Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 26




Nag-alala.

xxDeucexx

Nanginginig ang kamay ko habang ipinapasok ko sa loob ng sasakyan si Raeven, basang basa sya. She's half awake at hindi ko tiyak kung naririnig ba nya ako.

Paulit ulit kong tinatawag ang pangalan nya. Kinabitan ko sya ng seatbelts at dinala sa pinakamalapit na ospital.

"Doctor Martin Fonacier, Hematologist."

Nagulat pa ako ng bumungad sa akin ang kasa-kasama noon ni Raeven noong day-off nya.

"Anong nangyari kay Raeven?" Nakatingin sya kay Raeven habang inihihiga ko sa stretcher.

"Wala bang babaeng doktor?" Sabi ko imbes na sumagot sa kanyang tanong.

"Mapili ka pa, emergency case na nga si Raeven." Tumawa sya ng nanunuya.

"I have the right to choose dahil magbabayad ako."

"Whoever you will choose will still call me, Attorney Montemayor. I am her doctor." Kalmadong sabi pa nito sa akin.

"Hindi nya kailangan ng espesyalista dahil nilalagnat lang sya."

"Family doctor din ako, but if you are not that confident, I will call Doctora Josefina Palma so she could check. Jona, paki-page nga si Doctora Palma, emergency case Raeven Mendoza."

Pagkasabi non ay umalis si Martin sa kinaroroonan ni Raeven. Wala akong pakialam.

Tiningnan ko si Raeven at mahigpit na hinawakan ang kamay nya.

Kasalanan ko. Alam na alam kong kasalanan ako.

Kanina ko pa napansin na masama ang lagay nya but I chose to be insensitive.

Kung bakit kasi pagdating sa kanya awtomatiko ang pagiging defensive ko. Ayokong makita nya na concerned ako.

I guarded myself up, wala akong hinahayaang pumasok lalong lalo na sya. Ang babaeng sinaktan ako ng husto.

She broke me. Hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy noong umalis sya. Wala tuloy akong choice kundi mamanhid na lang sa lahat ng mga bagay na may kinalaman sya. Ni hindi ko na nga matandaan kung bakit nya piniling iwanan ako at wala na akong pakialam doon.

Kawalan ng interes. Dumating ako sa puntong yon.

It won't matter now, she left and that's it, sinaktan nya ako at sya lang ang may kapasidad na gawin yon paulit ulit lalo na kung hahayaan ko kaya ako naging ganito.

"Uhmm.." Umungol si Raeven.

Napatayo ako ng lumapit sa kanya ang doktora na kaibigan nya, si Phen. Tumango sya sa akin at agad na chineck ang vital signs ni Raeven.

"High Fever. Yuan did you get a blood sample?"

Lumapit ang isang nurse sa kanya at tumango.

"Early signs of dengue?" Tanong ni Phen sa Nurse.

"Nagative Doc."

"Platelet count?" Sumunod na tanong nito.

"In one hour Doc.."

"Make it Thirty. Tawagan mo ang Medtech. Sinong naka-assign?" Iritadong tanong nito.

"Si Alvin po Doc."

"Naku sabihin mong dugo yon ng girlfriend ni Doc Martin, lagot sya sa amo nya kapag nagmabagal sya."

Pumihit si Phen at naghanap muli ng nurse.

"Sarah, kabitan ng IV. Attorney?" Napaayos naman ako bigla ng tayo ng lingunin nya ako.

"Kalma." Ngumiti sa akin si Phen. Kinapa ko ang mukha ko. Mukha ba akong nag-aaalala?

"She's just stressed. Baka hindi na sanay pumasok sa school, kumulot ang brain nya kaya nilagnat." Pagbibiro ni Phen. I didn't get the humor in it pero ang tumatak sa akin ay yung salitang 'stressed'.

Malamang isa ako sa dahilan.

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang maamong mukha ni Raeven. Pinahirapan ko sya ng husto. Siguro napapagod na sya kakaasikaso sa akin at sa pagpasok sa eskwela.

Pakawalan ko na kaya sya?

Kaya lang panigurado naman na magtatrabaho pa din sya dahil kakailanganin nya ng pambaon.

At saka kung uuwi sya sa kanila, mas lalayo sya sa school nya. Eh di mapapagod din sya sa byahe.

Isa pa, hindi sya lalo makakakain sa oras dahil sa mahabang byahe.

Argh! Deuce, decide now! Patuloy mo lang syang papasakitan kung mananatili sya sayo.

Pero hindi ko sya mababantayan kung hindi sya mananatili sa akin.

Sabagay, bakit ko sya babantayan? Guardian nya ba ako?

Sht, oo nga pala!

Hindi ko namalayan na nakatulog ako na nakaupo sa gilid ng kama ni Raeven.  Hindi ko tiyak kung anong oras na nung magsimula syang kumilos.

"D-deuce?"

Napatayo ako bigla at lumapit kay Raeven.

"M-may gusto ka ba? May masakit?" Sunod sunod na tanong ko. Maputla pa din sya pero nakahinga ako ng maluwag ng nakapagsalita na sya.

"Si Martin?" Agad na tanong sa akin ni Raeven, napaawang ang labi ko. May konting konting inis ang dumaplis sa akin. Konti lang naman at dahil napagtanto ko na isa ako sa nagpapastress kay Raeven, nagtimpi ako.

"Si Phen ang tumingin sayo.." Sagot ko.

"Hindi ba nila tinawagan si Martin? Sya ang doktor ko.. Pwede ko ba syang tawagan?"

Nagtiim bagang ako. Aanhin nya pa ang Martin na yon kung nandito naman ako? Tiningnan ko ng ilang saglit si Raeven bago kumilos pero wala na syang sinabi na kasunod. Gusto nya talagang makausap ang Martin na yon.

Lumabas ako at tumawag ng nurse para ipatawag si Martin. Wala pang dalawang minuto, nasa harap na ng pinto ng kwarto ni Raeven si Martin. Pumasok din ako kasunod nya. Nakatingin lang si Raeven kay Martin at ganoon din si Martin. Para silang nag-uusap sa tingin.

Pumagitna ako para maputol ang titigan nila.

"Attorney, pwede mo ba kaming iwan?" Sambit ni Raeven pero kay Martin sya nakatingin.

Nawala ako sa sarili ng sabihin ni Raeven yon pero dahil ayaw kong mapahiya, iniwanan ko sila kahit nagngingitngit ako sa inis.

---

xxRaevenxx

Mataman akong tiningnan ni Martin. Hindi ko din inalis ang tingin sa kanya. Masyado akong nanghihina para makipagsagutan sa kanya pero nanunuot sa buto ang mga tingin nya.

"Nagsinungaling ka." Dismayadong sabi sa akin ni Martin. Kumuyom ang kamao nya at inis na lumapit sa akin.

"Hindi ka nagpakonsulta kay Dra. Caedo." Akusa nya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.

"Suspected pa lang hindi ba?" Nakayukong sabi ko.

"Raeven, stage 1. You have stage 1 symptoms of Leukemia. Your anemia worsened. You should consult an oncologist bago lumala."

Nanlamig ang mga kamay ko.

Anemia. Yan ang sakit na binalewala ko. Noong nagtatrabaho pa ako kay Martin, binibigyan nya ako ng gamot at noong umalis kaming Tagaytay, ibinilin nya ako sa kaibigan nyang Doktor para matingnan, hindi ko iyon ginawa dahil sa dami ng inasikaso ko.

"A-alam ba nila?"

Umiling si Martin sa tanong ko. Nakahinga ako ng maluwag.

"Raeven, you need to have medications."

Pinalis ko ang luha ko, wala nga akong sariling pera para ipagamot si Ysobelle, magpapagamot pa ba ako?

"Kung mamamatay eh di mamamatay." Ngumiti ako ng mapait. "Yung mama ko namatay din sa cancer."

"Sa tingin mo hahayaan ko? Simula pa lang ng laban Raeven, lumaban ka naman. Para kay Ysobelle, kailangan ka din ng kapatid mo." Pangungumbinse sa akin ni Martin.

Lumapit sa akin si Martin at tiningnan nya ako ng mataman habang nakahalukipkip. Pagod ang kanyang mga mata pero puno ng pag-asa.

Napailing ako, "It sucks right. Naulila na nga kami, pinamanahan pa ng sakit."

Hindi ko maiwasan ang sunod sunod na pagluha. Agad na dinaluhan ako ni Martin at ikinulong ako sa yakap nya.

Ayoko mang sisihin si Mama at Papa sa buhay na nagkaroon kami ni Ysobelle pero hindi ko maiwasang magalit sa takbo ng buhay namin. Iniwan kami na parehas na may sakit.

"Gagawa tayo ng paraan. Ipapagamot kita. Ssssh..." Pagpapanatag sa akin ni Martin. Kumapit ako sa bewang nya para doon kumuha ng lakas.

"Tanggap ko kung hanggang saan.. Pero si Ysobelle.." Humikbi ako.

"Kaya nga, hindi ka pa pwedeng mamamatay. Si Ysobelle kailangan ng pamilya."

"Wag mong sasabihin sa kanila.." Bulong ko kay Martin. Naramdaman ko ang pagtango nya habang hinahagod ang buhok ko.

Sa totoo lang nakaramdam ako ng takot. Kung masakit maiwanan, doble ang sakit sa taong mangiiwan. You may wreck people, you may bring with you their will to move on. Hindi lang ikaw ang aalis, bitbit mo din ang pangarap na binuo nila kasama ka.

I wish I can have Ysobelle's positive outlook when it comes to life. Sana ganon. Sana kaya kong maging masaya sa mga natitirang sandali. That I can move forward with uncertainty.

Because uncertainty is not a choice. Life will give you uncertainties so you can determine your purpose, to stop procrastination, to endure, to inspire and to give your whole being to the people you love because our life is not ours.

May pumatak na luha sa akin. Kailangan kong pumili ng isa, ang maging duwag o maging matapang, ang maging malungkot o masaya.

"Tulungan mo ako, Martin.." Wika ko. I need to function, I cannot accept defeat without fighting.

"Kahit hindi mo sabihin, Raeven. Nandito ako para sayo."

Nasa ganoon kaming ayos ng pumasok si Deuce sa silid ko. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko.

"What the fck? Bakit mo sya yakap? Bawal yan di ba?" Nakalapit agad si Deuce kay Martin at inilayo nya sa akin. Nagtiim bagang si Martin at halatang nagpipigil ng inis.

"Nagseselos ka naman agad." Pilit kong pinanormal ang boses ko at ngumiti kay Deuce. Lumikot ang mga mata nya at binitiwan si Martin.

"H-hindi ah!" Tanggi nya. Napangiti ako.

Para syang bata, gusto ko pang mawala ang galit nya sa akin bago ako mamatay. Alam ko at ramdam kong may galit pa din sya sa puso nya at gusto kong bumalik sya sa dating sya. Those times when he's expressive and free to love.

"Nagugutom ako, Attorney."

"Magpapadala ako dito ng customized meal, Raeven." Singit naman ni Martin.

"Attorney ka ba? Di ba Attorney nga daw? Ako ang bibili ng pagkain."

Napabuga ng hangin si Martin at tiningnan si Deuce, "Just make sure you will include organic red meat and leafy vegetables in her diet. Raeven, una na ako. Mag-usap tayo bukas.." Tumalikod na si Martin at lumabas ng kwarto ko. Sumimangot si Deuce habang nakatanaw sa may pinto.

"Aist, bakit pa kayo mag-uusap bukas?" Hindi nya sa akin direktang tinanong yon dahil nakatingin pa din sya sa may pintuan.

"Si Martin ang doktor ko, A-anemic kasi ako..." Pagsisinungaling ko.

"Ganoon ba? Wag ka kasing nagpupuyat. Tsk. Sige antayin mo ako dyan."

Napabuntong hininga ako ng umalis si Deuce. Pumikit ako dahil ramdam kong hindi pa nakakabawi ang katawan ko. Mabuti na lang at wala akong klase bukas.

Dumating si Deuce at sya mismo ang nagpakain sa akin. Ang sarap sa pakiramdam ng inaalagaan nya ako, pakiramdam ko nagiging maayos ang lahat kahit malayo sa pagiging maayos.

Pinagpahinga ko si Deuce sa may sofa na katabi ng kama ko pagkatapos kong kumain. Hindi pa ako inaantok dahil nakatulog naman ako ng mahaba, hindi kagaya nya.

Maliwanag na sa labas, gising pa din ako. Mahihinang katok ang pumukaw sa akin at nakita kong sumilip doon si Phen sa may pinto. Napangiti ako. Tumingin sya kay Deuce na natutulog at tahimik na humakbang.

"Ay pahinging kanin, may nakahiga palang ulam dito.." Bulong sa akin ni Phen habang iningunguso si Deuce.

Mahina akong natawa.

"Kamusta ka na beh? Anong eksena mong hima-himatayan? Akala ko may Dengue ka kasi ang putla mo kagabi. Hindi ko naman nakita ang CBC mo, sabi ni Papa Doc maayos ka naman daw. In fairlaloo hindi umuwi ang lolo mo. Doon sa clinic nya natulog. Tatabihan ko nga sana kaso nag-lock."

Ngumiti ako kay Phen, "Maayos na ang pakiramdam ko. Salamat."

"Ang ganda mo talaga beh! Dala-dalawa ang yummy na nag-aaalala sayo. Yang isang yan halos patayin kami sa titig kapag walang nag-aasikaso sayo. Eh alangan naman ulit ulitin ko ang procedures ko kagabi para lang makita nyang ina-attend kita!"

"G-ganoon ba? Pagpaensyahan nyo na sya ha. Mabait naman yan. Bossy lang talaga."

"Okay lang, kinilig nga ako eh. Well, hindi ka pa pwede idischarge hangga't hindi ka nakakausap ni Doc Martin. Isa pa yon, ang OA! Ito na pala ang gamot mo Beh, special delivery." Inabot sa akin ni Phen ang lalagyanan ng dalawang capsule at isang bottled water. Ininom ko yon.

"Uuwi na ako. Si Baby Ysobelle walang kasama. Naghahanap na din kami ng apartment na malapit dito. Na-assign kasi ako dito dahil alam mo na, yung kaso sa akin." Pag-papaalam ni Phen.

"Natawagan mo ba si Ysobelle kagabi? Baka nag-alala sa akin dahil hindi ko sya natext."

"Tinext ko na, sabi ko magkasama tayo. Okay na yun. Problematic yang sisterette mo beh! Magkaaway sila ni Tres at this time, seryoso na. Isang bwan ng missing in action."

Nabanggit sa akin yon ni Ysobelle. Sinabihan ko syang wag umiyak kaya lang wala naman syang pwedeng gawin kundi ang umiyak nung sandaling yon. Ang pag-iyak kasi ang pinakamadaling paraan para ihinga ang nararamdaman.

Agad na bumili si Deuce ng pagkain ko pagkagising nya. Nangangalumata pa sya at mukhang wala pa sa wisyo. Pagbalik nya, pumasok din sa Martin sa kwarto ko para magbigay ng reseta.

"Pupwede ka ng umuwi, Raeven. Ito ang mga gamot mo. I will call you to remind you about this.." Inabot ni Martin ang napakaraming gamot. "After 3 days I will check on you."

"After 3 days? Bakit ganoon kabilis? Saka bakit ikaw?" Protesta ni Deuce.

"Anemic si Raeven--"

"Attorney.. Si Martin ang pinagkakatiwalaan ko." Putol ko sa nagsisimula na namang bangayan sa pagitan nila.

Tumahimik si Deuce at nagkuyom ng palad.

Hanggang sa madischarge ako sa ospital, nanatiling tahimik si Deuce. Mukhang hindi nya matanggap na si Martin ang doktor ko.

"Galit ka?" Tanong ko kay Deuce habang naglalakad kami sa lobby ng pad nya.

Umiling sya.

"Galit ka eh." Ngumuso ako at pinauna sya sa paglalakad.

Napahinto din sa paghakbang si Deuce, mabilis na nagtaas baba ang balikat nya na parang nahihirapang huminga.

Binalikan ako ni Deuce at hinila sa kamay kaya hawak kamay kami habang naglalakad kami papasok ng pad nya.

Binagsak nya ang gamit ko sa sahig pagkapasok namin at nagulat ako sa sumunod nyang ginawa. Mahigpit nya akong niyakap at sumiksik sa leeg ko.

"D-deuce..." Untag ko pero parang mas lalong humigpit ang yakap nya na tila naghahanap ng kalinga.

"Nag-alala ako. Im sorry, Rae.." Bulong nya sa nanghihinang boses.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro