Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16 - Playdate

Naging busy ang magkakaibigan sa kanya-kanyang trabaho. Ang mga boys, si Matt at Miggy puro US flights, si frank at RJ puro Europe flights naman, si James nasa local flights pero 4 na flight isang araw naman. Wala talaga silang panahon para magkita, kita. At ang mga girls naman naka deploy sa booking offices for training. Bored na bored na si James, kaya naisip nya ngayong friday na gawin yung ipinagagawa ni RJ sa kanya. Tinawagan niya si Maine. Nagring ang phone nito at nakita nya na kay Playboy galing ang tawag yun ang name na ginamit ni Maine para kay James. Kahit nagtataka, after the 3rd ring, sinagot niya ito.

Maine: Hello James! Kamusta?

James: Hi, eto ok lang kaso nabobored ako eh. Wala kasi ang mga tropa eh. Puro out of the country. May lakad ka ba mamaya like dinner?

Maine: Are you asking me out on a date? Sure ka?

James: Busy kasi si Pat eh batong bato na talaga ako eh. Please say yes?!

Maine: Oo ba sige, san tayo magkikita?

James: I'll pick you up sa lobby ng condo mo at around 7:30, ok lang?

Maine: Sige I'll be ready by then.

James: Ok, see you later.

Maine: Ok, bye!

Binaba nya ang phone at tumingin kay Ciara na nasa tabi nya, wala namang tao sa booking office kaya nagusap ang dalawa.

Ciara: Huy, anong nangyari sa yo para kang natuklaw ng ahas dyan.

Maine: Sis, I just agreed on a date with James

Ciara: Huh?! The James Ituralde? ang playboy ng grupo?

Maine: Yes, sya nga. Nagulat ako eh bored daw siya tapos ayun na.

Ciara: Well, you remember wishing for that. Sabi ko kasi sa yo be careful what you wish for.

Sa kabilang banda, pagkatapos tumawag kay Maine. Si RJ naman ang tinawagan ni James.

RJ: James bro, balita?

James: I did it! I have a date with Maine tonight.

RJ: Talaga? cool! (pero pakiramdam nya sumisikip ang dibdib nya) James ha, behave ka lang please. Just give her a plain clean good time. You know what I mean.

James: Oo, don't worry magpapakabait ako at magpapakagentleman. Kapag nainlove sa akin yon pre, hindi ko kasalanan ha.

RJ: Oo, sige na may flight na ako. Ingat kayo.

Pagbaba nya ng celphone. Napabuntunghininga si RJ. Tinext nya si Ciara,

RJ: the date is on anong balita dyan?

Ciara: Hindi din sya makapaniwala na niyaya sya ni James at lalong hindi sya makapaniwala na umoo sya. Ikaw, ok ka lang?

RJ: Kahit hindi naman ako ok wala akong magagawa, ako ang may gusto nito di ba?! Sana nga lang makatulong sa kanya.

Ciara: Sana nga, don't worry, if James is what I think he is, hindi sya bf material para kay Maine.

RJ: Sige, bahala ka na dyan ha. Kitakits whenever.

At exactly, 7:30 nasa lobby na si Maine, wearing her fitted jeans and v shaped neckline black blouse at naka boots na black. She looked elegant ang classy. Ang hindi nila alam may sariling agenda si James, nagpalate talaga sya 7:45 wala pa din 7:55 ng huminto ito sa harap ng condo at bumusina. Napalingon si Maine, lumapit ito sa kotse ni James at sumilip sa bintana.

Maine: Hi!

Ngumiti si James, binuksan ang pinto ng kotse at itinulak pabukas.

James: Sorry, nalate ako ha. Lika na sakay na.

Sumakay naman si Maine. Pagupo, isinara nya ang pinto at nagseatbelt.

Maine: Ok lang! Hindi pa naman ako masyadong nagugutom.

Pinaharurot ni James ang sasakyan. Sports car driver talaga si James pero hindi alam ni Maine yun kaya takot na takot ito.

Maine: James pwedeng dahan dahan lang sa pagmamaneho

James: Ok lang yan, dont worry sanay ako sa ganito. You looked beautiful tonight.

Maine: James please keep your eyes on the road.

James: Joke lang eto na, babagalan ko na. Natakot ka ba?

Maine: Oo eh, ayoko pang mamatay kahit na nabroken hearted ako kahit papano hindi naman ako suicidal no.

James: Maine, sports car driver ako. I own the road! ganon talaga ako magdrive pero dahil kaibigan kita. Sige I'll change gear.

Maine: That's better. Thanks!

Pagpark nila sa harap ng Italianis Restaurant, may inabot si James sa likod ng sasakyan.

James: flowers for you, carnation is your favorite di ba? At dahil alam kong mahilig ka sa pasta dito kita dinala.

Maine: Eh, sweet ka naman pala eh.

James: Playboy nga ako di ba I know how to play the game. Playboy lang ako but I am not a jerk. Lika na, baba na tayo.

Bumaba si Maine magisa kasabay na bumaba si James. Nung maglalakad na ini-offer naman nito ang braso nya kaya kumapit naman si Maine. Pagdating sa pinto, hinintay pa ni James na pagbuksan sila ng pinto ng gwardya at nauna itong pumasok kaysa kay Maine. Nung umorder sila...

James: since sanay ka dito ikaw na ang umorder para sa atin, surprise me.

The dinner was good, nagustuhan din naman ni James lahat except sa Pesto pasta ang sabi ni James lasang damo daw natawa na lang si Maine.

James: This I don't normally do sa dates ko, ang makipagkwentuhan but since friends tayo lets do it pero with a style.

Umorder ng wine si James.

Maine: Bakit wine?

James: Kasi kung ibang babae ka vodka base ang oorderin ko at nilasing na kita pero dahil ikaw si Maine, hindi kita kailangan lasingin.

Nagtawanan ang dalawa. Nagtoast sila...

Maine: here's to a fun night

James: here's to a good friendship

Maine: here's to mga pusong nagaabang na katulad mo

James: Here's to wasak na puso na maghihilom din na katulad mo

Maine: Sure ka dyan? Parang hindi na ata mabubuo ito eh

James: Napaka negative mo kasi, tsaka alam mo duwag ka eh.

Maine: Hey, I may be a lot of things pero hindi ako duwag.

James: Sige, tanungin kita, bakit ka nakipagdate sa akin?

Maine: Kasi you just want to have fun, hindi mo ako seseryosohin at kung magkasakitan tayo, we can shrug it off kasi wala naman talagang deep feelings for each other.

James: Eh di duwag ka nga, naduduwag kang sumubok na buksan ang puso mo. Maine, hindi lahat ng lalaki sasaktan ka. Hindi lahat ng lalaki paiiyakin ka. Minsan katulad ni Miggy may matitinong lalaki na nasisilat na-wrong move ganon but it doesn't mean na hindi ka niya minahal. Alam ko, dahil nung ikinuwento ka nya sa amin, punong puno ng pagmamahal at pagsisisi ang puso nya. At dahil dyan, he chose to be your friend instead dahil ayaw nyang mawala ka ng tuluyan. Dahil gusto nyang masigurong magiging masaya ang taong nagturo sa kanya kung papano maging matino at kung papano magmahal ng totoo. Kasama ang sakit at sakripisyo sa pagmamahal. kaya tayo nasasaktan dahil mahal natin ang taong yun.

Napatingin si Maine kay James, for the first time nakita ni Maine kung gano kalalim ang pagkatao nito.

Maine: Eh ikaw bakit mo akong niyayang lumabas? Di ba nililigawan mo si Patricia? Pano pag nalaman to ni Patricia?

James: Kasi may feelings talaga ako kay Patricia gusto kung malaman kung magiging kampante ako katulad noon na marami akong dinedate ng sabay-sabay. Bakit ikaw? kasi girlfriend material ka, hindi ka mahirap magustuhan at mahalin. You're every guys dream at kung pati ako mahuhulog sa yo isa lang ibig sabihin Patricia is not that special to me at all.

Maine: so ngayon narealize mo na hindi mo kaya. Lahat ng kung papano mo ako itreat was the same way when you go out with your playmates pero hindi mo yon kayang gawin kay Patricia. she's to special for you na gusto mo syang alagaan, pasayahin?

Tumango si James at nagblush. Natawa si Maine

Maine: Hala siya, ang playboy nainlove na nga. Tinamaan nakahanap ka na ng katapat mo!

James: Palagay ko din kahit bago pa kita yayain, sure na ako eh. Tignan mo itong phone book ko. Isa-isahin mo.

Maine: Puro number ito ng family mo, work, at kami, yan na lang laman ng phone book mo?

James: Oo eh, masakit nito ayaw pa din maniwala ni Patricia eh, pero wala akong balak sumuko. Gagawin ko lahat para mapatunayan sa kanya na mahal ko talaga sya.

Maine: Don't worry I will put in some good words for you. Alam mo kaming mga babae nagshe-share kami ng notes kapag may nasabi akong maganda tungkol sa yo she will take consideration of it.

James: Last na to Maine, hindi naman masamang makipagkaibigan o lumabas kasama mga seryosong tao. Kasi hindi naman ibig sabihin gusto mo siya or liligawan ka niya. Pwede naman kasi na enjoy lang kayo kasama ang isa't isa. Baka ang companionship ng isang kaibigang lalaki ang makatulong sa yo. katulad ngayon, kanina pa natin pinaguusapan ito pero hindi ka man lang naluha.

Nagkatinginan sila. Napangiti si Maine.

Maine: Oo nga no? Thanks James, you do make sense when you need to be.

James: Ok tama na ang drama, ano disco tayo?

Maine: Gusto ko yan!

Pagupo ni Maine sa sasakyan ni James, napangiti ito at at bumulong ng dasal... "thank you Lord for friends like James, Miggy, Ciara and RJ"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro