Is this Goodbye?
xxDeucexx
"How is she Martin?" Ilang ulit ko syang tinanong pero nakatingin lang sya sa akin. I've been here in L.A since she was brought here pero hindi ko man lang sya nakikita. Halos dito na nga ako tumira ng isang taon.
"Raeven don't want to see you.." He whispered.
I looked at the wine glass in my hands pagkatapos ay pagalit kong binagsak iyon.
"Nagkamalay na sya hindi ba? She should be looking for me! Alam nyang mag-aalala ako!" I yelled. Pati ang mga nasa kabilang lamesa ay napatingin na din. Nanatili lang kalmado si Martin kaya mas lalo akong nainis.
"Sinabi ko na sayo na yun ang kahilingan nya. Nagpapalakas pa sya. She will undergo series of chemo next week, this time higher dosage--"
"She needs me. I want to stay by her side. Isang taon ko na syang hindi nakikita. Are you hiding her from me?"
"I am not hiding anyone, Attorney." Matigas na sabi sa akin ni Martin.
"Then I want to see her." May pagdidiin na sabi ko.
"I will talk to her but I won't promise you anything." Tumayo na si Martin at iniwan akong mag-isa sa bar kung saan kami madalas nag-uusap tungkol sa kalagayan ni Raeven. Hindi sya naging madamot, he shares the information as keen as possible pati mga litratong kinuha nya palihim ay pinapakita nya din sa akin.
Hindi na ako nag-intay na magsabi kay Raeven si Martin. Sawang sawa na ako sa pagsasabing bawal ako doon sa facility ni Raeven. Bakit bawal? Bakit ang Martin na yon ay pupwede?
Dahil ba sa doktor sya?
"Sorry Sir, the nurses said you are not allowed to enter the vicinty as per patient's request." Sabi sa akin ng amerikanong gwardiya sa Cancer Center.
Ilang araw na akong nagmakaawa pero hindi ako pinapapasok. Naubos ang lahat ng angas ko sa katawan.
"I just want to talk to her. I want to tell her Im sorry. I need to tell her that I love her. I want to hold her hand and tell her that I am waiting for her to come back." Pakiusap ko at halos maiyak na. Nanatiling walang emosyon ang mga mukha nila kaya nawalan ako ng pag-asa, naisip ko na baka sanay na sila sa ganitong eksena kaya hindi na sila naawa.
"Young man!"
Isang matandang nurse ang naglakad papalapit sa akin. Nakangiti sya at maamo ang kanyang mukha kahit bakas na ang katandaan, hindi nya iniaalis ang tingin nya sa akin.
"Guards, I want to talk to him." Pinaalis ng matandang nurse ang mga bantay. Lumapit sya doon sa gate at kinausap ako sa kabila ng pagitan namin.
"Do you want to have some coffee, young man?" She politely asked. Tumango ako kaya naman sinenyasan nya ang mga gwardiya na nandoon para buksan ang gate.
Tahimik syang naglakad papasok ng ospital. Sumunod lang ako sa nurse. Huminto kami sa isang area para magsuot ng suit at mask. Ginagaya ko ang lahat ng ginagawa nya kahit wala akong idea kung para saan. I was never there for Raeven, I was never part of her battles kaya hindi ko alam kung anong ginagawa namin, I felt guilt all over with the thought.
Nagpalinga linga ako sa paligid ng makapagbihis kami, umaasang makikita ko si Raeven pero bigo ako. Wala akong makitang pasyente, pawang mga nurses lang at doctor ang nandoon sa hallway.
"You are Raeven's friend?" The lady nurse asked. I sighed and looked at her seriously.
"I am her husband. But she didn't know."
Kumunot ang noo ng babae pagkatapos ay humalakhak ng madami. Hinampas nya pa ako sa aking balikat.
Akala nya ba ay nagbibiro ako?!
"You are a very funny guy. My name is Nida. I am Raeven's private nurse." Hindi na nya nilahad ang kamay nya at pumasok sa canteen. Kumaway sya sa ilang mga taong nandoon at itinuro ang lamesa para doon kami pumwesto.
Inabutan nya ako ng kape mula sa vendo machine pagkabalik nya.
"Thank you. Why did you go there and help me?" Tanong ko ng makaupo sya sa upuan sa harapan ko.
"Because I am so amazed! They said Filipinos are the better version of Romeo & Juliet. You guys profess love in the weirdest moment!" Nida laughed.
"Today is the first time you saw me." I said. Para magkaroon sya ng sinpatya sa akin ng ganun ganun na lang ay parang imposible. Tumingin sya sa akin ng makahulugan pagkatapos ay ngumiti.
"I listened to you every day! Every day I bring Raeven at the porch and we are both watching you."
Natigilan ako. Nakikita nya ako? Bakit hindi nya ako lapitan?
"You know sweetheart, Raeven is a very sad girl, she cries every day. But everytime she sees you, she would cry but at the end of the tears, she will smile and ask me to bring her back to her room."
"Then why don't she talk to me? Why does she hide from me?" Naguguluhan na tanong ko kay Nida.
"It's for her to answer." Tumingin si Nida sa kanyang orasan. Ngumiti sya at hinila ang kamay ko. Nagtungo kami doon sa exit ng ospital, isang garden ang natagpuan ko sa likod ng pinto. Maraming namamahingang mga pasyente doon, karamihan ay walang mga buhok.
Sa isang sulok napansin ko ang may hawak na bulaklak, bumilis ang tibok ng puso ko. Nandoon si Raeven at pinaglalaruan ang dahon sa kanyang tabi. Bumuntong hininga sya at mukhang malalim ang iniisip.
"Raeven..." Malambing na tawag ni Nida sa kanya. Nag-angat ng tingin si Raeven pero nangunot ang noo nya pagkakita sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Agad nyang tanong. Akmang lalapitan ko sya at yayakapin pero humakbang sya palayo.
"Umalis ka." Namumula ang kanyang mata. Malaki ang binagsak ng katawan nya, pero magandang maganda pa din. Ang kanyang buhok ay natatakpan ng wig, pero hindi nabawasan non ang lakas ng dating nya.
"Rae, I just want to talk to you.." Nakikiusap na sabi ko.
Umiling sya at sunod sunod na pumatak ang luha.
"Just be happy, Deuce." Aniya.
"Raeven, ano bang sinasabi mo? I want to stay with you. I love---"
"Hindi ko kailangan ng awa mo." Matigas nyang sabi sa akin.
"Hindi ako naawa--"
"You fell out of love at nandito ka dahil nag-gu-guilty ka? No, Deuce. You don't have to. Gusto kong maging masaya ka sa totoong mahal mo. Hindi mo kailangang matali sa sitwasyon ko dahil hindi na ako makakalabas dito, I will die Deuce. Mamamatay na ako. Hindi mo ba nakikita?" Nanginginig ang balikat nya habang dahan dahan nyang inaalis ang wig nya.
Wala ng natitira sa buhok nya, inangat nya pa ang braso nyang puro pasa. Sa pagkakataong yon, nag-iwas ako ng tingin. I don't want to see her like that. No! Gusto ko yung nakangiti sya. Gusto ko yung malakas na Raeven, it's really hard to see her like this!
"Im dying." Umangat ang gilid ng labi nya habang pinakatitigan ako, "No one can save me." Halos bulong lang iyon.
"Isama mo naman ako sa laban mo.." Pumatak din ang luha ko na parang nakikipagpaligsahan sa mga luha ni Raeven. "Hindi pa nga ko nabibigyan ng pagkakataon, tinatanggihan mo na ako."
Tiningnan lang ako ni Raeven at umiling.
"Find your way home, Deuce. mas magiging masaya ka pa.." Tumalikod na sya at naglakad papalayo.
"Raeven!" Tinawag ko ang kanyang pangalan pero hindi sya lumingon. Para bang dinudurog ang puso ko sa bawat paghakbang nya papalayo.
Ang sakit sakit na!
Susundan ko sya pero hinawakan ako ni Nida sa braso, tiningnan ko sya but she just shook her head sadly.
"She can't be stressed." Aniya.
Lumipas ang mga araw na nanatili lang ako sa LA. Nagba-baka sakali na puntahan akong muli ni Nida sa gate ng facility, baka sakaling maawa sya sa akin at baka makinig sya sa pakiusap ko na makausap ko muli si Raeven pero bigo ako.
"Kuya..." Nanginginig ang boses ni Ysobelle nang lingunin ko, tatlong araw na ang nakakalipas simula noong huli naming pagkikita ni Raeven at hindi na ako umalis dito.
Nakatayo lang ako sa harapan ng Cancer Center dahil ito na ang pinakamalapit na distansya ko kay Raeven
Nandoon pala si Ysobelle sa likuran ko ng hindi ko namamalayan.
"Ysobelle. Kamusta ang Ate mo?" Agad kong tanong.
"She's having delusions, Kuya. Hindi na maganda ang pagtanggap ng katawan nya sa gamot.. Dalawang araw na syang walang malay.." Ysobelle covered her mouth and cried.
"Kanina mayroong mass doon sa loob. Kuya, hindi ko kayang makita na dinadasalan na sya." Humikbi si Ysobelle at kumyom naman ang palad ko.
"Gusto ko syang makita Ysobelle." Hindi kumibo si Ysobelle.
"Gusto ko syang makita!" Ulit ko. "Gusto ko syang makita, t*ngina bakit hindi pupwede? Bakit ang tigas ni Raeven! Bakit ayaw nya!" Ramdam ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Umiiyak lang si Ysobelle sa gilid ko.
"Im sorry Kuya, Im so sorry.."
Tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Martin doon sa screen. He''s doing a video call, I took the call at ang bumungad sa akin ay ang higaan ni Raeven.
"Imposibleng makapasok ka, Attorney. But here she is right now.." Malungkot ang boses ni Martin sa linya. Tutok ang mata ko kay Raeven na may kung ano anong aparato sa katawan. Wala syang malay.
"Rae, wake up.. Baby.." I said in a loud voice.
"Baby, wag namang ganyan. Alam ko nagtatampo ka sa akin, pero wag namang ganito. Babawi ako. Lagi naman akong bumabawi hindi ba?" Pagsusumamo ko.
Umangat ang dibdib ni Raeven.
"Raeven, hold on." Nakita ko si Nida na lumapit at hinawakan ang mga kamay ni Raeven. Inggit na inggit ako kay Nida at sa mga doktor dahil ganoon sila kalapit. May tatlong doktor ang pumalibot sa kama nya, Martin moved the camera at tinutok sa mukha ni Raeven.
She's trying to catch her breath. Hirap na hirap ang kanyang mukha, ayokong makita pero hindi ko maiwasan.
"Ate!" Narinig ko si Ysobelle sa background, nakapasok na sya sa loob ng facility nang hindi ko namamalayan.
Isang malakas na pagsinghap ang narinig ko and a long echo of a steady sound from the machine.
"Time of death, 4:04 PM"
Nanatili lang akong nakanganga habang si Martin naman ay naibaba na ang camera. Dinig ko ang pag-iyak ng lahat doon sa kwarto ni Raeven pero hindi ako makapasok.
"Sir, you cannot come in.." Iniharang ng gwardiya ang kanyang katawan.
"No! I want to see her! My wife just died!"
Walang nakinig sa akin kahit patuloy ako sa pagwawala. Gabi na ng lumabas si Martin mula doon sa facility.
"Ysobelle decided to cremate the remains of her sister, Attorney. Pinapasabi nyang papunta na si Tres para samahan ka, kasama ang buo mong pamilya. Belle is requesting for an alone time with Raeven, I hope you understand."
Tumango ako kahit hindi ko naiintindihan. Wala namang pagkakaiba kung makikita ko pa ang bangkay nya o hindi. Hindi na sya babalik. Ang gusto ko ay yung Raeven na buhay at malayo nang mangyari yon.
Martin offered to drive me back to my apartment. Nanatili syang tahimik at tila malalim na nag-iisip. Pinalis ko ang luha ko dahil sa matinding pagluluksa.
"Gusto nyang maging masaya ka. Yun ang sinabi nya noong pangalawang chemo nya bago sya hindi na magising."
Wala sa sariling tumango ako. My palms are sweaty. Pagkababa ko ng apartment agad na sinalubong ako ni Tres at ni Ate Unah, parehas na umiiyak ang mga kapatid ko.
"Im sorry Deuce.." Ate Unah embraced me tight. Doon ko binuhos ang lahat. Noong araw na yon hindi ko alam kung paano ako nakatulog o kung nakatulog nga ba ako. Ang alam ko lang ay wala na sya at hindi na babalik pa.
"Kuya, kumain ka muna." Inabutan ako ni Tres ng sandwich pero kahit ang pag-angat ng kamay hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa larawan nya noong punong puno pa sya ng sigla.
"Kamusta si Ysobelle?" Tanong ko sa kapatid ko.
"Yung kalahati ng ashes, sinaboy daw nila sa Golden Gate Bridge, paborito daw doon ni Ate Rae.." Pinagmasdan ko ang urn na hawak ko na naglalaman ng kalahati ng pagkatao nya. Ang buong pamilya ko ang nandito para magbigay ng huling respeto sa asawa kong hindi nila nakilala ng husto.
"Hindi ka na pala buo." Ngumiti ako sa malamig na urn na yakap ko at pinahid ang luha ko.
"She's in a better place now. Wala nang magpapasakit sa kanya doon. No more chemo.. No more—"
"No more pain from me hindi ba?" Ngumiti ako ng mapait.
"Kuya, wag mong sisihin ang sarili mo. Hanggang doon na lang ang buhay ni Ate Raeven.."
Hanggang doon. Gusto kong magwala pero wala akong magawa. Alam ko naman, kasalanan ko..
Dito na din nagtatapos ang kapalaran ko. Isinusumpa ko, si Raeven ang huling babaeng mamahalin ko.
Not everything may be a happy ending. Sinabi ko non sa sarili ko na papasayahin ko sya habang buhay pero hindi naman ako nabigyan ng pagkakataon.
Hanggang dito na lang siguro, patuloy akong mabubuhay kahit hindi ko alam kung papaano. For now, the reality is that she left me- she left with every piece of me..
------------------
Maki Say's:
-If you will JUDGE the story to this part at hindi na ipagpapatuloy ang pagbabasa, YOU ARE MISSING THE CLIMAX OF THE STORY and the MORAL LESSON BEHIND THIS.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro