Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

Maki Says:  Happy Valentines! ❤️


Medyo matagal ang update dahil Linggo ngayon, nagpaka-nanay at nagpaka-asawa muna ako dahil FAMILY TIME!!! :)


Bukas ko pa maasikaso ang nanalo sa One Shot Writing Contest ko. Thank you sa nagbabasa at nag-iintay!

P.S. Medyo sabaw ito. Wala ako sa mood today huhu :(





Service Contract.


xxRAEVENxx


Kinalma ko ang aking sarili habang pasakay ng elevator pabalik ng quarters. Pinagmasdan ko ang sugat ko na hindi pa nagagamot, siguro ay ito ang aasikasuhin ko habang iniintay ang break ni Trevor. Bakit ba kasi wala ako sa sarili ko kanina...

Tsk, sa lahat kasi ng babaeng nakita kong nakadikit kay Deuce, sya ang bukod tanging naiiba. Lahat naman kasi maganda, pero ang isang yon parang napakabait. Yung tipo talagang gugustuhin at seseryosohin hindi lang ni Deuce, kundi ng kahit sino.

"Ano, Raeven? Nakausap mo ba?" Bungad sa akin ni Trevor pagdaan ko sa kanyang harapan. Wala syang ideya sa pakay ko kay Deuce kaya ngumiti na lang ako sa kanya sabay tumango.

"Yon! You owe me one!" Nakangising sabi nya, hindi nya inalis ang tingin sa akin at sumilay ng husto ang kanyang dimples.

"Oo na, sa quarters lang muna ako. Doon mo ako puntahan ha, mag-iintay ako." Baling ko sa kanya.

" 'Mag-iintay ako' Sarap naman pakinggan!" Pumikit pa si Trevor na parang nangangarap. Sanay na ako sa kakulitan ni Trevor kaya hindi ko na pinansin ang kunwaring kilig nya, natatawa na lang ako lagi.

Pagod kong inihakbang ang mga paa ko, masyadong mahaba ang araw na ito para sa akin. Kung sana kinausap na ako ni Deuce, malalaman ko na sana ang desisyon nya. Kung hindi kasi nya kami tutulungan ni Phen, hahanap ako ng ibang paraan, kahit ano basta hindi makulong si Phen.

Hinilot ko ang batok kong nangalay sa maghapon na pagtatrabaho, gusto ko na sanang umuwi kaya lang si Trevor kasi! Wala naman pala akong mapapala doon sa room number ni Deuce, napalayas pa ako at muntik na namang maiyak. Papasok na ako sa quarters ng may maramdaman akong humila ng kamay ko, muntikan pa akong mapatili sa sobrang gulat.

"D-deuce.." Wika ko. Walang kangiti ngiti ang mata ni Deuce na nakatuon sa akin, gulat na gulat naman ako na nasa harapan ko sya ngayon matapos nya akong ipagtabuyan kanina. Agad nyang tiningnan ang kamay ko na nasugatan kanina dahil sa bubog at nagsalubong ang kilay nya na para bang galit.

"What the—hindi mo pa din ginagamot ang sugat mo?" Naiinis na tanong nya sa akin. Nagtataka naman akong tiningnan sya. Samantalang kanina, gagamutin na nung girlfriend nya, kinaladkad naman nya papalayo, tapos ngayong hindi pa nagagamot, magtatanong sya.

"W-wala akong oras. Kakausapin sana kita muna dahil baka matutulog na kayo ng girlfriend mo. N-nakalimutan mo naman pala yung usapan natin, pero sa ibang araw na lang, magpahinga ka na."

His forehead creased and his jaw tightened. Mataman nya akong tiningnan.

"Ihahatid na kita." Maawtoridad nyang sabi.

"Hindi na." Mabilis na pagtanggi ko. Bakit nya ako ihahatid? Nandoon nga ang girlfriend nya sa itaas.

"I am not being nice, ihahatid kita para pakinggan ang mga sasabihin mo tungkol sa kaso ng kaibigan mo."

Hindi nya nakalimutan ang usapan namin ngayon?

Nabuhayan naman ako agad ng loob, at least bibigyan nya ako muli ng pagkakataon para makiusap. Kaya lang nakakahiya pa kung ihahatid nya din ako pauwi kahit malapit lang naman ang apartment namin mula dito sa hotel.

"Hindi mo na ako kailangang ihatid, dito na lang tayo mag-usap." Desisyon ko. Siguro maari naman kami sa labas at makakabalik din ako agad para sabayan si Trevor kumain.

"Gabi na, habang nag-uusap tayo mabuti ng papauwi ka." He insist. Napangiti ako.

"Wag mo na akong ihatid. Nangako ako kay Trevor na iintayin ko ang breaktime nya para sabayan syang kumain."

"Trevor who?" Mas lalong nagsalubong ang makakapal nyang kilay.

"Yung kasamahan ko sa trabaho na nagbigay ng room number mo ngayon gabi. Gusto nyang sabayan ko sya kumain sa breaktime nya kapalit nung impormasyon sa kwarto mo."

"What the f---" Hindi naituloy ni Deuce ang kanyang sasabihin dahil sinimangutan ko sya. Effective pa din pala ang pagpipigil nya sa pagmumura tuwing sinasamaan ko sya ng tingin. Palamura kasi sya noon pero nagbago naman nung naging kami na.


"You should have texted me and asked for my room number!" Inis na sigaw nya na parang pinapagalitan ako.

"Hindi mo nga naalala na may usapan tayo."

"Alam ko kaya nga ako nandito. Let's go. I will bring you home." Masungit pa ding sabi nya.

"Paano ang girlfriend mo?"

"She's sleeping. Tara na."

Umayon ako kay Deuce at kinuha ang bag ko sa quarters, naiwan naman si Deuce sa labas na nag-iintay, lalabas na sana ako ng maalala si Trev, nagsulat ako ng note at dinikit iyon sa locker ni Trevor.

'Trev, bawi ako, sorry. May emergency'

Lumabas na ako, nakita ko si Deuce na nakasandal sa pader sa tapat mismo ng pintuan, nakalagay ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at nakapikit sya. Tumikhim ako kaya nagmulat sya ng mata.

Nauna syang maglakad at sumunod naman ako. Doon kami sa Parking elevator nagtungo kaya hindi ko na mapupuntahan pa talaga si Trevor para magpaalam. Siguro ay bukas na lang, sasabihan ko din si Tatiana na sabay kaming mag-iintay kay Trevor para makabawi ako sa kanya.

"Are you thinking about Trevor?" Hindi ko namalayan na nakapasok na sa loob ng elevator si Deuce at iniintay ako.


Tumango ako habang sumasakay sa elevator.

"Hindi ka man lang nagdeny." Umismid sa akin si Deuce. Nagtataka pa din akong tinignan sya. Bakit naman ako magdedeny kung talagang iniisip ko nga?

Nang bumukas na ang elevator, hinila ni Deuce ang kamay ko palapit sa itim nyang sasakyan at pinagbuksan pa ng pinto. The familiar scent welcomed my nose, amoy lavender. Paborito ko ito noon.

Kinabit ni Deuce ang seatbelts ko at sumunod naman ang pagkakabit nya ng kanya. Nang maayos na kami, pinaandar na ni Deuce ang kanyang sasakyan.

"Sana matulungan mo si Phen, Deuce. H-hindi mo naman ipapatalo ang kaso pero sana kumbinsihin mo ang kliyente mo na wag ng magsampa ng kaso." Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para sabihin ang kailangan kong sabihin dahil kung magbabyahe patungo sa apartment namin mula sa hotel, mayroon lamang akong limang minuto para magsalita.

"Mamaya natin pag-usapan." Napaawang ang labi ko. Mamaya na? Baka dalawang segundo na lang ang ibigay sa akin ni Deuce na oras para magpaliwanag tapos papababain na ako ng kanyang sasakyan.

Bumaba ang tingin ko sa aking kamay na halos natuyo na ang dugo, ramdam ko pa din ang hapdi pero iniiwasan kong mapangiwi dahil papagalitan na naman ako ni Deuce kapag napansin nyang hindi ko na naman inasikaso ang sugat. Nag-angat ako ng tingin ng napahinto si Deuce. Huminto si Deuce sa isang botika, hindi pa kami halos nakakalayo ng hotel.

"Dyan ka lang." Sabi nya, tumango ako ulit. Pagbalik nya may dala dala na syang kung ano anong panlinis ng sugat, pumwesto sya muli sa driver seat pero ngayon ay medyo nakapaharap na sa akin.

Kinuha nya ang kaliwang kamay ko na walang sugat at pinatong nya sa binti nya. Tinanggal ko pero marahas nya lang na ibinalik yon saka nya binuksan ang ilaw sa loob ng sasakyan.

"Mahapdi to. Diinan mo lang ang binti ko pag nasasaktan ka." Utos nya at tumango naman ako. Nilabas nya nga ang alcohol at tinapat sa kamay kong may sugat, hinugasan nya iyon ng alcohol kaya napangiwi ako sa hapdi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa sakit.

"Put the pressure on my legs not on your lips, masusugatan din ang labi mo." Masungit nyang sabi, sinunod ko ang ginawa nya. Mabuti nyang pinagmasdan ang sugat ko habang pinupunasan ng bulak. Naglabas pa sya ng betadine at pinahiran ang sugat ko na mayroong kalaliman pala. Bilang pang huli, nilagyan nya ng manipis na benda ang aking kamay, pagkatapos ng kanyang ginawa, marahan nyang tinanggal ang kamay kong nakapatong sa kanyang binti. Napahiya pa ako ng kaunti kasi parang nasiyahan pa ako sa pagkakapwesto ng kamay ko doon.

Nagmaneho muli sya si Deuce pero imbes na sa bahay ang direksyon nya, parang papunta kami sa ibang lugar. Papalayo na kasi ang ruta nya. Tinangaka ko na magtanong  pero hinayaan ko lang sya, magkasalubong kasi ang kilay nya at parang ayaw ng may kausap.

Huminto kami sa tapat ng isang magarbong condominium building at sumaludo sa kanya ang mga gwardiya at pinapasok sya sa loob ng parking building para iparada ang kanyang sasakyan.

"Halika." Wika nya.

Sumunod ako sa kanya ng sumakay sya sa elevator. Namangha ako sa ganda condominium na nagsusumigaw sa karangyaan. Ang muebles mula sa paintings at kristal sa chandelier ang magsasabi sayo na hindi ito basta bastang condominium. Mayroong pang music sa buong lugar at amoy ng bulaklak sa paligid

.

"I live here." Kaswal na sabi ni Deuce. Tumango tango ako, malayo na talaga ang narating nya at nakakatuwa na malaman ang ganoong bagay. Sinong mag-aakala na tamad syang pumasok noon dahil gusto nyang magkasabay kami sa MRT kahit na magkanda bagsak bagsak pa sya sa subjects nya.

1108.

Tinapat ni Deuce ang kanyang card doon sa pinto.

Kung namangha ako sa labas ng condominium, mas namangha ako sa pad ni Deuce, malinis at maayos ito. Mayroon ding paintings at sculpture sa loob, hindi ko alam na mahilig sya dito. Sabagay, nagbabago naman talaga ang interes ng tao habang naiiba ang estado nila. Kagaya ng paintings at sculptures, pangmayaman at pangmatatalinong tao lang ang ganito.

"Upo."

Umupo ako sa dark orange na sofa dito sa sitting room. Nakatingin lang ako kay Deuce, pinanliitan naman nya ako ng mata at humawak sa kwelyo ng kanyang polo. Halos mapasinghap ako ng isa isang tanggalin ni Deuce ang butones. Napatakip pa ako ng bibig sa sobrang gulat.

"What?" Inis na tanong nya sa akin at huminto sa ginagawa. Dumiretso sya sa kanyang kwarto at paglabas nya nakasuot sya ng tshirt na puti at jogger pants na gray.

Kasalanan ni Tatiana, kung ano ano ang sinabi sa akin kanina kaya naging greenminded ako bigla, grr.

Kumportable syang umupo sa aking harapan at tiningnan lang ako, ako naman ay halos mangatog ang tuhod sa kaba.

"Talk." Utos nya.

"Magpapatulong sana ako---"

"Alam ko na yan, I want you to talk about what you can offer. Look, Raeven. Gusto mong ipaatras ko ang kaso? I never do that."

Lumunok ako at kumurap kurap pa. "Alam ko."

"And?"

"Kaya nga gusto kong ikaw na ang magdesisyon kung ano ba ang gusto mo. K-kung anong gusto mong kapalit, g-gawin ko." Psh, sana tama yang sinasabi mo Raeven.

"I really don't know what I want to do to you, Rae. Wala akong maisip na tutumbas doon sa hinihingi mong kapalit, more so, wala akong naiisip na pangangailangan ko sayo."

"W-wala? K-kahit katiting?" Paniniyak ko.

Umiling si Deuce at diretso akong tiningnan.

Nanlulumo akong tumayo, wala talagang pag-asa.

"S-sige, uuwi na ako." Sabi ko ng hindi tumitingin kay Deuce. Sobra sobra ng pagkapahiya ang nararamdaman ko. Normal na manliit ako sa layo ng estado naming dalawa pero ang ipamukha nya sa akin na walang halaga ang pagkatao ko ay mas lalong nakakasakit.

Nagpanggap ako na naubo para hindi masyadong nakakailang ang katahimikan habang lumalabas ako.

"Resign to your work and work for me." Narinig ko si Deuce ng makalapit na ako sa may pinto.

"A-ano?"

"Umalis ka sa trabaho mo at dito ka magtrabaho sa akin bilang personal maid ko. I also have a lot of paperworks kaya maari mo ding gawin yon. Susweldo ka, pero hindi ganoon kalaki because you will be living here with me, everyday." Sabi nya sa akin ng hindi tumitingin.

'you will be living here with me, everyday' Nag-echo pa iyon sa aking pandinig. Seryoso ba sya sa sinasabi nya? Wala man lang kasing kaekspre-ekspresyon ang mukha nya, hindi ko tuloy alam.

"S-si Ysobelle.." Naisip ko agad ang kapatid ko, matagal na byahe ang Makati to Quezon City, hindi ko alam kung magiging maayos ba ang pagbyahe ko araw araw para silipin sya. Tyak na hindi papayag si Deuce na mag-uwian ako, kaya lang mag-aalala naman ako ng husto pag hindi ko nakikita ang kapatid ko.

"Hindi kita pinipilit. Take it or leave it."

"May sakit sa puso si Ysobelle, Deuce. Hindi ko sya maaring pabayaan." Lumabi sya at tiningnan ako na parang walang pakialam.

"Well, then, I think simulan mo na ang pamamaalam doon sa kaibigan mo." Nagkibit balikat lamang sya.

"Pupwede bang ibigay mo sa akin ang araw ng Linggo para masilip ko si Ysobelle?" Kahit yun na lang, sana pumayag sya.

"Depende." He smirked. Iniinis nya talaga ako.


Napabuga ako ng hangin, matigas talaga sya pagdating sa akin.

"Pag-iisipan ko." Bulong lang iyon.

"Ngayon na." Matigas nyang sabi. I sighed.

Para talaga sayo to Phen.

"Pumapayag na ako." Pumikit muna ako bago ko itinuon ang tingin ko sa kanya. Nanatili pa ding blangko ang ekspresyon ni Deuce.

"Ako na ang magpapasa ng resignation mo. You will start at this very moment--" Tumingin pa sya sa kanyang wristwatch. "Papayagan pa kitang kumuha ng gamit mo bukas."

Bumagsak ang balikat ko. Gusto kong magreklamo, sana sinulit ko muna ang buong araw na kasama si Ysobelle, kaya lang hindi ko naman sya maisasama dahil mas mabuting si Phen ang kasama nya dahil doctor yon.

Kinuha ni Deuce ang kanyang laptop mula sa isang drawer at umupo sya sa tabi ko, umusog ako ng kaunti, pinagmasdan ko lang ang bawat ikinikilos nya.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang tinatype nya.

'SERVICE CONTRACT'

Abogadong abogado talaga ang isang ito.

"Mayroon akong rules, number one, 'No invasion of privacy'" Yun nga ang kaunaunahang tinype nya.

"Number 2, 'No personal questions'" Sabi nya muli.

"Number 3, Do as I say.."

"Parang lugi naman ata ako don---" Reklamo ko.

"May reklamo?" Tumaas naman ang kanyang kilay. Hindi ba obvious na nagrereklamo ako?

"Pag sinabi mong magpapakamatay ako, magpapakamatay nga ako?" Pagbibigay ko pa ng halimbawa.

"Why would I say that?" Inirapan nya ako. Fine.

"Number 4, do not fall inlove with me." Patay tayo dyan.

"Number 5, I will change the rules as I want to."

"Ang daya mo. Lahat naman yan pabor sayo eh." Pag-alma ko, kulang na lang agawin ko mula sa kanya ang laptop nya at gagawa din ako ng sarili kong rules. Sumusobra na ang pagka-maldito ng isang to sa akin.

"Ang ano mang paglabag will cost you 1,000,000 pesos or your imprisonment. Notarized by Attorney Deuce Montemayor." Ngumisi sya sa akin at nag-click ng print. Ilang sandali pa ay tumunog na ang printer sa di kalayuan pagkatapos ay nilapitan nya. Bumalik sya sa akin dala ang papel na may kasama pang ballpen.

"Tss, Number 4, don't fall inlove with me? Kahit saang korte mo ito dalhin, matatawa sila sayo." Umismid ako pero nagsimula naman na akong pumirma doon sa tapat ng pangalan ko.

"Lima ang rules, yan talaga ang napansin mo? Mahirap bang gawin?" Pagsusungit nya pa.

"Hindi, nakakatawa lang, hindi hindi naman kasi mangyayari ang rule number 4."

Dahil hanggang ngayon inlove pa din ako sa kanya. Yun nga lang hindi ko maamin, ayaw naman nya eh.

"Teka, hanggang kailan ang kontrata natin?" Naalala ko na itanong. Nakakapagtaka naman ang kontrata na walang terms. Tiyak ko naman na hindi nya kakailanganin ang serbisyo sa mahabang panahon.

Nag-angat ako may Deuce ng tingin mula sa pagbabasa ng kontrata nung hindi sya sumagot. Nahuli ko syang nakatingin lang sa akin.-

"Hanggang kailan ang kontrata natin?" Ulit ko dahil baka hindi nya narinig.

"Forever." Sagot nya na ikinalaki ng mata ko ng husto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro