Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

"Wag ka na ngang babalik dito" tamad na sabi ko kay Alec dahil halos lahat ng nasa canteen ay nasa kanya ang attensyon.

"Why?" Kunwaring malungkot pero nangaasar na sabi niya sa akin na mas lalo kong ikinairap.

Dahil daw sa kanyang pagprepresinta na puntahan ako dito ay kailangan ko siyang ilibre ng lunch.

"Just finish your food and leave" matigas na sambit ko sabay tingin sa aking bagong gawang nail art.

Dahil sa aking sinabi ay napansin kong mas binagalan pa niya ang pagkain. Halos umusok na ang ilong ko dahil sa namumuong pagkainis, kailan kaya ako makakatakas sa bwiset na lalaking ito.

"Saan ka pupunta pagkatapos ng klase mo?" Tanong niya sa akin.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "sa bahay, ofcourse!" Sarcastic na sambit ko sabay irap pa.

Nginisian ako nito. "Hindi ka talaga nawawalan ng pagirap kapag nagsasalita ka ano?" Pangiinsulto niya sa akin na.

"You know what, ang pakialamero mo talaga ano?" Balik na asar ko pa din sa kanya. Nagkibit balikat lamang ito tsaka ako nito inismiran.

Napilit ko ding umalis si Alec pagkatapos niyang kumain. Wala sigurong matinong magawa sa buhay kaya naman pati ako ay binibwiset.

"Infairness Brenda...may prince charming ka na to the rescue ha!" Kinikilig na pang aasar sa akin ni Ivoree habang hinihintay namin ang aming mga buhok.

After class ay kaagad kaming dumiretso sa isang sikat na salon sa loob ng isang mall. Ilang linggo na din kasi nung huli kong pagshoshopping.

"Not my kind of prince charming, Ivoree" sabi ko dito.

Kaagad namang humaba ang nguso nito. "Bakit naman? Ang dami ngang napapanganga duon kanina sa school" panghihinayang niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung gusto mo sayo na" sabi ko sa kanya sabay kindat.

Kaagad itong umaktong ibabato sa akin ang hawak niyang magazine. "Baliw ka ba! Eh ikaw itong gusto eh" suway niya sa akin.

Kaagad ko siyang inilingan habang inaayos ang nakalugay kong bagong kulay brown na buhok. "I'm not interested with that, I don't even want relationships" casual na sabi ko dito.

"You've done it well, Dina. Tataasan ko ang tip mo" puri ko sa favorite hair stylist ko.

Kaagad na lumawak ang ngiti nito na parang kinikilig pa. "Salamat Brenda...kaya favorite kita eh" sabi pa niya kaya naman tinaasan ko na lamang siya ng kilay tsaka muling inayos ang bago kong kulay na buhok.

Gustong gusto nila Ivoree at Chatterley ang bago kong hair color, mas lalo das kasing bumagay ito sa aking face figure lalo na at mas lahing kastila sina Mommy at Daddy kaya naman ang aking maputing balat ay medyo brown na buhok ay normal na. Mas pinadark ko lang ang kulay ngayon.

"You looked more matured with that Brenda...maganda" puri ni Chatterley kaya naman kaagad akong nagflip hair.

Si Ivoree ay nagpakulot ng dulo ng kanyang buhok while Chatterley made just a treatment for her hair.

"Do you have the darker shade of this eyebrow?" Turo ko sa isang kilalang brand.

Ngiting ngiti ang sales lady sa akin. "Wait for a minute Ma'm" sabi niya at tsaka kaagad na pumunta sa kung saan para kuhanin ang aking hinihingi sa kanya.

"Try this one too..." abot sa akin ni Chatterley ng isa pang shade ng lipstick.

"Maybeline got Gigi Hadid's personal touch din ah" si Ivoree habang tinatry ang isang eyebrow pencil.

"I don't like it" maiksing sabi ko na lamang.

"9700 pesos Ma'm" saad ng cashier kaya naman kaagad kong inabot sa kanya ang aking card.

Pagkatapos ko ay nagbayad na din sina Chatterley at Ivoree ng kani kanilang mga pinabili na hindi man lang lumagpas sa 5 thousand kaya naman manghang mangha sila sa pamimili ko ng lipstick.

"Don't give me that look Chatterley, balak ko talagang magpagawa ng make up set sa aking powder mirror" sita ko sa kanya.

Itinaas na lamang nito ang magkabilang kamay tanda na suko na siya kaya naman nginisian ko na lamang ito. We even bought dresses and accesories. Even the new style of valentino shoes ay meron na kaming tatlo.

"Where do you want to eat guys? My treat..." sabi ko sa dalawa kaya naman kaagad na napatalon ito.

"I want the dessert there" sabi ni Ivoree sabay turo sa isang eat all you can restaurant.

"If that's what you want" sabi ko at kaagad silang sinundan.

Maraming tao, pero malaki din ang space kaya naman walang naging problema. Almost thousand ang bayad para sa isang tao kaya naman nagbiro si Ivoree na kailangan naming sulitin ang binayad.

"Do they have salad?" Tanong ko sa mga ito sabay dungaw sa mahabang buffet table.

"Magiging kambing ka na niyan!" Suway sa akin nung dalawa na kaagad naman akong pinagtawanan kaya naman inirapan ko sila.

Sabay sabay kaming lumapit duon sa isang mahabang buffet table para kumuha ng pagkain. Sabay sabay din kami napadungaw dahil sa pagdating ng hindi baba sa halos walong katao.

"Oh, my gahd...si prince charming mo" kinikilig na saad ni ivoree sa akin.

Nag make face na lamang ako sabay kuha ng mocha cake na nagustuhan ko. "Ang gagwapo ng mga kasama niya!" Kinikilig na bulong pa nito samantalang si Chatterley ay walang pakialam dahil busy sa pagkuha ng pagkain.

Umupo sila sa isang malakin table, inassist na din sila ng mga waiter na pagsamahin ang halos dalawang table para magkasya sila. Tumaas ang kilay ko ng makumpirma kong tama nga ang sinasabi ni Ivoree, gwapo nga talaga ang mga ito. And I saw Kuya Axus with them too.

"Tara na let's eat" pagyaya ko sa dalawa at tsaka na kami umupo sa aming table.

"I'm thinking of having my own condo" saad ko sa dalawa dahilan para masamid sila.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Chatterley.

"Along with buying a Mustang. I think, I need to be independent from now on...you see, may iba ng family si Daddy, I need to live on my own" paliwanag ko sa kanilang dalawa na halos ikanganga nila.

"Are you serious Brenda? Ikaw na nga ang nagsabi diba, hindi mo iiwan ang bahay na iyon dahil anduon ang memories ng Mommy mo" paliwanag sa akin ni Chatterley.

"I think about that na, pwede naman akong dumalaw dalaw duon eh" laban ko sa kanila habang pinaglalaruan ang cake sa aking plato.

"I think we should try their donut" sabi ni Ivoree sabay turo malapit duon sa direction nila Alec.

"I heard marami silang flavor ng iba't ibang klase ng donut! And 32 flavor of ice cream" excited na kwento ni Chatterley.

Inirapan ko silang dalawa. They are in good shape though pero health is wealth. "Guys, mag gym tayo sa sembreak...we need that" maawtoridad na sambit ko na kaagad naman nilang tinanguan habang wala sa kani kanilang mga sarili.

"Tara, brenda?" Yaya sa akin ng mga ito pero inilingan ko lang sila.

"Kayo na lang... I'll go try their cheese cake later" pagtanggi ko sa mga ito.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa lamesa nila Alec, duon ko nakitang halos wala na sila duon dahil nasa buffet table na ang mga ito. In the middle of the god and goddess of the Jimenez clan here goes Mr. Alec Harold Herrer looking intensely and directly on me.

Kaagad akong napaiwas ng tingin, mas lalo akong kinabaha ng mapansin kong palapit ito sa akin. "Hi Maria...nice to see you here" casual na sambit niya sa akin.

"Hi" tamad na saad ko lang sa kanya pero ang mga mata niya ay hindi maalis sa aking mukha.

"Bagay sayo" maiksing sambit niya kaya naman kaagad nagtaasan ang balahibo sa aking katawan.

"Huh?" Kunwari ay hindi ko alam.

Ngumisi siya, "Your new hair style and color, bagay sayo" muki niyang sabi sa akin kaya naman inismiran ko siya.

"I know right" mayabang na sabi ko sa kanya.

"Who's with you?" Tanong niya at nagpalinga linga.

"I'm with my friends" sagot ko sabay turo kina Ivoree at Chatterley.

Tumango ito ng bahagya. "That's my cousins" sabi niya sabay turo sa kanyang mga kasama.

"Oh..." sabi ko na lamang.

Halos hindi ako makakain ng maayos, tanaw lamang kasi duon ang pwesto nila Alec at ng kanyang mga pinsan.

"If he doesn't like you, bakit palagi siyang sumusulpot kung saan saan" pangaasar ni Ivoree habang naglalakad kami sa may parking space para puntahan na ang aming driver.

"Ewan ko sa kanya, I don't even care nga eh!" Sambit ko pa.

I don't like Alec, pero sa totoo lang ayoko ding makaisa sa akin si Natasha, ngayon alam ko na kung saan ang weakest point niya.

"What's happening?" Tanong ko sa mga katulong pagdating ko sa aming bahay.

Nakayuko ito na para bang takot na takot. "Nagaaway po ang Daddy at Tita liezel niyo" sagot nito sa akin.

Tinaasaan ko ng kilay ang aming katulong na kaagad naman niyang ikinagulat. "That's cool right?" Nakangising sambit ko sa kanya kaya naman kaagad silang nagtinginan ng isa pa niyang kasama.

"Ang sama talaga ng ugali" rinig kong bulungan nila ng lalagpasan ko na dapat sila.

Naikuyom ko ang aking kamao. Kayang kaya ko silang palayasin sa aming bahay ngayon mismo, pero hindi ko gagawin. I don't even need their approval. Wala akong pakialam kung ano ang tingin nila sa akin dahil, first of all, they don't matter.

"What do you want me to do, leave my daughter alone!?" Sigaw ni Dad sa loob ng kanilang kwarto.

"Do you want to risk my pregnancy Arthur? Alam mo naman kung gaano kagalit sa akin si Brenda, ayaw niya sa akin" umiiyak na sabi ni Tita Liezel.

All that she said is true, pero hindi ko alam kung ano ang problema niya ngayon gayong ni hindi ko nga siya pinapansin.

"Walang gagawing masama si Brenda sayo, ganuon siya magsalita pero hindi ka niya kayang saktan" paninigurado ni dad sa kanya.

Nanatili lamang ako sa labas ng kanilang pintuan para marinig ang kanilang pinaguusapan.

"Mamili ka, Arthur..." basag ang boses ni Tita liezel ng sabihin iyon.

Halos manlaki ang aking mga mata. "What the heck is happening to this girl?" Inis na sambit ko.

"Don't do that to me, Liezel" pagbabanta sa kanya ni Daddy.

Halos mapaiktad ako ng may marinig akong nabasag sa loob ng kanilang kwarto kasabay ng pagsigaw ni Tita liezel.

"No, Arthur. You choose! Ako at ang kambal na dinadala ko o yang sutil na anak mo!?" Galit na galit na tanong nito.

Halos parang may kung anong bumara sa aking lalamunan dahil sa narinig. Biglang nanlambot ang aking mga tuhod dahil alam ko sa aking sarili na hindi ako ang pipiliin ni Dad, malaki ang possibilidad na hindi ako ang pipiliin niya kaya naman bago ko pa marinig ang isasagot nito ay kaagad na akong tumakbo palayo sa duon.

Hindi ko nagawang matulog dahil sa bigat ng aking nararamdaman. Iniyak ko na lamang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.

"Am I really unwanted here?" Umiiyak na tanong ko sa aking sarili.

Bumaba ako sa dinning kinabukasan para magbreakfast. Hindi ako nakasuot ng uniform dahil wala naman na talaga akong balak pumasok ngayong araw.

"Hindi ka papasok Anak?" Tanong ni Dad. Masigla ang boses nito na para bang walang nangyari kagabi, samantalang si Tita liezel naman ay tahimik lamang sa pagkain.

"I won't go to school" sambit ko sabay upo sa aking upuan.

"Why? Are you not feeling well?" Nagaalalang tanong sa akin ni Dad.

Kaagad akong umiling. Kahit alam kong halata sa mukha ko ang stress at puyat dahil sa pagiyak ko kagabi.

"I'll talk to Lola Vivian and aayusin ko ang mga documents ko" diretsahang sabi ko sa kanila dahilan para manlaki ag mata nilang dalawa.

Inismiran ko si Tita liezel. "Ayoko na dito, I want to go sa US duon na muna ako kay Lola" matapang na sabi ko sa kanila kahit ang totoo ay gusto ko ng umiyak.

I don't want to go somewhere else, andito ang buhay ko ang memories nina Mommy at ng kapatid ko. But they left me with no choice, ayokong palabasing kawawa ang sarili ko na pinalayas ako ng aking sariling Ama sa aming bahay.

"Are you sure? Ayaw mo sa Lola mo diba?" Hindi makapaniwalang saad ni Dad, even him doesn't like Lola kahit nung nabubuhay pa si Mommy, control freak kasi ito.

"Nakapag decide na po ako, Dad, Duon na lang muna ako" pinal na sabi ko at tsaka nagumpisa ng kumain.

Tahimik kaming tatlo sa hapagkain kahit alam kong nagbubunyi na si Tita liezel dahil sa nadinig. Inis na inis ako dahil mukhang naisahan nanaman niya ako, but I also need to save my dignity. Matatalo akong may dignidad.

Nagkulong ako sa aking kwarto pagkatapos ng breakfast, nagaaway nanaman ata sila nung dumaan ako sa kanilang kwarto pero bahala na sila duon, ang iisipin ko na lamang ay ang nabuo kong desisyon.

Sobrang bigat nuon para sa akin gayong andito sina Chatterley, Ivoree, at Daddy. Silang tatlo na lamang ang meron ako pero heto at kailangan ko pa silang iwanan.

"Brenda, we need to talk" saad ni Dad ng kaagad itong pumasok sa aking kwarto.

Kaagad kong pinahidan ang luhang kanina pa tumutulo sa aking mata, "What is it?" Tanong ko sabay iwas ng tingin.

"I won't let you go there Brenda, alam kong hindi mo gusto iyon" siguradong saad ni Daddy kaya naman mas lalong naginit ang gilid ng aking mga mata.

"But...but tell me Dad, sino nga ba ang pinili mo?" Panghahamon ko sa kanya. Tutal I conclude naman na hindi ako ang pipiliin niya, bakit hindi ko subukang marinig mismo sa bibig niya.

Napapikit ito ng mariin. "Brenda..." parang maiiyak na saad niya sa akin tsaka ako nito hinila patayo at niyakap.

"You are my only princess, I'll do everything for you anak..." garalgal na saad ni Daddy.

"But you need to choose them right? Kasi sila na ang bago mong family...and i'm not belong there" umiiyak na sabi ko sa kanya kaya naman mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin.

"I know this day will happen...kaya naman gumawa na ako ng paraan, sabi ko sayo diba gagawin ko ang lahat para sayo" sabi ni daddy na ikinagulo ng aking isipan.

"What are you talking about, Dad?" Tanong ko sa kanya.

Sinubukan niya akong ngitian. "You don't need to go sa US, Anak...I have plans for you, a better plan for your future" paninigurado ni Dad sa akin kaya naman nanatili akong nakatingin sa kanya, nakikinig ng mabuti.

"Go direct to the point, Dad" kinakabahang sabi ko sa kanya.

"You need to marry Alec Herrer" sabi niya na ikinagoosebumps ko.

"No way!" Pagmamaktol ko sa kanya.

"Brenda...listen to me, secured ang future mo sa kanya anak!" Pamimilit sa akin ni Dad.

"Pero Daddy..."

"I'll talk to him now, I'm sure he will help...he's willing to help" saad nito at tsaka lalabas na sana ng aking kwarto ng kaagad ko siyang pinigilan.

"Help? To what Dad? Para patinuin ako kaya ba palagi siyang sumusulpot sa kung saan saan para tulungan kang patinuin ako? What am I, a 3 years old child?" Punong puno ng hinanakit na saad ko sa kanya.

I saw guilt in his face, "Brenda anak...he wants to help you, kasi naaawa siya sayo" sabi nito na mas lalong nagpasakit ng dibdib ko.

Nginisian ko siya, if this is what they want, then go. "Go on Dad, tingnan natin sa huli kung sino ang magiging kawawa" pagbabanta ko sa kanya kasabay ng padarag na pagpunas ko ng aking luha.

"Alec Herrer will regret everything, pagsisisihan niyang pinasok niya ang buhay ko"



(Maria_CarCat)





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro