Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18 - Sermon

Katatapos lang magligpit ni RJ sa Condo nya.  Wala syang flight  ng weekend na yon.  Kaya naisip nyang umuwi tapos bisitahin ang restaurant niya. Biglang nagring ang phone nya. Tinignan nya ito, si James ang tumatawag. sa pangatlong ring sinagot niya ang tawag.

RJ:  Hello bro, anong balita?

James:  Eto, naghahanap ng lakwatsa. Nasan ka? May lakad ba kayo ni Matthew?

RJ:    Dito sa condo pero paalis na ako pauwi ng Laguna. Bakit?  Wala si Matthew, nasa Madrid.

James:  Ayos, tamang tama! Sunduin kita sa Alabang mamayang 6pm. May libre tayong dinner.

RJ:  Sino naman naginvite sa atin? 

James:  Isang pasahero na nakilala ko, may hotel sa alabang. Invite nya tayo to taste the food and experience the place.

RJ:  Sino-sino kasama natin? Baka iblind date mo na naman ako ha.

James:  Parang ganon na nga pero this time sigurado akong magugustuhan mo ang kadate mo. Tsaka group date naman eh.

RJ:  O sige , kung hindi lang may atraso ako sa yo hindi ako sasama eh.  Sige kita tayo later.

Pakiramdam ni RJ eto na yung group date na binanggit ni James noon at excited sya. Excited sya na nakakasama niya ang mga kaibigan pero mas excited siya na makikita nya si Maine. Hindi din nya alam kung kailan at paano nagsimula but it seems that he has developed a fondness for her.

Nakarating si RJ sa Alabang ng alas sais ng gabi.  Tumawag ito kay James at sinabing nasa harap na sya ng Filinvest Mall. After 15 minutes dumating ito lulan ng isang black na van, pinagbuksan sya ng pinto ni Miggy.

RJ:  Hi Guys!

Group:  Hi!

Si James ang nagdadrive, katabi nito si Patricia. Katabi ni Miggy si Ciara at nasa pangalawang linya ng upuan naman si Maine. Tinabihan niya ang dalaga. Nginitian naman siya ng nito.

Patricia:  Namiss ka na namin ha. 

RJ:  Nasa domestic flight ako the whole week eh. Nakipagpalit ako eh.

James:  Balita ko nga nagka-injury ka daw. 

Ciara:  Kamusta na kamay mo? 

RJ:  Ok na, pinacheck ko kanina healed na yung labas pero pinalagyan pa rin ng bandage kasi para daw hindi ko magamit. Kaya next week nasa office naman ako, training daw kasama ni Sir Frank.  Pero after another week ok na to.

Miggy:  Sigurado ka bro, nami-miss na kita kasama sa flight eh.  Ako na lang ang gwapo ngayon don.

RJ: Ayaw mo non wala kang kaagaw sa atensyon.

Tahimik lang na nakaupo at nakatingin sa bintana si Maine habang nakalagay ang earphone sa tenga. Pero narinig nya ang pinauusapan nila. Wala lang siyang masabi.  Sumandal sa upuan si RJ at siniko sya.

RJ:  Kamusta Chef, tahimik ka yata?

Maine: Ok lang. Tahimik naman talaga ako eh.

Miggy:  Oo pre tahimik talaga yan, mapapanis laway mo dyan. Nagsasalita lang yan kapag gusto akong awayin.

Maine:  wala ka kasing nakitang inisin kung hindi ako!

James:  Oy hindi naman, nagsasalita naman yan si Maine.  Ang sarap nga ng kwentuhan namin sa Italianis eh.  Di ba Maine?

Maine:  Oo naman, enjoy ka naman kasama kahit baliw ka.  May sense ka naman palang kausap kapag gusto mo eh. At I am surprised to see the deeper, serious personality of James.

Patricia:  Talaga lang ha?

Maine:  Sweet ang mokong na yan, he took his time to know ang mga favorite things ko. He gave me flowers at may pagka gentleman naman at magaling sumayaw.

Ciara:  Talaga? Eh matino ka naman pala James.

James:  Ayaw nyo kasi maniwala eh. 

Maine:  Pat, minsan itry mo makipagdate ka kay James. He's fun and adorable. Nakakapanibago but he's more than he's playboy looks.

Miggy:  Ano bang pinakain mo dito  kay Maine ha. At panay ang build-up sa yo.

Maine:  Nagsasabi lang ako ng totoo, katulad ng pagsasabi ko kay Ciara na magiingat sa yo.

Miggy:  Mendoza ha, abuso ka na.

Tumawa lang si Maine at sabay sabi 

Maine:  I luv you Miguel

Miggy:  tse! hindi kita luv! Matapos mo akong siraan, hindi kita bati.  Magsama kayo ni RJ pareho kayong may sapak sa ulo.

RJ: Oh bat nadamay na naman ako.

Miggy: Kung hindi ka ba sira hawakan mo ang basag na baso!

Maine:  Ano naman bang naisip mo at ginawa mo yon.

RJ:  Aksidente lang, wala sa sarili, may hangover, uminit ang ulo at kung ano ano pa. Basta ganon!

Maine: May napala ka ba naman?

RJ:  Meron, gumaan trabaho, maagang nakakauwi, nakakatulog ng maaga, nakapagpahinga.

Maine: Eh di sige, ikaw na ang tama. Gusto mo pati yung kabila gawin nating ganyan tulungan kita!

RJ:  Hindi naman sa ganon. Mali na nga po.  Sa susunod na uminit ulo ko tatawagan na lang kita para ipagluto mo ako at magcomfort food na lang ako.

Maine: Dapat lang! Mas ok yung ganon, mas madaling magburn ng calories kaysa magpagaling ng sugat.  May isa ka pang kasalanan sa akin. Alam ko kung kailan nangyari yan. Bakit mo pa pinilit umalis si Matt?

RJ:  May date kayo di ba.  Alangan istorbohin ko yung  tao. Tsaka maghihintay ka baka magalit ka pa kay Matt. 

Maine: So, ibig mong sabihin ganon ako ka-inconsiderate? Para hindi ko maintindihan na kailangan mo yung kaibigan mo?

Tahimik lang na nakikinig sa kanila ang ibang kaibigan.

RJ:  I didn't say that, basta ayoko lang na maghintay ka. 

Maine: So kasalanan ko pa din.  Mas importante yung date kaysa sa kaibigan?

RJ:  Bakit hindi ba? Kung ikaw ba yun anong gagawin mo?

Maine:  Ay kesehodang maghintay sa wala ang kadate, basta hindi kita iiwan.  At kahit ipagtabuyan mo ako, sigawan,  awayin or saktan, hindi pa rin kita iiwan.

RJ:  Talaga ba? Hindi mo ako iiwan?

Maine:  oo nga! hindi kita iiwan!

RJ: Ang sweet mo naman pala eh.

Maine:  Ano ba Richard Faulkerson Jr! Seryoso ako! Umayos ka nga!

Miggy:  Ano RJ, naniniwala ka na, dumadaldal lang yan kapag nangaaway at nanenermon.

Maine:  Isa ka pa! Nakikipagdate ako, yun pala may nangyayari na sa inyo.  Ikaw, Miguel Martin Santillan Rodriguez, hindi mo naman ako tinawagan.

Ciara:  Eh kasi nga baka magalala ka pa tapos magugulo pa ang date nyo.

Maine: Isa ka pa eh, kahit text hindi mo ako tinext. 

Nagulat si RJ, naging malumanay ang boses ni Maine at biglang tumahimik na ito. Pero si Miggy at Ciara hindi, alam na alam nila ang iniisip ni Maine. As pessimist as she is, iniisip nito na she's not good enough to be a friend who can handle the situation. Iniisip din nito na hindi siya ganon kahalaga para sa mga kaibigan para ipaalam sa kanya mga nangyayari.

Ciara:  Sis, sorry. Promise next time I will tell you. Nataranta lang din talaga ako eh

Miggy:  Dei, wag ka ng magisip ng kung ano-ano.  Hindi lang talaga ako nakapagisip ng matino. 

Maine: Ok na yun, tapos na  eh. Besides kayang kaya nyo naman, nothing would change kahit nasabi nyo sa akin. As if may magagawa ako beyond what you guys have done. Kaya am glad you were there for him.

Bumalik na ito na makinig sa music at ipinikit ang mata. Naguluhan bigla si RJ. Napatingin ito kay Miggy. Hindi nya alam ang sasabihin o gagawin.  Ramdam nya something is wrong, pakiramdam nya masama ang loob sa kanila ni Maine pero hindi nya maisip kung bakit. Biglang tumunog ang celphone nya.  Pagtingin nya nagulat sya na nagtext si Miggy eh nasa harap lang nya ito. "As negative as she is, iniisip nya she's not important to this group and she's not good enough to be our friend kaya walang nagsabi sa kanya nung nangyari." Alam na nya kung ano ang gagawin. Nagtext siya kay Maine. Nagulat naman ang dalaga ng makita na may text galing sa kanya.  Napatingin ito pero hindi naman tumingin si RJ sa kanya.

Text convo...

Gentleman:  Piso for your thought?!

Emergency:  Bakit po?

Gentleman:  Galit ka sa akin?

Emergency:  Wala namang "K" magalit.  Wala to its a "Me" problem. Kaya quiet na lang ako.

Gentleman:  Pag quiet ka feeling ko ayaw mo akong kausap, nagtoothbrush naman ako ;-)

Emergency: Tahimik naman talaga ako, tama si Miggy nagsasalita lang ako pag nanenermon o nangaaway.

Gentleman: Mali si Miggy, nagsasalita ka kapag alam mong tama ka at kapag totoo ang sinasabi mo at nananahimik ka kapag may iniisip kang mali sa sarili mo. So kung ano man yang iniisip mo stop it.

Emergency:  Kilala ko ang sarili ko at alam ko din ang inisiip nyo tungkol sa akin. Can't blame you thou, ganito ako eh.

Gentleman:  There's more to you than kung ano ang tingin mo sa sarili mo. Tama ka naman dapat hindi ko ginawa yon, Impulsive kasi ako, I act before I think; tama ka hindi ko dapat pinaalis si Matt kasi alam kong maiintindihan mo naman.  Tama ka naman sa lahat ng sinabi mo. Mahirap lang iadmit sa sarili na mali ako.

Emergency: Admiting ones fault is hard enough but you just did. You'll be alright.

Gentleman: I know I'll be alright kasi andyan ka naman para sabihin na katangahan ang mga gagawin ko. I'll be ok kasi andyan ka eh ;-) - end of text convo

Ngumiti si Maine, inilagay ang cellphone sa bag. Hinawakan ang kamay ni RJ na may sugat at ipinatong sa tuhod nya.

Maine:  Masakit pa ba?

RJ: Hindi naman pagaling na yan.

Inangat ni Maine ang kamay ni RJ, ipinatong ang kaliwang kamay niya sa tuhod niya, ipinatong ang kamay ni RJ na may sugat sa palad niya at hinaplos ng kanang kamay ang ibabaw ng benda na para bang inaalis nito ang kung ano mang masakit sa sugat ni RJ.

Napangiti si RJ naisip nya, "kung masarap alagaan si Maine, mas masarap syang magalaga."















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro