
Kabanata 11
Minsan Pangalawa, Minsan Demonyo.
xxRAEVENxx
"Anong drama nyang Ate mo? Nagbabasa lang ng dyaryo, umiiyak na. Eh 2 years ago pa ata ang binabasa nyan, nakuha nya don sa ilalim ng table ko. Krung krung talaga yan si Rae, manang mana sayo."
"Sa akin pa talaga nagmana eh mas matanda sya sa akin." Sagot naman ni Ysobelle kay Phen.
Naiiyak lang ako.
Nung nagvolunteer akong linisin ang clinic ni Phen dahil malelate daw ng dating si Doc Martin, aksidenteng nakita ko ang dyaryo na may result ng Bar Exam, luma na ito at hindi talaga naialis ni Phen sa clinic nya. I saw Deuce name, nakapasa sya sa bar, higit pa don, top 1 sya, I am so happy for him.
"Bakit ka kasi hindi naglilinis ng clinic mo!" Umiiyak na paninisi ko kay Phen. Nanlaki ang mata nya at napaawang ang labi.
"Ay hala si Ate oh, natuluyan na!" Napakapit sa dibdib nya si Phen at eksaheradong lumalayo sa akin.
"Ano ba kasi yan?" Hinila ni Ysobelle ang hawak kong dyaro.
"Bar Exam Result. Oh, si Kuya Deuce pala ang topnotcher nung batch nya? Hindi man lang sinabi sa akin ni Tres." Ysobelle said. "Ano naman nakakaiyak dito?"
Umiling ako.
"Ate ang korny mo! Kung ano man yan, two years ago na yan. Ikwento mo na dali." Pamimilit ni Ysobelle.
Two years. Ganyan na pala katagal ang lumipas. Naka-survive naman kami ni Ysobelle kasama si Phen. Namasukan ako bilang secretary ni Doc Martin sa ospital kung saan nandoon din ang clinic ni Phen. My journey wasn't easy. Nanatili pa din ang utak at puso ko kasama si Deuce sa loob ng dalawang taon.
"Pumasa kasi yung ex ko." Sabi ko. "Ngayon ko lang nalaman."
"In fairness may Ex!" Humalakhak si Phen na parang hindi makapaniwala.
"Anong akala mo sa akin?" Tinaasan ko ng kilay si Phen.
"Grabe, galit agad? Nung dumating ka kasi dito, manang na manang ka eh. Akalain mo oh, may nagkagusto sayo." Panunuya ni Phen sa akin, Ysobelle giggled.
Umirap ako. I don't feel something about me changed, masyado ba talaga akong seryoso noon? Maybe something really changed because I found Ysobelle. Sya ang nagturo sa akin kung paano maging masaya sa mga maliliit na bagay na mayroon ako.
"Manang ako pero maganda ako!" Pagtatanggol ko sa aking sarili.
"Oo na, maganda ka na.. Kaya nga type ka ni Doc Martin hindi ba?" Panunukso ni Phen, mas lalong lumakas ang tawa ni Ysobelle. Crush kasi nilang dalawa si Doc Martin pero sa akin nila tinutukso.
"May girlfriend ang tao, kayo talagang dalawa." Napailing ako at pinunasan ang luha ko.
"Girlfriend pa lang naman, hindi pa asawa. Pustahan tayo mga beh, magbibreak din yan sa 23!"
"Sira ka talaga Phen, can someone tell me kung bakit naging doktora ka?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Because I am witty, beautiful and hot!" Nagpose pa sya na parang modelo. "O ano na Ateng, anong iniiyak iyak mo eh pumasa ang ex mo? Kakasuhan ka ba nya kasi ninakaw mo ang puso nya at itinakbo mong Tagaytay?"
Ngumiti ako ng mapait saka umiling "Masaya lang ako para sa kanya, pangarap kasi naming dalawa yon."
Umupo si Ysobelle sa tabi ko "Eh bakit kayo nagkahiwalay?"
"Because I chose something important. I know he will get by, pero yung pinili ko, alam kong kailangan ako." Malungkot akong ngumiti.
"Ako ba yun Ate? Iniwan mo sya para sa akin?" Niyakap ako ni Ysobelle at umupo sa tabi ko.
"No regrets." Ginulo ko ang buhok ni Ysobelle. Totoo yon. Successful si Deuce ngayon, I know he is more than okay at alam kong hindi sya mahihirapang humanap ng mag-aalaga sa kanya. Sa lambing nyang yon, hindi sya mahirap mahalin.
"Naku, ganyang ganyan yan si Rae kapag nambobola. For sure baby girl full of regrets yan, nalaman nyang napakakulit pala nung kapatid nya! Kung ako yon, jowa o ikaw? Jowa na! Masaya pa ang vajeyjey ko!" Pang-aasar ni Phen kay Ysobelle, sumimangot naman agad ang kapatid ko kay Phen.
"Paano pag nagkita kayo ulit?" Ysobelle asked.
"Sa tingin ko hindi na ulit Ysobelle. Saka panigurado, may iba na yon. Baka hindi na nga ako natatandaan." Sabi ko.
"Imposible naman yun, sino bang makakalimot sa Ate ko?"
"Hi Girls!" Napatingin ako doon sa may pintuan kung saan sumilip si Doc Martin. Naputol din ang kwentuhan namin.
"Hi Papa Doc!" Malanding pagbati ni Phen. Bulgar na bulgar sa pagkacrush kay Doc Martin.
"Sunduin ko lang ang secretary ko." He said.
"Ay matindi, may pagsundo pang nagaganap." Humagikgik si Phen, sinenyasan ko syang manahimik pero mapanukso pa din ang kanyang mga mata. Ganoon din si Ysobelle ng tingnan ko.
"Did you had lunch, Rae?" Tanong ni Doc Martin sa akin. Tatango sana ako kahit hindi pa talaga ako kumakain. Paniguradong aayain nya kasi ako pag sinabi kong hindi, nakakahiya at ililibre na naman nya ako.
"Hindi pa yan kumakain Doc, nagk-crave nga ng Bulalong Batangas yan eh. Kakasabi nya lang."
"Phen!" Suway ko. Wala naman akong sinabing ganon!
"Ako din, gusto ko din ng Bulalo. Leslie's tayo?" Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Doc Martin, palibhasa alam nyang yun ang asset nya. He's a boy next door type at mas charming sya kapag nakangiti.
"Naku hindi na Doc.. Ito talaga si Phen. Bibili na lang ako ng sandwich sa canteen." Pagtanggi ko.
"Pfft. Sandwich. Halika na, gutom na din ako." Pamimilit pa ni Doc Martin.
"O halikan na daw.." Bulong ni Phen na kunyari ay tinitingnan ang kanyang mga kuko sa kamay. Napairap ako kay Phen, mamaya talaga ang isang to sa akin.
Sumama ako kay Doc Martin dahil bukod sa pinagtutulakan ako ni Ysobelle at Phen, mapilit sya. Nagkakaroon na tuloy ako ng impression na ang lahat ng doktor ay makukulit.
Pinagmasdan ko si Doc habang nagsasalin ng bulalo sa bowl, he gave the first bowl to me with all the best parts of the beef. Ganito sya lagi, mabait sa akin kaya tinutukso na kami hindi lang ni Phen at Ysobelle kundi ng buong ospital. Inaantay ko na nga lang ang araw na susugurin ako ng girlfriend nya.
"How's your day so far?" Magalang na tanong sa akin ni Doc Martin.
"Okay lang." Tipid na sagot ko.
"Okay lang? Hindi mo man lang ako namiss or something?" Nakangising tanong sa akin ni Doc Martin.
"Hoy Martin ha, tigilan mo na ako sa panlalandi mo." I call him Martin kapag kaming dalawa na lang, he insisted it. Tumawa sya dahil huling huli ko na naman sya.
"I am not flirting! Ang kaibigan ba, hindi namimiss?" He asked. Umiling ako.
"Hindi kita namimiss kasi mas gusto ko nga yung wala ka, kasi wala akong trabaho." I truthfully said.
"Gusto mo bang humanap ako ng ibang secretary?" Tanong nya muli habang sumusubo ng pagkain.
"Eh di humanap ka." Umirap ako, humalakhak lang si Martin sa akin.
"Gusto mo ba kay Doc Sanchez? Matanda na yon at uugod-ugod."
"At least hindi kasing palikero mo." Tumusok ako ng patatas at kinagat yon. Tiningnan ako ng mataman ni Martin habang kumakain.
"I really like you Rae." Kinagat nya ang pang-ibaba nyang labi at tinitigan ako sa mata.
Here we go again.
He likes me, ang akala ng iba na tuksuhan lang sa pagitan namin ay totoo talaga. He likes me. Yun nga lang ay girlfriend nya si Vanessa, ang anak ng mayari ng ospital.
"Martin, alam mo naman di ba?"
"Na hindi ka na magmamahal ng kahit sino. Ulit."
Tumango ako. Matagal ko ng sinabi sa kanya yon and I want him to understand that it will be useless kung hindi nya pagpapatuloy ang relasyon nila ni Vanessa. My heart is locked up, naiwan kay Deuce ang susi. Pumayag ako na maging kaibigan ni Martin, nagkakaintindihan naman kami sa parteng yon.
He did not insist his feelings for me pero may mga pagkakataon na kagaya nito, hindi nya mapigilan ang pagsasabi ng kanyang nararamdaman. I don't feel awkward though, Martin is a friend, at alam kong he is trying his best to be a friend to me.
Martin is cute. For a doctor, he's totally a hunk. Para syang modelo na inilabas sa isang fitness magazine, maganda ang pangangatawan and his smile is to die for.
"Totoo bang aalis na kayo sa Tagaytay?" Martin sighed again. Huminto ako sa pagkain.
"Si Phen kasi nakakuha ng opportunity don, dahil clingy kami ni Ysobelle, sasama kami sa kanya papunta ng Maynila." Sagot ko na binabalewala ang pagkalungkot. Kung ako lang, ayoko na sanang iwan ang Tagaytay. Napamahal na sa akin ang lugar at wala akong inaalala kapag nandito ako.
"Mag-clinic na lang kaya ako doon? Yung pinsan ko may clinic sa Makati Med, I think he can help me."
"Ano ka ba? All your doctor years nandito ka sa Tagaytay, di ba sabi mo nga famous ka dito? Bakit mo iiwan? Sige ka pag pumunta ka ng Maynila hindi na ikaw ang pinakagwapo doon." Pananakot ko.
"So inaamin mo na na gwapo ako?" Nakangiting tanong ni Martin, I stopped eating.
"On a Tagaytay level, yes. 300 lang naman ang population ng lalaki dito, yung 298 males 70 years old na, yung isa 90 years old. Tapos ikaw lang ang 26 years old."
"Paborito mo talagang asarin ang kagwapuhan ko." Tumawa syang muli. "But seriously, I am planning transfer in Manila."
Nagkibit balikat lang ako. Ang totoo ay kinakabahan din ako sa pagbabalik ko, hindi ko alam kung ano ang kahaharapin naming magkapatid doon. Inaantay lang naming matapos ang school year ni Ysobelle, second year college na sya sa kursong Interior Design, thank God that her educational plan still supports her. Ang gamot naman nya ay pinoprovide ni Phen.
Everything seems okay, I guess. Except for a huge void inside my heart, alam kong may kulang pa din.
xxDEUCExx
"Attorney.. Napagbintangan lang po ang anak ko." Nanatili akong nakatayo sa labas ng court room, I am finishing my cigarette at isang matandang babae ang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. I am trying to remove her hands off me pero nanatili syang nakahawak.
"Lahat ng kriminal, yan ang sinasabi pagdating sa korte, Misis. Ang courtroom, parang sabungan. Pagalingan na lang ng manok." Malamig kong sabi. The mother wailed. Sa paraan ng pag-iyak nya, dinig ko ang kawalan nya ng pag-asa.
Do I believe that her child is also a victim in this case?
Yes. But I am paid to prove otherwise.
Binayaran ako ng complainant para idiin ang ibang tao para hindi madungisan ang kamay nya. Pinagtatanggol ko ang isang ama na pinatay ang kanyang sariling anak. Of course, someone needs to be jailed when someone was raped and murdered, at ang anak ng babaeng nasa harap ko ang minalas na tinuro ng pamilya ng biktima.
"Attorney, pakiusap po!" Sigaw ng babae pero naglakad na lang akong muli papunta sa aking sasakyan. Sanay na ako sa ganito. Magmamakaawa ang partido ng mga kalaban ko, because I never lost a case. Alam nila na kapag ako ang humawak ng kaso ay pabor lagi sa kliyente ko ang resoluyon.
I was able to put up my own Law firm. Sa pamamagitan ng sarili kong pagsisikap. I was able to build a name on my own at hindi nakakabit kay Hades Montemayor. Hindi na kami muling nagkita ng sarili kong ama pagkatapos ko syang suntukin. Pati ang mga kapatid ko ay hindi ko na din masyadong kinausap.
"Ayan na si Attorney!" Narinig ko ang mga abogado ko sa Law frim na nagbubulungan pagpasok ko ng pinto. I smirked. Takot sila sa aking lahat.
"Where's Genevive?" Sigaw ko.
"S-she resigned, Attorney." Kinakabahang sagot ni Bori.
"What? Suzette! Can you hire someone na tatagal ng isang buwan? Lagi na lang ako ang mag-isang pumupunta sa mga court trials ko." Reklamo ko. Pang-ilang sekretarya na ba ang nagresign ngayon buwan? Nakakainis na.
"Yes Attorney. May interview ako mamayang hapon." Sagot naman sa akin ng HR Manager ko. Napailing ako. Dumiretso ako sa aking opisina. Pinahinga ko ang likod ko sa swivel chair at hinilot ang aking sentido. I am so stressed.
Tumunog ang cellphone ko. I am silently praying that it's a booty call. I need to get laid para matanggal ang stress ko.
Arabella: Hey Attorney. Stressed? Care to take it away? You have my keys.
Napangisi ako. Hinanap ko ang susi ng condo ni Arabella mula sa naparaming susi ng iba't ibang babae doon sa drawer ko. I have to organize them and put names in it para hindi ako malito. I drove fast, iniwan ko ang lawfirm. I need to combat my stress kahit hapon pa lang.
"Ang bilis ha."
Napangiti ako ng makita ko si Arabella, she really knows what I want. She's in her red and black lingerie. She's really hot.
"Wala kang shoot ngayon?" Lumapit ako sa kanya, I encircled my hands in her small waist. Kumapit sya sa aking leeg and kissed me hungrily.
"Mamaya pa, let's have fun first. I thought of you and I felt my pussy beat." Bulong nya sa akin. That's my cue to attack her, hindi na namin inabot ang kanyang kwarto because we did it in her kitchen.
Umuwi na ako pagkagaling ko kay Arabella, I hate cuddling, umuuwi talaga ako pagkatapos kong mairelease ang init.
I am staying in a condo alone. Hindi pa din ako makatulog. Sa dami ng kasong hinahawakan ko, hindi pa din ako kayang patulugin ng pagod. I opened a whiskey and it's my normal routine every night. Nilulunod ko ang sarili ko sa alak. Hindi ko maintindihan kung ano pa ang kulang, nakuha ko na ang lahat ng gusto ko. The inner peace though, is really hard to find.
Hindi ko namalayan kung kailan ako nakatulog, ang alam ko ay kailangan ko nang gumising para pumasok. Just like an ordinary day, sa Law firm ako dumidiretso kapag wala akong trial sa umaga. My life is really boring. Walang bago.
"Good Morning." Bati ko sa lahat pagkapasok ko ng firm. Napalingon agad ako sa babaeng nakatayo sa lamesa ni Elmo.
Para akong nakakita ng multo. I really thought it's Raeven, she has gray eyes too. Huminto pa ako para titigan syang mabuti.
"Ikaw." Tawag ko sa kanya ng wala sa sarili.
"A-ako Sir?" Nagtatakang tanong nya.
Sir.
I hate being addressed as Sir, I passed the Bar and I earned the title. I hate being addressed ordinarily.
"Attorney. Attorney Deuce Montemayor." Pagtatama ko.
Lumunok ang babaeng kaharap ko ngayon, napangiti ako. She's scared. It didn't surprised me though. I love the power I have now, and if it scares people, it's a bonus. Matagal na akong huminto sa pagpapasaya ng ibang tao, I want people around me to please me instead.
Tumuwid sya mula sa pagkakatayo "Okay rewind... A-ako, ATTORNEY?" She even smirked. Nangunot ang noo ko. What's with this girl? Hindi ba sya natatakot sa akin?
Lalo akong nainis nang nagsi-tawanan ang mga staff ko, "What's so funny?" Inis na sigaw ko. Napayuko silang lahat. "Anong pangalan mo?" iritadong tanong ko sa babaeng sobrang pilosopo.
"Ako? Ako si Clover. Clover Simone Torres." Buong pagmamalaking sabi nya like there's something to be proud of about her name.
"Okay Miss Torres, my name is Deuce, sometimes my name means the second, but it also means the Devil. I hate being the second so I prefer to be the devil." Ngumisi din ako sa kanya. Nagtaas sya ng kilay.
She's really in for a fight.
"Ah, nice to meet you ATTORNEY DEUCE na minsan pangalawa, minsan demonyo. Looking forward to work with you. PUSH! Okay na?" Humalukipkip pa si Clover na parang matangkad na babae.
Lumakas ang tawanan sa buong opisina ko. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Everyone in my firm respects me and scared of me. Tapos ngayon pinagtatawanan nila ako dahil sa babaeng ito?
"Gawan mo ako ng kape!" Utos ko. Mukhang hindi ata alam ng babaeng ito ang posisyon nya sa Law firm ko. Pero nagulat ako sa sumunod nya ng sinabi.
"Where's your please?" Asik nya sa akin.
And there, she reached my boiling point.
"Who hired you?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro