Kabanata 4
Bawat Segundo.
"Raeven! Ang bagal!" Napabalikwas ako ng bangon ng bumuhos sa akin ang malamig na tubig.
"N-nay!" Gulat na gulat na sabi ko, basang basa ako ng husto, kitang kita ko ang pitsel na ibinuhos nya sa akin. Wala na iyong laman.
"Yan na ang huling tubig na natitira! Di ba sabi ko mag-igib ka ng alas singko dahil maliligo na ako! Bakit wala pa? T*ngina naman Raeven! Napakamantika mo matulog! Kung hindi ka lang talaga sa akin ibinilin ng ama mo, matagal na kitang pinabayaan!"
"Sana nga ho pinabayaan nyo na." Bulong ko habang tinutuyo gamit ng kumot ang mukha ko.
"Ano? Anong sabi mo? Bastos ka talagang bata ka!" Pasigaw na sabi sa akin ni Nanay. Hindi ko alam kung anong karapatan ang mayroon ako, dahil ang bahay na ito ay alam kong akin. Kung hindi lang masamang magpalayas ng matanda, matagal ko na syang pinaalis. Lagi ko na lang inaalalang minahal din naman sya ni Papa kaya kailangan ko din syang kalingain.
Nagbihis ako ng malaking tshirt at shorts. Pupungas pungas pa akong naglakad sa maliit na eskinita patungo sa igiban ng tubig. Buong lakas kong binomba ang poso at pinuno ang dala ang balde na dala ko.
"O Raeven, hindi mo pa ipabitbit yan kay Angelo?" Ngumiti ako ng tipid kay Mang Soc, ang mayari ng poso na pinag-iigiban ko. Matagal na nyang inirereto sa akin si Angelo na kanyang anak. Napapangiti na lamang ako.
Si Angelo ay isang Angela sa gabi at walang kaide-ideya ang kanyang ama. Si Angela nga ang nagmakeup sa akin nung nagapply ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko ngayon.
"Hindi na ho, Mang Soc. Exercise na din." Tumango na ako at nilagpasan sya. Narinig ko pang sinisigawan nya si Angelo na nakatambay sa tindahan na madaming kasamang binatilyo at inuutusan itong tulungan ako. Nagmadali ako sa paglalakad dahil nakakahiya naman kung ganon. Baka magreklamo sa akin si Angelo kapag sumakit ang katawan nya.
Binaba ko ang bitbit kong balde ng maramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone. Tinatawagan ako ni Deuce, kadalasan ay mahaba ang tulog nya tuwing Miyerkules dahil panghapon lang ang klase nya and this call is too early for him.
Huminga muna ako ng malalim at ngumiti bago sagutin ang tawag.
"Hi Babe.." Bati ko ng masaya.
"Hello Babe.. Kamusta ka? Gising ka na ba?"
Napangiti ako sa boses ni Deuce na halatang inaantok pa. Paos ito at halos pabulong. Ang cute cute kapag naiimagine ko ang kanyang mukha na hirap maidilat ang madidilim nyang mga mata.
"Uhmmm. Oo gising na. Ikaw? Inaantok ka pa ata tapos tumawag ka na."
Ilang segundo bago sumagot si Deuce. Humugot muna sya ng malalim na paghinga.
"Napanaginipan kasi kita. Ipinagpalit mo daw ako sa manager mo." Aniya ng seryoso.
I rolled my eyes. Lumipad ang tingin ko sa aking paanan. Pinalis ko ang tuta na lumapit sa akin para humingi ng pagkain.
"Babe, dalawang buwan na nating issue si James. Gusto mo bang magresign na lang ako?" Seryosong tanong ko sa kanya. Sumandal ako sa pader at pinahinga ang aking likod.
"Pwede bang ganon na lang, Babe? Magresign ka na lang. Kaya naman--" Napapikit ako.
"Maghihiwalay tayo kapag ganyan." Pagbabanta ko.
Alam kong mahirap ang buhay but my life is being crafted this way. Wala akong karapatang magreklamo kung bakit ganitong klaseng buhay ang binibigay sa akin. Alam kong lalabas akong matatag pagkatapos. Ang mga taong kinikinis daw ng husto ay pinagpala, umaasa akong ganoon din sa kalagayan ko. And I know, Deuce is one of the biggest blessing that I have.
"Okay.. Magkikita ba tayo mamaya?" Tanong nya pagkatapos ng katahimikan.
"Oo, wag mo na akong sunduin. Doon na lang ako magpupunta sa condo mo."
"Natin. What's mine is yours. I love you, Babe." Pagtatama nya.
Ngumiti ako kahit hindi nya ako nakikita. Napanatag na din ako kahit papano sa uri pa lang ng pagmamahal na binibigay nya. Hindi nya ako binigyan ng dahilan para mag-alala sa mga babaeng umaaligid sa kanya, he makes me feel like I am the only woman who exist in his world.
"I love you too." Sagot ko.
Ibibulsa kong muli ang aking cellphone at nagmadaling umuwi pagkatapos ng tawag. Nakasimangot si Nanay na nagiintay sa akin. Padabog nyang kinuha ang balde kaya tumapon pa ang ilan. Sumunod na din ako sa kanya papasok ng bahay.
Kinuha ko ang libro ni Deuce na tinatabi ko sa aming tokador. I read through the pages of Taxation, ang sabi ni Deuce ay nahihirapan sya dito dahil may kahalo daw na Math. Para sa akin, addition at subtraction lang naman ito, kailangan pa din ang matinding analyzation ng facts. I started writing the summary of the fourth chapter of the book. Nasa second chapter pa lang sila Deuce, pero inaaral ko na ang pang-apat. Gusto ko kasing manguna sya sa kanyang klase. I know Deuce can do it. Kulang lang sa confidence ang isang yon.
"Libro na naman ang kaharap mo. Hindi ka naman nag-aaral ah?" Panunuya sa akin ni Nanay habang tinutuyo nya ang kanyang buhok ng towel na hawak. Tiningnan ko lang sya at nagptuloy sa pagsusulat. Hindi nya alam na may nobyo na ako. Hindi kailanman naging normal ang relasyon naming mag-madrasta kaya hindi ko din mababanggit sa kanya si Deuce. Para sa akin ay ayos na yon, hindi ko nga magawang ipakilala sya kay Deuce dahil tyak na mag-aalala si Deuce sa kalagayan ko dito at ayoko nang bigyan pa sya ng ganoong alalahanin.
Nang malapit nang mananghalian, naghanda na ako sa patungo sa condo ni Deuce. Ilang beses akong napapalingon sa spot ng MRT kung saan kami madalas magtagpo ni Deuce. Mag-iisang taon na din pala. Hanggang ngayon ay napapangiti pa din ako sa alaala ng unang beses naming pagkikita.
Yakap ko ang libro ni Deuce, nakipagpalit kasi sa akin si Mira ng shift kaya wala akong pasok ngayon. Nagplano na akong ipagluto sya para pagkadating nya ay may kakainin na sya. Mahilig kasi sa fastfood ang isang yon. Mabuti nga at hindi nananaba o nagkakasakit.
Naging mabilis ang byahe ko, binati pa ako ng gwardiya ng condo pagpasok ko. I spend my first hour in cleaning Deuce's place, pagkatapos ay kumuha muli ako ng libro ni Deuce.
Umupo ako sa sofa habang mabuting pinagiisipan ang Evidence and Trial Tech. Nakakamangha na sa kabila ng kurso ko na pagiging guro, naiintindihan ko ang lahat ng ito. Siguro dahil wala pa akong masyadong kinakabisado kaya nagiging madali. Wala pang pang pressure sa akin di kagaya ng kay Deuce.
Deuce: Babe, miss na kita. Gusto ko na lang lagi nakatabi sayo. Pakasal na lang kaya tayo? 😍😍😍
Napangiti ako sa text ni Deuce sa kalagitnaan ng pagbabasa ko. Agad akong nagtipa ng reply.
Ako: Nagpopropose ka sa text? Anong akala mo sa akin? Cheap? 😠
Deuce: Haha! Hindi no! Sa lahat ng walang presyo ikaw ang hindi ko makuha ng Sht 'ncndscate celon ko. tx kt mya lveu
Napakunot ang noo ko at pilit inintindi ang mensahe ni Deuce. Napagtanto kong nahuli na naman syang nagtetext sa klase kaya kinuha tyak ng kanyang propesor ang cellphone nya.
Ilang oras ang lumipas bago ako nakatanggap ng tawag mula kay Deuce. Patungo na daw sya sa condo. Naligo muna ako bago inihain ang mga pagkain sa lamesa.
-----
"Dad.. What are you doing here?" Hindi maipinta ang mukha ko ng maabutan ko si Daddy na nakahalukipkip sa tapat ng sasakyan ko.
"I left a note this morning. Hindi ba sinabi kong mayroon tayong dinner kasama ang mga Crisostomo?"
Oh that. Napatapik ako sa aking noo.
"Pass muna ako Dad. May mahalaga akong lakad."
"Mahalaga? Pupuntahan mo ang babae mo? Mamaya mo na puntahan ang babaeng yon dahil mas mahalaga ito." Tumalikod si Daddy sa akin at nagtungo sa kanyang sasakyan.
"Hindi ka magsisisi." Ngumisi sa akin si Daddy ng sumakay sya sa kanyang sasakyan.
"Sir, ako po ang magmamaneho." Bigla na lang nawala sa aking mga kamay ang susi ko. Ganyan si Daddy kapag may gustong ipagawa. Titiyakin nyang sya ang masusunod.
Kapag minamalas ka nga naman! Miss na miss ko na si Raeven! Nagngingitngit ako habang binabaybay namin ang daan taliwas sa patungo sa condo ko.
"Hello Babe?" Tiningnan ko muna si Mang Nick bago ako sumiksik sa bintana ng sasakyan para mabigyan ako ng privacy habang kausap si Raeven.
"Babe? What time ka makakarating? Nagluto ako." Masayang sabi ni Raeven. Napailing ako. Ayokong ayokong biguin sya.
"Sorry Babe, si Daddy kasi biglang sumulpot sa school. Inaaya ako sa dinner kasama ang family ng kapartner nya noon sa firm." Napahilot ako ng sentido. Paniguradong magtatampo si Raeven.
"Ganon ba? Sige ayos lang." Mabilis nyang sagot.
"Really, Babe? Pupwede akong tumakas--" Tiningnan ko pa si Mang Nick at sinilip nya ako sa salamin. Nilagay pa ang kamay nya sa autolock at sinuguradong nakalock nga ang mga pinto. Balak ko pa naman sanang lumabas kapag traffic.
"Hindi na Babe. Sira ka talaga." Tumawa si Raeven at napanatag ako.
"Aantayin pa din kitang umuwi dahil mag-aaral tayo ng lessons mo, hindi ka makakaligtas. Kumain ka ng madami ha. Love you."
Napangisi ako. T*ngina kinikilig na naman ako. Araw araw kong pinagpapasalamat na sinagot ako ni Raeven. Hindi ko din alam kung bakit. Basta thankful ako. Ang swerte swerte ko sa kanya. Mabait, maasikaso at maganda. Yung pagiging sumpungin naman nya, kahit papano madaling lambingin.
"Mahal na mahal kita, Babe. See you later."
Nakaidlip ako dahil sa trapik. Pagmulat ng mata ko, nasa tapat na kami ng isang restaurant. Lumabas ako ng sasakyan at sinalubong ako ni Dad sa entrance ng restaurant.
"Ang mga Crisostomo ang tumulong sa akin noon sa pag-aaral nung pinalayas ako ni Daddy." Tumango ako sa binabanggit ni Daddy.
Initially, his parents wanted him to be a Doctor because my grandparents were both Neurosurgeon. But Dad, being Dad, he insisted that he wanted to be a lawyer, kaya kahit ang kapalit noon ay ang pagpapalayas sa kanya, he still pursued his dreams.
"Si Attorney Antonio Crisostomo, ang propersor ko noon. Kaklase ko si Carlos yung anak nya-- sa law school, both of them helped me." Nanatili kaming nasa labas lang.
"I know all these things Dad. Why are you saying this to me?" Pagod kong tiningnan si Daddy. I know he's up to something.
"Carlos has a daughter. About three years younger than you. Patricia Crisostomo, a very pretty and smart girl, she's taking up law too."
"Dad, I have a girlfriend." Huminto ako sa paghakbang at seryosong tiningnan si Daddy.
"Oh, you mean fling?"
"Dad, Raeven is not my fling."
"So Raeven is her name." Sarkastikong tiningnan ako ni Daddy. Nagkibit balikat sya, "I am pretty sure you will forget her name when you see Patricia."
Binuksan na ni Daddy ang pinto at kahit wala akong gana, sumunod pa din ako.
"Sorry to keep you waiting Kumpadre!" Tumawa si Daddy at tumayo ang palagay ko si Tito Carlos. Bata pa ako nung huli syang makita and the rest would be Dad mentioning him to us. Sa palibot ng lamesa ay may nakaupong tatlong babae na di nalalayo ang edad kay Daddy, dalawang binatilyo na nakauniporme ng kulay Asul na polo at isang batang babae.
Don't tell me ang batang ito ang tinutukoy ni Daddy? Mukhang 14 years old pa lang eh.
"This is Deuce. Ang magmamana ng aking trono." Pakilala ni Daddy.
"I am sure he will. Pupwede silang magtayo ni Patricia ng lawfirm, just like the old times! Crisostomo-Montemayor Law & Associates." Tumawa na naman sila.
What a boring conversation. I almost face palmed.
"Sorry I am late.." Isang mahinahong boses ang nagputol ng usapan. Nagpasalamat ako ng husto. I hate planning about my future, dahil para sa akin, si Raeven ang kinabukasan ko, the rest won't matter, basta kasama ko sya.
Nag-angat ako ng tingin sa isang babaeng dumating.
"Patricia! You are here." Tumayo ang matandang babae na nakasuot ng kulay blue na dress, lumapit sya sa babaeng nakangiti sa akin which, apparently is 'Patricia'. I can't help but to scan her body, she's wearing a body hugging pastel orange dress after all.
Pagkakita ko pa lang sa kanya, isa lang ang nasabi ko sa isip ko.
Wow.
She definitely looks divine. She got plumped lips, while her eyes is round and deepset. Her hair is freely flowing in big soft curls with highlights.
"Hi." She smiled at and I can see her pearly white teeth. Parang sa beauty queen.
"H-hi.." I said.
"Oh, he stammered!" Pagbibiro sa akin ni Daddy. Nagtawanan ang lahat.
Paano ba naman hindi, sobrang chick talaga ni Patricia. Nakakahiyang lumapit. Inilahad ko ang kamay ko at mas lalo syang ngumiti. Sabay kaming umupo sa lamesa at magkatapat kami.
"So Deuce, third year ka na daw sabi ni Uncle. What's your pre-law?" Patricia asked.
"Pol Sci. Ikaw?"
"Accountancy." She smiled while she savored the soup in front of her.
"CPA na yan, top 1!" Proud na proud na sabi sa akin ni Tito Carlos.
"Nice." I nodded.
We talked about a lot of things. She's really smart. Buti na nga lang at natuturuan ako ni Raeven, kung hindi ay mapapahiya ako. Later on that night, I suddenly felt the urge to go home. Wala na akong naiintindihan sa sinasabi ni Patricia sa akin.
Naramdaman ko ang pagsiko sa akin Daddy.
"It's rude to text under the table." bulong nya. Nahuli nya ako ng gumagawa ako ng mensahe para kay Raeven.
Ibinulsa ko ang aking cellphone at nagintay na lang matapos ang dinner. Nabuhayan ako ng loob ng tumayo na ang ilan. Nagmadali din akong tumayo. I can't wait to go home to Raeven.
"You two should go out. Mahigpit talaga ako dito kay Patricia, pero kung ikaw ang manliligaw sa kanya, wala kang maririnig sa akin." Inakbayan ako ni Tito Carlos. Ngumiti ako ng tipid bilang tugon.
"Aba sa akin din, tiyak na titino yan si Deuce kapag si Patricia ang kanyang naging girlfriend." Segunda naman ni Daddy.
Napailing na lamang ako at ngumiti. No matter how beautiful Patricia is, I will always go back to the basic. Raeven is my home, and for me, she is perfection. No buts.
"Nice to meet you Patricia, I'll go ahead." Paalam ko ng mahuli kami sa paglalakad.
Nilagay ni Patricia ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga.
"Same here. Baka naman sa susunod pupwede mo akong turuan sa Civil Code." She asked.
I laugh, "Ikaw? Tuturuan ko? Im sure you are better than me!"
Namula ang pisngi ni Patricia, "Hindi ah."
"I'll go ahead.. Ingat." Tumalikod na ako at sumakay ng kotse ko. Ni hindi na nga ako nagpaalam kay Daddy.
Halos paliparin ko ang sasakyan ko. The meeting wasn't as boring as it supposed to be. Mabuti na lang at andon si Patricia, kahit papaano ay nakakarelate naman ako. Yun nga lang hindi ko maiwasan na hindi mamiss si Raeven. Kaya naman pagkakita ko sa kanya pagkabukas ng pinto ng condo ko, bumilis agad ang tibok ng puso ko kahit nakaunan sya sa libro at nakapikit. Her hair is tied up in a messy bun. She's wearing my shirt and shorts pero ang ganda ganda pa din.
Tingin ko talaga mag-ayos lang si Raeven ng kaunti, mas maganda pa sya kay Patricia. Pero ayoko ng ganon, dadami ang kaagaw ko. Ayos na ako sa kung ano sya. Ang mahalaga, akin lang si Raeven.
Lumapit ako kay Raeven at hinaplos ang likod nya. Unti unti syang nagmulat ng mata.
And her gray eyes...
It's so beautiful.
Parang inuutusan ako nito na lagi akong ngumiti.
Nagulat sya ng makita ako sa kanyang harapan, she smiled widely at iniunat ang dalawang kamay nya. I hugged her, she wrapped her legs around my waist and if she's doing this, gusto nyang magpakarga. I carried her like I usually do.
"What are you doing?" Natatawang tanong ko ng halikan nya ako sa tenga pero p*ta para akong nakuryente sa kiliti.
"Namiss kita, Babe." Bulong nya habang mapupungay ang mga mata.
Malutong akong tumawa "Grabe na yan ha. Alam kong gwapo ako. Pero grabe naman ang pagkahumaling mo sa akin Baby."
Kinurot nya ako sa pisngi. Paborito nya yong gawin. She didn't utter a word. Pinahinga nya ang noo nya sa noo ko at nagtitigan kami. Hindi ko alam kung gaano katagal pero sa bawat segundong dumadaan, nahuhulog ako ng husto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro