayon ko lang narealize ang liit ko pala, tignan mo nakatiptoe ako, nakakangawit ah.
Natawa din si RJ pero iniyakap nya ang buong braso sa likod ng dalaga.
RJ: Eh ayan nakakangawit pa ba?
Umiiling ang dalaga at ngumiti. Inihilig nito ang ulo sa dibdib ng binata.
Maine: J, bakit ang bilis at lakas ng tibok ng puso mo?
Hinaplos ni RJ ang buhok ni Maine habang sumasabay ang galaw ng katawan nila sa tugtog.
RJ: Ikaw kasi eh! Kinakabahan ako sa yo. Sigurado kang alam mo pa ginagawa mo ha?
Maine: Oo nga alam ko pa. Gusto mo bukas ire-enact ko pa eh.
RJ: Hindi na, ok na. Tama na sa kin na alam kong hindi ka lasing. Alam mo ba kung bakit mo ginagawa?
Maine: Oo! It feels good being this close to you. Feeling ko no one can hurt me. I feel safe. Ikaw ba alam mo pa na yakap mo ako?
RJ: Oo naman, it feels great being this close to you too but ayokong isipin mo that I am taking advantage of you.
Maine: Hindi ah, as long as you don't think that I am taking advantage of you.
RJ: kahit pa you are taking advantage of me, willing victim ako! Tatanggi pa ba ako?!
Napatawa ng malakas si Maine, tinakpan nya ang bibig nya. Hinampas si RJ
Maine: Loko ka din no?!
RJ: I don't really mind being this close to you, pwede na nga akong tumira dito eh ang bango mo kasi but you have to remember lalake po ako, it gives me other feelings kaya konting ingat sa pag galaw.
Hindi na napigil ni Maine, humagikgik ito at itinago ang mukha sa dibdib ni RJ. Natatawang hinaplos ni RJ ang likod ni Maine papunta sa batok nito.
Maine: Ipapaalala ko lang din sa yo babae ako na nakainom na, I lose my inhibition kapag may alcohol na sa katawan, so stop what you're doing to my nape because its giving me goosebumps.
Nagkatawanan na lang silang dalawa kasabay ng pagkatapos ng kanta. Bumalik na sila sa lamesa nila. Nagsalin ng alak si RJ sa baso nya. Humingi naman ng cold water si Maine. Pareho sila ng nasa isip... "I needed to cool down."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro