Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TOTGA

Why do people believe in destiny?

We all have a different reason as to why we believe in destiny. Sometimes it's the same reason why we believe in magic or fate, but it will go down to one thing— faith. We believe in destiny due to the fact that we're hoping what's meant to be is meant to be.

But what if nothing happens in the end?

"What a waste of time, right?"

Tumango ako sa tanong ng aming professor. There are certain people who believe in destiny all of their life, some got their happy endings and some were still waiting.

Kung ako ang tatanungin, hindi ako masyadong naniniwala sa destiny. Anong silbi ng ating paghihintay kung wala tayong ginagawa, 'di ba? At minsan sa buhay, may mga bagay o tao na sadyang nakalaan talaga para sa atin—katulad na lang nitong seatmate ko. Tahimik akong tao at sadyang mapaglaro ang tadhana at nagawa pa talaga akong itabi sa maingay na tao.

Destiny? I don't think so. Alkantara ang apelyido ko habang itong katabi ko ay Alvariz. Kung minalas nga naman, by alphabetical order ang seat plan namin.

"Let me remind you about your research activity," Saad ng aming professor habang iniligpit ang kanyang mga gamit. "If you have nothing to ask or to clarify about our lesson, you may go."

Nag-unahan ang mga kaklase kong lumabas ng silid at hindi man lang nag-abalang magpaalam. Nagsimula akong magligpit ng gamit at boluntaryong binura ang tinta ng pentelpen sa whiteboard. 

Hindi uso cleaners sa College. Walang index card na kailangan may lagda ng group leaders bago makauwi.

"Miss Alkantara,"

Lumingon ako sa gawi ng teacher's table sabay turo sa aking sarili. Tanga? Ako po 'yon. Nakita kong tumango si Sir Leonardo sa katangahan ko. And no, he's not Leonardo DiCaprio and he'll never be Jack.

Agad akong lumapit habang isinasara ang aking bag.

"May kailangan ka, Sir?" Tanong ko.

"Do you still have any other class to attend, Miss Alkantara?"

"Wala na po,"

"Great," Abot tainga ang ngiti ni Sir Leonardo sabay lahad ng white folder sa akin. "The last exchange student just arrived and no working student is available at this moment. I have a favor to ask you—can you tour him around the University and answer some of his queries?"

"Exchange student?"

Sir Leonardo nodded. "He's actually from South Korea,"

"Oppa?"

Agad kong itinikom ang aking bibig nang marinig ang mahinang halakhak ni Sir Leonardo. Damn it, sa isipan ko lang sana iyon sasabihin.

Kahiya ka, Kimbrel Alkantara.

"Nasaan po siya ngayon?" Tanong ko nang makabawi sa kahihiyan na ako mismo ang gumawa.

"He's in the lobby right now," Tumingin sa kanyang relos si Sir Leonardo bago muli ako nginitian. "And probably waiting for you, Miss Alkantara. If I were you, I'll be running now before your Oppa wi—"

"Gets ko na," Pagputol ko sa sasabihin ni Sir Leonardo. "Aalis na po bago mawala ang mapapangasawa ko."

Dala ang mga gamit ko ay mabilis akong tumakbo pababa ng hagdanan galing fifth floor hanggang sa lobby. Hindi ako nag-abalang buksan ang ibinigay na white folder ni Sir Leonardo, takot ko lang mawala ang aking magiging jowa. Eksaktong tumunog ang bell hudyat na magsisimula ang huling klase ng ibang estudyante sa University, alas otso hanggang alas nuwebe y medya ng gabi.

Gaya sa pelikula ay hinintay kong humupa ang mga estudynate hanggang sa mapansin ko ang isang lalaki sa kabilang dulo ng lobby. Nakatingin siya sa aking gawi at gusto ko na lang yata himatayin nang masilayan ko ang matamis niyang ngiti.

Inhale. Exhale. Para bang sasabog ang puso ko sa tuwa. Isa ba itong panaginip? Nasa langit na ba ako? Ang pinapangarap kong tao ay abot kamay ko na ngayon.

"Excuse me,"

Nabalik ako sa aking katinuan nang marinig ang kanyang malalim na boses. Hindi ko namalayan na nakataas na pala ang kanan kong braso at literal na abot kamay ko ang taong laman ng aking isipan.

Sandali. Pinaglalaruan lang yata ako ng imahinasyon ko, e. 

Tiningnan ko from head to toe and toe to head ang lalaking kaharap ko ngayon. Ilang pagsundot sa malambot niyang pisngi ang ginawa ko bago sumigaw sa sobrang tuwa. Damn it, I'm not imagining things—the famous Kim Taehyung is in front of me.

"Are you Kimbrel Alkantara?" He asked.

"I am," Pinigilan ko ang aking sarili na dumaldal, baka kung ano pa ang masabi ko.

"My name is Kim Taehyung,"

Gusto kong sumagot ng 'I know, I'm a fan', pero pinili kong tumango na lamang. Nakita kong inilahad niya ang kanyang kamay, na siyang tinanggap ko naman. Akala ko aalis na kami, shake hands lang pala.

Sinong umasa? Ako.

Sinong payaso? Ako.

Bago kami nagsimula sa tour ay tiningnan ko ang laman ng white folder. Puno ng impormasyon tungkol kay Taehyung ang bumungad sa akin—kay gusto ko rin nakawin ang two by two picture niya sa dokumento.

"Let's go?" Pag-aya ko sa kanya.

Nagsimula kami sa lobby, of course. Itinuro ko sa kanya ang sistema ng University sa pagbayad hanggang sa marating namin ang second floor. Tahimik akong tao, pero pagdating kay Taehyung ay hindi ko napigilan ang sarili na ikuwento ang mga paborito kong libro sa library. Sa ikatlo hanggang ika-anim na palapag ay puro silid aralin at opisina ng bawat departamento ng University, kaya hindi kami nagtagal.

Syempre huli naming pinasukan ay ang cafeteria, kaso naubusan kami ng pagkain.

"Aalis ka na?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.

"Aalis ka na," Panggagaya niya sa sinabi ko na may halong Korean accent. "What does it mean? You know what, I love to learn your language."

"I mean, are you leaving already?"

Tiningnan ako saglit ni Taehyung bago umiling. "I want to go to the nearest park for a walk. Maybe you want to go home already, but if you want, will you walk with me?"

Hindi ako nagpaligoy-ligoy at nauna akong lumabas ng guardhouse. Sa pagyapak ko sa labas ay eksaktong pumatak ang ulan. Tumingala ako sa kalangitan na may ngiti sa aking labi bago nagpasalamat sa Panginoon.

To be with someone whom I looked up to for a long time is a rare opportunity and there's no way I'm wasting it.

"It's raining," Sabi ko at hinayaan ang patak ng ulan sa aking nakabukas na palad.

"Who cares? It's just rain,"

Tumawa ako nang hindi inasahan ang naging sagot ni Taehyung. Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad sa gitna ng ulan. Binaliwala ko ang bawat tingin na ibinibigay ng mga taong nakasalubong namin sa daan. Ang iba sa kanila ay tumatakbo, ang iba ay nagmamadaling sumakay ng dyep, at ang iba naman ay nakasilong sa payong.

Payong?

Naalala kong may payong pala akong dala. Huminto ako sa paglalakad at sinalubong ang tingin ni Taehyung. Puno ng pagtatanong ang kanyang mga mata, pero sa huli ay umiling ako bilang sagot. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang walang katao-taong parke.

Para kaming mga basang sisiw na nakatayo sa gitna ng parke. Masaya kong tiningnan si Taehyung na abot tainga ang ngiti habang pinakiramdaman ang lamig dulot ng ulan. Marami kaming napag-usapan hanggang sa nasabi ko sa kanya ang matagal kong gustong sabihin.

This is a rare opportunity, right?

"I'm a fan,"

Nagmulat ng mata si Taehyung at ibinaling ang atensyon sa akin. "I'm glad to meet a fan with a kind and warm heart as yours, Kimbrel."

Ngumiti ako sa naging sagot niya. The man in front of me is the singer behind the successful name, V. He may be known for his handsome face, but not in my case—I fell in love with him because he's not afraid to show his real self to the world.

My inspiration.

I'm glad that I'm able to spend time with him, even just for a day. What can I do? The stage is his place together with his bandmates while mine is in the crowd, hyping to the music endlessly together with the fandom.

"Let's go grab a hot coffee," Taehyung said.

"There's a Starbucks around the corner," I replied while holding my laughter. "I want my coffee jelly. Before you ask. . . hot coffee in this kind of weather isn't my thing."

He smiled and mouthed 'noted' before leaving the park first. I allowed myself to savor the moment between me and my idol amidst the heavy rain. Just like what I'd said, this is a rare opportunity after all.

Seeing him leave and find his way is like accepting reality for me. Every fangirl loves to dream and imagine themselves to be with their idol. Lucky for me to have given the opportunity everyone's praying for.

Well, Kim Taehyung isn't the one that got away because he isn't mine, to begin with. I do believe that he's the one that God assigned—if not for me, then for someone else.

All Rights Reserved 2021
Written by HopelessWings
Cover made on Canva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro