Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13 - Friendship Goals

Natapos na ni RJ at Maine lahat ang dapat gawin. Luto na ang pasta,nafry na din ang fish sticks at calamari, pati mga dip nagawa na ni Maine.  Pero yung garlic bread hindi pa  kasi  ayaw itoast ni Maine until later dahil titigas daw. Pero nakasalansan na ito sa pan sa loob ng oven. Inayos nila ang table na parang buffet style.  They put empty platter para sa chicken na dadalhin ni Miggy and they agreed na ang pizza don na lang dulo ng table.  Their buffet table looked good. Then biglang may naalala si Maine.

Maine:  Ay, walang flowers at cake.  Wait, bibili muna ako.

RJ:  I had a cake made nandon sa ref at ako na bibili ng flowers. Pahinga ka na don sa isang room.

Sinamahan ni RJ si Maine sa room na nasa dulo. Binuksan ang pinto, pumasok sa loob at binuksan ang aircon. 

RJ:  Pahinga ka na muna, if you wanted to take a shower, kumpleto naman ng gamit sa banyo.  May towel dyan sa cabinet. 

Maine:  Sure ka.  Hindi ba nakakahiya?

RJ:  Kanino ka mahihiya eh dadalawa lang tayo dito. At hindi ko ipapagamit itong room sa yo kung hindi pwede kaya sige na pahinga ka na. It's just 4:30, mga 7 or 7:30 pa magdadatingan yung mga yon.

Maine:  Sige thanks!  Don't forget the flowers, yung colorful... malaysian mumps tsaka white and pink roses tsaka carnation.

RJ:  Ok sige ako ng bahala.

Maine:  Kunin ko muna yung gamit ko, paki lock yung door and bring the keys kasi baka makatulog ako hindi kita mapagbuksan.

Ngumiti at tumango si RJ at umalis na.  Si Maine bitbit ang knapsack na pumasok sa kwarto.  Nagquick shower.  Nagpalit ng shorts at t-shirt, nagpatuyo ng buhok at nahiga sa kama.  Sa sobrang pagod mabilis syang nakatulog.  RJ took his time out.  Hindi siya nagmadali, gusto lang nyang bigyan  ng time si Maine para makapagpahinga.  Naalala nyang bumili ng white at red wine para kung may hindi talagang umiinom sa girls pwede na yon. Pumunta sya sa isang flower shop. Pumili sya ng  6 na white roses, 6 na pink roses, isang tali ng assorted malaysian mumps at isang tali ng carnation, pumili din sya ng vase. Naisip nya kasi walang flower base sa condo ni Matt. Natuwa siya ng makita nya ang flower arrangement. Nasabi niya sa sarili, "Good job Tisoy! Magugustuhan ni Maine yan."

Nakabalik siya sa condo ni Matt after 45 minutes.  Dahan dahan nyang binuksan ang pinto, tahimik na sa buong lugar kaya alam niya na nagpapahinga na si Maine.  Inilagay na niya sa table ang flower arrangement. Kinuha ang phone sa bulsa at kinuhanan ng litrato.  Bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto na tinulugan ni Maine. Pumasok si RJ at nakita nyang tulog na tulog ang dalaga.  Kumuha siya ng kumot sa loob ng cabinet at kinumutan ito.  Naupo ito sa kama at pinagmasdan ang natutulog na dalaga.  Sinabi nya sa sarili, "Mukhang bata pa talaga ang mukha nya, who would think at a young age nagmahal at nasaktan na sya. Eh dapat sa kanya inaalagaan." Bumulong ito sa hangin, "Oo naman Maine, friends tayo."  Binuksan nya ang cabinet, kumuha ng damit niya at hinanap nya ang twalya. Wala yung blue kaya yung puti na lang ang kinuha niya.  Pumunta sa banyo at kinuha yung toothbrush at sabon at nagtungo sa kwarto ni Matt at doon naligo.  Pagkaligo nahiga din siya sa kama at naidlip.

Nagising si RJ sa ring na galing sa celphone nya. Sinagot nya ito, si Matthew pinabubuksan ang pinto. Nagulat si RJ, nagmamadaling lumabas ng kwarto at pinagbuksan si Matt.

RJ: Bro sorry nakatulog ako eh, kanina ka pa?  Naiwan mo ba susi mo?

Matthew:  Oo eh kakamadali ko kanina naiwan ko. kadarating ko lang,  nagdoorbell ako ones walang nagbukas naisip ko baka lumabas ka kaya tinawagan kita.

Matthew:  Wow, ang ganda naman ng  buffet table, may flowers pa talaga. Nasan si Maine?

RJ: Nandon sa kwarto sa dulo, natutulog. Speaking of... teka ayusin ko kama mo, don ako natulog eh.

Pumasok sa kwarto si RJ, inayos ang nagusot na kama at unan. Kasunod nito si Matt, hila ang  maleta ipinasok ito sa cabinet.

Matthew:  Hayaan mo na yan bro, magugulo ko din naman yan eh.  Bro, maliligo lang ako paki order na ng pizza, bahala ka na sa mga flavors. 

Sabay dinukot ang wallet sa bulsa at inihagis kay RJ.  Lumabas na si RJ ng kwarto, naupo sa couch at ginamit ang landline phone. Nang matapos umorder, iniangat ang paa at nahiga sa couch, at itinuloy ang tulog nya.

Alas syete ng gabi, nagising sa ingay ng katok si RJ, nilingon nya ang pinto, nakita nyang pinagbuksan na ng pinto ni Matt ang mga kaibigan nila. Magkasabay na dumating si James at Patricia kasama si Pauleen at Julia. Tumayo si RJ at mabilis na nagtungo sa kwarto kung saan nandon si Maine. Kumuha ng black t-shirt, hinubad ang sandong suot... habang kamumulat lang ng mata ni Maine nakita nya si RJ na walang t-shirt na nakatalikod sa kanya pinagmasdan nya ito at nasabi sa sarili "maganda naman pala ang katawan nya eh" nakita nyang kinuha nito ang isang jeans sa cabinet. Tumalikod sya at nagtalukbong ng  kumot. Maya-maya pa ay naramdaman nyang naupo si RJ sa Kama. Tinapik ang binti nya.

RJ: Maine, Maine gising na nandito na sila.

Nagkunyari si Maine na kagigising lang, sinipa ang kumot at naghikab.

Maine: Sige sunod na ako magbibihis lang.

Lumabas na si RJ at pinuntahan ang mga kaibigan sa sala. Maya maya pa lumabas na ng kwarto si Maine, nakaoff shoulder blouse na puti at nakafitted jeans at nakapaa.  Napatunganga si RJ sa dalaga, nasabi sa sarili "ang ganda talaga nya." Bumalik lang sya sa  sarili ng magtilian ang mga babae ng makita si Maine. Lumapit ang mga ito at nagbeso.  Kinuha ni RJ ang sandals ni Maine sa kwarto at ipinasuot kay Maine. Ngumiti ito sa kanya, natawa na lang si RJ at naisip na, "parang bata lang talaga, ang cute."

Dumating si Miggy kasama si Ciara, lumapit si Ciara at nagbeso kay Maine.  Lumapit naman si Miggy sa tropa nya at nakipag bro fist sa mga ito.  Kumaway lang si Maine kay Miggy at napansin ni RJ yon. Pagdating ni  Capt. Frank kasama nito si Pia at si Sir Wally. Kumpleto na ang barkada.  Nagpunta si Maine sa kitchen sumunod naman si RJ.  Inilabas ang salad bowl at sauce sa lamesa.  Nilagay ni Maine ang KFC chicken na dala ni Miggy sa isang empty platter. Binuksan ang oven at itinoast ang  Garlic bread. Nangamoy ang garlic bread sa buong lugar.

Frank:  Ang bango naman nyan, nakakagutom.

Maine:  Sir,  sandali na lang matatapos na to kakain na tayo.

Kinuha ni Maine yung lalagyan ng pasta at nilagyan ng pasta. Nagulat siya ng biglang isinuot ni RJ ang apron sa leeg niya at itinali ito sa likod niya.

RJ: baka matalsikan yung damit mo

Nakita ni Ciara ang ginawa ni RJ, kinalabit si Miggy at itinuro ang dalawa, napangiti si Miggy. 

Naghalo na ng pasta at sauce si Maine, binudburan ng parmesan cheese ang pasta  habang inilalabas naman ni RJ ang cake.  Nilagyan ng kandila at sinindihan. Si Maine sana ang pinagdadala nya ng cake pero ayaw nito.  Kaya sya na lang ang nagdala habang katabi nyang naglalakad si Maine at nagsimulang kumanta ng Happy birthday pumalakpak at sumabay sa pagkanta ang lahat.

RJ:  Happy Birthday Bro! Make a wish and blow the candle.

Nagpalakpakan ang lahat at dumeretso na sila sa buffet table.   Isa-isang inabutan ni Maine ng paper plate ang mga kaibigan.  Nang biglang may nagdoorbell, binuksan ni RJ ang  pinto, pizza delivery pala, nakita ni Maine lumapit siya dito at kukunin sana yung mga pizza. 

RJ: Ako na, mabigat eh, here kunin mo na lang yung pambayad. 

Pagkabayad, ibinalik na ni Maine yung wallet kay RJ. Iniabot naman ni RJ kay Matt. Nakatingin lang na parang nagtataka.  

RJ:  Wallet ni Matt yon, (paglilinaw nya sa dalaga... speaking of wallet. Iniabot kay Maine ang Wallet nya.

RJ:  Pwedeng paki tago kasi baka malasing ako nagkakataguan ng wallet dito pag nagiinuman.

Maine: Sige, lagay ko na lang sa bag ko. 

Pagbalik ni Maine galing sa kwarto, nakakuha na ng pagkain ang lahat. Nagulat siya biglang dumami ang silya. Lumapit siya kay RJ na naglalagay ng yelo sa ice bucket.

Maine:  J, san galing yung mga silya? (nagulat si RJ, "did she just call me J, mukhang paigsi ng paigsi ang pangalan ko ha, this is a good sign" napangiti na lang) 

RJ:  Don sa masters bedroom nakatago yan,don ang kwarto ng parents ni Matt eh sya lang ang may susi don.  Chef, yung pasta wala ng laman pakimix please.

Maine:  Ay oo nga, sige-sige.

Busy yung dalawa sa kusina at naisipan ni Miggy at Ciara na kamustahin sila.

Miggy:  Hindi pa ba kayo tapos dyan, kumain na kayo.

Ciara:  Oo nga, can I help? Ano pa bang gagawin?

RJ:  Eto na, Miggy pakilagay na lang nitong ice bucket sa table. 

Kumuha na ito ng paper plate at naglagay ng pagkain. Binalik na ni Maine yung platter ng pasta at kumuha si RJ. Kumuha na din ng paper plate si Maine.  Bumalik naman si Miggy sa tabi ni Ciara.

Miggy: Kamusta nga pala? Hindi tayo nagkikita kita sa airport eh.  Dei balita ko dinurog mo yung panel sa mga sagot mo sa Q&A ng presentation nyo.

Maine:  Hindi naman, alam ko lang na tama ako. At kapag tama ako... (dinugtungan ni Miggy ang sasabihin niya)

Miggy:  hindi ka magpapatalo.  Alam ko. 

Maine:  Hoy Miguel, hindi mo na ako kilala no, marami ng nagbago sa akin. Kaya tigilan mo ako. Ciara, itong boyfriend mo ilayo mo nga sa akin at baka mabato ko ng knife.

Ciara:  Hala sya, hindi ko bf si Miggy no.

RJ: Hindi pa ba? bagal mo naman Migs.

Miggy:  Oo nga mukhang naunahan mo ako. (namula ang mukha ni RJ) joke lang bro.

Ciara:  Sis, pero I heard nagkaproblema ka don sa presentation mo. anong nangyari?

Maine:  Oo eh, ayaw bumukas yung presentation ko sa laptop nila. Panic mode ako girl, alam mo naman techy ako pero not hardware techy.  Buti na lang nandon si RJ sa Lounge, he connected my laptop to the projector instead.

Ciara:  That's good, and I was happy to hear na inilampaso mo sila sa mga Q&A nila.

Frank:  Teka teka dito naman ang picture. Miggy, Ciara punta kayo don sa kabila kuhanan ko kayong apat kasama yung buffet table. Click!

Ciara:  Dapat meron silang dalawa kasama ang buffet table since sila naman nagayos. Click!

Miggy:  Ano ba yan, para kayong magkagalit eh. RJ lipat mo yung plate sa kanan para maakbayan mo si Maine. (Tumingin si RJ kay Maine bumulong "Ok lang?" Tumango naman ang dalaga. Click!

Frank: ayan ang ganda

Miggy: RJ, akina yung phone mo.  

Ciara:  Akina yung sa yo Maine, para may souvenir kayo.

Binigay naman nung dalawa ang celphone nila sa mga kaibigan... biglang tumatakbo si Matt, 

Matt:  sama ako dyan sa picture.

 Pumagitna ito kay Maine at RJ.  Napasimangot si RJ at nailang naman si Maine dahil bigla syang inakbayan ni Matt  Click!

Frank:  Ayan kasama ang birthday boy. 

Humarap si Matt kay Maine at hinawakan ang magkabilang braso nito.

Matt:  Thanks talaga ha... masarap lahat ng niluto mo.

Bitbit ang plato niya pumunta na si RJ sa  sala, kinalabit ni RJ si Frank para maiwan si Maine at Matt. Sumunod na din si Miggy at Ciara.

Maine:  Ok lang yun, mabuti naman nagustuhan mo,  kung hindi ako tinulungan ni RJ hindi ko matatapos lahat yan. 

Humarap si Maine sa buffet table para bitiwan ni Matt ang magkabilang braso nya at sumimple ito ng tingin kay RJ. Nakita nya itong nakakunot ang noo. Hindi nya alam kung bakit pero affected sya kapag kumukunot ang noo nito.

Matt:  Thank you talaga. Promise babawi ako sayo, treat kita minsan.

Maine:  You don't have to.  Ginawa ko to kasi  friend ka ni Miggy and ayoko din namang mapahiya tsaka bday gift ko nga sa yo di ba.  Ay, magpipicture taking na, bilis sama tayo.

Tumayo si Maine sa likod ni RJ, tatayo sana ito para paupuin ang dalaga pero hinawakan siya ni maine sa magkabilang balikat at pinaupo.  Ipinatong ni Maine ang magkabilang siko sa balikat ni RJ, nilagay ang dalawang kamay sa batok nito at ngumiti sa kamera. Nakita ni Ciara at Miggy yun. 

Miggy:  Teka teka everyone hold your pose kukuhanan namin kayo sa phone namin.

Pero ang tototo phone ni RJ at Maine yun at sila lang ang kinuhanan ng litrato ni Ciara at Miggy. Nag high five pa ang dalawa pag katapos. Pinaupo ni RJ si Maine sa silya nya at tumayo ito sa likod ni Maine. Nagkwentuhan silang lahat habang kumakain. Nung makita ni RJ na wala ng pagkain si Maine. Bumulong si RJ

RJ: Gusto mo pa ba?

Maine: No, thanks!

Kinuha nito ang plate ni Maine at dinala na sa lababo.  Kumuha ito ng 2 slice ng pizza at sumalampak sa tabi ng upuan ni Maine.  Kumagat sa isang slice ng pizza at ibinalik sa plato, kinuha ni Maine yung pizza na may kagat na at kumagat dito at ibinalik sa plato, napatingin si RJ sa pizza. Napaisip ito, "Hala sya, kinagatan ko na yon eh. Freinds nga kayo di ba?" Mayamaya pa kinuha ni Maine yung pizza na wala pang kagat, kumagat ito at ibinalik sa plate, nangingiting kinuha ni RJ yung pizza na kinagatan ni Maine at kumagat din dito, si Maine naman ang nagulat at napatingin kay RJ, tumingin ito sa kanya sabay tanong, "may problema ba?", umiling lang si Maine at ngumiti at nasabi sa sarili "Nauna ka Maine, ngayon magugulat ka, friends kayo di ba so walang kaso yun."

















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro