Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8


Hindi Kahit Kailan.


xxRAEVENxx


Literal na nangingig ang kamay ko. Alam kong mayaman si Deuce pero hindi ko alam na ganito kayaman. Sobrang laki ng bahay nila, well hindi ito bahay, mansyon talaga.


"Nervous?" Tipid akong ngumiti kay Deuce, hinaplos nya ang aking likod at umupo sa arm rest ng inuupuan ko.


"You don't have to. He don't have to like you. Ang importante lang ay pumayag sya sa kasal natin, and he said yes." Bulong nya sa akin.


Tumango ako kahit alam kong importante din na sumangayon sa aming dalawa ang kanyang ama. It's not really only about me and Deuce, he's a family, hindi kahit kailan mababalewala ang opinyon nya.


"Good evening." Napatayo ako bigla sa baritonong boses na nagsalita. Ang boses nyang yon, kilalang kilala ko pa din. Nagkatinginan kaming dalawa ni Attorney Hades Montemayor, ako ang unang nagbawi ng tingin pero ng magbalik ako ng tingin, alam kong nakatingin lang sya sa akin.


Hindi maaring makilala nya pa ako hindi ba? Maliit na tao lang si Papa, imposibleng makilala nya pa ako na ako yung batang nagmakaawa sa kanya para palayain ang Papa ko noon.


"Have a seat." Utos nya sa akin. Umupo akong muli sa kinauupuan ko kanina, umupo naman si Attorney Hades sa aking harapan. Dumako ang mata nya kay Deuce.


"Have you lifted your dropped subjects? Pumapasok ka na ba ulit?" Tanong nito. Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila kaya lumingon ako sa kanila. Tumikhim si Deuce at inakbayan ako.


"Yes Dad, the wedding will happen next month. March 6. That's our second year anniversary." Sabi ni Deuce. Binanggit na nya sa akin yon kagabi, sumang-ayon naman ako sa petsa.


"That fast?" May himig ng pagkadismaya si Attorney Hades.


"Dad, tapos na ako sa Law School by March, I will just review. Gusto ko habang nagrereview ako ay wala na akong iniisip. I want to tie the knot with my girl before I top the Bar." Gumapang ang mga kamay ni Deuce sa akin, napanatag ako ng husto. I smiled at him and he smiled back. I really hope we are doing it right.


"Alright then.."


Ang mga lumipas na araw ay sadyang mabibilis. Isang ready to wear gown ang napili kong suotin, pero hindi pumayag si Deuce na basta basta lang iyon. He made sure na branded ang lahat ng aking gagamitin mula ulo hanggang paa.


Hindi na din ako halos umuuwi kay Nanay. Wala syang kaide-ideya sa magaganap na kasalan. Ilang beses na akong pinilit ni Deuce na ipakilala sya kay Nanay pero nagdadahilan na lang ako na nas probinsya ang stepmother ko. He didn't insist. Ganoon naman sya, wala syang pakialam sa kahit sino bukod sa akin. Tumingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa condo ni Deuce at bahagyang napangiti. Isang linggo na lang pala ang hihintayin sa nakatakda naming kasal, this time, it's for real. Siguro naman kung magbabago ang isip ni Deuce tungkol sa akin ay tatlong linggo na nyang napagtanto.


**Kring **Kring


Isang unknown number ang nagflash sa screen ng cellphone ko. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagsalita na ang nasa kabilang linya.


"Raeven Frances Mendoza, this is Hades. Nasa baba ako ng condominium nyo. I want to talk." Nanlamig ang aking mga palad sa boses nyang iyon. Hindi nya ako kinausap noong pinakilala ako sa kanya ni Deuce, halata ang disgusto sa kanya but Deuce is really persistent, iniimpluwensiyahan nya akong wag pansinin ang mga ganoong bagay at sa kanya lang tumingin.


Nagbihis ako ng simpleng bestida at bumaba na ng condo unit. I saw Attorney Hades comfortably sitting in the condominium's lobby. Tumayo sya at nauna syang maglakad kaysa sa akin nang makita ako, sumunod naman ako sa kanya.


"Sakay." He ordered. Tumapat sa amin ang isang itim na BMW at pinasakay nya ako sa likod, doon naman sya sa tabi ng driver umupo. Bawat segundong lumilipas kinakabahan ako dahil pamilyar ang binabaybay naming daan. Hindi na ako nagtaka kung bakit nya nalaman ang lugar kung saan ako nakatira.


Ako ang naunang bumaba nung huminto ang sasakyan, naglakad ako patungo sa bahay namin. Laking gulat ko ng pumasok ako, nakangiti sa akin si Nanay. Sa palibot nya ay malalaking maleta at halos lahat ng gamit namin sa bahay ay nakalagay na sa kahon.


"Raeven! Kanina pa kita iniintay! Halika na at uuwi na tayo sa probinsya ni Romualdo. Nagsabi na ako sa mga tiyahin mo na doon ka muna---"


"Anong ginagawa nyo?" Tanong ko sa boses na naiinis. Kinuyom ko ang mga palad ko dahil sa pagpipigil na sigawan sya. Ilang ulit kong kinalma ang sarili ko at pinaalalang matanda ang aking kaharap.


"I paid your mother. Umalis na kayo at magpakalayo layo." Mula sa likuran ay narinig ko si Attorney Hades. Hindi sya tuluyang pumasok.


"Hindi ko sya Nanay." Matigas na sabi ko. Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko.


"Hindi kita Nanay!" Ulit ko, pero mas malakas na sampal ang binigay sa akin ng madrasta ko.


"Pasensya na Sir, napakatigas talaga ng ulo ng batang ito." Ngumiti naman si Nanay kay Attorney Hades at halos matakpan na ang kanyang mukha dahil sa sobrang pagkakayuko.


"Okay lang Elena. Hindi na ako magtataka kung wala syang modo. Lumaki syang walang tatay—"


"Kasalanan mo kung bakit ako nawalan ng tatay." Mariin kong sabi. Humarap ako kay Attorney Hades. I am ready to put up a fight kung idadamay nya si Papa sa usapan. His face remained blank.


"Kilala mo ako hindi ba? Kilala mo ako. Ako ang anak ng taong ipinakulong mo kahit walang kasalanan." Puno ng hinanakit na sabi ko. Attorney Hades started stepping inside our small house. Pinagpagan pa nya ang suot nyang amerikana sa aking harapan.


"Well, it's not my fault if I am really great." Sabi nya ng hindi tumitingin sa akin.


"Pero namatay sya! Namatay ang tatay ko sa loob ng kulungan kahit wala syang kasalanan!" Lumuluhang sabi ko.


"Hija, that's out of my hands. Hindi ko naman pinapatay ang tatay mo. Hindi din ako ang nagsampa ng kaso sa kanya. No matter how you hate me, hindi ko kasalanan, I am just doing my job as a lawyer. And now, I am doing my job as a father. Let go of my son. Alam kong may galit ka sa akin." Kalmado nyang sabi.


"Labas si Deuce dito." Sabi ko.


"You can deny the fact, Raeven pero hindi ako magpapaloko sayo. You will break my son at some point at habang hindi pa huli ang lahat, umalis ka na. Hindi ko hahayaang saktan mo sya dahil gusto mong gumanti."


"Isoli mo na ang pera, Nay." Imbes na sagutin ang paratang nya sa akin ay yun ang sinabi ko.


"Hindi ko tatanggapin." Wika ni Attorney Hades.


"Wala akong kinalaman sa pera na yan dahil hindi ako ang tumanggap. Makakaalis na kayo." Sagot ko.


"Iwanan mo muna kami Elena." Sa akin nakatingin si Attorney Hades habang inuutusan nya ang madrasta ko. Mabilis pa sa alas kuwatro ay umalis na si Nanay at lumabas ng bahay. Alam kong walang balak isaoli ni Nanay ang pera kaya pabor sa kanya ang paglabas ng bahay.


"You are tougher than I thought." May panunuya si Attorney Hades sa kanyang salita. Hindi ako kumibo, hinayaan ko lang na sipatin nya ako mula ulo hanggang paa.


"Okay." May kinuha sya na puting sobre sa bulsa ng Amerikana nya. Inabot nya sa akin ang laman nito.


A picture.


"Sya si Ysobelle." Tinitigan ko ang litrato ng isang teenager na babae ang nandoon. Masaya ang kanyang ngiti at may naalala ako agad sa ngiti nyang yon.


Si Mama.


"16 years old. At kapatid mo." Natigilan ako sa sinabi ni Attorney Hades. Hindi. Imposible. Nung anim na taong gulang ako, naalala kong nabuntis si Mama hanggang sa makapanganak sya pero hindi ko nakilala ang sinasabi nilang kapatid ko, wala silang inuwing sanggol. Sabi nila namatay daw dahil mayroong cancer si Mama kaya mahina ang bata.


"I-impossible."


"Inampon ng mag-asawang doctor na nagpaanak sa Mama mo si Ysobelle dahil sa congenital heart disease, but unfortunately, the couple died in a plane crash last year. Nagkataon na may mga ganid na kapatid, they threw your sister out of the house. Ngayon ay nasa ampunan sya at walang nag-aalaga." Hindi ko maintindihan kung bakit kahit hindi ko nakilala ang bata sa litrato, naiyak na lang ako sa kalagayan nya.


"I am giving you a chance to see her. Alam ko kung nasaan sya." Kapagkuwan ay sinabi ni Attorney Hades sa akin.


"You really do your research very well Attorney Montemayor." Tangi kong nasabi.


"Of course, kapakanan ng anak ko ang nakataya dito. Now tell me, Raeven, gusto mo bang malaman kung nasaan sya?"


"What's the catch?" Sagot ko.


"Maliit na bagay lang naman ang hihilingin ko sayo. Layuan mo ang anak ko. You don't know what I am capable of. Tinaggap ng madrasta mo ang pera kapalit ng kalayaan ng anak ko at kaya ko kayong kasuhan ng extortion kung hindi kayo tutupad sa usapan. O di kaya, paulit ulit kong ilalayo ang kapatid mo hanggang hindi mo na sya makita hanggang sa huling hininga nya."


"Wala kang kasing sama!" Tumulo na lang ng kusa ang luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kapag naiisip kong mag-isa ang kapatid ko sa ampunan at mayroong sakit, hindi ko maatim na mamuhay sa kumportableng buhay na inaalay ni Deuce. If I will choose to be with Deuce, alam kong gagawin lahat ni Attorney Hades para hindi ko makita ang kapatid ko.


"Lalayo ako, kapag nakapag-exam na si Deuce ng Bar." Humihikbing sabi ko.


"At ano? Maikakasal kayo at magkakaroon ka ng karapatan sa yaman nya? Lumayo ka na ngayon!"


"Anong klase kang ama!" Sigaw ko.


"I am just protecting my son from you. Alam ko ang tipo mo, ginagamit ang mukha at katawan para makakuha ng pera, and worst, gusto mo akong gantihan. Sasaktan mo ang anak ko!"


"You are asking me to hurt him!" Sagot ko pabalik.


"He can take it! Saktan mo sya hangga't may natitira pa sa kanya. I am giving you three days. Kapag hindi ako nakatanggap ng tawag mula sayo, ibig sabihin ay tinatanggihan mo ang kapatid mo." Pagkasabi non ay umalis na sya at nilisan ako. Inantay kong bumalik si Nanay pero hindi na nya ginawa. Talagang aalis sya kasama ang pera.


Wala sa sariling bumalik ako sa condo ni Deuce. Wala pa sya noong dumating ako, I started to keep myself busy. Pinalis ko ang luha ko habang naghahanda ako ng pinakbet na ipapakain ko sa kanya sa dinner. Naninikip ng husto ang dibdib ko, pakiramdam ko ay binibilangan ko ang aking sarili sa mga huling sandali na makakasama ko sya.


"Hi Baby!" Dumungaw muna si Deuce sa pintuan bago tuluyang pumasok. Ngumiti ako ng tipid, kumunot ang noo ko ng makita syang may bitbit na bouquet ng bulaklak. Halos kalahati ng katawan nya ay matakpan na dahil sa sobrang laki non.


"Para sa pinakamaganda, at pinakamaasikasong babaeng nakilala ko." He said as he kissed me in the forehead.


"Ang galing mong mambola." Bahagya ko syang kinurot sa tagiliran. Umiling sya.


"Liligawan ko ang mapapangasawa ko araw araw. Ang swerte mo sa akin." Kumindat pa sya sa akin kaya bahagya akong natawa.


"Kumain ka na." Nilagay ko muna sa vase ang mga bulaklak na binigay sa akin ni Deuce at dinaluhan sya sa lamesa. He's just staring at me the whole time.


"This is so peaceful." Sabi nya pagkatapos hulihin ang kamay ko mula sa paglalagay ng kanin sa kanyang plato.


"Huh?"


"I want us to stay like this forever, Rae. Uuwi ako galing sa trabaho tapos papakainin mo ako ng gulay. Tapos irereview mo ako—"


"Hoy wag mo sabihing may balak kang magreview habangbuhay Deuce! Gusto ko pumasa ka. Ipasa mo ang Bar exam para sa sarili mo." Tinulak ko ang kanyang noo. Ngumiti sya.


"Para sa atin, Babe. Ipapasa ko para sa atin." Pagtatama nya.


Napayuko ako. Sasaktan ko sya sa susunod na araw. Magagawa pa ba nyang ipasa ang Bar?


"Hey, umiiyak ka? Natouch ka ba sa sinabi ko? Alam mo namang ganoon lang ako magsalita." Hindi ko namalayan na naiyak pa pala ako habang nag-iisip.


Umiling ako, "I just want you to be the best lawyer Deuce. Hindi dahil sa akin kundi dahil gusto mo. Para sa sarili mo. You have to dream on your own and reach for your dreams because you are capable of anything, hindi habang buhay nandito ako." I said. Pinalis ni Deuce ang luha ko.


"Hindi habang buhay? Pwede ba yung ganon? Asawa nga kita eh. Ibig sabihin wala ka ng takas." He chuckled. Hinaplos ko ang mukha nya at kinabisado ko iyon ng husto.


"I love you Deuce, kahit anong mangyari. Tatandaan mo na mahal na mahal kita. Ikaw lang."


He nodded like a kid being promised of something special. It ripped my heart seeing how happy he is.


I will break him. I will break this guy who know nothing but to love me honestly.


Alam kong sa mga susunod na araw kamumuhian na nya ako, pero habangbuhay kong dadalhin ang alaala ng Deuce na minahal ko at minahal ako ng husto.


And someday, I hope that I can ask for his forgiveness.


Siguro sa panahong yon, hindi na ako.


May iba na sya at masasaktan ako.


Isang huling sulyap ang ginawa ko sa lalaking mahal ko habang tahimik syang natutulog ng gabing yon. I kissed him on the cheeks, mayroong butil ng luha ang nalaglag sa kanyang pisngi. Hindi na ako nag-abalang punasan iyon. Tinakpan ko ang bibig ko at impit na umiyak. Tumayo ako at kinuha ang backpack na may kakaunting gamit ko.


"Paalis na po ako. Nasaan na ang kapatid ko?" Bulong ko sa telepono. I looked at him again before I close the door behind me.


Hindi pa ngayon, Deuce.


Hindi siguro kahit kailan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro