Kabanata 5
Lie.
"What do you mean by the "Calling-out Power" of the President under Section 18, Article VII of the Constitution?"
"Under Article VII, Sec. 18 of the 1987 Constitution, whenever it becomes necessary,the President, as Commander-in-Chief, may call out the armed forces to aid him inpreventing or suppressing lawless violence,invasion or rebellion (David v. Arroyo, G.R. No.171396, May 3, 2006)" Deuce answered confidently. I rolled my eyes.
Ngumiti ang mga mata ni Deuce at agad na nilapit ang kanyang mukha sa akin. He gave me a kiss, hindi pa naman sya nakukuntento sa isang smack, gusto nya talaga yung halik na malalim. Halos mamaga na ang aking mga labi dahil sa kanyang ginagawa pero ayos lang dahil sa ganitong paraan, nakakapag-aral syang mabuti at hindi sya nagkakamali ng isasagot.
"Baka naman bukas, kailangan pang may mahalikan ka bago mo maalala ang sagot?" Pinanliitan ko sya ng mata. He moved closer to me and enclosed me in his arms. He kissed me on the cheeks over and over. Pinanggigilan ng husto.
"Ang selosa mo Baby! Si Oswald ang katabi ko bukas and the last time I checked, lalaking lalaki pa din ako na may pagnanasa sayo." He proudly said. Itinulak ko ang kanyang mukha papalayo sa akin, humalakhak sya.
"Ipasa mo muna ang exam mo! Puro ka bola wala ka namang ginagawa." Tukso ko sa kanya.
The thing with Deuce, kahit magda-dalawang taon na kami ay hindi nya ako pinipilit na may mangyari sa amin na higit pa sa halik. Hindi ko tuloy alam kung magandang bagay ba iyon, either he really respects me or he don't find me appealing enough. Kung may mga karanasan naman sya sa iba, bakit hindi nya gawin sa akin?
"Bakit ka nakasimangot?" Napawi ang ngiti ni Deuce at tinitigan akong mabuti. Kinuha nya ang libro sa aking mga kamay at hinawakan ang aking mga kamay.
"Wala."
"Kapag wala, meron. Spill it, what is it?" Mas lalo nyang nilapit ang sarili nya sa akin.
"Wala nga.." Ulit ko. Gusto kong alisin sa utak ko ang insecurity. Pero tuwing iisipin ko ang mga nag-gagandahang babaeng pumapalibot sa boyfriend ko, hindi ko maiwasang makadama ng pagkawala ng kumpiyansa sa sarili. There are alot of better girls around Deuce who can offer him more than I can give.
"Baby?" Binuhat ako ni Deuce at pinaupo sa kanyang mga binti paharap sa kanya. Mataman nya akong tiningnan na para bang sinusuri ang mga mata ko. He's really good at this, abogado talaga. Hindi sya titigil hangga't hindi ka napapaamin.
"Iniisip ko lang.." Panimula ko, agad na tumaas ang kilay ni Deuce.
"Iniisip ko lang, pangit ba ako? Hindi ka ba nasesexy-han sa akin?" My cheeks flared at the moment. Bakit ko ba tinanong yon?
"Babe? Ano bang klaseng tanong yan?" Mahinahong tanong ni Deuce. Huminga ako ng malalim.
Go girl, ipaliwanag mong mabuti. Pumikit ako ng mariin at yumuko habang sinasabi ang mga susunod na salita.
"Naisip ko lang, dinadaan mo ako lagi sa biro, why can't we do the real thing?"
"Whoah, inaaya mo ba akong---- Raeven.." Niyugyog ni Deuce ang balikat ko kaya muli akong magmulat ng mata. Nakangiti sya sa akin, nahiya ako ng husto
"Hindi kita inaaya, ang sa akin lang, bakit hindi natin gawin? Hindi ba ako sapat sayo? Kulang sa ganda? Sa sexy?" Hindi ko na mapigilan ang bibig ko.
"Ang cute mo! Hindi yon! Ayaw mo ba nun? Nirerespeto ka." Wika nya.
"Gusto, pero sabi mo hindi ka na virgin. Hindi ba parang drugs yon? Pag nasubukan mo na, hahanap hanapin mo. Bakit hindi ka naghahanap? Don't tell me hindi ka naaarouse sa akin."
Okay Raeven, itigil mo na yan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa hiya.
"Na-aarouse syempre!" Malakas nyang sabi.
"Eh bakit hindi mo ako inaaya? Siguro ginagawa mo sa ibang babae no?" Oh, right. Push mo pa yan Rae.
"Baby, hindi ko kailangan ng babae kung may--- kung may---"
"Kung may ano?" Napasimangot na ako ng tuluyan.
"Kung may kamay ako!" Halos pasigaw nyang sabi. Nangunot ang noo ko.
"Kamay? Bakit kamay?"
"Baby, wag mo ng alamin.." Sinapo ni Deuce ang magkabilang pisngi ko at pinisil ng madiin saka ako hinalikan sa labi. Nagpumiglas ako pero tumawa lang sya, gumanti ako sa pamamagitan ng pagtusok sa kanyang tagiliran, malakas ang kiliti nya doon. Napahiga sya sa sofa na inuupuan namin kaya dinaganan ko sya, but he was too strong, nagawa nyang ipailalim ako sa kanya. Halos maubusan ako ng hangin kakatili at kakatawa sa aming ginagawa.
Sa gitna ng maingay na tawanan, huminto si Deuce at tinitigan ako sa mata. Napawi din ang ngiti ko. Hinawi nya ang mga takas na buhok na sumabog sa aking mukha.
"Do you trust me enough, Babe?" Tanong nya ng seryoso.
Tumango ako agad. Hindi ako nagdalawang isip. Buo ang tiwala ko kay Deuce noon pa man, kung may pagdududa man ako sa aking sarili, wala syang kontribusyon doon. He loved me perfectly at tiwala akong hindi nya ako sasaktan.
He smiled and looked at me gently. He slowly kissed me on the lips, this time his lips has foreign warmth, pakiramdam ko pa nga sasabog ang puso ko sa lakas ng tibok, hinabol ko ang aking paghinga. Dahan dahan nyang pinagapang ang palad nya sa binti ko. Napalunok ako.
Ito na ba yon? Nakakakuryente.
His touch is carefree but kind, walang rahas o kung ano pa man. His gradual kisses made my body ache for more. Ginalaw ko ang mga kamay ko sa kanyang dibdib, he groaned.
"Raeven, do you know how much I love you?" Tanong nya sa akin. I nod but he shook his head.
"Hindi. Hindi mo alam kung gaano." Pumikit sya at napasinghap, "I love you more than my earthly desires, I love you beyond your flesh, I love you so much that I want you to feel that you are whole until I marry you. Mag-iintay ako." Pagkasabi nya non ay bumangon sya mula sa pagkakaimbabaw sa akin at inalalayan akong tumayo. Pinagmasdan ko syang nagtungo sa kusina ng kanyang condo para kumuha ng tubig doon sa ref. He gave me a glass of water too.
"Babe, dito ka na matulog ha. Maaga ako bukas." Malambing syang yumakap sa akin pagkatapos nyang kunin ang baso ng tubig muli sa akin. Humalik pa sya sa aking noo.
Pinagmasdan ko syang gumalaw. Sobra sobra ang pag-iingat nya sa akin at pinagpapasalamat ko yon. His love is too deep, minsan tuloy pinagdududahan ko ang sa akin. Nakakainggit syang magmahal, pakiramdam ko ang hirap abutan nung kanya. Not that I don't love him enough, hindi ko lang alam kung saan ang hangganan ng akin. Lahat naman ng bagay ay may hangganan hindi ba? Our capacity has it's limits, kahit anong sobra kasi, nakakasakit.
Inihanda ko ang kama ni Deuce habang nagsa-shower sya. Pumili din ako ng damit ko pampalit sa pagtulog. Deuce always wants me on his shirt, kadalasan ay mahaba yon dahil sa tangkad nya at lapad ng dibdib. Mabuti na din yon at hindi ko na kailangan magbitbit ng damit.
The door clicked open, his manly scent overpowered his room. Tumayo ako para ako naman ang magshower, he gave me a peck on the cheeks bago ako tuluyang pumasok sa banyo. Sobrang lambing nya talaga.
When I went out he's almost half asleep. Humiga ako sa tabi nya, nang maramdaman nya ako ay agad nyang siniksik ang sarili nya sa akin. He embraced me from the back, pagkatapos ay inamoy nya ang leeg ko. I found comfort. Kung maari lang na manatili ako habang buhay sa kanyang tabi. Kung maari lang talaga ngunit isang pagkakamali lang.....
------------------------------
2. Deuce Ageus Montemayor - 97.05%
"T*ngina, Deuce. .02 lang ang lamang sayo ni Benavidez!" Oswald tapped me at the back. "Paano mo nagawa yon? Ang hirap ng exam ah!"
I smiled ear to ear. I really owe it to Raeven. Started from zero, eto na ako ngayon. Madalas akong nangunguna sa klase. Ibang klase ang teacher ng buhay ko.
"Inspired ang walanghiya!" Binatukan ako ni Beni. "Sinong mag-aakalang isa ka sa pambato ng Law School sa Bar Exam natin next year?"
Hindi ako sumagot sa kanilang sinasabi. I dialled Raeven's number. Nasa school sya ngayon pero nagtext sya na wala ang Professor nya.
"Hi Babe.. Kamusta ang result exam mo?" Agad nyang tanong.
"Babe.." Malungkot kong sabi. I heard her sighed.
"Okay lang yan Babe.. Mag-aaral pa tayong mabuti.. Gumawa na ako ng panibagong batch ng reviewers mo. Pinagpuyatan ko talaga yun kagabi para mabasa mo before yung Practice Law mo next week. Wag mo na akong sunduin--"
"Babe---"
"Mahal pa din kita kahit bagsakin ka. Hindi non madedefine ang love ko sayo. Kahit ikaw ang pinakahuli sa klase mo, hindi magbabago na patay na patay ako sayo."
Pucha ang cute, kaya mahal na mahal ko talaga ang isang to. Hindi ko na napigilan ang pag-ngisi ko.
"Babe! Top 2! 97.05 ang grade ko! F*ck Baby! Hindi din ako makapaniwala! Thank you! Thank you!" Gusto kong lumusot sa telepono at halikan sya.
"T-talaga?!" I know she's excited. Maya maya pa ay naririnig ko ang paghikbi nya.
"Babe? Bakit ka umiiyak?" I asked.
"Masaya ako eh.." Sabi nya. Parang kinurot ang puso ko.
"Wag ka ng umiyak. Thank you for bringing out the best in me.. I love you.. So much."
Para akong nakalutang maghapon. Iba pala ang pakiramdam kapag nangunguna ka sa klase. Lahat ay babatiin ka. Naglalakad ako papalabas ng Law School para kitain si Raeven, sabi nya ay aantayin nya ako sa pinagtatrabahuhan nya na restaurant, dapat ay doon na lang kami sa condo magkikita dahil galing naman syang school pero nagbago ang isip nya.
**kring **kring
"Dad.."
"Attorney Montemayor!" Humalakhak si Daddy sa kabilang linya. Mabilis talaga sya sa balita pagdating sa akin.
"Thanks Dad."
"Hindi ako nagkamali na ipasunod ka sa yapak ko. Can I meet you for dinner later? I have a surprise for you."
Tumakbo sa utak ko ang ireregalo sa akin ni Dad, a new car maybe? Or a house and lot? Pero mas gusto kong makita si Raeven higit sa mga bagay na yon.
"Dad, maybe some other time.." Sabi ko, sumandal ako sa pintuan ng sasakyan ko at tumingala.
"No Deuce. I will see you at Atasha's restaurant." Sabi nya.
"But Dad--"
"7PM sharp. See you.." Pagkatapos non ay binaba na nya ang tawag. Saglit akong napaisip.
Andon din naman si Raeven sa restaurant. Ipapaalam ko na lang sa kanya ng maaga at ipapakilala kay Daddy. Ilang beses ko na syang inaya na ipakilala kay Daddy pero nahihiya daw sya.
Nag-type ako ng text message para kay Raeven bago ako tuluyang pumasok sa sasakyan ko.
Ako: Hi Babe.. Si Daddy nag-aya ng dinner sa restaurant ni Ate Atasha. Nandyan ka na ba? Antayin mo ako, ipapakilala kita kay Daddy.
Wala akong natanggap na reply. Baka hindi nya nakita pero tiyak naman na magkikita kami mamaya.
I drove fast, alas-sais na kasi. Aabutin ako ng traffic dahil medyo malayo din ang restaurant. It's almost 7 when I got there. Nagpalinga linga ako para hanapin si Raeven, hindi ko sya makita.
"Hi Pogi!!" I smiled at Tatiana. She's Raeven's friend. Isa din sya sa mga waitress dito.
"Tat, nandito na si Raeven?" Tanong ko, nakatayo sya sa labas ng restaurant at nagwewelcome ng mga guests. She furrowed her brows na para bang malalim na nag-iisip.
"Si Raeven? Wala naman syang duty ngayon ah. Di ba nya sinabi? Pero may reservation ka under your name and----"
"Hi Future Bar Topnotcher!" Napalingon ako sa nagsalita sa likod. My mouth dropped open when I saw Patricia. She's wearing a small red bloody dress. It defined every curves in her body. She's smiling widely habang naglalakad sya papalapit sa akin. Her feminine scent strike my nose. She literally smells like flowers.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko although I have a hint.
"Surprise!" She giggled. "Ewan ko ba kay Tito Hades at Daddy. Sabi nya magdidinner daw tayo at samahan daw kitang magcelebrate. Wala din naman akong gagawin so I am here!" Masaya nyang sabi.
Wala na akong nagawa ng tumindig si Tatiana at alalayan kaming pumasok sa loob. The private area in the restaurant is closed. May lamesang pandalawahan na may kandila pa sa gitna. They really prepared for this.
Hindi mawala sa isip ko si Raeven. Paniguradong magseselos sya kapag nakita nya ako kasama si Patricia. Pasimple akong gumawa ng mensahe sa kanya.
Ako: Babe, sorry. Change venue. Makulit kasi si Dad. I will see you in our condo later. I love you. Sorry.
If I need to lie para hindi sya masaktan, gagawin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro