Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 2.3


Lobo.



xxDeucexx


Pumasok kami sa gate ni Aling Lelay. She smiled when she saw the empty cart. Pagod na umupo si Dalisay doon sa monobloc na nakalagay sa may gate samantalang ako ay nag-obserba.


"Ubos na?" Dalisay smiled and nodded. Nagtama ang mga mata namin ni Dalisay pero inirapan nya lang ako. Napalunok ako.


Galit ba talaga sya sa akin?


"Ito na ang bayad mo, bukas ulit ha!" Aling Lelay said while she handed Dalisay money. Ngumiti muli si Dalisay at binilang ang pera na hawak nya. Pinagparte nya ito pagkatapos ay tumingin sa akin.


"50/50" Sambit nya sabay lahad sa akin ang ilang pirasong papel na binilang nya. Tinaasan ko sya ng kilay. Tinaasan din nya ako ng kilay. Sinamaan ko sya ng tingin, ganoon din ang ginawa nya sa akin.


"Hindi ko kailangan." Sabi ko. Nagkibit balikat sya na parang walang pakialam.


"Okay, more for me.." Aniya.


Nainis ako!


"Teka nga, galit ka ba sa akin?" Humarang ako sa dadaanan nya kaya huminto sya. Tumingala pa sya para magtama ang mga mata namin.


"Bakit naman ako magagalit sayo?" Nakairap na sabi nya.


"Eh bakit nga ba?" Tanong ko pabalik.


"Kung galit man ako, ano naman sayo? Wala pa ngang bente kwatro oras tayong magkakilala apektado ka agad." Akusa nya. Kung makipag-usap ang babaeng ito sa akin para bang ang tangkad tangkad nya.


"Ano? Affected ka?" Panghahamon nyang tanong.


"Hindi ah!" Sagot ko naman.


"Pwede ba, tanggalin mo sa imahinasyon mo na magkakagusto ako sayo dahil may nobyo na ako!" Nabigla ako sa kanyang sinabi, parang may katiting na kirot sa dibdib ko, hindi ko alam kung mula ba sa surot ng saging.


"Eh ano naman kung may boyfriend ka? Sa dating mong yan, hindi na ako magtataka kung magkagusto ka sa akin! Matang mapang-akit, katawang marikit--" panunuya ko sa kanya. Gusto kong matawa sa ekspresyon nya, para syang bata na natalo sa isang diskusyon.


Boyfriend pala! Ha! Buti may pumatol! Malamang bingi iyon dahil masyadong masakit sa tenga si Dalisay.


"Mas matipuno yon sayo, mas gwapo, mas matalino, mas---"


"Maniwala naman ako sayo! Hindi pa ipinapanganak ang tatalo sa kagwapuhan ko!" Pagmamayabang ko. She frowned harder, mukhang inis na inis na sya dahil namumula ang kanyang ilong.


Nakakainis kapag ganitong galit sya sa akin. Parang mayroon syang karapatan magalit kahit wala naman. The nerve of this girl! Hindi ako magpapatalo!


"Pangga!" Natigilan ako ng biglang tumili si Dalisay. Nilingon ko ang tinitingnan nya at nakita ko ang isang lalaking nagtataka na nakatingin sa kanya ang pumapasok doon sa gate nila Aling Lelay. Tumayo si Dalisay at sinalubong ang lalaki para yumakap doon. Nag-iwas ako ng tingin.


Her skin against his. Ang sakit sa mata sa totoo lang!


"Palangga, I miss you! Jojo, si Deuce-- sya naman si Jojo, ang gwapong gwapong Palangga ko!" Buong pagmamalaking sabi ni Dalisay. Pinasadahan ako ni Jojo ng tingin mula ulo hanggang paa, ganoon din ang ginawa ko. Nanlaki ang mga mata ko.


Gusto kong matawa. Kayumangging kayumanggi ang kulay ni Jojo, malaki ang tyan at kalbo. Nakasuot sya ng kulay pink na sando at kulay neon green na shorts! Hindi naman ata lalaki ito!


"Pangga, napagod ako.." Nakalabi pang sumbong ni Dalisay.


Bumaba ang kamay ni Jojo sa bewang ni Dalisay at nakaramdam ako ng kurot. Ano ba yung kanina pang sumasakit sa akin?! May problema ata itong pwesto ni Aling Lelay.


"Uwi na tayo Pangga, mamaya ha.." Sabi pa ni Jojo sabay kurot sa pisngi ni Dalisay. I almost vomit when Dalisay did the same.


Tumalikod na ako at umaktong sasakay na sa sasakyan ko.


"Aalis na ako! Thanks for nothing Dalisay." Malamig kong sabi. Hindi ko na inantay ang kanyang isasagot. 


Tulala si Dalisay ng pagmasdan ang sasakyan kong papalayo mula sa garahe ni Aling Lelay. Kitang kita ko sa rearview mirror kung paano umabrisyete si Jojo kay Dalisay, muli ay tumingin na lang ako sa kalsada.


Aist! Bahala nga sya! Sya na nga ang tinulungan sya pa ang galit!


Nagmamadali akong magmaneho pauwi sa pad ko. Mas mabuti pang kay Raeven ko na lang inaksaya ang oras ko kaysa sa babaeng yon.


This is my solitude. Niyakap ko muli ang urn ni Raeven habang nag-i-scroll ako sa tablet na hawak ko. Dumako ang mata ko sa isang artikulo na mayroong litrato ko!


BANANA MAN: PANIBAGONG KINABABALIWAN!


I scrolled some more at doon ko nakita ang napakaraming komento sa litrato at video ko. Many have shared my photos at sinasabing hahanapin daw nila ako!


"Baby, nakita mo yon?!" I asked Raeven's urn na para bang sasagot sya. 


Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Oswald doon. Napatapik ako ng aking noo!


"Hello Banana Man!" Humalakhak si Oswald sa kabilang linya at may background din na may tumatawa ng malakas.


Mga kaibigan ko.


Buong pag-uusap namin ay puro kantyaw ang inabot ko. Papangalanan daw nila ako para daw mas masaya. Of course I didn't agree! Kaya lang kalaunan ay nagviral talaga ang litrato at ang inakala kong araw na pananabik ng mga tao ay naging linggo.


Hindi ako nakalabas ng bahay dahil doon. Si Bori na lang ang pinapakiusapan kong maggrocery para sa akin. I've finished watching all the dvds that I have.


Napadako ang mga mata ko sa damit ni Dalisay na nakalagay sa isang paper bag. Tsk, hindi na talaga sya nagpakita pagkatapos ng insidenteng yon. Humanda talaga sya pag-nagkita kami ulit!


Hindi ko na nabantayan ang mga araw. Unti unti ay mas nagugustuhan kong manatili na lang sa pad ko at walang iniisip na kung ano kundi ang pakikipag-usap kay Raeven. I stopped knowing what day it is dahil kahit ang oras ay hindi naging mahalaga. Natutulog ako kung kailan ko gusto at kakain ako kapag may pagkain.


Tumunog ang cellphone ko at nag-appear ang litrato ni Daddy sa screen.


"Hello Dad.." Bulong ko sa kabilang linya. Nagising lang ako sa tawag na yon at napapikit akong muli dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa labas. It's almost lunch time. I think.


"Deuce, can we talk?" Puno ng awtoridad ang boses nya. Napangiwi ako. Simula nagkaayos kaming dalawa, he's been limiting our conversation. Mas mabuti na  siguro ang ganito dahil wala kaming pinag-aawayan.


Naghanda ako patungo sa mansyon. Sa totoo lang ay tinatamad ako, bilang respeto na lang talaga ang pagpunta ko sa pamamahay ni Attorney Hades Montemayor.


Pinalibot ko ang mga mata ko sa bahay na aking kinalakihan, ilang beses na ba akong pinilit ni Tres, Ate Unah at Dad na manirahan dito kasama sila simula ng mawala si Raeven, maraming beses na. Kaya lang mas gusto kong manatili kung saan ang huling alaala namin ni Raeven. Wala naman akong planong hindi sya maalala, I don't want to end up not remembering her in every minute of my life.


Wala akong memoryang buburahin pagdating sa kanya, pangit man o hindi.


"Dos.." Napalingon ako kay Dad na humahakbang gamit ang kanyang tungkod. Nagmadali akong lumapit sa kanya para tulungan sya. Nang maiupo na sya, umupo na rin ako sa kanyang harapan. Kyuryoso ako sa kung ano mang sasabihin nya kaya tumikhim ako.


Ilang segundo nya akong pinakatitigan bago nagsalita "Ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo?" Hindi galit ngunit may halong pag-aaalala ang boses  ni Daddy.


"Dad, I-Im fine.." Sagot ko. Umiling si Daddy. 


"Noong umalis ang Mommy mo, ikaw ang pinakanaapektuhan. Isang taon kang walang gana sa kahit anong activities. Tinanong ko ang Tita Ubeng mo, ang sabi nya, emotionally weak ka daw. Hindi ko kinalimutan ang bagay na yon hanggang sa umibig ka na. Sa takot kong pagsamantalahan ka ng babaeng pinili mong mahalin dahil sa isang motibo, inilayo kita.. Pinagsisihan ko, anak." Nakita ko ang pagkislap ng mata ni Daddy, pulang pula ito ngayon.



"Sa pangalawang pagkakataon na nawala sya, hindi ko akalain na magiging ganyan ang epekto sayo. You refuse to be happy. You are locking yourself up. Kinakausap mo kami pero kitang kita ko ang butas na ginawa sayo ng pagkawala nya."


I sighed. "Dad, kay Raeven ang parte ng pagkatao ko. Sana naiintindihan nyo kung bakit ganito ang nararamdaman ko."


"But she's the one who died! Ikaw, patuloy kang nabubuhay pero kung umakto ka, para kang namatay din."


Lumabi ako at nagkibit balikat, "It's been 952 days, Dad.. Tagal na. Hanggang kailan kaya ako mag-iintay para magkasama kami? I can't wait to die."


Tumigas ang ekspresyon ni Daddy, "Don't talk about your death wish in front of the person who gave you life Deuce Ageus!" Galit na sabi nya.


Napayuko ako. People are selfish. They want their loved ones to stay pero hindi nila alam kung gusto pa ba ng taong yon ang manatili. They will not ask you, basta ang mahalaga nakikita ka nila, they just want you to co-exist kahit na hirap na hirap ka. They dont realize na wala sa kanila ang gamot para bumalik ka sa dati pero mapilit pa din sila.


Nawalan na ako ng dahilan para mabuhay nung mawala sya. Buong parte ng pagkatao ko, kinuha na nya. Nakikita lang nila akong gumagalaw pero matagal tagal na din simula ng huminto ang puso ko sa pagtibok, they can sense that, but they don't feel it.


"Buong buhay ko, inalagaan kita, Dos. Kung pwede ko lang iharang ang katawan ko sa gustong manakit sayo at sa mga kapatid mo, gagawin ko. But this pain of yours, I cannot take it away. Kung pupwede ko lang kunin si Raeven at makiusap na bumalik, ginawa ko na pero sya lang ang makakasagot nyan." 


"But she cannot answer anymore right? She's gone." Mapait kong sabi. Inintay ko ang sagot ni Daddy pero tumingin lang sa labas ng aming bahay.


**Beep **Beep


Unknown Number: Coffee? - Dalisay


Napakunot ang noo ko, kahit nagtataka kung saan na naman nya nakuha ang numero ko, my heart flutter in an instant. 


Una kong gagawin ang awayin sya! Kasalanan nya kung bakit nag-viral ang litrato ko, dahilan kung bakit hindi ako nakalabas ng ilang linggo. Tapos ngayon lang sya magpaparamdam?


"Dad, I need to go.." Sabi ko. Humarap ako sa malaking salamin kung saan nakapatong ang mga picture frames ng pamilya namin.  Bahagya kong inayos ang aking buhok at kinapa ang aking baba. 


Sht, stubbles. 


Pumihit agad ako para magtungo sa kwarto ko. Isang mabilisang shave lang bago umalis.


"I'll just shave and change clothes." Anunsyo ko pa. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Daddy.


"Seeing someone?" He asked. 


"H-hindi. I'll just get some fresh air." 


Sa tingin ko ay kailangan ko si  Dalisay ngayon. I need to escape from this conversation. Masyadong napagdidiinan na kailangan kong kalimutan si Raeven. Kahit ang mga kaibigan ko ay ganoon din ang suhestyon pero hindi ko posibleng magagawa yon dahil ayoko. Hindi ako handa.


Mabilis akong nagmaneho patungo sa coffee shop na binanggit ni Dalisay. Nakita ko agad sya pagkababa ng sasakyan dahil doon sya nakapwesto sa may pinakagilid, doon sa may salamin na natatanaw mula sa  labas.


She looks so peaceful. Yung hindi magaspang ang kilos dahil hindi naman sya gumagalaw ngayon. Pagala gala ang kanyang paningin sa paligid at ngumingiti sya sa tawanan ng nasa kabilang lamesa.


Tsismosa  talaga.


Mas maayos ang itsura nya ngayon. Nakasuot sya ng puting dress at puting sneakers habang ang magkabilang kamay nya ay nakapatong sa  kanyang upuan. Para syang bata kung mag-intay, hindi nya hinahawakan ang kanyang cellphone para pagbalingan ng inip. She just stares at people and things na para bang nabubusog sya sa pagtingin doon. She swayed her feet like a kid at nang napadako ang tingin nya sa cactus doon sa may lamesa, kinuha nya ito at hinawakan ang bawat tinik. Nginitian pa nya ang cactus!


Weird talaga!


Pumasok na ako sa coffee shop at agad nya akong nakita, she's very observant. Ngumiti sya ng malapad at kumaway sa akin.


"Anong gusto mo?" She asked while giving me the menu halos kakaupo ko pa lang.


"Mmm, Latte." I answered without checking the menu.


Tumawag sya ng waiter na lumapit naman agad. "Isang latte, hot. Saka isang green tea frappe." She chirped. Bahagya akong natulala sa mukha nya na binaling muli ang paningin doon sa menu at tumingin sa mga litrato.


I shook my head. No, I wont say it again. Kailangan ko nang ipaunawa sa sarili ko na coincidence lang na kamukhang kamukha sya ni Raeven at parehas ang kanilang mga gusto. Her eyes are black and Raeven won't cut her hair that short!


Maybe I just miss her so much.


Pinakatitigan ako ni Dalisay. Nailang ako bigla kaya nag-iwas ako ng tingin at nagkunyaring busy sa  aking cellphone. Inantay nya lang na dumating ang order namin bago sya magsalita.


"Kamusta ang financial status mo?" Seryoso nyang tanong pagkatapos kong uminom ng aking kape.


Nagtaas ako ng isang kilay.  Ano bang klaseng tanong yan?


"Bakit mo tinatanong?" 


"Wala naman, nabalitaan ko lang kasi na hindi ka na pumapasok sa trabaho." Tumingin sya ng diretso sa akin.


"At pano mo naman nalaman yan?"


"Nagpupunta ako sa  opisina mo at hinahanap kita, kaso wala ka daw." Ngumuso sya at pinaglaruan sa kamay ang hawak na tissue.


"May kailangan ka?" I placed my arms to my chest and slouched on the wooden chair.


"Mmm.." She nodded.


"Bakit hindi mo ako pinuntahan sa pad ko?" 


Her face lit up.


"Talaga? Pupwede na ako pumunta don? Hindi mo na ako ipapapulis?!" Nanlalaki ang mga matang tanong nya. She's really excited about the idea.


"Kung may kailangan ka lang." Pagtatama ko. "So-- Ano bang kailangan mo?"


Ngumiti sya at itinapat ang kamay nya sa akin, tila nagpapahintay. She drank good amount of frappe before starting her stunt.


Inabot nya ang laptop nya at nagsimulang magtipa ng kung ano ano doon bago ako muling hinarap.


"Gusto mo bang maexperience ang financial freedom?" Nakangiting tanong nya.


"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko.


"Yes or no lang ang sagot!" She insisted. Para syang bata na mayroong script na  tinitingnan at kailangang eksakto ang sagot ko kung hindi ay mawawalang sya ng guide sa susunod na sasabihin.


"Yes of course." Sagot ko naman.


"Alam mo ba kung ano ang financial freedom?" Tanong nya muli. Tumango ako.


"Of course."


"Yun yung kinukuha mo ang panggastos mo mula doon mismo sa income mo at hindi mo inutang. Tapos may matitira ka pang pera para sa savings mo at investment, that's financial freedom." Sabi nya at halatang binasa nya lang iyon sa laptop nya.


"I just said, alamko ang ibig sabihin ng financial freedom." Naiinis kong sabi.


"Ah." Tumango tango sya. Nagscroll ulit sya sa laptop nya na parang may hinahanap.


"Bibigyan kita ng opportunity para kumita ng pera ng hindi napapagod kakatrabaho.." Sabi nya habang nagbabasa.Tumawa ako.


"Kalokohan! Anong klaseng trabaho ang may kita ng hindi ka kumikilos? I earned my company through hardwork!"


Pinanliitan nya ako ng mata. "Hindi ka nga nagtatrabaho!" Sambit nya. "Aba, itong opportunity na ibinibigay ko sayo, kailangan mo lang mag-invest ng 15,000 pesos para sa starter kit--"


"Wait, Dalisay, is this networking?" Putol ko sa kanyang sinasabi.


"Hindi! Lehitimo ang business na ito. Inaalok kita para maging business partner ko!" She then said.  Napailing ako. Hindi ako makapaniwala. Inaya nya ako magkape para gawing miyembro?


"Isa pa, magagamit mo naman ang glutathione para sa mga pangangailangang pisikal. Maganda sa skin! Kailangan mo lang pumili ng tatlong downline at sila na ang magtatrabaho para sayo."


"And what makes you think that I would do that?" Naiinis na tanong ko sa kanya.


"Kasi wala  ka namang ibang ginagawa kundi dumikit doon sa vase." Sagot nya.


"Hindi yon vase!" Giit ko. Anytime sasabog na  talaga ko pero hindi alintana iyon ni Dalisay.


"Ako naman ang upline mo at tutulungan kita! Makakaasa ka! Power!" Tinaas pa nya ang dalawang daliri nya para mag-peace sign. Mas lalo akong nagngitngit.


Walang pag-asa ang babaeng ito na makabenta sa networking. She's the worst!


Tumayo na ako at kumuha ng pera sa wallet ko para bayaran ang inumin namin. This conversation is going nowhere.


"Sandali!" Nakita ko pang kinuha ni Dalisay ang dalawang cup ng inumin namin sa lamesa at hinabol ako.


Im so done with this.


Sumakay ako sa aking sasakyan na parang walang naririnig pero paulit ulit na kinatok ni Dalisay ang aking bintana.


"Ano?!"  Singhal ko.


"Pupwedeng makisabay?" Kunyaring nahihiya pa nyang tanong.


"Hindi pwede!" Sagot ko agad. Lumabi si Dalisay at halatang nadisappoint. Nakunsensya naman ako bigla.


Nakakainis at nakakaawa sya. Bakit ba kasi nakadamit sya ng pambabae?


"Saan ka ba pupunta?" Walang ganang tanong ko.


"Sa seaside! Doon sa may tabing dagat!" Sagot nya. 


Talaga naman oh! Seaside na nga, tabing dagat pa! Kailangan bang madaming salita ang lagi nyang sasabihin?


"Hindi mo na ako bebentahan ng produkto mo?" Tinaasan ko sya ng kilay.


"Hindi naman kita binebentahan, inaalok kita para maging business--"


"Bye!" Sambit ko sabay sara ng bintana. Kumatok muli sya kaya binaba ko ulit ang bintana.


"Hindi na! Promise" She said,  raising her left hand. Pinanliitan ko sya ng mata.


"Hindi ba dapat kanan ang nakataas?" Tanong ko, itinaas naman nya agad ang isa pa at ngumiti. Inunlock ko na ang sasakyan ko at sumakay sya doon sa shotgun na parang masayang masaya.


"Ayoko ng madaldal." Sambit ko sa kanya habang nagkakabit sya ng seatbealts. Sunod sunod naman ang kanyang pagtango.


My car just left the coffee shop's parking lot, nagsalita agad si Dalisay.


"Ang daming tao sa Pilipinas no? Nakakatuwa.." She said. I know she's just trying to pull a  conversation pero bakit ang populasyon pa ang naisip nya?


Hindi ko sya pinansin. She's just grinning.


"Siguro nag-iisip ka kung bakit nakakatuwa na madaming tao ano?" She asked. 


Nagsalubong ang kilay ko at umiling, "I know. Para marami kang maalok ng networking, right?" 


Lumabi si Dalisay at tumingin sa labas.


"Hindi.. Nakakatuwa kasi ang daming gustong mabuhay." Wika nya.


I shook my head, "Mukha lang madaming gustong mabuhay. Madami ding nabubuhay kasi wala silang choice kasi hindi pa sila namamatay, kagaya ko."


Natahimik si Dalisay. Pinakatitigan nya ako ng malungkot and it creeps me out! Parang gustong pumasok ng kaluluwa nya sa akin. Hindi na sya muling nagsalita and I got the silence that I wanted.


Nang makarating kami sa sea side, nagtatakbo si Dalisay patungo doon sa isa sa mga benches. Tahimik syang naupo doon at huminga ng malalim sabay lagay ng palad nya sa kanyang dibdib. Parang tanga!


Aasarin ko sana sya kung hindi ko lang nakita kung gaano kapayapa ang mukha nya habang pinagmamasdan ang mga barko sa di kalayuan. Napangiti sya bigla. Umupo ako sa kanyang tabi pero hindi man lang nya ako nilingon.


"Akala ko hindi na ako makakabalik pa sa  lugar na to.." Bulong nya.


Parehas lang kaming nakatingin sa malayo, naging kulay orange na ang ulap dahil sa papalubog na araw. The waters shone like a diamond. Tumahimik lalo ang paligid dahil siguro sa dami nang naengganyong mga tao na pagmasdan ang lugar kung saan kami nakatingin ngayon ni Dalisay.


"Libre mo ako.." Wika nya pagkatapos ng napakahabang katahimikan. Record breaking.


Nilingon ko si Dalisay na nakatingin pa din sa papalubog na araw.


"Bakit ko naman gagawin yon?" Tanong ko.


"Kasi gusto ko." Simpleng sagot nya sabay titig sa akin. Parang nahipnotismo naman akong tumayo at naglakad sa  pinakamalapit na  restaurant pero hinila ako ni Dalisay sa harap ng nagtitinda ng ice cream.


"Ito ang gusto mo?" Paniniyak ko sa kanya.


Excited syang tumango habang nakapila kami sa  Ice cream cart. "Gusto ko makakain ng germs." She laughed. And when she laughs, I heard a distinct tone of--- her...


"Tch, sana pala lupa na lang ang pinakain ko sayo." I muttered.


"Wala namang lasa yon!" Sabi nya ng nakanguso.


Madami kaming kinain ni Dalisay, tantya ko ay hindi naman sya sanay sa fine dining pero sabik na sabik sya sa streetfoods. Parang binigay ko sa kanya ang buong mundo tuwing hinahayaan ko syang kumain ng fishballs.


"Bilhan mo ako non.." Turo ni Dalisay doon sa mamang naglalakad at may bitbit na lobo.


Nagtataka kong tiningnan sya, nakalapit na agad sya sa nagtitinda ng lobo at kumuha ng dalawang pink at isang yellow na lobo kaya kinuha ko ang wallet ko para bayaran yon.


"Birthday mo?" Tanong ko habang nagbabayad. Siguro nga birthday nya kaya ang dami nyang gusto ngayon, pero bakit kaming dalawa ang magkasama? Bakit hindi yung boyfriend nya?


Mataman na tumitig sa akin si Dalisay and a small smile formed her lips, "Parang ganoon..." She whispered pagkatapos ay nilipat nya ang tingin nya doon sa mga lobo. 


----


Maki Say's: Whoever dislikes my plot,  do not let me know here for this is my wall, feel free to air your side privately for it affects my writing and the reading experience of the readers who said they loved it. Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro