Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 23





I Give In.

xxRAEVENxx

"Beh! May bisita kang gwapo!" Nagsusumigaw si Phen doon sa salas. Abala ako sa pag-aayos ng cabinet ni Ysobelle habang natutulog pa sya.

"Raeven!" Sigaw muli ni Phen.

Lumabas ako at kamuntikan ng mapaatras ng makita si Martin na nakaupo doon sa salas. Nakangiti sya agad paglabas ko.

He's wearing a blue polo and black straight cut jeans. Kaswal na kaswal sya at isa ito sa pinakapaborito ko. Hindi sya kagaya ng dati na laging seryoso.

"M-martin.." I smiled automatically kahit hindi ko alam kung anong ginagawa nya dito.

"Hi Rae! Namiss kita ah!" He said it like it was the normal thing to say. I felt my cheeks blushed kaya yumuko ako para hindi nya mahalata.

"Alam mo ba? Dito na naka-assign yan si Doc! Matutupad na ang pangarap mong lovestory!" Humahalakhak na sambit ni Phen. Sumimangot ako sa kanya at binalikan ng tingin si Martin.

Napakamot sya ng batok na parang nahihiya.

"Mas madalas na kitang makakasama." He said sweetly.

"Yieee!!" Agad naman na tumili si Phen na parang kilig na kilig. Sinenyasan ko sya na wag maingay kung hindi ay mas lalong mahihiya si Martin.

"Aayain sana kitang lumabas para makapagkwentuhan naman tayo."

"Naku, walang trabaho yan ngayon, tamang tama!" Segunda naman ni Phen.


"Sige. Maghahanda lang ako.." Tumalikod na ako at nagmadaling maghanap ng susuotin. Isang maong jumpsuit ang napili ko. Hindi na ako nag-abala pang magmakeup o kung ano. Lumabas lang ako pagkatapos magsuklay.


"Tara?" I asked.

Martin gave me an approving look, nauna akong magmartsa sa labas at nakasunod sya sa akin.

"Mas lalo kang gumanda nung nandito ka." Narinig kong sabi ni Martin kaya lumingon ako sa kanya at binigyan sya ng ngiti.

Inalalayan pa nya akong makasakay sa sasakyan pagkatapos ay nagmaneho na sya patungo sa isang sikat na mall sa Makati.

He did not ask what I wanted to do. Martin knows what I like to do.

Naupo kaming magkaharap sa isang coffee shop at walang nagpapaunang magsalita. I enjoyed sniffing the coffee aroma around the place and my nose welcomed the sweet smell of the pastries entricately displayed at the counter.

"Sabi ni Phen, may trabaho ka daw at stay in ka?" Binaba ni Martin ang kanyang tasa pagkatapos sumimsim doon.

Ngumiti ako at tumango.

"At... doon sa ex mo." Diretsahan nyang sabi. He  then sighed.

Mabuti kong tiningnan si Martin. Malungkot ang malamlam nyang mata, pati ang makakapal nyang kilay ay naka-arko din. Malaki din ang pinagbago nya, mas lumaki ang pangangatawan nya at binago nya ang ayos ng buhok, hindi na ito kasing pormal ng dati, mas magulo na ito ng kaunti na mas nagpaangat ng gwapo nyang mukha, he literally looks young, younger than before.

Kilala nya si Deuce sa pangalan. Nabanggit ko na sa kanya noon kung bakit ko sya kinailangang iwan. He may be worried about me.

"Ayos lang ako." Pagpapanatag ko sa kanya.

"Ako hindi.. You know that I like you Rae, and I will do something about it." Sumandal sya sa couch at ako naman ang napabuga ng hangin.

"Martin.. Kailangan kong gawin to para kay Phen."

"Yun lang ba?" Tanong nya at tinaasan ako ng kilay. Paulit ulit nyang kinagat ang sadyang mapupula nyang labi at pailalim akong tiningnan.

Matalino si Martin. He knows everything. Kung mayroon mang nakakakilala sa buong pagkatao ko, sya yon. Hindi ko alam kung may ganon ba talaga syang katangian o partikular lang sa akin ang pagiging mapanuri nya.

"O-of course.. Deuce has a girlfriend.. Hindi ko na mababago yon."

"Mababago pa, depende sayo." inilapit sa akin ni Martin ang kanyang mukha, hinaplos nya ang pisngi ko, I didn't even flinched. I am too comfortable with him, siguro dahil wala akong naiisip na malisya. Mas napapatalon pa nga ako kapag si Deuce ang kaharap ko.

Dumating na ang aming pagkain at madami pa kaming napag-usapan. Nabanggit nya ang dahilan kung bakit sya lumipat ng Maynila, apparently mag-aaral sa Amerika ang pinsan nya at inilipat sa kanya ang pangangalaga sa clinic nito pati na din ang mga pasyente.

"I'll just go to the restroom." Pagpapaalam ni Martin sa gitna ng pag-uusap namin: Tumango naman ako at inabala ang sarili sa pagbabasa ng magazine nasa harapan ko. Martin took longer than usual. Sinilip ko ang cellphone ko para tingnan kung may mensahe sya pero wala naman.

Pagbalik ni Martin, hinawakan nya ang kamay ko at hinila kung saan.

"Gusto mo bang manood ng movie?" Huminto kami sa tapat ng cinema. Tumingin ako sa orasan ko at napansing alas kwatro na pala ng hapon.

"Baka hindi na, kailangan ko na ding bumalik, nangako ako kay Deuce na babalik ako ngayon."

"Wala naman sya sa bahay nya ngayon eh." Sabi ni Martin. Nagtataka ko syang tiningnan pero hinawakan nya ako sa siko at iginiya na patungo doon sa parking lot.

Ang weird ni Martin.

"Let's drive around? Namimiss ko ng makipagkwentuhan sayo." Ani Martin habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kanyang sasakyan.

Bahagya akong tumawa, "Nagkukwentuhan naman tayo ah."

"Yung tayong dalawa lang." May pagdidiin nyang sabi at bahagya pang malakas iyon kaysa sa normal.

"Tayong dalawa lang naman." Sabi ko pagkasakay ni Martin sa kanyang sasakyan.

Umiling lang si Martin at ngumisi sa akin. He has something on his mind, hindi ko naman maintindihan kung ano.

"Ano palang clause ng kasunduan nyo ni Attorney Montemayor?" Tanong ni Martin habang nagmamaneho. Binabaybay na namin ang balik ng pad ni Deuce, walang kung anong pagmamadali kay Martin, inintindi ko na lang dahil baka namimiss nyang makipagkwentuhan sa akin.

"Clause? I will work for him kapalit ng pag-atras ng kaso laban kay Phen."

"What's your way out?" Kaswal nyang tanong.

"Magbayad ng isang milyon."

"I will transfer money in his account--"

"Martin." Awat ko sa kanya. "Kaya ko to."

Nagpreno si Martin sa stoplight at nilingon ako.

"Hindi mo naman kailangang magtiis eh. Raeven, he's just manipulating you. Paano kung gantihan ka nya at masasaktan ka lang?"

"I am guarding myself, Mart. Hindi mo kailangang mag-alala." Paninindigan ko.

"Siguraduhin mo lang, Raeven. Isang tawag lang ako, and you know that. I am willing to rescue you from hell." Seryoso nyang sabi. He manuevered his car at doon ko lang napansin na nasa tapat na kami ng condo ni Deuce.

"Martin.." Hinaplos ko ang braso ni Martin. His breathing is rigid. Parang nagpipigil ng emosyon o pagkainis. Tumingin sya sa akin, mayroon pa ding galit doon sa mata nya, "Okay lang ako. Tatawag ako kung kinakailangan." Masuyo kong sabi.

"Bakit kasi nung may nangyaring masama kay Phen hindi agad ako ang una mong tinawagan." May halong pagtatampo sa boses nya. Napangiti ako.

"Doktor ka, hindi abogado. Sa tingin mo ba ay tatanggap ng bayad mula sayo si Deuce? He values his reputation more than money. Ganon yon. Wag ka ng mag-aalala. I am stronger than you think."

Pinatong ni Martin ang kamay nya sa kamay kong nakalagay sa kanyang braso.

"I will pick you up on Sunday. Labas tayo nila Phen."

Ngumiti ako at tumango.

Lumabas na ako ng sasakyan ni Martin at nagmamadaling nagtungo sa pad ni Deuce. Ang totoo ay nakita ko ang sasakyan ni Deuce na papaakyat din ng parking lot. Kailangan kong mauna sa kanya, di ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kaba.

Halos mapatalon ang puso ko ng makita ko si Deuce na nakaupo sa may sofa, magkadaop ang kanyang palad.

"Nagmamadali ka?" Malamig nyang tanong sa akin.

"A-ah. Hi!" Nakangiti ako sa kanya pero nag-iwas lang sya ng tingin.

"I won't let you go out again!" Sigaw nya sa akin. Napalitan naman ang mukha ko ng pagtataka.

"D-deuce.."

"Attorney! Call me Attorney." Galit nyang sabi. Napayuko ako.

"S-sorry, a-attorney." Halos bulong lang iyon.

"Anong sabi mo?" Nakakatakot ang paraan nya ng pagtatanong, "Anong sabi mo? I can't hear you. Repeat!" Utos nya. Kagaya kung paano nya tratuhin ang mga emplyado nya.

"Sorry, Attorney."

"Good. Ipaghanda mo ako ng pagkain." Malamig nyang utos. Hinubad ko lang ang sapatos ko at nagmamadaling lumapit sa ref para maghanap ng lulutuin. Nakakatakot sya dahil mainit ang ulo nya kaya hindi ko na sya natanong ng gusto nyang pagkain.

Di ko alam kung magugustuhan nya ang hinanda ko. Nagtungo agad ako sa laundry area ni Deuce at doon ako naging abala sa pag-lalaba para makaiwas sa pagsusungit nya.

Hindi ko alam ang oras na ginugol ko doon. Lumabas lang ako ng matapos ko na ang lahat ng labahan. Magtutungo na sana ako sa kwarto para magpahinga ng tawagin ako ni Deuce.

"Hindi ka ba man lang magwawalis? Dalawang araw kang nawala." Hindi ako nakakilos agad. Bakit ang sungit sungit nya bigla sa akin? Nagpaalam naman ako ng maayos sa kanya kahapon.

Kinuha ko ang walis at naglinis doon sa palibot ng pad nya habang mayroon syang hawak na kopita sa kamay at umiinom ng alak. Tutok lang ang mata nya sa soccer game at seryosong nanonood.

"Tapos na, Attorney. May ipag-uutos ka pa?"

Tiningnan nya muna ako bago umiling.

Doon ako nakaramdam ng distansya sa pagitan namin. Kahit hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganyan, sobra sobra ang sakit na idinudulot ng pagiging malamig nya sa akin.

Nakapaghanda na ako sa pagtulog at humiga na doon sa kama ko. Malakas ang tv sa labas kaya naman hindi ako agad makatulog. Wala syang pakialam sa akin, he will do what he wants and he's being a brat again.

Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko. He's so cold and distant. Kung ipagpapatuloy nya ang ganito, mas mahihirapan ako.

Hindi ko namalayan na napapapikit na ako, when I felt a mere fondling in my breast. Napadilat ako bigla at nakita ko si Deuce halos nakapikit na at nakayakap sa akin and he is massaging my breast for crissakes!!

"Deuce!" Untag ko sa kanya. He smelled mint and alcohol. Mukhang madami syang nainom kaya ganito sya kumilos.

"Raeven.." He called my name, mapupungay ang mga mata. Pumaibabaw sya sa akin at ginawaran ako ng halik.

"You are not allowed to go out again." Bulong nya sa tenga ko. Nakakakiliti, nakakapanghina.

The sensation is crazy, parang nababaliw ang pintig ng puso ko na para bang gustong kumawala nito kung mabibigyan ng pagkakataon.

"Deuce.." Mas naging mapanukso ang halik nya hanggang sa bumaba na ito sa aking leeg. I really cannot contain the shallow breathing, kinakapos ako sa paghinga.

"You are mine, Raeven. Bumalik ka kasi akin ka." Puno ng poot ang mga mata nya. He attacked me like a hungry beast with a prey in front of him. Hindi ko alam kung kailan o paano, pero nakataas na ang damit ko.

"You are mine, right?" Pag-uulit nya.

Naramdaman ko ang mainit na luha na kumawala sa mata ko. Hinaplos ko ang mukha nya. Mabilis akong tumango.

Sa kanya, noon hanggang ngayon, sa kanya.

Sumilay ang pag-asa sa kanyang mga mata. Hindi na sya nagsalita. Hinayaan ko ang sarili kong magpadarang ng kusa sa apoy na nararamdaman nya.

That night...

I give in.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro