Kabanata 24
Kinalimutan.
xxRaevenxx
"What the F just happened?!" Nagsusumigaw si Deuce pagkakita nya sa akin ngayong umaga.
We both woke up naked, ang pinagkaiba lang, may naaalala ako at sya ay wala.
"D-Deuce--"
Pumikit si Deuce na parang nagpipigil ng inis.
"Attorney! Call me Attorney."
"Attorney, may nangyari sa atin." Hayag ko. Pinalakihan naman ng mata si Deuce at mabilis na umiling iling.
Kitang kita mo sa mukha nya ang anyo ng napagsamantalahan at nadungisan ang puri.
"D-did you just--- Did you just rape me?!" Sigaw nya. Hinila nya ang kumot mula sa akin kaya ako naman ang nawalan ng takip.
Hinila ko din ang kumot kaya sya naman ang nawalan ng takip.
"Ano ba?!" Halos mapatalon ako sa pagsigaw nya.
"Tinatanggalan mo kasi ako ng kumot.." Nakayukong sabi ko.
"At ako? Ayos lang na walang takip?"
Ngumuso ako sa kanyang sinabi at tiningnan ang palad kong magkadaop. Nakita ko naman na ang lahat.
"May nangyari na naman sa atin so--"
"Don't you dare say that! Paano nangyari yon? I was mad at you! Paanong--- paanong may nangyari.."
"Ginapang mo ako, Attorney.." Namula ng husto ang pisngi ko. Nakakahiya ang usapan namin.
"Hah! Maganda ka? Sexy? Yuck."
Sumimangot ako agad. "Sabi mo kagabi maganda ako. Magandang maganda."
"Ha.. Malamang nagsasalita ako ng tulog." Umirap pa sya sa akin.. "At ikaw, gumawa ka ng paraan para gapangin ako."
"B-bakit ako?"
"Ewan ko! Matagal mo na akong pinagnanasaan di ba?"
"Hala---" Sabi nya ng may pagpoprotesta.
"Wag ka ng magsasalita. Naiinis ako!" Tumigil na nga ako sa pagsasalita.
"Pahiram ng kumot, magbibihis ako." Bahagya kong hinila ang kumot pero mahigpit ang kapit ni Deuce.
"At anong ipantatakip ko ng ano ko?"
"Kamay?" Sagot ko naman.
"Hindi kasya!" Reklamo nya.
Tumingin ako doon sa baba nya na natatakpan ng kumot. Ah baka hindi talaga kasya kasi---
"Hoy! Ano bang tinitingnan mo dyan?" Iritableng tanong nya.
"Pipikit na lang ako." Suhestyon ko.
"Tss." Kumuha sya ng unan at itinakip doon sa bahagi nya. "Dapat ako ang maunang maligo pero sige na. Pagkatapos natin maligo mag-uusap tayo."
"S-sabay tayo?"
Pinanlakihan si Deuce ng mata dahil sa tanong ko "Hindi! Bakit ganyan ka mag-isip! Tigilan mo ako Raeven."
Nagtungo na ako sa bathroom habang takip takip ng kumot. Baka magalit sya bigla.
----
xxDeucexx
Kingina, this can't be real. Pero may dugo ang bedsheet. She can't stay pure for so long lalo na't may boyfriend na sya.
O baka hindi naman to dugo.
Pinipikot ako ni Raeven. Tama, pinipikot nya ako!
Tsk, mayroon na ngang doktor, gusto pa din ako.
Bakit ba hindi ko maalala?
Tandang tanda ko pa nung patayin ko ang TV para matulog, pero hindi ko maalala ang lumapit ako kay Raeven at pinagsamantalahan nya ako.
Kung sana hindi ako uminom ng sobra hindi nya makukuha ang katawan ko.
Naman oh!
Paano kung makabuntis ako?
Sht! Ang galing galing kong mag-ingat, ngayon pa pumalya.
Bumangon ako habang nasa bathroom si Raeven. Kukuha sana ako ng towel ng biglang lumabas si Raeven doon sa may pinto.
"What the fck!" Hindi ko alam kung paano ako magtatakip ng katawan.
"W-wala akong towel.." Nakatitig sya doon mismo!
Ang twalya na para sana sa akin ay iniabot ko na sa kanya.
"Ano?" Asik ko ng hindi pa din nya sinasarhan ang pinto.
"Yung ano mo tinuturo ako. Galit ata sa akin." Mahina ang pagkakasabi nya noon pero klarong klaro sa pandinig ko.
Uminit ng husto ang pisngi ko.
"Close the door! Goodness! what's happening? Panaginip ba to?!" Sigaw ko. Nakita ko pang ngumiti si Raeven at dali daling sinarhan ang pinto.
I am proud of my body, I was never ashamed of my body, ngayon lang! Nakakairita! Bakit naman ako mahihiya sa kanya? Sigurado akong hindi naman sya sexy! I never looked at her the sexual way dahil hindi naman sya sexy. Kaya naman ang nangyari kagabi ay talagang nakakapagtaka.
Hindi ako diretsong makatingin sa kanya lalo na ng makalabas na sya ng banyo. Ako ang pumalit. Pumailalim ako sa shower ng sobrang tagal. Nakakainis!
Badtrip!
What is this game she's playing?
Imbes na magbihis ng suit para pumasok sa Lawfirm, nagsuot lang ako ng tshirt at shorts. We need to talk and settle this once and for all.
Naabutan ko si Raeven sa may kusina na nagluluto ng almusal.
"Kain na Attorney." Bumaling sya sa akin at tipid na ngumiti.
Umayos ako ng upo at kumuha ng pagkain. Tiningnan ko sya at hindi sya kumikilos. Nakatayo lang sya doon sa harap ko.
"Sumabay ka na." Sabi ko ng hindi nakatingin.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na umiling sya.
"Ayaw ko ng hotdogs ngayon, Attorney."
Natigil ako sa pagnguya at hinarap sya, "Ayaw mo? Bakit ito ang niluto mo?" Natigilan ako at pinanliitan ng mata si Raeven.."Teka, Wag mo sabihing buntis ka?!"
"Nabubuntis ba agad kapag ganon?" Nakakunot ang noong tanong nya.
"Malay ko! Ikaw ang babae dapat alam mo?"
"Hindi ko alam..." Umiling sya ulit.
"P-pero paano kung--" Kinakabahan ang kanyang mukha.
"Don't say bad words!" Awat ko ulit sa gusto nyang sabihin. Langya ayoko ng marinig! Of course I know that sperm can impregnate within 24 hours pero hindi ko na alam ang detalye kung kailan ba yon malalaman. Baka naglilihi na ang isang ito ng hindi ko alam!
Huminto ako sa pagkain at sinenyasan si Raeven na umupo sa harapan ko.
"Upo."
Sumunod naman agad sya.
"Una, ayokong may makakaalam nito.. Maliwanag?"
Tumango si Raeven.
"Pangalawa, why do you still have blood? The fck Rae! It's really creepy!"
"Malay ko, Attorney. Hindi ba yon normal?" Inosenteng tanong nya sa akin. Napakamot ako ng batok.
"Rae, don't tell me hindi nyo ginagawa ni Martin yon?"
"Paano mo nakilala si Martin?" Nagtataka ang kanyang mga mata.
"That's out of the question." Umiwas ako ng tingin.
"Hindi namin ginagawa yon ni Martin... Bakit naman namin yon gagawin? Hindi naman sya lumalapit sa akin ng lasing."
Fck so I just got her virginity.
"Anong base na ba kayo?" Sumunod na tanong ko. It must be somewhere there right? Siguro hindi pa homerun but somewhere near there.
"Base?" Kumurap kurap si Raeven na parang wala talaga syang ideya.
"Base. Anything from waist up, first base.. Oh nevermind! Ano bang nangyari kagabi?"
"Ikukwento ko?" Paniniyak nya.
"Oo."
"Detailed?"
"Oo.."
"Okay... Natutulog na ako tapos nakaramdam ako ng kamay sa boobs ko in a massaging motion tapos sabi mo 'Raeven..' Magsasalita sana ako pero nilagay mo ang lips mo sa lips ko. Tapos inangat mo ang blouse ko.. Tapos hinalikan mo ang boobs ko, masakit pero umungol ka kaya hindi na ako nagsalita. Yung kamay mo nilagay mo sa puson ko tapos bumaba doon sa loob ng panty ko tapos tinusok mo---"
"Enough! Sabi ko detailed hindi narration! Pucha hindi pa din ako makapaniwala!" Sambit ko. Napayuko naman si Raeven at kinutkot ang placemat sa kanyang harapan. Nakaramdam naman ako ng awa dahil mukhang pagod nga ang kanyang mukha.
"Masakit pa ba?"
Tumango sya.
Lumapit ako sa kanya at kinarga ko sya. Alam kong mahihirapan syang maglakad. I positioned her in my bed at naglagay ako ng unan sa kanyang balakang.
"Don't move alot. Understand?"
"Yes, Attorney."
Lumabas ako para maghanda ng almusal para kay Raeven. Kailangan nyang kumain bago ko sya bigyan ng Ibuprofen.
Bakit ba hindi na lang sya tumanggi kagabi? Eh di sana hindi sya nasaktan.
I brought her breakfast in bed, pancakes and fruits. Kinuha ko din ang bedsheet na mayroong mantsa at nilabhan ko agad.
Binalikan ko sya pagkatapos icheck kung kumain ba sya ng maayos.
"What's the deal?" Umupo ako sa gilid ng kama. Lumingon si Raeven sa akin at kinunutan ako ng noo.
"Anong deal?"
"A-anong kapalit?"
Bumakas naman ang sakit sa kanyang mukha.
"W-wala." She said. "Kagabi tinanong mo ako kung sayo lang ba ako sinabi kong OO, hindi ko alam na hindi mo matatandaan." Humikbi sya kaya nataranta ako.
Tsk, ano ba Deuce! Be gentle with your words. Babae yan!
"H-hindi naman sa ganon. Okay, Im sorry. Wala talaga kong matandaan. Hindi na mauulit."
"Talaga! Talagang hindi na. Ang sakit kaya.." Lumabi sya at tumingin aa ibang direksyon.
"I-- I will just enroll you to school.. Alam kong hindi mapagtatakpan ang ginawa ko but just let me help you. Kahit sa maliit na paraan lang."
"Parang D.O.M ganon? Pag-aaralin mo ako kapalit ng puri ko?" Diretsang tanong nya.
"Raeven, hindi na nga yon mauulit. Saka anong D.O.M ka dyan. Im young and hot! Dapat nga ipagpasalamat mo na ako--"
"Aw!" Kinurot ako ng madiin ni Raeven sa pisngi.
"Wag ka na ulit iinom." Pinalis nya ang luha nya at ngumiti sa akin. "Kakalimutan ko na, Attorney."
Tumango ako, kung kakalimutan nya na...
Sana naman maalala ko hindi ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro