Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 - Ang pagbangon

Sa isang 2 story house sa Bulacan, isang hapon nakaupo ang isang babae sa tabi ng bintana at nakatulala.

Coleen: Maine, ano ba kanina pa kita kinakausap nakatulala ka na naman!

Maine: Ay Coleen, pasensya ka na nagiisip lang ako.

Coleen: Aber, at ano na naman ang iniisip mo?

Maine: Iniisip ko lang sana makita ko na kung saan ba talaga papunta ang buhay ko.

Coleen: Asus! ayan na naman sya nagooverthink ka na naman. Bakit hindi ka ba masaya?

Maine: Masaya naman. It's just that, gusto kong maniwala na pwede pa akong maging mas masaya.

Coleen: Alam mo matagal ka na kasing walang lovelife kaya ka ganyan at tsaka lagi kang nagmumukmok dito kasama yang laptop mo.

Maine: Tse! Pati lovelife ko nadamay pa.

Lumapit si Coleen sa kapatid inakbayan ito at sinabi

Coleen: Sis, matagal ng tapos yun, hanap ka na ng iba pang magpapasaya sa yo, bagong kaibigan, trabaho, sport kahit ano basta get out of it.

Ang babae ay si Nicomaine Dei Mendoza, 23 years old, graduate ng Culinary Arts. Magaling din syang sumulat at dito nya inilalabas ang kanyang mga nararamdaman dahil isa siyang "introvert". Mahiyain, pero masayahin; Matalino pero makulit sa harap ng kanyang pamilya at pinaka malapit na kaibigan.

Si Coleen naman ay nakatatanda nyang kapatid na babae na kasama ni Maine sa kwarto at ang taong napagsasabihan nya ng mga hinaing nya sa buhay.

Si Maine ay biktima ng isang batang pagibig nung nasa high school pa siya. Pagibig na nagdulot ng pagkabigo at naging sanhi ng lalo pang pinatinding negatibong pananaw nito sa buhay.

Maine: Naku, Coleen nasan na yung celphone ko, ngayon tatawag yung airline kung matatanggap ako.

Nagapply si Maine, bilang Flight Attendant sa Icon Airlines. Pagaari ito ng matalik na kaibigan ng kanyang Ama. Nagattend sya ng seminar at short course sa pagiging FA at napilit sya ng ama na magapply.

Nakita ni Maine na mga messages sya sa celphone nya ang isa dito ay nagsasabing tumawag siya sa Icon Airlines. Dali-dali nyang idinayal ang numero, nung maatapos nag pakikipagusap nya nagtatalon sa tuwa ang dalaga. Nagulat si Coleen at nagtanong...

Coleen: Napaano ka? Bat ka nagtatalon dyan para kang nanalo sa lotto dyan.

Maine: Tanggap na ako Coleen, Start na ng training ko sa Icon sa monday!

At nagtatalon na sa tuwa ang dalawa.

Kinabukasan lumuwas ng Maynila si Maine para magreport sa Icon Airlines. Inihatid siya ng kanyang kapatid na si Coleen. Ang opisina ng Icon ay 3 building mula sa airport. Pumarada sa harap ng opisina ng Icon Airlines and kanilang Van. Bumaba si Maine at nagpaalam na sa kapatid.

Coleen: Meng, sana ito na yung hinahanap mo at makakapagpasaya sa yo.
Maine: Thanks Sis! Tawagan kita mamaya pagkatapos ko dito.

Dahil nakalingon sa kapatid habang naglalakad hindi nya napansin ang babaing nagmamadali na makakabangga niya.

Maine: Ay sorry Miss! 8

Ciara: Hindi sorry pasensya ka na, nagmamadali ako kasi bibili ako ng ballpen eh magstart na daw yung FA training.

Maine: May extra akong ballpen. FA ka din?

Ciara: Naku, salamat! Oo, bakit ikaw din?

Maine: Nandito ako para umattend ng training.

Ciara: Ay naku! Bilisan natin magsisimula na daw eh.

Habang tumatakbo papasok ng building ng Icon naisip nya... "di pa nagsisimula may nakilala na ako, thing is a good start " At ngumiti na lang sa sarili habang sinusundan si Ciara ang bago niyang kaibigan.

Nasa kalagitnaan sila ng kanilang training ng biglang kinalabit siya ni Ciara. Magkatabi sila sa upuan ng oras na yon. Lumingon naman si Maine at nagtanong...

Maine: O bakit?

Ciara: 9 o'clock sa may bintana

Tumingin si Maine sa salaming bintana ng kwartong yon at nakita niya ang mga dumadaan na Piloto at FA. Kumaway pa ang mga ito sa kanila. Napayuko si Maine at itinutok ang mata sa papel na sinusulatan, samantalang si Ciara ay kumaway din sa mga ito. Nakita ng kanilang Instructor ang ginawa ng mga Piloto. Binuksan ang pinto at tinawag ang pinaka head ng grupo. Naiwan naman ang ibang Piloto. Bumulong si Ciara kay Maine.

Ciara: Ang gugwapo pala ng mga Piloto dito.

Totoo naman ang sinabi ni Ciara. Napansin din ni Maine ang mga ito. Dalawa sa kanila parehong maputi na parang bond paper, may dimples at parehong matangkad, isa naman chinito, yung isa moreno at magandang ngumiti. Pero deadma si Maine dahil ang gusto nya lang naman ay matapos ang training at masubukan kung para sa kanya ba talaga ang trabahong yon.

Instructor: Hi Sir Frank... come in. Let me introduce you to the new aspiring FA's of Icon. Hopefully after a month mayron na sa kanila ang makakasama mo sa flight. Ladies and gentlemen, meet one of the Senior Pilot Captain Frank Villarama.

Capt. Frank: Hi Ladies and Gentlemen, Capt. Frank here, nice to meet you. Hope someday I can be flying with you. Remember Frank is the name and flying is my game.

Nagtawanan ang lahat. Nagusap sandali ang Instructor at si Capt. Frank, maya maya ay nagpaalam na ito at umalis. Kumaway naman sa kanila ang ibang piloto na nasa labas at kumaway din si Ciara at ang ilan pa nilang kasama. Nagkatinginan si Maine at Ciara at napangiti na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro