Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14 - Friendship Goals 2

Nagkakatuwaan sa pagiinuman at pagvi-videoke ang magkakaibigan. Nakaupo sa mahabang couch si Pia, Pauleen, Julia at Patricia katabi nya si James na nakaupo sa Monoblock chair. Nakasalampak sa sahig at nakasandal si Matt sa gitna ng mahabang couch, nakapatong ang braso nito sa hita ni Pauleen at Julia. Si Ciara nakaupo sa single na couch at nasa armchair nito si Miggy. Si Maine naman nasa isa pang single couch at nakasalampak sa sahig si RJ sa harap nya katabi si Sir Wally. Nakasalampak si Frank sa sahig sa tabi si Pia at kumakanta ito ng "Be my lady". Nanunukso naman ang lahat.  Ng matapos ang kanta

Frank: Oy maglagay pa kayo ng kanta habang pwede pa hanggang alas dose lang pwede magingay dito.

Wally:  Oo nga sino pa ba hindi kumakanta?

Maine:  Si Migs magaling kumanta si Migs.  Migs sige na parequest, yung "I don't wanna miss a thing".

Miggy:  Ikaw Mendoza gustong gusto mo akong pinahihirapan.

Maine:  Sige na kasi kantahin mo para kay Ciara, am sure maiinlove na yan sa yo. 

Group: Uuuyyyy

Miggy:  Bakit sa boses ko ba ka nainlove noon sa akin?

Maine: Unggoy! Akala ko lang mabait ka, namalikmata lang pala ako.

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Maine at ang lakas ng kantyawan. Pero kinanta pa rin naman ni Migs.  Akala talaga ni Maine ok na pero nung nasa pangalawang stanza na si Migs may sakit pa rin pala at tumulo ang luha nya.

Maine: Excuse ha, CR lang  naitago ni Maine sa iba ang luha nya pero hindi kay RJ at Ciara.

Sinundan ito ni Ciara sa kwarto. Nakita nya itong nakaupo sa kama at umiiyak.

Maine:  Ciara ok lang ako, wala to ha may naalala lang. Pero wala na talaga baka mamaya isipin mo si Migs pa rin iniiyakan ko. Hindi na talaga.

Ciara:  Don't worry, naiintindihan naman kita. Alam ko naman na Migs is just a friend to you now pero hindi pa din maaalis na yung masakit na alaala noon masakit pa rin ngayon. At alam ko din kaya mo sya pinakanta because you wanted to know kung may sakit pa ba.  

Maine:  Sorry talaga, promise ok lang ako. Kung gusto mong sagutin si Miggy ,go! Masaya ako na masaya kayo. 

Ciara:  Huwag kang magalala kay Migs ok. Mabait naman at caring si Miggy kaya hindi sya mahirap mahalin. Minahal mo nga eh so am sure he's a good person.  At wag na wag mo akong aalalahanin, because I will not take it against you.

Maine:  Sana lang maubos na, mawala na kasi.  I'm trying really hard. Ipadate mo nga ako kay James baka sakaling makatulong.

Ciara: Eh bakit si James, bakit hindi si RJ?  He is a caring person, aalagaan ka non.

Maine: Ciara, yun nga mabait yung tao, seryoso.  Ayokong makasakit pano kung hindi magwork out, masasaktan ko lang yun. At least pag si James pareho lang kaming nagtatry di ba.  Si RJ dapat mahalin ng isang taong buo ang puso, buo ang pagkatao, yun ang bagay sa kanya at don sya magiging masaya.

Niyakap nito ang kaibigan, pinabayaang umiyak sa balikat niya. Narinig lahat ni RJ ang pinagusapan ng dalawa. Pinaraan nya ang ilang minuto bago kinatok ang dalawa.

RJ: Maine, Ciara ok lang kayo? Hinahanap na nila kayo.

Ciara: Oo sunod na kami nagre-retouch lang. 

Umalis si RJ lumabas ng condo  umakyat sa penthouse at tinawagan si James, pinapunta nya ito kung saan sya nandon.

James:  Pare anong meron? May problema ba?

RJ:  Alam kong sinabi sa yo ni Miggy na wag mong isali sa babae mo si Maine, pero ako ang makikiusap sa yo.  Idate mo sya one time lang. The usual na ginagawa mo, buy her flowers, treat her for dinner.  Alam kong hindi mo type ang pagiging reserve ni Maine. Kaya alam kong hindi mo kakantiin ni dulo ng daliri non.

James:  Teka muna bakit ako, bat hindi si Matt? Type naman nya di ba?

RJ: Ayaw ni Maine makipagdate sa seryosong magcocommit sa kanya, dahil ang paniniwala niya hindi pa niya kayang ibigay ang puso nya. So gusto nyang itry makipagdate, game date,trial date, ganon.

James:  Pre tinamaan na ako ni Patricia baka malaman niya lalo akong hindi seryosohin non. 

RJ:  Sagot kita, kami ni Ciara at Miggy kapag nagkaproblema ka kay Patricia kaming bahala magpaliwanag sa kanya.

James:  Curious ako, bakit mo to ginagawa?  Akala ko nga type mo si Maine eh.

RJ:  Gusto ko syang tulungan, hindi ko din kayang ipaliwanag pero nasasaktan ako kapag nakikita ko syang umiiyak eh.  Kung makakatulong sa kanya na maramdaman how to go on a play date eh di subukan natin.  Baka nga naman di ba? 

James:  Sige, gagawin ko, gusto ko din naman siyang tulungan eh.  tapos may isa pa tayong dapat subukan... group date.  Eto kailangan mong gawin, try to do a play date with her. Para malaman mo kung ubra kayo.  Pwede naman kasing sa ganon magsimula ang lahat eh.

RJ:  Sige deal.  Nagkamay na ang dalawa at bumalik sa condo ni Matt.

Frank:  Cheers na para kay Matt na lasing na. 

Nagcheers ang lahat, nakita ni RJ na nakalugmok na ang ulo si Matt sa hita ni Julia. Naiiling na lang itong lumapit sa dalaga.

RJ:  Pasensya ka na Jules lasing na si Bday boy eh. 

Julia:  Ok lang, pero ipasok na natin sa kwarto niya.

Pinilit gisingin ni RJ si Matt nagmulat ito ng mata at umakbay kay RJ.  Pinanonood lang nila Maine at Ciara si RJ.  Naiangat ni RJ ang buong katawan ni Matt at isinalabay sa likod nito. Parang sanay na sanay na itong gawin yon.  Sumunod naman si  Julia sa kwarto.  Maya-maya pa naiiling na lumabas ng kwarto si RJ.  Sinalubong sya ni Maine.

Maine:  Ok ka lang? Kamusta si Matt?

RJ:  Ok lang, nandon plastado sa kama, kukuha lang ako ng bimpo at warm water pupunasan daw ni Julia eh. Sinabi ko ng wag uminom ng sobra ang kulit kasi.

Maine: ako, na kukuha sige na. Yang noo mo nakakunot na naman. Yaan mo na birthday naman nung tao.

Kumuha ng malamig na sanmig light sa freezer si RJ, binuksan at tinungga ang kalahati non. Sumandal sa may lababo. 

RJ:  Ikaw? ok ka lang Maine?

Maine:  Oo naman, ang saya nga oh, kumpleto tayo.

RJ:  Sure ka? Huwag ka ng iiyak ha

Nagulat si Maine sa sinabi nito, napaharap siya kay RJ. Hinaplos ni RJ ang pisngi nya.  Hinawi ang buhok na lumaylay sa mukha niya at iniipit ito sa likod ng tenga nya. Ipinatong ang kamay sa balikat nya at hinawakan ang batok at leeg nya.

RJ:  Basta, wag ka ng malulungkot at kapag naiiyak ka isipin mo na lang ayaw ko na umiiyak ka at magagalit ako kapag umiyak ka ha?!  (Tumango lang si Maine na nakatitig sa mata ni RJ, nakita nyang parang naluha ang mata nito. Pero bago pa nya tuluyang makita na tumulo ito niyakap na sya ni RJ.

Maine: Ok ka lang ba? Lasing ka na ba? 

RJ:  Hindi, basta tandaan mo yung sinabi ko ha. At lagi mong iisipin kapag may problema ka o nalulungkot ka nandito lang ako at tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. I got you back, Mendoza!

Maine:  Oo promise, lagi ko yang iisipin. 

Binitiwan siya ni RJ, at ng humarap ito sa kanya nakangiti na ito na labas ang dimples.  Iniabot ang kamay sa kanya para mag shake hands.

RJ:  Friends?

Maine: Friends!

Hindi binitawan ni RJ ang kamay nya matapos nila magshake hands.  Kinuha nito ng kabilang kamay ang plangana na may tubig at bimpo.  Hinila si Maine papunta sa kwarto, iniabot ang plangana kay Julia at hinila ulit si Maine papunta sa mga nagkakatuwaang mga kaibigan. Tawa lang ng tawa si Maine sa pagkakahila sa kanya ni RJ.  Pinaupo  si Maine sa couch naglagay ng number sa videoke machine.

RJ:  O ako naman kakanta. Wala ba kayong mga kamay?

Wally:  Ayan si RJ naman, palakpakan!

At pumalakpak naman silang lahat...

"Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik"  

Miggy:  wwoooohhh para kanino kaya yan? 

Frank:  Yun oh,  lapitan na kasi kung para kanino yang kantang yan.

Lumapit naman si RJ kay Maine, nagblush ang dalaga. Nagsigawan ang lahat.  Hinampas ni Maine si RJ sa braso at tawa ng tawa.  Ang alam nya kaya ito kinanta ni RJ ay dahil sa sinabi nito sa kanya na huwag na syang iiyak pa.  

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin"  

James: Yun oh dinaan sa kanta, idol na kita Faulkerson! 

Ciara:  Go RJ! 

Panay ang kuha ng litrato ni Miggy gamit ang celphone ni RJ.

Hinawakan ni RJ ang kamay ni Maine at tinitigan ito... at itinuloy ang kanta...

"Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid
Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib"

at inilagay niya ang kamay ni Maine sa dibdib niya.  Pulang pula ang mukha ni RJ.  Ang alam lang nya  gusto nyang mapatawa si Maine pero ng mga oras na yon bawat salita sa kanta ay kinanta nya ng galing sa puso nya.  Pero tawa lang ng tawa si Maine. Hinaplos pa nito ang mukha nya na parang sinasabing tumigil ka nga.  Para kay RJ tama na ang makita nyang tumatawa ito. Masaya na sya non.

"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin"  

Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang kanta.  Naghigh five kay RJ ang mga boys

Pia: Nakakakilig naman. Wala bang kiss.

RJ: Hala kayo walang ganyanan, baka magalit na si Maine nyan. Happy happy lang tayo!

Miggy:  Oo nga naman, ganda ng pagkakakanta ni RJ tapos walang premyo

Sabay sabay na nagsigawan ang grupo:  Kiss! Kiss! Kiss!

Biglang hinalikan ni Maine ang pisngi ni RJ, nagulat ang binata, natunganga. Bumulong ito sa tenga ni RJ.

Maine:  Thank you for making me smile, it means a lot to me. Thanks friend.

Ngumiti lang si RJ pero sa isip niya, "Basta para sa yo gagawin ko lahat maging masaya ka lang."







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro