Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6




Lifetime.

"Ruby! Pwede bang makitext?" Tumakbo ako papalapit kay Ruby at sinalubong ko sya doon sa may exit ng school. Nag-aalala ako ng husto dahil namatay ang cellphone ko at hindi ko tiyak kung naipadala ko ba ang mensahe ko kay Deuce na magkita kami sa restaurant ni Ma'am Atasha imbes na doon sa condo nya.

Gusto ko sanang ipagluto sya. Kaya lang wala namang bago kung magluluto ako kahit pa paborito nya pa ang luto kong sinigang. Tingin ko mula doon sa inipon ko na mga tip magagawa ko ng ilibre sya. I want us to celebrate at gusto ko ako ang taya. Palagi na lang kasi sya.

"Naku Rae, wala akong load.. Hindi ko nga alam kung paano kami magkikita ni Vincent nito. Hindi ko sya maitext." Nagkamot ng ulo nya si Ruby at umiling sa akin.

"Ganoon ba? Sige." Tumango ako at naglakad muli papalabas ng school patungo sa sakayan ng MRT. Kung uuwi pa kasi ako ng condo nya para magcharge ng cellphone, mas mapapalayo pa ako sa restaurant at baka mag-intay sya ng matagal. Kung manggagaling naman ako doon sa restaurant, makikitext na lang ako kay Tatiana para sabihing nandon ako para mapuntahan nya. Ayos lang naman sa akin ang mag-intay doon, paniguradong hindi ako maiinip.

Naabutan ako ng rush hour at nadismaya ako ng husto sa pakikipagbungguan ko siko. Mainit at masikip. Effort talagang sumakay ng tren. Nanlalagkit na ang pakiramdam ko pagkalabas ko. Hahakbang na sana ako pababa ng hagdan ng may nakasalubong akong may dala-dalang cup ng fishball sa kanyang kamay. Laking gulat ko ng natapon iyon lahat sa uniporme ko.

"Sorry Ate!" Hinging pumanhin ng isang babaeng mukhang highschool student. Hindi ko sya matingnan dahil hindi ko alam kung ano ba ang uunahin ko, kung ang pagpupunas ba sa aking sarili o ang pag-iisip kung  paano ako makikipagkita kay Deuce na ganito ang itsura. Paniguradong mag-aalala yon. Isa pa amoy ako fishball!

"S-sige na.. Okay lang." Kahit ang totoo ay hindi. Kaya lang wala na akong magagawa pa.

Tumingin ako sa orasan, 6:30 pa lang naman. Mabuti na lang at connecting sa mall ang MRT station na binabaan ko. Pumasok ako at unang tinungo ang bilihan ng damit. Nakakita ako ng display na isang daan lang ang isang bestida. Maayos naman ang itsura non kahit medyo manipis ang tela. Kumuha din ako ng makakaterno na sandals na mura lang din.

Agad akong tumungo sa CR para magpalit. Nag-abala pa akong sabunin ang aking braso at hinilamusan ko ng tubig ang aking mukha at leeg bago magbihis.

Napangiti ako ng makita ang sarili ko sa salamin. Isang bulaklaking dress ang napili ko. Spaghetti strap din ito at medyo mababa ng kaunti ang neckline. Matatakpan naman ito ng mahaba kong buhok kaya ayos lang. Sinuklay ko ang halos hanggang bewang kong buhok at naglagay ng cheek at lip tint, isang bagay na ginagawa ko lang kapag naka-duty ako sa restaurant.

Tumingin muli ako sa aking orasan. Hindi ko namalayan na 7:30 na pala! 20 minutes pa ang lalakarin ko papunta sa restaurant. Nagmadali akong lumabas ng mall at humahangos na naglakad.

"Hi Friend!" Maligayang bati sa akin ni Tatiana. "Ang ganda mo talagang babaita ka, anong meron? Ay I know na! Magkikita kayo ni Papa Chunky Yummy Deuce no?"

Napangiti ako sa sinabi ni Tatiana "Nandyan na sya?" I asked excitedly.

"Oo. Pero--" Kumunot ang noo nya, hindi ko na pinansin at binuksan ko ang restaurant, paniguradong late na ako. Nakakahiya naman kay Deuce. Espesyal ang araw na ito at ako ang nag-aya. Sana ay mas naging maaga ako ng kaunti.

"Raeven.." Namutla si James pagkakita sa akin, sya ang manager namin dito. Sinalubong nya agad ako sa pintuan.

"Hi James! Nakita mo ba si Deuce? Saan sya nakaupo?" Tanong ko.

"R-Raeven kasi--"

Nawala ang ngiti sa labi ko ng madako ang tingin ko sa isang bahagi ng restaurant. Enclosed area yon na may glass wall para sa may mga pribadong event. Natulala ako ng makita ko doon si Deuce na mayroong kasamang babae. Napakagandang babae, she's classy and sexy. They were both laughing at hindi nakaligtas sa mata ko ang paghaplos ng babae doon sa braso ni Deuce habang nakapatong iyon sa lamesa.

Deuce is staring at her like he is anticipating every word that she will say. Pakiramdam ko nilamukos ang puso ko at paulit ulit na pinipiga dahil sa kirot.

"R-raeven." Ang paraan ng pagtawag sa akin ni James ay parang pagbuntong hininga. Bakas ang awa sa kanyang mukha.

"Kanina pa sila dito?"

"Mag-iisang oras na."

Tahimik akong napatango. Wala sa sariling naglakad ako papalabas ng restaurant. Hindi ko kayang makita. Hindi ko alam kung paano ako magrereact doon. Kailan nya pa ito ginagawa? Mayroon bang excuse? Pinalis ko ang luha ko at bumaling kay Tatiana.

"Tat, makikicharge ako ng phone.." Sabi ko.

"Ay oo." Kinuha nya sa bulsa nya ang maliit nyang susi at inabot sa akin. "Nasa locker ko. May problema ba friend?"

"May reservation ba si Deuce?" Tanong ko. Lumungkot ang mata ni Tatiana.

"M-meron.. Pero ikaw ang una nyang hinanap pagkadating nya." Wika nya.

Hinanap. Baka tiniyak nyang wala ako dito.

Tumango ako at dumaan sa likod ng restaurant kung saan dumadaan ang mga staff. Nag-intay lang ako ng halos limang minuto at bumukas muli ang cellphone ko. Doon sunod sunod na pumasok ang mensahe ni Deuce.

Deuce: Hi Babe. Si Daddy nag-aya ng dinner sa restaurant ni Ate Atasha. Nandyan ka na ba? Antayin mo ako, ipapakilala kita kay Daddy.

Deuce: Babe, sorry, change venue. Makulit kasi si Dad. I will see you in our condo later. I love you. Sorry.

Deuce: Baby? Nakauwi ka na ba? I hope you did. I miss you. Love you.

Nanlalambot ng husto ang tuhod ko. Ganito ba sya magsinungaling? Sobrang kumbinsido at malinis? Sabagay ay abogado sya, he can lie without even blinking. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa akin. Sumandal ako sa locker at hinayaan ko ang aking sarili na umiyak. Sinubukan kong pumikit pero ang imahe ni Deuce na masaya at may kasamang ibang babae lang ang nakikita ko.

At ang masakit? Nakita kong bagay sila. That no matter how I feel pretty in my definition and no matter how Deuce say it, alam kong hindi. Alam kong malayo ako sa standards ng kagaya ni Deuce. Why would I think that he would really love me until infinity? He won't. Dapat naisip kong dadating ang araw na ito. Lolokohin nya ako and he would realize that I am no good. That there are alot of girls better than me. Isa akong bagahe sa kanya. We are two worlds apart.

"Frenny.. Okay ka lang ba?" Lumapit sa akin si Tatiana at niyakap ako. "Kausapin mo muna baka naman--"

"Ano sa tingin mo Tat?" Naipon ang luha sa aking mga mata. Hindi ako diretsang matingnan ni Tatiana. Alam kong parehas kami ng iniisip.

"Mas maganda ka naman doon sa babae! Nakita ko ng malapitan. Halos lumuwa ang dibdib doon sa suot. May pampa-parlor lang yon kaya naging kamukha ni Ariana Grande!" Matabil na sabi ni Tatiana, halatang nagngingitngit din sa inis. Hindi ako kumibo. Napabuntong hininga si Tatiana.

"Patricia Crisostomo ang pangalan. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagpareserve ng table nila, nakita ko na lang doon sa list na binigay sa akin ng marketing." Malungkot na lahad ni Tatiana sa tonong may simpatiya.

Tumango ako at tipid na ngumiti kay Tatiana. Tinapik ko ang balikat nya, hindi ko na kayang magsalita dahil baka pag ginawa ko ay lalo lang akong maluha.

Lumabas ako doon sa headquarters ng restaurant. Sinalubong ko ang mainit na hangin sa labas. It's nearly summer. Ibig sabihin hihinto na naman ako sa pag-aaral sa susunod na semestre, at si Deuce ay magsisimula na sa kanyang review sa Bar exam. Where he would meet alot of people that fits in his world. Hindi na nya ako kailangan pagtiisan.

"Aw!" Naramdaman ko na lang ang pagbunggo ko sa isang balikat.

Nagulat ako ng makita ko ng harapan ang babaeng kasama ni Deuce. Kung maganda na siya sa paningin ko noong malayo sya, mas nag-uumapaw sya ngayon sa ganda. Her eyes is deep and expressive. Her cheekbones is perfectly chiseled and she got plump lips. Bahagyang nakataas ang kilay nya sa akin at hinahaplos ang bahagi ng balikat nyang tumama sa aking katawan.

"S-sorry Ma'am." Dumako ang mata ko sa kamay ni Deuce na nasa bewang ng babae.

"It's okay." Padabog na sabi ng babae.

Hindi na sana ako titingin pa pero hindi ko maiwasan ang mapatingin kay Deuce na nakatulala lang sa akin.

"Una na ako Ma'am, Sir." Yumuko ako at mabilis na naglakad papalayo. Napakapit ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung saan ako susuot. Kahit alam ko namang hindi ako hahabulin ni Deuce, gusto ko pa din magtago. Sumakay ako sa taxi na nakita ko kahit hindi naman ito ang normal na sinasakyan ko. I just want a quick escape from the pain.

Sunod sunod ang pagtunog ng cellphone ko habang nasa byahe ako. Pinatay ko iyon. Paulit ulit kong pinapatay ang tawag pero hindi din tumigil si Deuce.

Deuce: Babe, nasaan ka? Mag-usap tayo. Magpapaliwanag ako.

Magpapaliwanag.

Mas lalong sumakit ang puso ko. Alam kong kapag nagpaliwanag sya ay mapapaniwala na naman ako. Tumatak sa isip ko that he never lied. He must be all things but he never lied. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko sya lang ang totoo pero ngayon ay hindi na.

Pinatay ko ang cellphone ko at pumasok ako sa madilim eskinita patungo sa aming bahay. Hindi pa din umuuwi si Nanay. Ipinagpasalamat ko na iyon. Dumiretso ako sa maliit kong kwarto at tahimik na umiyak.

--------------------------------------

"Baby please.. Answer the phone." Hindi ako mapakali. T*ngina galit sa akin si Raeven. Gusto ko syang puntahan pero hindi naman nya sinasabi kung saan sya nakatira. Noong minsang pinilit ko sya nagalit sya sa akin. Nakuntento na kaming dalawa sa mundong mayroon kami. Everything else won't matter, dahil kapag may pumasok na iba, paniguradong magugulo na. At yon ang iniiwasan kong mangyari.

Nag-aalala ako. Napakaganda nya kanina. Paano sya nakauwi? Delikado para sa kanya ang maglakad mag-isa na ganon ang ayos. Hindi ko pa sya nakikitang nakadress, kanina lang and she looks perfect. Yon ang kinakatakutan kong mangyari, ang madiskubre nya sa kanyang sarili kung paano pa sya mas magiging maganda higit pa sa ngayon.

I should have thought about that set-up. Sana ay iniwanan ko na lang si Patricia. Bahala na kung mapahiya si Daddy pero hindi ko ginawa. Naapektuhan pa tuloy si Raeven sa katangahan ko.

Wala ako halos tulog kinaumagahan. Sinubukan kong tawagan si Raeven pero patay na ang kanyang cellphone. Bumangon ako hindi para pumasok. Magpupunta ako sa school nya, kung kailangan ko yong halughugin, gagawin ko para makausap sya. Pucha handa akong lumuhod sa harapan nya mapatawad nya lang ako. Naninikip ang dibdib ko at hindi ako mapalagay. In no time nakarating agad ako sa school ni Raeven kahit nangangalumata pa ako dahil sa antok.

"Ma'am, hihingin ko po sana ang schedule ni Raeven ngayong araw." Tinaasan ako ng kilay ng nasa school registrar. Nag-isip agad ako ng idadahilan.

"Kasi po yung Nanay nya dinala ko sa ospital, kailangan ko po talaga syang makausap." Pagsisinungaling ko.

"Sandali lang." Tumalikod ang babae at pagbalik nya ay may hawak na papel.

"Raeven Frances Mendoza, Third Year BSED. Mayroon syang klase sa English III ngayon. Doon sa Language Building room 403. Ito ang iba pa nyang schedule."

Halos mapatalon ako sa tuwa ng bigyan ako ng kopya ng schedule ni Raeven pero nabigo ako ng hindi ko sya makita sa classroom na nabanggit.

"Hindi sya pumasok ngayon eh." Kibit balikat na sabi sa akin ng kaklase ni Raeven. Maghapon akong nanatili sa school nya pero hindi ko man lang nakita ang anino nya. Pumunta ako sa restaurant ni Ate Atasha para magbaka sakali pero si Tatiana lang ang nakita ko doon.

"Wala. Hindi ko din macontact." Sabi sa akin ni Tatiana. Pagkatapos non ay tumalikod na sya.

"Tat.." Tawag ko sa kanya. She gave me a death glare, alam kong iniisip nya na niloloko ko ang kaibigan nya.

"Alam mo Deuce, botong boto ako sayo dahil kahit ganyan ang estado mo, minahal mo ang kaibigan ko. Pero abogado ka ngang talaga, magaling ka magtago ng katotohanan. Ikaw ang perfect leading man doon sa mainit na issue ngayon."

"Anong issue?"

"Ano pa eh di walang forever!" Tatiana rolled her eyes pagkatapos ay naglakad na papatalikod sa akin.

Hindi ako naniniwala. Mayroon kaming forever ni Raeven. Para sa akin ay sya lang. If the destiny will disapprove it, I will find a way.

Raeven: Mag-usap tayo sa park.

My heart flutter with her message.

Pagkatapos ng mahabang araw ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Nagpunta ako sa sinabing lugar ni Raeven. Paano ko ba makakalimutan, sa lugar na iyon nya ako sinagot. Pinapapunta nya ako sa park. Ang mahalagang lugar para sa amin.

Nandoon na sya ng datnan ko. Malungkot syang nakaupo sa swing na nakapwesto kung saan nya ako mismo sinagot. She's slowly swinging herself in the swing. I can't help but to notice how beautiful she is. She's in her skinny black jeans and purple scoop shirt. Hinahangin ang mahaba nyang buhok. She's very simple pero napakaganda.


"Babe. Nag-alala ako ng husto." Humawak ako sa siko nya pero inilayo nya ang kanyang sarili sa akin.

"Si Daddy ang kameet ko kagabi. Nagulat na lang ako na nandoon si Patricia. Babe, I swear, wala akong kinalaman doon." I sounded pleading but I don't care. Ang importante ay makinig sya.

"At ang pagsisinungaling mo?" Tiningan nya ako and I can see how hurt she is.

"Dahil ayaw kitang masaktan! Babe, anak ng business partner ni Daddy si Patricia, I can't just leave her. Being polite is the least that I could do dahil hindi ko sya magugustuhan. Ikaw ang tumatakbo sa utak ko buong paguusap namin. Ikaw, Babe. Im sorry."

Umiling sya, nanginig ang mapupula nyang labi.

"Pero nasaktan mo na ako. And it's all what it takes for me to realize na hindi tayo bagay Deuce. Kahit anong pagsisikap ko para abutin ka, hindi ako. Hindi ko kaya."

"No, no. Don't say that." Pakiusap ko. "Hindi naman importante yon. Hindi ko kailangan na maging kapantay mo ako because you know what? You are better than me. Raeven you are better than me. Bukas. Tama bukas ipapakilala kita kay Daddy para tigilan na nya ako sa pagtutulak sa akin kay Patricia. Please, Babe. Makinig ka naman sa akin." Halos magkanda buhol buhol ang mga salita. Hindi ko alam kung anong tamang sabihin para makinig sya.

Hindi nya ako tiningnan at bawat segundo ng panlalamig nya, nahihirapan ako. Pakiramdam ko bibitayin ako.

"Deuce, let's end this here." Malungkot nyang sabi.

Hindi ako nakapagsalita. I balled my hands into fist and my jaw tightened.

Naknamputa isang pagkakamali ko lang. Bakit ganito? Ganito lang ba kadali sa kanya ang halos dalawang taon? Tatapusin dito? Gusto ko syang sigawan, gusto kong magalit sa kanya, gusto ko syang sumbatan kung bakit ganito sya kabilis sumuko pero sa kabila ng nasa isip ko, natagpuan ko ang sarili kong nakaluhod sa harap nya. I can even feel my tears flowing freely.

"Im sorry, Baby. Patawarin mo na ako. Hinding hindi na ako magkakamali ulit. Gagamitin ko na ang utak ko. Patawarin mo na ako."

I said that letting all my pride and ego sink. I cannot let this girl go. Not today, not in a lifetime.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro