
Kabanata 28
Maki Say's: Aloha! Just a friendly reminder, ang dahilan ng isang linggong hindi pag-update ay dahil month-end closing ng aming departamento sa Accounting. Sobrang aga kong pumapasok at late umuuwi. Ang prosesong ito ay magaganap tuwing FIRST WEEK of the month so—alam nyo na mga beh! Masipag akong mag-update except sa mga araw na iyan.
And... if you want to know the updates about my update (redundant), kung meron ba o wala, maari nyo akong i-add sa facebook, isearch nyo lang ang 'Makiwander Stories', dalawa ang mahahanap nyo sa facebook results---- isang fanpage ko--Naks! fanpage haha! (paki-like na din) at isang facebook account (i-add nyo ako sa friend). Ciao!
Touch Me Again.
"Raeven, makinig ka." Nagpamewang si Martin sa aking harapan. Bumisita ako sa kanyang clinic dahil sinamahan nya ako sa kaibigan nyang espesyalista sa dugo. Nanlumo ako ng ibalita sa akin na mabilis pa sa inaasahan ang simptomas na mayroon ako. Maraming termino ang hindi ko naintindihan kanina pero ayon kay Dra. Caedo, I have to undergo treatment next month at kailangan kong kumain ng madami dahil mahihirapan tumanggap ang katawan ko ng gamot kapag underweight ako.
"You should tell everybody about your condition dahil kung hindi, hindi ka maalagaan ng tama."
"Ayoko ng inaalagaan, Martin. I want them to treat me normally." Giit ko. Tiningnan ako ni Martin na parang naiinis, umangat ang gilid ng labi nya habang napapailing ng dismayado.
"You are not normal, Raeven. Yours is a special case."
Hindi normal. Kung yun ang tingin nila sa lahat ng may kondisyon na kagaya ko, mas lalong dadali ang aming buhay. There are some things that you just have to breathe in, you have to take and go with the usual process. Kahit ang agila na ilagay mo sa napakagandang hawla, pakainin ng higit sa tatlong beses isang araw--- it will never be the same as the wild kung saan malaya syang lumilipad at walang limitasyon ang lawak ng kanyang pagaspas, it may experience hunger but it will also feel the joy of finding food on it's own. Kung ang lahat ng ito ay kukunin sa kanya, ang laya na sumayaw sa awit ng buhay, it will die fast.
"Magpapalakas ako, Martin. Next month magiging mas mataba na ako." Ngumiti ako ng mapait, "Para pupwede na akong gamutin. Yun lang naman ang kailangan hindi ba?" Mas lalong lumapad ang ngiti ko para ikubli ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata.
Seryoso akong tiningnan ni Martin, para bang isa akong mamahaling vase na maaring mabasag sa isang pagkakamali.
"Cancer lang to, Martin, hindi ba? Cancer lang to." Buong tatag kong sabi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at ikinulong sa aking palad ang tuhod ko. Hindi ako iiyak na lang at hindi lalaban. Ayokong maging kagaya ni Mama. I don't want to give up. Marami akong rason para lumaban.
Kinulong ako ni Martin sa mainit na yakap, doon na bumuhos ang luha ko. "Natatakot ako, Martin." Pag-aamin ko. "Paano kung hindi ko malagpasan? Paano kung magaya ako kay Mama?"
"Don't be. Nandito ako, Raeven. Hangga't gusto mong mabuhay, ibibigay ko yon sayo. I will fight for you and fight with you." Mayroong humaplos sa puso ko dahil sa kanyang sinabi. I embraced Martin tight, sya lang ang lakas na mayroon ako at sya lang ang maari kong makasama sa laban ko.
I am scared, I am damn scared. Natatakot akong madismaya ang mga taong naniniwala sa tapang ko. I don't want them to see me in my death bed. Ayokong tingnan nila ako ng nakakaawa at sasabihin nilang nakakapanghinayang ako. I want to live my life to the fullest; at it's heightened capacity. Gusto kong nandito pa ako kapag kailangan ako ng mga taong mahal ko. Naiisip ko ang mukha ni Ysobelle, ni Phen, ni Tatiana, ni Martin—o pati na din ni Deuce kapag malalaman nila ang kundisyon ko.
Hanggang sa makabalik ako sa school nang araw na yon, wala ako sa aking sarili. Isang bagay lang ang nasa isip ko, kailangan kong magpalakas.
"Miss Mendoza, you are spacing out. Are you still sick?" Tanong ni Professor Lou sa akin.
I am Ma'am, I will always be sick.
Ngumiti ako at umiling, pinilit kong magfocus sa discussion namin o kahit na lang manatili ang mga mata ko sa blackboard para hindi mahalata na hindi ako nakikinig. I am really tired at hindi nawawala ang pakiramdam ko na parang nilalagnat. That's just few of the many symptoms na dinadanas ko ngayon.
Nang matapos na ang klase, nganguna ako sa pagbaba ng Education Building. I want to go home and study. Inilabas ko ang cellphone ko para itext si Deuce na wag na akong sunduin, pero nakita ko agad ang kanyang sasakyan na nakahinto sa tapat ng building namin.
"Kamusta?" Tanong ni Deuce pagkasakay ko ng kanyang sasakyan. Ngumiti ako ng tipid.
"Okay lang, pagod." Nagkibit balikat ako. Hindi nakaayos si Deuce na pang-opisina, nakasuot lang sya ng shorts at tshirt, kahit ang buhok nya ay gulo gulo din.
"Nagluto na ako. Fish and veggies. Tinawagan ako ng doctor mo, sabi nya nanggaling ka daw doon? Bakit hindi ka nagsasabi?" Nakakunot ang noo ni Deuce.
"Sumaglit lang naman ako dahil mahaba ang vacant ko kanina. Anong sinabi nya sayo?"
"Bakit interesado ka?" Balik-tanong nya. Hindi na ako umimik, ayoko lang naman pag-alalahin sya ni Martin. Baka mamaya nabanggit ni Martin na mayroon akong leukemia.
"Ang sabi nya kailangan mo daw kumain ng madami kaya nagluto ako ng madami, ubusin mo lahat yon. Aalis naman ako."
"Aalis? Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Kay Clover." He answered. Pinagmasdan ko ang mukha nya na kalmado habang nagmamaneho. "Baka gabihin ako kaya wag mo na akong inatayin." Dugtong nya.
Nakaramdam ako ng panghihinayang. I thought I can stare at him while I am studying. Sino ba ang Clover na yon? Nung mga nakaraang araw laging kausap ni Deuce ang taong yon sa telepono, minsan kahit nagmamaneho pa sya. Sa lahat ng tawag, sya lang ang hindi nya pinapatayan ng kanyang cellphone.
Marahil dahil espesyal ito sa kanya?
My chest weakened with the thought.
But I cannot be selfish right? He looks so happy lately, para bang ang gaan ng turing nya sa palagid. Marahil magandang impluwensya sa kanya si Clover at kahit mainggit pa ako, wala naman akong mapapala. I really can't hold on to Deuce lalo na't alam ko ang posibilidad na iiwanan ko na naman sya at magagalit syang muli sa mundo kapag nangyari yon.
"Hindi na ako mag-pa-park." Inihinto ni Deuce ang kanyang sasakyan sa tapat ng entrada ng condo. Kinuha ko ang bag ko at ang mga libro ko pagkatapos ay bumaba na. Papaharap pa lamang ako kay Deuce para magpaalam ng paandarin nya ang kanyang sasakyan, mukhang nagmamadali. Tumalikod na ako para umakyat ng condo.
Una akong nagtungo sa kusina, mayroong limang grilled fish doon at fresh lettuce. Kumuha ako ng malaking plato at naglagay ng tatlong slice ng salmon at naglagay ng napakaraming lettuce. Kumain ako ng kumain. Wala akong gana nung mga nakaraang araw pero ito din ang panlaban ko sa sakit ko kaya pinipilit ko na lang.
I ate in silence alone. Ang pagnguya ko lang ng malutong na gulay ang maririnig sa buong pad. Tinutulak ko ng tubig tuwing nahihirapan akong lunukin.
Madilim na ng matapos akong kumain, I finished it all!
I washed the plate pagkatapos ay nilabas ko naman ang gamit ko sa bag. I started reading kahit na bumabagsak na ang talukap ng mga mata ko. Madami pa akong kailangang gawin sa eskwela.
"Hay, Raeven... Ano ka ba naman?" Napamulat ako sa boses ni Deuce, my heart almost jumped for joy ng makita kong umuwi na sya. Tumingin ako sa orasan at nakita kong ala una na ng madaling araw, napansin kong nakahiga na ako sa sofa at nakabalot ng kumot habang si Deuce naman ang nakaupo sa carpeted na sahig at hawak ang notebook ko at isang ballpen. Hindi nya ako direktang kinakausap, nakaharap sya sa notebook ko at mistulang nagsasagot.
"Oh, yeah. Tama. Buti naalala ko pa yung Chemistry class ko noong highschool." Wika muli ni Deuce habang napapakamot ng ulo nya at nagsusulat.
Sinasagutan nya ang assignment ko..
Hinayaan ko sya sa kanyang ginagawa habang pinagmamasdan sya. Sinandal nya ang likod nya sa sofa na tila ba nagpapahinga, hinilot nya ang kanyang sentido pagkatapos nilingon nya ang kinaroroonan ko. Nagtama ang mga mata namin. He creased his forehead tapos pinanliitan ako ng mata.
"Kanina ka pa gising?" Nagtatakang tanong nya.
Ngumiti ako at tumango.
Napailing sya, "Gusto mo talaga akong nakikitang nahihirapan, ano? My brain almost bleed habang sinasagutan ang assignments mo. Naabutan kitang natutulog kanina. Ano bang nangyayari? Tinatamad ka na mag-aral?" Tanong nya. Ngumuso ako at umupo sa sofa, nainis ba sya?
Kinuha ko ang notebook ko pero binawi lang iyon ni Deuce sa akin.
"Ako na ang magtatapos." Deklara nya.
"Sabi mo dumudugo na ang utak mo?"
"Magpahinga ka na, mukhang antok na antok ka. Masama pa din ba ang pakiramdam mo?" Hinaplos ni Deuce ang aking noo. May bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha habang dinadadama ang noo at leeg ko. His hand is very gentle and comforting, gusto kong hilahin yon at hawakan pero hindi ko maaring gawin. I have to treasure on what was left between us.
"Sabi na nga ba hindi magaling ang doktor na yon." Umismid si Deuce. "Papatingnan kita sa ibang doktor." Aniya.
Umiling ako, "Magaling si Martin. Syempre hindi naman ako agad agad gagaling, isang linggo pa lang naman ang lumilipas, bumabawi pa ako ng lakas." Pagsisinungaling ko.
"Sige, ipagtanggol mo pa." Naiinis na sabi nya. Iniwas nya ang mga mata nya sa akin kaya hindi ko makita ang ekspresyon nya.
Malungkot ko syang tiningnan, "Kamusta yung lakad nyo ni Clover, mukhang masaya ka ah?"
Ngumiti sya at bahagyang sumulyap sa kanyang mga kamay, "It was fun. Nakapaglaro kami ng anak nya. She was able to brought up her son with values, nakakabilib kahit magulo ang sitwasyon nila ng ex-husband nya."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. He looks so---happy. Kitang kita ko sa mata ko kung paano magningning ang mga mata nya habang binabanggit ang pangalan ni Clover. It's seems I am watching the man I love, fall in love with another woman.
"G-gusto mo ba sya? Si Clover?" Tanong ko kahit alam ko ang sagot.
Lumabi sya at hinarap ako. "No personal questions, hindi ba?" Nakangising sabi nya. He's smiling ear to ear habang sinasabi iyon. Isang biro. Yan ang tingin nya sa akin. Isang biro.
Tumango ako at tipid din na ngumiti, "Sorry."
Nanatili kami sa katahimikan ni Deuce. I wonder what is he thinking. Nakatingin lang sya sa palad nya at ako naman, pasulyap sulyap sa kanya.
"Do you like Martin?" Sa isang iglap tanong ni Deuce.
Tumayo ako at nagsimulang kunin ang mga libro ko, "No personal questions, right?" Sabi ko sa kanya pagkatapos kong maisaoli ang mga libro ko sa bag. "Inaantok na ako." Sambit ko at nagtungo na sa silid ni Deuce nang hindi na inintay kung may sasabihin pa sya.
Will it matter to him kung may magustuhan akong iba? Katulong ang trato nya sa akin.
Nagtungo ako sa banyo para magshower ng mabilisan bago matulog. Napadako ang tingin ko kay Deuce na nakaupo sa gilid ng kanyang kama at nakatingin sa akin. His stares are so deep. Nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Nagtungo ako doon sa higaan ko at kunyari inablang icheck ang cellphone ko para sa mga texts.
Naramdaman ko ang paglubog ng gilid ng kama ko. Umupo si Deuce doon.
"Galit ka sakin?" Malumanay na tanong ni Deuce.
Umiling ako but he just sighed.
"May pasalubong ako sayo." Sambit nya pagkatapos ay yumuko sya at may kinuha sa gilid ng kanyang kama, inilahad nya sa harap ko ang isang slice ng cake mula sa paborito kong bakeshop, mango cake. Nakangiti nyang binuksan ang transparent box at nagtusok ng tinidor, itinipat nya sa bibig ko ang kinuha nya pero umiling ako bilang pagtanggi.
"Nagtoothbrush na ako." Sagot ko. Nawala ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ng pagsimangot.
"Eh di magtoothbrush ka ulit!" Parang batang pagrarason nya.
"Inaantok na ako eh." Nagkibit balikat ako pagkatapos ay humiga na. Pabagsak nyang binalik ang plastic fork doon sa lalagyanan at sinarhan iyon, nakita ko pang nilagay nya iyon sa side table.
"You are so annoying." Sambit nya. Nagpanggap ako na walang naririnig at pumikit na lang.
"You are such a brat. Kapag nagagalit ka sa akin, hindi ka magsasalita. Alam kong nakakainis ako, iniinis talaga kita kasi gusto kong magsalita ka. I want to hear you, Rae. Bakit hindi mo sabihin kapag naiinis ka sa akin? Kung nagseselos ka?" Litanya nya dahilan kung bakit ako napabangon. Kumuyom ang mga palad ko.
"Pag sinabi ko bang nagseselos ako, may magbabago ba?" May kalakip na hinanakit na sabi ko, mabilis na nag-ulap ang mga mata ko. Napaawang ang labi ni Deuce dahil sa sinabi ko.
"Ayaw mong mahalin kita. Pinapirma mo ako hindi ba? Mabuti yon dahil kung hindi mo yon binanggit sa akin, magseselos ako ng husto, masasaktan ako na parang babaeng mayroong karapatan kahit wala naman, hahanap ako ng dahilan para lang mahawakan ka kahit na nandidiri ka, marahil magsasamantala ako.... Gusto kong gawin ang lahat lahat kagaya ng dati, Deuce pero pinipigilan ko." Kalmadong sabi ko kahit unti-unting pinupunit ang puso ko.
"Gusto ulit kitang maramadaman pero tinitiis ko. Hindi ka na kasi akin. Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano ka magmahal ng iba, at kahit ang sakit sakit na, pinapakinggan kita kung paano mo ituring ang iba ng may pagpapahalaga! Dati ako yon eh. Ako yon Deuce, ako lang." I broke down. I covered my face with both of my hands, habang nanginginig ang dalawang balikat ko. My voice almost roared, nag-uunahan ang mga salitang gusto kong sabihin kaya naging pag-iyak na lang.
Nilagay ko sa iyak ang lahat ng kinikipkip ko ng ilang buwan simula nang magkita kami ni Deuce.
I cried like a wounded tiger. Ilang ulit ko na bang pinilit na magpakatatag? Maraming beses na. Dahil pinili kong manatili sa kanyang tabi dahil higit sa sakit, mas matimbang pa din ang pagmamahal at ang kagustuhang makasama sya.
May mga pagmamahal talagang nakakasakit but he is the pain I choose to endure. Sya ang sakit na pipiliin ko danasin. I can love him even I am already shattered, even what's left are just the fragments of myself. Kahit pira-piraso na kayang kaya ko syang mahalin ng walang pagdududa.
Tuwing tinitingnan ko sya, naalala ko ang taong minahal ako ng buo. Ang taong ayaw na makitang nasasaktan ako. Ang taong AKO ang kauna-unahang minahal. Higit pa sa lahat ng yon, alam kong sya ang aking una at huli. Kahit humaba pa ang buhay ko at madugtungan pa, sya lang at wala ng iba pa.
Nangyayari talaga na kahit napakasaya nyo noon, magkakasakitan kayo. Because love is not love if it's not painful. Magkasama silang dalawa. The person you love will always have the ability to hurt you, wala ng iba pa. Nasaktan ko sya noon at nagawa nya akong saktan ngayon. That's how it is.
"Gusto mo ulit akong maramdaman?" Deuce coldly asked. Nag-angat sya ng tingin at nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Sunod sunod din ang pagpatak ng luha nya.
"Then, Touch. Me. Again."
He grabbed me by the waist and pulled me closer. Parehas nabasa ang mga mukha namin ng kani-kaniyang luha habang naghahati kami sa isang halik.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro