Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15


Nandito Pa Din.

xxRAEVENxx

"Miss Mendoza, what a surprise.." Nakangiting sabi ni Attorney Hades, mas mapayapa ang kanyang mukha kaysa sa huli naming pagkikita. Lumipat ang tingin nya kay Tres.

"Iwan mo muna kami, Tres." Utos nito. Tumango si Tres pero tumingin muna sa akin.

"Just call me if you need something, Ate."

Ngumiti lang ako sa kanya at inantay na sarhan nya ang pinto.

"What do you need?" Tumikhim si Attorney Hades. Nakaramdam ako ng awa sa kanyang kalagayan. He looks so weak. Inayos nya pa ang kumot na nakabalot sa kanyang binti.

"Nandito po ako para makiusap.." Wika ko. Tumango sya at nanatili lang ang mata nya sa akin. Itinabi nya ang hawak nyang libro, nilagay ang kanyang kamao sa kanyang baba at inantay ang aking sasabihin.

"Inaamin ko, aksidente kaming nagkita ni Deuce sa trabaho nung nakaraang araw. Galit na galit sya sa akin, wala ng pag-asa na magkaayos pa kami kaya sana---" Pumikit ako "---sana hayaan nyo na kami ng kapatid ko, Attorney."

Malakas ang pagbuntong hininga ni Attorney Hades.

"Pinagsisisihan ko ang ginawa ko noon." Sabi nya. Nabigla ako sa kanyang sinabi.

"Hindi ko alam na dahil sa ginawa ko mawawala ang anak ko sa akin. Kaya sana ay patawarin mo ako, gusto ko sanang itama.." Tumawa sya ng mahina, "Nalalapit na ako sa hukay kaya gusto kong itama ang pagkakamali ko, pero hindi na sya muling nagpakita pa. Kinalimutan na nya ang na mayroon syang ama at pamilya. Lumayo sya ng husto. Ganoon ka nya minahal. Sinumpa nya ako at ang pamilyang ito." Malungkot ang mata ni Attorney Hades, tinanggal nya ang kanyang salamin at nagpahid ng luha.

Ganoon kalala ang nangyari noong mawala ako?

"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na lang sana ako nakialam. Akala ko noon mahina si Deuce. Sa lahat ng mga anak ko, sya ang emotional. Masyado syang attached. Noong nawala ang Mommy nya dito sa bahay, sya ang bukod tanging hindi kumain. Kahit anong laruan, hindi nya gusto. Kaya sobra sobra ang pag-iingat ko sa anak kong yon. Sa totoo lang hindi ko huhusgahan ang pagiging mahirap mo, natakot lang ako na sasaktan mo si Deuce dahil sa nakaraang nagdudugtong sa atin.. Baka hindi kayanin ng anak ko kung mag-asawa na kayo at saka mo sya lolokohin."

I felt my chest crumpled. Ni sa hinagap hindi ko naisip na saktan si Deuce, kung sana ay nakinig sya sa pakiusap ko noon, hindi kami hahantong sa ganito.


"Huli na. Hindi na nya ako mapapatawad." Pinunasan ko ang luha ko. Luha ng panghihinayang. "Gusto ko lang pong tiyakin na walang masamang mangyayari sa amin ni Ysobelle. Sya na lang ang mayroon ako."

Tumango si Attorney Hades sa akin "Im sorry Miss Mendoza. Minaliit ko ang pagmamahal ng anak ko sayo noon."

"Ayos na po iyon.. Magpagaling po kayo." Pagkasabi ko non ay tumayo na ako at tumalikod.

"Lalambot ang puso sayo ng anak ko, hindi nya matitiis ang babaeng pinakasalan nya." Natigilan ako at tiningnan syang muli ng naguguluhan.

"Ikinasal kayo ni Nick hindi ba?" Tanong nya sa akin. Tumango ako, remebering the civil wedding we had.

"Hindi po rehistrado yon." Sabi ko.

Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Attorney Hades at parang may malalim na iniisip. Hindi ko na inantay kung may sasabihin pa sya.

"Mauna na po ako. Ingat po."

Nakita kong nakaabang si Tres sa may pintuan ng library pagkalabas ko, mukhang nakikinig talaga sya sa usapan namin ng Daddy nya.

"So ikaw ang dapat papakasalan ng Kuya ko?"

Hindi ako umimik.

"Small world huh." Sambit nya, nanguna sya sa paglalakad kaya sumunod naman ako.

"May dahilan ako kaya ako umalis." Sabi ko.

"Sure. My Dad could be nasty at times. Paborito kasi nyan si Kuya." Kalmadong sabi ni Tres.

"Noong mga nakaraang araw kasi may sumusunod sa akin, Tres. Akala ko ang Daddy mo. Nagbanta kasi sya noon na may mangyayaring masama sa amin ni Ysobelle kapag nagpakita ako kay Deuce. Aksidente kong nakita si Deuce nitong nakaraang araw."

"May banta sa buhay ni Ysobelle?" Tumaas ang kilay ni Tres.

"Kay Ysobelle at SA AKIN. Puro ka Ysobelle. Magkamukha na kayo." Napapailing na lang ako na lumabas ng kanilang mansyon.

"Sorry Ate. Don't worry. Aalamin ko kung sino ang sumusunod sayo."

"Salamat, Tres. Saka, secret lang natin sa kapatid mo na magkakilala tayo ha."

Ngumiti si Tres at tumango.

xxDEUCExx

Hindi pa din mawala sa isip ko si Raeven. T*ngina three days na yun ah? Tatlong araw na simula nung unang araw na nakita ko sya ulit.

Paulit ulit kong inalog ang ulo ko. There's something wrong with this stupid head of mine. I need to divert my attention.

I should start dating seriously para tuluyan ko ng makalimutan ang p*tnginang feelings na nakakap*tngina dahil pang-teenager ang pota. I sighed. I am being sentimental again.

Naistorbo ang pag-iisip ko dahil sa maingay na tunog sa firm. Tiningnan ko ang pinanggagalingan ng ingay. I creased my forehead and I saw Clover tapping the manual typewriter. What is she doing?

Tumayo ako agad at nilapitan sya.

"Stop." Utos ko. Kitang kita ko ang pamumula ng mata nya. Sinasabayan ba ako ng isang to sa pagda-drama?

"You are hurting yourself, look at your tiny fingers." Tiningnan ko ang daliri nyang pulang pula na.

"Gusto kong mag-ingay." Anunsyo nya.

Tama. Ingay. Kailangan ko ng ingay. Kailangan kong paputukin ang utak ko para mawala na si Raeven. I need a diversion and Clover is the best person to be with.

"Let's go.." I said.

Hindi nagtanong si Clover kung saan kami pupunta, magmaneho lang ako. Masyado kaming tahimik sa byahe, wala syang plano magsalita at ganoon din ako.

Nagtungo kami sa Yacht Club kung saan nakaparada ang yate ko. Regalo ito sa akin ni Daddy noong pinasa ko ang isang law subject ko. Si Raeven ang reyna ng yate ko noon, sya ang nagdisenyo, lahat ng nakalagay kaming dalawa ang bumili.

P*ta Raeven na naman.

"Pasok." Utos ko kay Clover.

"Dito? As in dito?" Paniniyak nya.

"Hindi. Doon. Doon sa kabilang yate." I kid. She glowered at me.

Sinundan ko si Clover pagpasok at nagtungo agad ako doon sa deck para simulan na patakbuhin. I first turned on the engine for the A/C then the GPS. Hindi naman kami lalayo.

There are two ways to kill the noise inside your head, ang una ay ang mas mag-ingay pa, ang sumunod ay ang manahimik na lang sa paligid ng magagandang bagay. Today I opt to kill the noise through silence and solitude of the sea.

"Ang gara!!! Sayo to o nang-Ya-Yatenap tayo?" Napalingon ako kay Clover. Just when I said silence and solitude, napakaingay naman ng kasama ko.

"Anong Yatenap?" I know her answer would be stupid but I am more stupid to ask.

"Yatenap. Kapag Car ang ninakaw, Carnap.. Kapag Yate, Yatenap. Or Yachtnap?" Tanong nya pa.

Instead of frowning I ended up bursting in laughter. Ibang klase.

"There's no such thing as Yachtnap because I own this Yacht, Miss." Sabi ko.

"Wow, ang yaman mo pala. Akala ko mahirap ka lang kasi pag nililibre mo ako ng kape, sa 7'11 lang, tapos kapag sumasabay ka sa lunch okay ka na sa canteen, o pag lumabas naman tayo, kung hindi pa ako magagalit sayo, hindi mo ako nililibre." I laugh again. It's true. Ang sarap nya kasing inisin.

"Kasi hindi naman kita nililigawan, we are not dating." --- Although I am thinking about the possibility many times.

I actually don't care about her past. Clover came from a failed marriage, may anak sya na nawala and they are considering an annulment. But I like her. Tingin ko ay hindi ako mauubusan ng tawa kapag sya ang kasama ko.

"Ah ganon? Kapag nagkaroon ka ng liligawan, ibubulgar ko yang pagiging makunat mo! Para hindi ka sagutin at ----"

"Pwede na tayo?" Biro ko. Nanlaki ang mata nya.

"Yuck ka. Hindi tayo pupwede kasi nga Gwapo ka lang tapos Diyosa ako." She said as she shrieked when I manuevered the yacht.

"Marunong ka ba nito? Oo lulunurin mo lang ako?!" Sigaw nya pa.

"Marunong. Ang daldal mo. Kapag nagkamali ako dito bahala ka, isa lang ang lifevest ko dito."

"Bakit isa lang?! Teka at bababa ako." Akmang bababa nga sya pero mas lalo kong binilisan.

"Okay lang ba sayo ang lumangoy?" Humalakhak ako. Lumapit sa akin si Clover at kumapit ng mahigpit sa braso ko, halatang kinakabahan sya.

Huminto kami sa gitna at inaya si Clover sa weather deck ng yate.

"Ang ganda.." napangiti ako kay Clover. I cannot blame her to be in awe. The sea is serene, tahimik at hindi masakit sa balat ang araw dahil papalubog na ito.

"Madalas ka ba dito?" Tanong niya.

"Dati.. Pero ngayon ko na lang ulit ito minaneho."

"Bakit naman?"

"It's a memory of her.."

"Her?" Hindi man nakatingin sa akin si Clover, alam kong nakikinig sya.

"She designed this. We used to ride on this Yacht and get away from the City. Rae and I." Kwento koZ

"Rey? Lalaki?! Walanjo sabi na nga bading ka eh!" Her face distort as she judgementally look at me.

"Raeven Frances Mendoza. My ex." I rolled my eyes at her.

"Bakit naman kayo naghiwalay?"

"Ang chismosa mo." I don't want to answer.

"Ang damot sa information. Hindi pa nakakamove on!"

I sighed. No, I've moved on. Kung mayroon pang kakaunti, desidido akong burahin yon. Hindi na nya ako masasaktan ulit.

"Bakit ikaw, nakamove on ka na?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi pa but I am getting there.."

Tningnan ko si Clover at nag-iintay sya ng aking sasabihin tungkol kay Raeven. Siguro mabuti na ring may mapagsabihan ako kung gaano kasakit, dalawang taon na sinarili ko ito.

"She left me at the altar. Walang sinabi kung bakit. Dahil tanga ako, hinanap ko.. Sabi ko sa sarili ko, handa akong tanggapin sya pabalik . Alam ko kasi may dahilan, kilalang kilala ko sya eh. B-but I saw her, sinabi nyang hindi nya ako pwedeng pakasalan dahil may kailangan syang unahin, maybe she wanted to get even dahil naipakulong ng Daddy ko ang Tatay nya. P*tngina yon, Clover. Yung sakit, solid. Galit pa din ako hanggang ngayon."

"Ang saklap naman non." Clover is crying. "I hope she got the justice that she wanted. Alam kong araw araw syang bubulabugin ng kunsensya nya so paano sya matatahimik?" Pinunasan ni Clover ang luha nya pagkatapos ay ngumiti sa akin.

"Ikaw? Bakit mainit ang ulo mo?" I asked instead.

"Kasi pinagmu-move on na nya ako, eh ayoko pa nga."

"Ganon lang?" Pinanliitan ko sya ng mata.

"Oo, ayoko pang magmove on Deuce. Isang taon palang kaming magkahiwalay, mahal ko pa. Ay hindi, mahal na mahal ko pa. At dahil mahal ko, hinahayaan ko sya sa gusto nya kahit masakit."

I shook my head, unbelievable. Ang swerte ni Jacinto. Ganitong babae ang masarap mahalin bakit pinapakawalan nya?

"Pero pinatawad na nya ako. Akitin ko na lang kaya para bumalik?" Tanong ni Clover.

"Effortless ka sa part na yan." Di ko mapigilang sabihin. Hindi naman kasi ako nahihirapang maattract sa kanya. Madali sa kanya ang kumuha ng atensyon. Bukod sa maganda, walang tigil ang bibig nya sa pagsasalita.

"Don't tell me naakit ka sa akin? Hay nako Minsan Pangalawa Minsan Demonyo ka ha, nasa gitna tayo ng dagat! Subukan mong lumapit!"

"That's not what I meant. Panigurado, hindi ka pa nakakalimutan non, may annulment papers na ba?" Kahit ako ay inaantay ang annulment papers na yon but obviously her husband don't want to let go of her. Clover is just so dense to notice.

"See? Kaya wag ka na mag-emote dyan. If ever he wont get back to you, you can always have someone at your side Clover.."

And I really mean myself.

"Ikaw din. Wag ka ng mag-emote. Kung hindi ka na nya babalikan..."

"NA-KARMA KA!!! Bigyan ng jacket yan!" she said to me. I frowned and she laughed harder, nahawa na din ako sa tawa nyang yon.

Nagdinner lang kami pagkatapos ng sea trip namin at ngayon nga ay ihahatid ko na sya sa apartment nya. I can say that this day is well spent. Nakalimutan ko panandalian si Raeven dahil kay Clover. Maybe this is what I really need. Maybe she is who I really need.

"Tandaan mo ang gabing ito Clover. I treat you dinner. Pati yung gasolina ng Yate."

"Hoy ikaw nga Deuce, kanina ka pa ha." Kinurot nya ako sa tagiliran.

"Tapos ihahatid pa kita sa bahay mo."

"Hay nako, hindi na to mauulit. Nakakahiya naman sa pagsasamantala ko sa kabaitan mo." Umirap sya. I chuckled.

"Welcome." I said.

My forehead creased when I saw a car in front of Clover's apartment. Apparently, her husband's car. Mukhang inaantay sya. Suddenly I felt the urge to protect her from him. Am I being possessive now?

"Wag kang bababa, ako na." Pigil sa akin ni Clover but I didn't listen. I still went out to open the door for her.

"Goodnight Clover. I hope you had fun today." Nakatuon ang mata ko kay Ashton Jacinto. The business tycoon Clover married. I saw his hand balled into a fist. I smirked. He's threatened of me.

Nilagpasan ko na sila Clover ng makita kong sumakay sya sa sasakyan ng kanyang asawa. Ako naman ay papauwi na.

Papauwi na talaga ako.

Pero..

P*tngina!

Isang pulang Ducati ang humarang sa sasakyan ko. Gusto kong iuntog ang sarili ko sa manibela because I cannot drive away. Not unless willing akong sagasaan ang sarili kong kapatid.

Bakit ba kasi nandito ako?

I pressed my horn pero mas pinarebolusyon lang ni Tres ang kanyang motorsiklo. Gago talaga ang batang to.

Bumaba ako at sinalubong ako ni Tres sa gitna ng kalsada.

"Kuya! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong nya.

"Bakit mo ba ako hinaharangan? I-- I was just driving!" Galit na sabi ko pero hindi ako makatingin ng diretso kahit hindi naman nya alam kung bakit nasa Makati ako kahit sa Quezon City talaga ang bahay ko.

Why the hell Am I here?

"Eh kasi akala ko ikaw yung---Fck ikaw nga! Sinusundan mo si Ate Raeven?" Nanlalaki ang mata nya. At this moment I want to shoot him in the head, paano nya nakilala si Raeven?!

"Ate Raeven? Close kayo?" Tanong ko ng naiinis.

"Sya ang totoong pamilya ni Ysobelle, yung inampon ni Tita Moira."

Naguguluhan pa din ako. Si Ysobelle ang sinasabi ni Raeven na kailangan nyang unahin kaya nya ako iniwan?

"Mauuna na ako." Tumalikod ako at akmang babalik na sa sasakyan.

"Pwede bang wag mo ng pakabahin si Ate Raeven? Muntik na kitang ipapulis eh. Stalker." Sigaw sa akin ni Tres. Naikuyom ko ang kamao ko.

"Hindi ko naman sya sinusundan ah! Napadaan lang ako dito, I have a client around the area. Umiiwas lang ako sa traffic kaya nandito ako." Pagdadahilan ko. Lumapit sa akin si Tres, he smirked at me. I know there's something with his smile pero pilit kong inignora iyon.

"Itim na Lexus? Kuya, hindi araw araw may dadaang Lexus dito sa street nila. Denial king."

"Anong sabi mo?" Tinaasan ko sya ng boses. Lumabi sya at umiling.

"Sabi ko sasabihin ko kay Ate Raeven na ikaw lang yang stalker nya."

Tarantado talagang batang ito! Porket hindi na ako umuuwi hindi na talaga ako ginalang?

Sumipol pa sya at naglakad papabalik doon sa motor nya. Napabuga ako ng hangin.

"What do you want?" Agad na bumalik si Tres at ngumisi sa akin.

"Pahinging pera."

Napapailing ako na kinuha ang wallet ko. Kinuha ko ang lahat ng cash ko at binigay ko sa kanya.

"I really don't know why I am paying you to keep quiet. You can tell her that I am the one following her." Reklamo ko habang nagbibilang ng pera ang kapatid ko.

"Really?" Nagtaas ng kilay si Tres.

"I am just checking out how miserable her life is. Pagkatapos ng ginawa nya sa akin?" Napailing ako at maglalakad na sana papasakay ng sasakyan ko ng may marinig akong nagsalita.

"Masaya ka na ba kasi miserable ako? Ito ba ang gusto mo Deuce? I said Im sorry! Bakit ba galit na galit ka!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Raeven. Nakatingin sya sa akin at punong puno ng luha. Sa likod nya nakatayo si Ysobelle.

Wrong timing.

My jaw tightened. Malamig ko syang tiningnan.

"Hindi pa. Kulang pa yan, Raeven. Kulang pa yang luha mo sa iginapang ko noon. For all that goddamned insecurity, for all the hatred that you teached me. Kulang pa. Aantayin ko na lang ang isang araw na kakailanganin mo ulit ako, because I will be more than happy to reject you. Para maramdaman mo naman kung ano ang naramdaman ko. Puro ka iyak, hindi mo alam ang pinagdaanan ko." Tumalikod na akong tuluyan at sumakay ng sasakyan. Bumisina ako ng malakas at agad namang tinabi ni Tres ang kanyang Ducati.

I drove as fast as I could. Dapat kahit galit ay wala na pero nandito pa din. T*ngina nandito pa din.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro