Kabanata 19
Test.
xxRAEVENxx
"O bakit? May reklamo ka?" Masungit na naman na tanong nya sa akin.
"May katok ka ba?! Paano kung magkapamilya ka na? Nandito pa din ako, ganun ba?"
"Syempre! Ikaw ang magsisilbi sa amin, ikaw ang magluluto, maglilinis ng bahay. Ikaw ang mag-aalaga ng mga magiging anak ko." Inisa-isa nya pa talaga!
"Gawaing housewife naman yon." Bulong ko.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko, isang karangalan ang pagsilbihan ang Montemayor family." Ngumiti ako ng pilit.
"Ha! Talaga! Isang karangalan talaga yon." Buong pagmamayabang nyang sabi.
Ang awkward siguro non, nakatira ako sa iisang bubong kasama ang muntik ko ng mapangasawa at yung magiging asawa nya. Sa dami pa ng mga salita ni Deuce paniguradong masasabi nya sa kanyang asawa na may nakaraan kami, at ano? Mamaltratuhin ako pagkatapos?
Saka mo na isipin yon, Raeven. Ang mahalaga hindi makulong si Phen. Mayroon namang prescription period na sampung taon ang korte, ibig sabihin, pagkatapos ng sampung taon, hindi na nila maaring habulin ng kaso si Phen. At baka pagkalipas ng sampung taon, makaipon si Phen ng isang milyon para tubusin ako kay Deuce.
Walang forever, Attorney Montemayor!
"Babalik na lang ako bukas, dala ang mga gamit ko." Tumayo na ako, nakaramdam na din ng matinding pagkaantok.
Tiyak na babalik din naman si Deuce sa hotel dahil naiwan nya ang girlfriend nya.
"Sumabay ka na sa akin." Tamad nyang sabi, halatang inaantok din dahil mpupungay na ang kanyang mga mata.
"Ah hindi na.."
"Rule Number 3, do as I say."
Tinaasan ko sya ng kilay, sagutin ko kaya sya ulit ng Artikulo ng Civil Code!
"Okay." Yun naman ang nasabi ko.
Mabilis lang ang pagmamaneho nya, nakarating kami agad sa apartment namin, kaya lang alas tres na ng umaga. Hindi ko akalaing inabot kami ng ganon katagal sa pag-uusap.
"This is my keycard." Inabot sa akin ni Deuce ang isang card patungo sa kanyang pad.
"Ang unit number ko--"
"November 8." Sagot ko na hindi na inantay ang kanyang sasabihin. Tandang tanda ko pa kasi ang numerong nakakurba doon sa kanyang pinto.
"H-ha?"
"Yung unit number mo, November 8." Ulit ko.
"1108." Pagtatama nya at nag-iwas ng tingin. Ngumiti ako sa kanya nang mapatingin sya muli sa akin pero lalo lamang sumama ang itsura nya. Sabi na nga ba...
Naaalala nya pa. Birthday ko kasi ang November 8. Ngumiti ako sa kanya saka binuksan ang pinto ng sasakyan nya.
"Walang ibig sabihin yon ah!" Binaba nya pala ang kanyang bintana para sabihin yon.
"Ha? Bakit? Ano ba ang November 8?" Pagpapatay malisya ko.
"Ewan ko! Ewan ko sayo!" He said dismissively. Kumindat ako sa kanya pero nanlaki ang mata nya.
Pumasok na ako sa maliit na gate ng may ngiti sa labi, hindi pa din umaalis si Deuce. Nang masusian ko na ang pinto at makapwesto sa loob, saka pinaharurot ni Deuce ang kanyang sasakyan.
---
"Ano Ate? Magtatrabaho ka kay Kuya Deuce?" Dismayadong sabi ni Ysobelle. "Eh ang layo ng tirahan non tapos hindi din sya pwedeng puntahan ni Tres, paano tayo magkikita?"
"Ysobelle, susubukan kong dalawin ka kada linggo." Hinawakan ko ang kanyang kamay. Nasa harap kami ng pagkain at nag-aalmusal. Wala pa ding kibo si Phen at mukhang wala sa sarili. Nginitian ko sya ng magtama ang mga mata namin.
"Phen, kumain ka na ng madami. Tutulungan ka ni Deuce. Nangako sya." Ngumiti ako kay Phen pero tiningnan nya lang ako.
"Alam mo, hindi ko tiyak yang pagtatrabaho mo kay Deuce. Kung ginagawa mo yan dahil sa akin--"
"Oo, ginagawa ko para sayo, Phen. Madami ka ng naitulong sa amin. Isa pa, ang hihilingin ko sayo, mag-ipon ka ng isang milyon at tubusin mo ako kay Deuce okay?" Ngumiti ako. Napabuntong hininga naman si Ysobelle. Pilit kong pinapagaan ang sitwasyon para hindi maapektuhan si Ysobelle dahil kahit mukha syang walang sakit, alam kong madali syang maistress.
"Madali ang isang milyon. Sa alindog kong taglay, makakapang-akit ako ng DOM. Ang inaalala ko, paano na kapag minaltrato ka nun? Yun bang mga nilalagay sa maleta, Beh?" Tanong ulit ni Phen.
"Hindi gagawin ni Deuce yon, kilala ko sya. Suplado yon pero mabait." Pagpapanatag ko.
"Sana yummy din para kung maltratuhin ka, mabuti nang sa kama at mageenjoy ka naman." Kumindat kindat pa sya sa akin.
"Phen!" Suway ko.
Kumagat si Phen sa kanyang hotdog. Humagikgik naman si Ysobelle, pinamulahan naman ako ng mukha! Parang walang problema kung makapagbiro si Phen. Sabagay, lutas na ang sa kanya, sa akin ay hindi pa.
Pagkatapos naming mag-almusal, nagsimula na akong magimpake ng mga gamit ko. Hindi ganoon karami ang dadalhin ko dahil may palugit pa ako sa aking sarili, baka hindi naman kami magkasundo ni Deuce, tiyak na dito rin naman ang bagsak ko. Sana sa panahong iyon, naiatras na ang kaso ni Phen.
Hiniram ko ang laptop ni Ysobelle at nagtype ng resignation letter para sa Centaurus. Kahit naman sabihin pa ni Deuce na sya na ang bahala, hindi ako dapat magpakampante. May sarili naman akong mukha para harapin ang desisyong ginawa ko.
"Ate, mag-iingat ka doon." Malungkot na sabi ni Ysobelle, sinamahan nya pa ako sa labas para kumuha ng taxi.
"Babalikan ko pa ang mga gamit ko, dadaan muna akong Centaurus para magsubmit ng resignation letter, pagkatapos kukunin ko ang gamit ko dito." Tumango si Ysobelle.
Oras ng shift ko ang ipinasok ko, nakatingin sa akin si Mrs. Dolor pagkapasok ko sa quarters.
"Nagsabi na si Attorney Montemayor." Bungad nya sa akin, ngumit ako ng nahihiya. Ano naman kaya ang dahilan na sinabi ni Deuce?
"Alagaan mong mabuti ang asawa mo, hija." Malungkot pang sabi nito na halos ikasamid ko.
"A-asawa?"
"Oo, sabi nya, kailangan daw ng atensyon ng asawa mo. Tsk, hindi maganda yang nagtatalo kayo ng asawa mo dahil sa trabaho. Wag mo syang sukuan, dapat nandoon ka lang sa tabi nya. Asikasuhin mo dahil ganoon ang responsibilidad nating mga babae." Mahaba pang paliwanag nya habang nanatili lang ako na nakatulala sa kanya. Talaga bang sinabi ni Deuce yon?
Napakapilyo talaga ng isang yon!
Inantay ko si Tatiana ng makaalis na si Mrs. Dolor. Malungkot syang tumingin sa akin pagbungad nya.
"Frenny, akala ko naman matagal pa tayong magkakasama! Sabi ni Mrs. Dolor magreresign ka na daw, hindi naman sinabi sa amin ang dahilan. Personal daw." Yumakap pa sa akin si Tatiana at ramdam ko ang lungkot nya.
Ako din naman nalulungkot, kahit papaano, maayos ang pagtrato sa akin dito. Parang pamilya na lang lahat.
"Hindi personal, Tat. Naalala mo ba yung sinabi ko sayo na hihingi ako ng tulong kay Deuce para sa kaibigan ko, eto na yun. Magtatrabaho ako sa kanya bilang kapalit." Bumulong pa ako at tiniyk na wala masyadong makakarinig.
"Ay! Teh! Anong klaseng trabaho? Imoral ba yan?"
"Syempre hindi! Basta, yun lang yon. Dadalawin pa din kita dito kapag may pagkakataon o di kaya magkita tayo sa labas."
"O sya sige.. Nakakaloka naman Frenny ang biglaan lang ng pagreresign mo." Nakasimangot na sabi ni Tatiana kahit alam kong naiintindihan naman nya ako. Natigilan kami sa pag-uusap ng bumukas ang pinto.
"Whoah! Nabalitaan ko ang resignation mo! Ikaw talaga, hanggang kailan mo ako sasaktan Raeven Frances! Inindyan mo ako kagabi tapos ngayon, iiwanan mo na ako?" Nanlulumong bungad sa akin ni Trevor pagkapasok nya sa quarters ng Housekeeping Department.
"Lakas din ng pang-amoy mo, Trevor ah! Mamaya pa ang shift mo, bakit andito ka na?"
"Huh? Nandyan lang naman ako sa taas eh. Nakwento kasi sa akin ni Bernie na magreresign na si Raeven kaya nagmadali akong bumaba to confirm." Naalala kong dito sa Centaurus umuuwi si Trevor lalo na't kapag panggabi sya para hindi sya naabala sa pagbabyahe, at least yon ang lamang nya kaysa sa mga normal na trabahante sa kanilang hotel.
"A-ah, oo.. Kailangan kasi—"
"Dahil dyan, magcoffee tayo. Dali. My treat." Kaswal na pag-aaya nya. Lumipat ang mata ko kay Tatiana na nagkibit balikat naman.
"Pagbigyan mo na, Frenny. Baka mabaliw yan kapag namiss ka." Sambit ni Tatiana na mayroong mapanuksong tingin.
"Hindi ka ba sasama?" Tanong ko kay Tatiana.
"Naku, si Tatiana, nerbyosa yan. Di ba Tat? Nerbyosa ka kaya hindi ka nagkakape?" Sabi pa ni Trevor kay Tatiana. Mahilig kaya sa kape si Tatiana! Ako ang hindi masyado.
"Wag ka ng mag-imbento, hindi naman din ako makakasama sa inyo dahil shift ko pa. Wag mong ilalayo ang kaibigan ko." Bilin pa ni Tatiana kay Trevor pagkatapos ay lumabas na ng quarters.
Nagtungo kami ni Trevor sa malapit na coffee shop sa hotel. Kung tutuusin, pupwede namang doon na lang sa canteen pero ayaw nya.
"Bakit ka magreresign?" Tanong agad ni Trevor pagkaupo nya sa aking harapan. May dalawang mug ng kape sya na hawak at iniabot nya sa akin ang isa.
"Kailangan ko kasing magtrabaho" Simpleng tugon ko. Tinaasan nya ako ng kilay habang sumisimsim mula sa kanyang mug.
"Hindi ba trabaho ang nasa Centaurus?" Tanong nya, napanguso ako. Oo nga ano?
"May--- may pinagkakautangan kasi ako, kailangan ko sa kanyang magtrabaho."
"Tss. Bakit kasi pinapatagal pa ni Daddy ipamana sa akin ang hotel, eh di sana ako na lang ang magbabayad ng utang mo." Sambit nya, pagkakataon ko naman para tumaas ang kilay.
"Hoy Trevor ha, hindi mo ako mabobola."
Mahina syang tumawa. "Wala naman akong ibig sabihin, gusto lang kitang tulungan bilang kaibigan. Assuming ka pala, Raeven."
Ako pa ngayon?!
Tumawa sya at tumawa na din ako. Madami pa kaming napag-usapang dalawa, ang madalas na kwento naman nya ay yung pagkainis nya sa manager nyang si Nica, samantalang nanatili lang akong nakikinig sa kanya.
Maya maya pa, tumunog ang chime doon sa coffeeshop, marahas ang pagkakatunog non kaya sabay kaming napalingon ni Trevor sa entrada, muntik pa akong masamid ng makita ko si Deuce na pumapasok at diretso ang tingin sa akin.
"D-deuce." Awtomatiko ang pagtayo ko. Hinila nya ang aking pulsuhan dahilan kung bakit bigla akong napatayo.
"Kanina pa akong umaga nag-iintay sayo, gabi na Raeven! Dito lang pala kita makikita!" Galit na sigaw nya. Napayuko ako at napapahiya sa mga customers doon sa coffee shop.
"Pre, nasasaktan si Raeven." Pilit naman na hinihila ni Trevor ang kamay ko kay Deuce pero hindi natinag si Deuce, hindi man lang nagbago ang higpit ng hawak nya.
"Okay lang ako, Trevor."
"Trevor? Yan si Trevor?" Nanggagalaiti na tanong ni Deuce.
"Trevor. Trevor Noah Kim." Pormal na inilahad ni Trevor ang kanyang kamay kay Deuce pero tinitigan lang iyon ni Deuce.
"Wala akong paki." Walang ganang tugon ni Deuce.
"Deuce!" Suway ko sa kanya. Nakakahiya kay Trevor. Si Trevor ay Half Filipino, Half Korean at sikat ang kanilang pamilya sa larangan ng Hotelier at Restaurant business hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa Asia at Europa. Respetado sila at kinikilala ng husto lalo na ang Daddy ni Trevor na si Mr. Won Hee Kim.
Tumitig lang si Trevor kay Deuce at nagtiim bagang. "Hambog ka pala talaga Montemayor."
"Ha! Ako pa ngayon ang hambog? Eh ikaw, anong tawag sayo? Binitbit mo si Raeven dito imbes na nakauwi na sya sa akin!"
Nilipat ni Trevor ang tingin nya sa akin at ako naman ang hindi makatagal sa titig nya. Nakakahiya na talaga ang nangyayari!
"Are you related?" Tanong ni Trevor.
"Yes." Si Deuce.
"No!" Sabi ko naman.
"Magkita na lang tayo ulit, Raeven. Be safe. Thanks for your time." Tinapik pa ni Trevor ang balikat ko pero hinawi lang iyon ni Deuce.
Galit na nilipat ni Deuce ang kanyang tingin sa akin.
"Halika na." Walang gana nyang sabi. Bumalik kami sa Centaurus at kinuha ang sasakyan nya. Sumilip pa ako doon sa upuan sa likod ng kanyang sasakyan at nakita ko na doon ang maleta ko.
Nanggaling na sya sa amin?
"Una akong pumunta sa apartment nyo, nandito ka daw sabi ni Ysobelle."
Tumango ako at hindi na lang muli umimik. Hindi ko nagustuhan ang pang-aaway nya kay Trevor.
Maya-maya pa, prumeno ng malakas si Deuce at gigil na hinampas ang manibela nya. Tumingin ako sa harapan, baka kasi mayroong nasagasaan pero wala naman, nakahinto lang kami sa gitna ng kalsada.
"Anong problema?" Naiinis na tanong ko. Konti na lang ay tatalsik na ako.
"Talagang hindi mo pinalagpas na makasama ang Trevor na yon." Akusa sa akin ni Deuce.
"Kaya ka ba nagpreno ng malakas para sabihin sa akin yan?"
"H-hindi. Nagpreno a-ako k-kasi may pusang d-dumaan."
At nauutal sya.
"Kaibigan ko si Trevor." Matigas ang boses na sabi ko.
"He likes you!" Pasigaw na saad nya. Pinaandar muli nya ang kanyang sasakyan. Kung tutuusin malapit na kami sa kanyang condominium kung hindi lang sya huminto bigla.
"Ano naman ngayon? Bawal na bang magkagusto sa akin?" Medyo tumataas na din ang aking boses.
Pumasok si Deuce sa parking building na hindi man lang pinansin ang mga gwardiya na sumasaludo sa kanya. Pati ang paraan ng pagkaka-park nya ay masyadong mabilis at hindi naiayos.
"Hindi ganon ang sinasabi ko. Naiinis ako dahil nag-intay ako! Tinatawagan kita, bakit hindi mo sinasagot?!"
Gods, he's really shouting.
Pumasok kami sa elevator at kaming dalawa lang ang nasa loob.
"Na-lowbat ako! Sira ang battery ng cellphone ko. Pati ba naman yun kailangan kong ipaliwanag! Pupunta naman ako sayo, nandito na nga ako eh!" Pagrarason ko naman.
Hindi pinansin ni Deuce ang huling sinabi ko. Nauna syang lumabas ng elevator at sumunod naman ako sa kanya. Salubong na salubong ang kilay nya at mabibigat din ang hakbang. Sya ang nagswipe ng keycard nya sa pinto at mabilis na tinanggal ang kanyang jacket ng makapasok sa loob ng kanyang unit.
Hinubad ko naman ang sapatos ko at walang sapin sa paang naglakad sa fully carpeted nyang sahig.
Magtutungo sana ako sa kusina para ipaghanda si Deuce ng kanyang pagkain ng hilahin nya ang aking siko. Nakakunot ang kanyang noo na parang inaaral ang mukha ko. His eyes were full of emotions, mga emosyon na hindi ko kilala. Para syang galit pero nasasaktan. Bahagya pa syang hinihingal.
"D-deuce.." Bulong ko.
Unti-unting naging malumanay ang paghawak sa akin ni Deuce, tinitingnan ko lang ang bawat pagkilos nya, hanggang sa mag-angat ako ng mukha na halos isang daliri na lang ang pagitan ng mga mukha namin.
"I hate you, Raeven. Akala ko tinakasan mo na naman ako.." Bulong nya. Damang dama ko ang init ng hininga nya sa tungki ng aking ilong.
Bakit ganito kalapit?!
"Halos mabaliw ako kanina kakaintay." Wika nya pa.
Lumunok ako.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba akong makita ka, lalo pa't may kasama kang iba."
"D-deuce..."
Nawalan na ako ng susunod pang sasabihin dahil hinalikan ako ni Deuce, pakiramdam ko mababali ang likod ko habang dinidiin nya ang labi nya sa akin, napapaliyad ako. His kisses were hungry, needing and wanting. Napakapit ako sa dibdib nya, tinugon ko ang mga halik nya na pamilyar na pamilyar sa akin. Inalalayan nya ako hanggang sa mapaupo sya sa sofa while I straddled him.
I heard him moan so I give in. Hinayaan ko ang sarili ko na maliyo sa parehas na sensasyon na binibigay nya sa akin. Dalawang taon. Dalawang taon kong tinalikuran ito. And now it tastes nothing but home.
"D--deuce."
Tumulo ang luha ko habang pinapakiramdaman ko ang magagandang bagay na hatid ng kanyang halik, his tongue skillfully played through the contours of my mouth. Pakiramdam ko ang init init!
Sa kalagitnaan ng halik, inilayo ni Deuce ang sarili nya sa akin. Nagulat ako ng ngumisi sya sa akin.
At doon ko naalala na mayroon nga pala syang girlfriend!
Nanlumo akong humiwalay sa kanya. Tumayo ako at nanatili lang syang nakatingin sa akin.
"B-bakit mo ako hinalikan?" Matapang na tanong ko kay Deuce. Tumingin sya sa akin habang nakangiti at isinadal nya ang sarili nya sa sofa.
"I am just testing if you will break rule # 4. Do not fall inlove with me Raeven. I am just reminding you." Matigas nyang sabi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro