Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter

Busy ako sa pagbabake ng cookies at paghahanda ng mirienda. Pabalik balik ang mga kasambahay para tulungan ako sa paglalabas ng mga inihanda kong pagkain para sa mga bata at sa tutor nila. Pinagaaral kasi sila ni Alec para matuto silang mag salita ng Spanish language.

Halos nasa spain kasi ang mga bussiness nila kaya naman hindi impossibleng kailanganin din nilang matutuhan ang lahat ng iyon.

Rinig na rinig ko ang sabay sabay nilang pagsunod sa salita ng kanilang tutor. Tatlong taong gulang na ang mga ito at kitang kita kong matatalino talaga sila. Manang mana kay Alec, pati na din ang paguugali.

"Good afternoon" nakangiting sambit sa kanila ng kanilang Teacher Sue.

May kanya kanya mga ginagawa ay sabay sabay pa din silang sumagot dito.

"Buenas tardes" sambit ng mga ito kahit paminsan minsan ay nabubulol pa.

Napangiti ako dahil sobrang cute talaga nilang apat. "Piero...Buenas tardes" pakuha nito ng pansin sa pinakamakulit at pilyo sa kanilang apat.

Nakangiting umiling ito at napahagikgik pa. "No! I dont like it!" Pangaasar nito sa kanilang teacher kaya naman napasapo na lamang ako sa aking noo.

"Piero, just do it!" Panghihikayat ni Tadeo sa kanya.

"Bad bad bad!" Sabi ni Cairo sabay turo sa kapatid.

Kaagad na napatawa si Kenzo sabay turo sa kanilang teacher Sue. "Teacher teacher!" Pagtawag ni Kenzo dito na parang nangaasar pa.

"Don't want" nakasimangot na sambit ni Piero at tsaka tumalikod sa mga kapatid kaya naman kaagad niya akong nakita at mabilis na nagliwanag ang kanyang mga mata.

"Mommy!" Tawag niya sa akin, ngiting ngiti.

"Good afternoon po, Mrs. Herrer" bati sa akin ng tutor nila kaya naman kaagad ko siyang nginitian.

"Magmirienda muna kayo, pasensya ka na kay Piero medyo makulit talaga at matigas ang ulo" nahihiyang sabi oo dito pero nginitian niya lamang ako.

"Naku, wala po iyon may mga ganyang bata talaga pero wag po kayong magalala matututo si Piero kagaya ng mga kapatid niya" paninigurado nito sa akin na kaagad ko namang nginitian.

"Amor!" Tawag na turo sa akin ni Kenzo.

He sometimes call me love. Naririnig niya kasi sa Daddy niya, sa kanilang apat. Si Kenzo ang pinakaobservant, lalong lalo na sa mga kinikilos, ginagawa at sinasabi ni Alec. He really admires his Dad. Kita ko at ramdam ko iyon.

Napatawa tuloy ako. "Kanina pa niya tinatanong sa akin kung paano sabi ang salitang love sa spanish" nakangiting kwento sa akin ng kanilang tutor kaya naman mas lalong lumaki ang aking ngiti.

Nagpaalam na ako sa kanila dahil hindi titigil ang mga iyon kaka-Mommy hangga't nakikita nila ako. Lalo na si Piero na hanggang ngayon ay nagpapababy pa din sa akin. Lahat naman sila ay ganuon pero si Piero ang pinakagustong nilalambing siya palagi.

"Ma'm Brenda may naghahanap po sa inyo" salubong sa akin ng isa sa aming mga kasambahay kaya naman kaagad akong nagtungo sa may gate.

Napakunot ang aking noo ng mamukhaan ko siya. "Ate Eva?" Tawag ko dito, walang pagdadalawang isip kong binuksan ang gate namin.

"Brenda..." tawag niya sabay yakap sa akin na ikinagulat ko.

Nakiramdam muna ako, pero ng maramdaman kong totoo iyon ay ginantihan ko din naman siya. Umiiyak ito at nanghihina.

"Pu...pumasok ka muna" pagyaya ko sa kanya.

May bumabagabag man sa aking isip ay itinuloy ko pa din. Marami naman kaming kasambahay at isang tawag lang sa guard pag nagkaproblema ay siguradong pupunta ito kaagad.

"Hindi na...baka magaway pa kayo ni Alec" nahihiyang sambit nito.

Kaagad ko siyang inilingan. "Wala si Alec dito nasa office" sabi ko sa kanya.

Dahan dahan at nahihiya itong tumango tsala sumunod sa akin. Ibang iba siya sa dating ate eva na nakilala ko. Simula ng ikinwento ni Alec na pinuntahan siya nito sa kanyang opisina ay hindi na siya muli pang nagpakita.

Sobrang nangayayat ito at halos mukhang walang tulog. Ni kahit anong kolorete sa mukha ay wala din ito. Nakasuot lamang siya ng tshirt na may kaluwagan sa kanya at pantalon.

"Upo ka muna Ate, kukuha kita ng makakain" sabi ko sa kanya pero kaagad ako nitong pinigilan.

"Hindi na brenda, hindi din naman ako magtatagal" sabi niya sa akin kaya naman tumango ako at umupo sa katapat niyang upuan.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa kaya naman mula sa aming kinauupuan ay rinig na rinig namin ang tawanan ng apat na bata.

"Uhmm...nagtututor sila" kwento ko na lamang sa kanya na kaagad naman niyang tinanguan.

"Masaya ako para sayo, Brenda..." paguumpisa niya pero kaahad na napahinto dahil sa kanyang pagiyak.

"Patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko sayo...patawarin mo ako" umiiyak na sabi niya at napahagulgol na.

Kaagad na naantig ang puso ko dahil sa nakikita. Ramdam na ramdam ko ang pagsisisi sa mga mata ni Ate Eva. Kaya naman kaagad akong lumapit sa kanya at tsaka niyakap siya.

"Alam kong walang kapatawaran ang mga ginawa ko sayo Brenda..." sabi pa niya kaya naman kaagad ko siyang pinatigil.

"Ate Eva...matagal ng tapos iyon. Naiintindihan ko, masakit pa din ang lahat ng nangyari pero alam ko sa puso kong napatawad na kita" paninigurado ko sa kanya na mas lalo naman niyang ikinaiyak.

She insisted na hindi niya deserve ang kapatawaran ko, pero life is short. Natutunan ko iyon ng halos muntik ng mawala ang lahat sa akin. Life is short to live with anger and hatred. Nagkamali siya oo, pero hindi ibig sabihin nun ay habang buhay siyang magkakamali, na habang buhay siyang masama.

I also insisted na kailangan niyang kumain. She is very weak, kitang kita ko iyon sa kanyang mukha.

"Kamusta ka na, yung kambal, si Tristan?" Tanong ko sa kanya.

Napaiwas ito ng tingin. Matagal na din kasi akong walang balita sa kanilang pamilya.

"Ito, nagtratrabaho ako ngayon para makapagipon...iniwan na nila ako, dinala sila ni Tristan sa US" kwento nito kaya naman kaagad na parang mag kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa aking dibdib.

Ikinwento lahat sa akin ni Ate Eva ang nangyari sa kanilang magasawa.

"Wag kang magalala Ate Eva. Tutulungan kita..." paninigurado ko sa kanya pero nginitian lamang ako nito.

Napailing ito. "Gusto ko lang makita sila...kahit hindi nila ako makita, ayoko na silang guluhin. Tahimik na sila" sabi pa niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita, nakinig lamang ako sa kanya ng tahimik. "Kaya ako pumunta dito para humingi ng tawad Brenda. I deserve all of this. Karma ko ito...dahil sa pagiging masama ko" sabi pa niya sa akin kaya naman mas lalong kumunot ang aking noo.

"I don't want to go with a heavy heart" sabi niya sa akin kaya naman kinabahan na ako.

"Ate may problema ba?" Nagaalalang tanong ko sa kanya pero napatingin lamang ito sa malayo.

"Tanggap ko...na baka ito yung kabayaran sa lahat ng pinaggagagawa ko" sagot niya sa akin pero hindi ako tumigil hangga't hindi ko nalalaman ang problema niya.

"I have cancer...stage four, i'm going to die" casual lamang na sabi niya sa akin na para bang totoo nga. Tanggap niya na.

Napaiyak ako dahil sa narinig, wala na akong ibang nagawa kundi ang yakapin si Ate Eva.

I've been there before. Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Sobra sobra ang bigat nuon sa aking puso.

"Tristan needs to know. Doctor siya, asawa mo siya" umiiyak na pakiusap ko dito pero pinigilan lamang niya ako.

"Alam kong pagod na pagod na si Tristan sa akin, hindi na niya kailangan malaman..." sabi niya sa pa sa akin.

Ganuon na nga ang ginawa naming dalawa. Wala kaming ginawa kundi ang magiyakan. Pero mukhang buo na talaga ang desisyon ni Ate Eva.

"Ang gwagwapo ng mga anak niyo Brenda" puri niya sa mga ito ng matapos silang magtutor ay kaagad silang nagtakbuhan papunta sa akin.

Hindi din nagtagal ay nagpaalam na ito. Inimbitahan ko sana siya sa dinner pero hindi na siya umoo dahil meron pa daw siyang ibang aasikasuhin.

"Boys. Kiss Tita Eva" malambing na utos ko sa mga ito na kaagad naman nilang sinunod.

Kaagad na tinanggap iyon ni Ate Eva habang niyakap isa isa ang mga anak namin ni Alec. Tinanaw ko siya hanggang sa hindi ko na siya nakita.

Mabilis akong nagonline sa aking cellphone at hinanap si Tristan para magiwan ng message. Alam kong wala akong karapatang makialam pero hindi ko hahayaan si Ate Eva.

"Mommy...I want to eat cake" malambing na sabi ni Cairo sa akin habang binibihisan ko silang apat.

"No na, Baby. We're going to eat dinner. Daddy's coming home na" sweet na sagot ko sa kanya pero imbes na tumigil ay nilapitan pa ako nito habang binibihisan ko si Piero.

"Mommy please...I want to eat cake" pamimilit niya sa akin.

"Wala ng cake baby..." natatawang pagsisinungaling ko. I want to give them everything pero kung hindi healthy para sa kanila gusto kong disiplinado sila.

Maniniwala na sana si Cairo ng kaagad na nagsalita si Kenzo. "Amor! There's a cake in the ref" nanlalaki pa ang matang sabi sa akin.

Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi nito. "Mommy...little please" pagmamakaawa ni Cairo with matching beautiful eyes pa habang lapat na lapat ang magkabilang palad sa isa't isa.

Sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang pakainin silang apat. Hindi naman pwedeng si Cairo lang dahil siguradong magtatampo yung tatlo.

"Be careful ok..." paalala ko sa mga ito habang nakahelera ang baby chair nila sa may kitchen counter dahil tumutulong din ako sa paghahanda ng dinner.

"Mommy love me!" Paguumpisa ni Cairo ng halos maubos na niya ang cake na ibinigay ko sa kanya.

Ang halos namumuwalan na si Piero ay hindi nagpatalo. "Me love Mommy!" Sigaw niya sa mga kapatid na may kasabay pang pagturo sa kanyang sarili.

"No! Amor love me!" Si Kenzo naman iyon.

Ang tahimik na si Tadeo ay nakatingin lamang sa akin at nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay malawak itong napangiti.

"Tadeo..." kaagad na tawag ko sa kanya dahil punong puno na ng chocolate cake yung mukha niya.

Kaagad akong lumapit sa kanya tsaka ko pinunasan ang mukha niya. "Mommy angry?" Mahina at parang takot na tanong niya sa akin.

"No baby" sabi ko sa kanya dahil parang maiiyak na ito sa takot na baka galit ako sa kanya.

"Love you, Mommy" sabi niya pa.

"It's ok. I love you too, honey" sambit ko ng makita kong halos magtubig na ang mga mata nito sa nagbabadyang pagiyak.

"No! Mommy!" Pagmamaktol ni Piero na kaagad namang naglahad ng kamay para sana magpabuhat.

Lalapit na sana ako sa kanya ng kaagad na humarang ang kararating lang na si Alec. "Hi beautiful" malambing na sabi niya sa akin tsaka niya ako hinalikan sa labi.

Naging mabilis lamang iyon dahil naghiyawan ang mga bata dahil sa pagtutol.

"Mga kontrabida kayo..." natatawang sambit nito sa mga anak.

Pagkatapos kumain ng dinner ay inakyat na namin ang apat sa kanilang kwarto. Iisa lang ang kwarto nilang apat. Malaki ang kwarto na iyon at punong puno ng laruan. May kanya kanya silang kama na pare parehong korte sasakyan.

"Mommy, I don't want to sleep" paglalambing sa akin ni Piero.

Malambing ko sana siyang sasagutin ng kaagad na umepal ang ama nila. "No, it's Daddy's time na" sabi sa anak.

"Mommy..." pagtawag ni piero sa akin na kaagad na nagsumiksik sa leeg ko.

"Alec amuhin mo to, wag mong inaaway mga anak mo. Sayo nagmana lahat to" suway ko sa kanya kaya naman kaagad na napanguso ito.

"Si Piero sayo nagmana yan eh, matigas ulo" pangaasar niya sa akin kaya naman tinaliman ko siya ng tingin.

"Ah ganun, dito ka matulog ha! Hahatid ko unan mo dito" pagbabanta ko sa kanya kaya naman kaagad na umamo ito.

Isa isa niyang inilapag sa mga higaan nito ang mga anak. Pagkalapag ay kaagad niya din itong pinaghahalikan. "I love you" malambing na sabi niya sa mga ito.

"Love you, Daddy" malalambing ding sagot sa kanya ng mga anak.

Hindi kami kaagad na nakaalis sa kwarto nila dahil hindi kaagad natulog si Piero. Kinailngan ko pa tong tapikin sa pwet hanggang sa makatulog siya.

"Ang bilis, marunong na silang makipagagawan sa akin ngayon" naaamaze na sambit ni Alec.

Nakayakap ito sa aking bewang habang papunta kami sa aming kwarto. "Nga pala sabi ni nung guard andito si Evangeline kanina" biglang sabi niya kaya naman natrigger ako.

"Uhmm" hindi ko tuloy alam kung saan ko sisimulan ang pagkwento.

"Sinaktan ka ba niya? May sinabi ba siyang masama sayo? Ok ka lang ba baby?" Malambing pero nagaalalang tanong niya sa akin.

Mabilis ko siyang hinila papasok sa kwarto. "Hindi ganuon Alec, humingi siya sa akin ng sorry" sabi ko dito pero napaiwas na lamang siya ng tingin.

"Pinatawad mo naman"

"Oo, syempre..." sabi ko dito pero tamad niya lamang akong tiningnan.

Matagal niya akong tinitigan habang nakayakap siya sa aking bewang. "Hindi ba dapat?" Malumanay na tanong ko sa kanya.

Kaagad na namungay ang mga mata nito. "You never failed to amaze me every single day maria..." ang husky ng boses nito habang binabanggit niya ang mga salitang iyon kaya naman halos magtayuan ang balahibo ko.

"You make me fall again, harder...every single day" madiin pero malambing na sambit niya habang nakatitig sa akin.

His eyes is dilated. Kaya naman halos parang kinakain na ako ng kanyang pagtitig sa akin.

"What can I say?" Hindi mapaliwanag na sabi ko dahil halos kainin niya ang buong pagkatao ko dahil sa lalim ng tingin niya sa akin.

"Just say you love me, baby...that you will never leave me again. You are my world, ikaw at ang mga anak natin" malambing na sabi niya bago niya ako halikan sa aking noo.

"Ahhh...wag kang ganyan Alec, kinikilig ako na naiiyak" paglalambing ko sa kanya tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Ganito na talaga ako, simula ng makilala kita Maria...hindi ko alam pero sinusuko ko na sayo ang lahat, yung buong pagkata ko. Sayong sayo na" paninigurado niya sa akin.

I cupped his face and planted a peck on his lips. "You own me too...sayo lang ako" paninigurado ko sa kanya.

We cuddle that night na akala mo ay honeymoon namin. Alec became so sweet, very sweet. Minsan naweiweirduhan ako sa kanya pero nangingibabaw pa din ang pagkaamaze ko.

"Kiss Daddy goodbye na" sabi ko sa mga bata ng magpaalam na ito para pumasok sa trabaho.

Isa isa niyang hinalikan ang mga anak, bago niya din ako hinalikan. "Maaga akong uuwi" paninigurado niya habang nagtataas baba pa ang kilay niya.

"Tumigil ka, ang aga aga" natatawang suway ko sa kanya.

Sumakay na siya sa sasakyan kasama ang driver. Minsan na lang ito magdrive magisa dahil mas gusto niyang hindi siya gaanong pagod pagdating sa bahay para daw malaro pa niya yung mga bata.

Dahan dahang umandar ang sasakyan. Nagkumawala naman yung mga bata kaya naman binitawan ko si Cairo. Ganuon din ang ginawa ng mga baby sitter nila.

"Daddy!daddy!" Sigaw ng mga ito at tumakbo sa may kalsada para humabol sa sasakyan.

Natawa ako dahil sa bagal ng mga ito tumakbo. Pero kaagad na huminto ang aming grand subaru at tawang tawang bumaba si alec mula duon.

"Paano makakapagtrabaho si Daddy niyan" natatawang sambit niya tsaka inisang buhat yung apat na anak namin. Kaya naman mabilis akong tumakbo para matulungan siya.

Life with my family is priceless. Hindi mahihigitan ng nga material na bagay, o kahit ano man. Akala ko nuon pera, mga magagarang gamit, at yaman ang pinakamahalagang bagay sa mundo. Everything changed, simula ng mahalin ko at mahalin ako ni Alec Herrer.

You're my peace of mind

In this crazy world

You're everything I've tried to find

Your love is a pearl

You're my Mona Lisa

You're my rainbow skies

And my only prayer is that you realize...

You'll always be beautiful in my eyes

"Maria..." malambing na pagtawag niya sa akin.

"Huh?" Busy na tanong ko sa kanya dahil naghahanda na ako dahil parating na ang aming mga bisita.

"Maria..." pagtawag niya ulit sa akin dahil hindi ko siya nilingon man lang.

"Mamaya mo na ako landiin Alec, parating na sina Mama" sabi ko sa kanya.

"I love you" pagsisimula niya ulit.

"I love you too" sagot ko naman, hindi pa din siya pinapansin.

The world will turn

And the seasons will change

And all the lessons we will learn

Will be beautiful and strange

We'll have our fill of tears

Our share of sighs

My only prayer is that you realize...

You'll always be beautiful in my eyes

"I never thought I would be this happy...you made me happy" madamdaming sabi niya ulit kaya naman wala na akong nagawa kundi ang lingonin siya pero halos magulantang ako ng makita kong nakaluhod ito sa aking harapan. He's crying.

"Made everything different, too different that those change became my new world. You are my world, Maria...no words can express how much I love you" punong puno ng sinseridad na sabi niya sa akin habang nakaluhod pa din.

"I beg for your Dad's approval so I can marry you. Bago mo pa na isip na pakasalan ako, mas nauna na akong nangarap na makasal tayo"

"Alec..." hindi makapaniwalang tawag ko.

"You are the best thing that ever happend to me" sabi niya sa akin kaya naman napaluha ako.

You will always be

Beautiful in my eyes

And the passing years will show

That you will always grow

Ever more beautiful in my eyes

And there are lines upon my face

From a lifetime of smiles

When the time comes to embrace

For one long last while

We can laugh about

How time really flies

We won't say good-bye

Cause' true love never dies...

You'll always be beautiful in my eyes

"Oh God, what did I do to deserve this? I'm no good.." sabi ko sa aking sarili dahil aminado naman akong hindi akong naging mabuting tao nuon.

"I feel so guilty every day. Kasi pakiramdam ko hindi ko deserve ito, hindi ako deserving para sayo" umiiyak na kwento ko sa kanya.

Mabilis itong napailing. "Maria, you deserve it. You're beautiful, inside out" pagpapaalala niya sa akin.

You will always be (You will always be)

Beautiful in my eyes (Beautiful in my eyes)

And the passing years will show

That you will always grow

Ever more beautiful in my eyes

The passing years will show

That you will always grow

Ever more beautiful in my eyes

Nasa kalagitnaan kami ng ganap na iyon ng isa isang naglabasan ang lahat ng pamilya namin. They we're emotional too.

"Marry me again, stay with me...be with me" sabi niya sa akin tsaka niya inilabas ang isang singsing.

Napatakip ako sa aking bibig.

"Marry me again, Maria. Just don't leave after the wedding" sabi niya sabay tawa kaya naman napatawa na din ako.

"How can I refuse to marry the man who accepts me wholeheartedly? You love me at my worst Alec...ofcourse"

"Ofcourse...I will marry you Mr. Herrer"





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro