Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

That asshole! Napagalitan pa tuloy ako ni Dad.

"We're not even close" inis na sambit ko pagkatapos kong ihagis ang bag ko sa couch tsaka ako tumalon sa may kama.

Gusto ko na sanang umidlip dahil kanina pa talaga ako inaantok pero ni hindi ko magawang pumikit. Kaagad kong hinugot sa cabinet ang aking mac book at tsaka nagonline. I suddenly rolled my eyes dahil sa nakita kong mga pictures ko as a candidate for the upcoming university pageant.

Umaabot na kaagad sa limang daang libo ang likes non, In just an hour. Comments and shares are in a huge number too!

"Psh" inis na sambit ko ng halos gawin na ng ibang chat box ang comment section.

Busy pa ako sa pagiiscroll ng kaagad na kumatok si Daddy. It's just a three knock and he suddenly open my door kaya naman kaagad kong isinara ang aking mac book at tsaka tamad na umupo sa aking kama.

"Brenda, why did you call Alec an idiot?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Daddy na mas lalo kong ikinasimangot.

"Cause he called me Maria...it's too oldie! We're not even close to be on first name basis!" Himutok at pagmamaktol ko.

Kumunot ang noo ni Daddy na para bang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi.

"Can you even be nice...just a little?" Pakiusap na sambit niya na para bang alam niya sa sarili niyang masyadong mahirap ang hinihingi niya sa akin.

"For what?" Tanong ko dito kaya naman napaiwas siya ng tingin sa akin.

"We'll talk about that soon, for now I want you to be nice to Alec...please respect him, Brenda. He is older than you" paliwanag pa sa akin ni Daddy kaya naman halos mag 360 degrees yung mata ko dahil sa pagirap.

"Alright" labas sa ilong na pagsuko ko sa kanya.

No way!

Nagbihis muna ako bago ako nagpasyang bumaba, nagpahanda na daw kasi si dad ng dinner dahil duon kakain si Alec the asshole.

"Ito na pala si Brenda" sabi ni Dad pero halos mapanganga siya at mapasapo ng mukha si Tita Liezel dahil sa aking suot na paired pajamas.

Ang kaninang seryosong mukha ni Alec ay kaagad napalitan ng pagngisi. Hindi ko na sila pinansin at kaagad na akong umupo sa aking pwesto.

"Brenda, you should wear a descent dress...may bisita tayo" bulong na suway sa akin ni Tita liezel.

Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm going to sleep after this, so what's the point of wearing something special?  We'll just eat dinner anyway...nothing special" seryosong saad ko habang sa kung saan nakatingin with my chin up at eyebrows on flick.

Natahimik ang buong hapagkainan, even the maid na nagseserve sa amin ay hindi makagalaw ng maayos dahil sa pagtingin sa akin. Maya maya ay mukhang sobra nang nahiya si Dad.

"I'm sorry about that Alec" paumanhin ni Dad dito na para bang napakalaking kasalanan ang aking nagawa.

Lalo akong nainis ng tumawa lamang ito. Damn the dimples! I want one too!

"It's ok, Mr. Arenas...I don't mind, Maria wearing pajamas at dinner" sabi nito na halos ikataas ng aking balahibo.

He is so freaking matured when it comes to Dad! Grabe ang utak ng lalaking ito, kakaiba! Abnormal.

"I said, call me Brenda!" Sigaw ko sa kanya across the table.

He didn't sniffed a bit na para bang hindi siya apektado sa aking pagsigaw sa kanya. "Brenda, can you please behave hindi ko na alam ang gagawin ko sayo...ipapadala kita sa Lola mo sa US" pagbabanta ni Daddy sa akin kaya naman kaagad akong natigilan.

Fuck! This guys is really getting into my nerves.

Tahimik na lamang akong kumain, actually pinaglaruan ko na lamang ang pagkain sa aking harapan. Nakakainis naman kasi dito sa bahay na ito na para bang lahat ng gawin at galaw ko lahat mali! Wala na akong ginawang tama.

"I'm done" mahinang sambit ko habang nakayuko at kaagad akong tumayo paalis ng dinning.

Hindi naman na kumontra pa si Daddy imbes na sa kwarto ako dumiretso ay pumunta ako sa may kitchen. "May kailangan po kayo Ma'm?" Parang natatakot na tanong sa akin ng isa sa aming bagong kasambahay.

"I want a rocky road flavored ice cream" sabi ko at kaagad na tamad na umupo sa aming kitchen counter. Mabilis na kumilos ang aming kasambahay

"No...give me that one gallon" pagpigil ko sa kanya ng sasalinan sana niya ako sa bowl.

Kaagad rumihistro ang pagkagulat sa mukha nito pero kaagad din naman niyang inabot iyon sa akin. Dala dala ko iyon kasama ang isang kutsarang subo subo ko na papunta sa aming garden. Mabilis akong umupo sa wooden swing at tsaka itinaas ko ang aking magkabilang paa.

"Stress reliever" sambit ko at tsaka ko kaagad na kinain yung ice cream.

Busy ako sa pagkain ng kaagad kong natanaw ang isang kulay itim na sports car hindi kalayuan sa akin. Nakagarahe ito malapit sa aming garden.

Kaagad akong napangiti ng makaisip ako ng magandang ideya. Mabilis akong bumalik ng kusina para tawagin yung isa sa mga bago naming kasambahay.  

"What's your name again?" Tanong ko dito habang pinupunasan niya ang aming kitchen counter.

Bahagya pa siyang nagulat pero kaagad din naman nakabawi ng makita niya ako. "Silvia po" medyo nauutal na sambit niya. Mukhang matanda lang siya sa akin ng dalawang taon.

"Ok Silvia, may iuutos ako sayo" sabi ko with matching evil smile.

Ngiting ngiti akong pumasok sa bahay, duon ko naabutang nagpapaalam na si Mr. Alec asshole Herrer kina Daddy at Tita liezel. Kumunot ang noo nilang tatlo ng kaagad ko silang ginawaran ng isang matamis na ngiti with matching maamong mukha.

"Ar...are you fine Hija?" Hindi makapaniwalang tanong sa akn ni Daddy na kaagad ko lamang tinanguan.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang kakaibang pagtitig sa akin ni Alec, na para bang nagdidilate ang pupil ng kanyang mata habang nakatingin sa akin. Kaya naman bago pa ako makain ng kanyang malalim na pagtitig ay mabilis na akong pumihit para sana umakyat.

"Sir, flat po ang kanang gulong nang sasakyan niyo...nakita po namin ito" humahangos na sabi ng isang guard kaya naman halos mapalunok ako ng wala sa oras.

"Paano namang may bubutas ng gulong ni Alec gamit ang kuts..." hindi na natuloy pa ni Daddy ang kanyang pamomorblema ng kaagad itong natigilan at halos manginig ang aking buong katawan ng nanlilisik ang mga mata ni Daddy ng bumaling ito sa akin.

"Come with us, Brenda" galit at nanggigigil na sambit niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila papunta sa labas.

Nakayuko lamang ako habang pinoproblema nila ang pagkakabutas ng gulong ni Alec.

"Paanong napunta ang kutsilyo dito, Silvia?" Pagiinteroggate ni Dad sa aming bagong kasambahay. Nakayuko lamang ito at mangiyakngiyak na.

Dahan dahan din itong bumaling sa akin na para bang nanghihingi siya ng tulong. "Sumagot ka, Silvia" nakakatakot na utos ni Dad sa kanya.

Napairap na lamang ako sa kawalan. Maghanda ka na Brenda, hahagupit nanaman ang kalbaryo mo. Bulong ko sa aking sarili.

"Nakakahiya ka na!" Sigaw sa akin ni Dad pagkaalis ni Alec.

Hindi ako nito sinita pero alam kong he is very pissed of. Tumawag na lamang ito sa kanilang bahay para masundo na siya. Sobra ang ginawang pagsosorry ni Daddy dahil sa aking ginawa.

Kumanta din kasi si Silvia na ako ang nagutos sa kanya sa takot na palayasin ni Daddy.

Hindi ako natinag. Nakatitig lamang ako sa sahig habang halos malagot ang litid sa leeg ni Daddy dahil sa sobrang pagkainis at galit.

"Are you even listening?" Hiyaw niya sa akin.

"Hon tama na yan, we should all rest" malambing na pagaamo sa kanya ni Tita liezel. One point again for her, damn it!

Habol habol ang hininga ni Daddy dahil sa umaapaw na galit. "I'll talk to your Lola vivian" pinal na sabi niya sa akin na halata namang pananakot.

Palagi niya akong tinatakot na ipapadala sa US kung nasaan si Lola vivian na ina ni Mommy. Palibahasa ay masyadong strikto iyon. Bata pa lang ay yun na talaga ang panakot niya sa akin kaya naman simula bata ay lahat ng gusto niya nasusunod even yung pag papakasal niya kay Tita liezel.

"As if naman na matatakot ako, ayoko na ngang umuwi sa bahay, kung hindi lang dahil anduon ang memories ni Mommy lalayas na talaga ako duon" himutok ko kina Chatterley at Ivoree kinabukasan pag pasok ko sa school.

"So kailan ba namin mami-meet itong sinasabi mong si Alec the asshole?" Natatawang tanong ni Ivoree sa akin dahil yun ang pagkakakwento ko sa kanila.

I rolled my eyes. "How can you meet that jerk? Eh, we're not even friends nga" sabi ko sa kanila na kaagad namang bumagsak ang mga balikat.

"Ngayon ka lang namin narinig na nainis at nagkwento tungkol sa lalaki, Brenda" tumataas taas pa ang kilay ni Ivoree habang sinasabi iyon.

Kaagad na kumunot ang aking noo. "And so...there is nothing special about him, Ivoree louise, stop bugging me" mataray na suway ko sa kanya dahil sa kung ano ano na ang lumalabas sa bibig nito.

"Feeling ko, magkakatuluyan kayo niyan!" Panggagatong na pangaasar pa ni Chatterley kaya naman napahampas ako sa desk ng wala sa oras.

"Manahimik nga kayo diyan!" Hiyaw ko sa kanilang dalawa pero pinagtawanan lamang nila ako.

Kalat na kalat na sa buong bussiness administration department ang pagiging representative ko kaya naman halos lahat ng makasalubong ko ay binabati ako.

Maya maya ay nakarecieve ako ng tawag mula kay Daddy. Sinabihan ako nitong bumili ng kahit anong peace offering at dalhin sa office ni Alec para humingi ng tawad.

"Ayoko!" Pagmamaktol ko sa kanya, Over my dead body!

"I'll cut your cards, Brenda...try me. Try me, honey" pagbabanta niya sa akin kaya naman halos lumupaypay ako sa aking armrest. Minsan niya ng ginawa, and I don't even last that no card policy even a day.

Alas dos lang ng matapos ang klase ko, plano pa sana naming magmall nila Chatterley at Ivoree ang kaso ay may biglang iniutos sa akin si Daddy. Naglalakad ako patungo sa parking space papunta sa aming sasakyan ng kaagad akong hinarang ng grupo nila Natasha.

"You bitch! Sabi mo hindi ka interisado sa pageant!" Akusa sa akin ni Natasha with her smugged face.

Napabuntong hininga ako. "I even object, you heard it right?" Laban ko sa kanya.

"Pero ginusto mo din! Gusto mo yung attention ng mga tao, you enjoy the fame!" Akusa niya sa akin kaya naman bigla akong nanggigil.

"What fame are you talking about!?" Sita ko sa kanya.

Nginisian ako nito. "Even the varsity player pinaguuspan ka...what now Brenda? Are you even sure makakasagot ka sa question and answer?" Panlalait nito sa akin.

Mahaba ang pagtitimpi ko sa babaeng ito pero sumusobra na talaga siya. "What do you think of me, brainless!?" Hiyaw ko sabay sampal sa kanyang kanang pisngi.

Halos mangilid ang luha nito dahil sa lakas ng aking pagkakasampal sa kanya.

"That's what you get, bitch!" Sabi ko sabay tatalikod na sana sa kanya ng kaagad nitong hinila ang aking buhok.

"Mangaagaw!" Sigaw niya tsaka nila ako pinagtulungan ng mga kasama niya.

"Help! Help!" Sigaw ko dahil nagiisa lamang ako at madami sila.

Mukhang kaagad namang narinig ng driver ko ang sigaw ko kaya naman kaagad kong narinig ang pagsaklolo nito.

"Bitawan niyo si Ma'm Brenda!" Sigaw niya sa mga ito at tsaka niya isa isang inilayo sa akin ang mga iyon. Dahil sa lakas ng pagkakatulak ay napaupo si natasha sa sahig.

"Babalikan kita Brenda! Tandaan mo yan!" Panduduro niya sa akin bago sila tunatakbong umalis.

"Ok lang po ba kayo Ma'm?" Tanong sa akin ng driver.

"Do I look ok to you!?" sigaw ko sa kanya tsaka ako mabilis na tumakbo papasok sa aming sasakyan, umiiyak.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa pinilit kong tumahan. "Para mo sa tabi" walang kaemoemosyong utos ko sa driver ng dumaan kami sa Conrads pastry shop.

Mabilis akong pumasok sa pastry shop para bumili ng sinasabing peace offering para kay Alec. Halatang halata pa ang pagiyak ko, even my hair is not even brused.

Nang pamansin ko ang pagtingin sa akin ng mga tao sa loob ay kaagad kong sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga kamay. Pumili ako ng pwede kong bilhin para kay Alec. Hindi ko naman alam ang gusto nuon at kung ano dapat ang binibigay sa mga peace offering.

Pinili ko na lamang yung isang box ng chocolate chips cookies, natikman ko na iyon at masarap talaga, ang kaso ay i'm on a diet kaya hindi ako paging kumakain nuon.

"Dalhin mo ako kay Alec Herrer" matigas na sabi ko sa aking driver dahil wala na talaga ako sa mood ngayon.

Halos mabali ang aking leeg dahil sa mataas na building na aming nadadaanan ngayon.

Jimenez group of companies

Pagbasa ko sa isang malaking pangalan sa isang napakataas na building. Sunod sunod iyon hanggang sa nakita ko na ang companya nila na minsan ko na ding napuntahan ng isama ako ni Daddy.

Kaagad akong umakyat papunta sa floor kung nasaan ang opisina nito, pagkalabas na pagkalabas ko sa elevator ay kaagad na napatingin sa akin ang mukhang secretary nito.

"What can I do for you, Ma'm?" Ngiting ngiting tanong niya sa akin na ikinairap ko.

"I need to see Alec" diretsahang sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.

"You mean, Mr. Alec Herrer, Ma'm?" Paninigurado niya sa akin.

Kumunot ang aking noo. "May iba pa bang Alec dito?" Masungit na tanong ko sa kanya.

Kaagad naman itong nataranta. "But Ma'm wala naman po kayong appo..." hindi ko na siya pinatapos at kaagad kong pinindot ang intercom sa kanyang gilid.

"Hi! Alec, it's Brenda. I need to talk to you, just so you know" mabilis na sabi ko at kaagad kong inirapan yung babae at tsaka mabilis na tinahak ang pintuan ng kanyang opisina.

Hindi ko na din nagawa pang kumatok. Mabilis kong binuksan iyon, mukha namang hindi siya nagulat dahil kalmado pa din ang pagkakaupo nito sa kanyang swivel chair habang pinaglalaruan ang kanyang ballpen na hawak.

Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin kaya naman muntik na akong magkastupor dahil sa kaba. Fuck this shit! Napakalalim niyang tumingin.

"What can I do for you, Ms. Arenas?" Seryosong tanong niya sa akin.

Tumaas ang isang kilay ko bago ko sinimulang maglakad papalapit sa kanya. Hindi ko alam pero kaagad na gumala ang kanyang paningin sa aking kabuuan na para bang may mali siyang nakikita sa akin ngayon.

"Dad wants me to give you a peace offering" walang kaemoemosyong sabi ko sa kanya.

Tumayo ito tsaka itinuro sa akin ang couch sa gilid ng kanyang office. Presko siyang umupo duon.

Kaagad akong umiling. "Hindi ako magtatagal ibibigay ko lang to sayo" sabi ko lang pero kaagad din siyang umiling sa akin.

"No, Ms. Arenas, you sit..." utos niya sa akin sabay turo sa upuan sa kanyang harapan.

Para wala nang mahaba habang bangayan ay kaagad na akong padabog na umupo duon.

"What do you have for me, then?" Tanong niya habang nakatingin sa aking hawak hawak na paper bag.

"Uhmmm" kaahad tuloy akong tinablan ng hiya. Sa dami ng pwede mong ibigay cookies pa talaga!

"What? I'm excited..." panghahamon niya sa akin kaya naman wala na akong maging choice kundi ang iabot sa kanya iyon.

"Wala akong maisip eh, that's why I bought my favorite Conrad's set of cookies" sabi ko sa kanya habang sa iba nakatingin.

Akala ko ay lalaitin ako nito pero nagulat ako ng ngiting ngiting nagpasalamat pa ito.

"You give me your favorite? Salamat..." sabi niya na halos naging dahilan para magtayuan ang aking mga balahibo sa katawan.

"That's all, aalis na ako" paalam ko sana sa kanya ng kaagad ako nitong pinigilan.

"Aalis ka without even knowing kung napatawad na kita?" Panghahamon na tanong nito sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit hindi pa ba?" Masungit na tanong ko.

Napailing itong tumingin sa akin sabay ngisi. "Anyway hindi naman ako nagalit sayo" sabi niya dahila para mapanganga ako.

"What...are you for real?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Tinasaan lamang din ako nito ng kilay. "Do you have a boyfriend?" Biglang tanong niya sa akin.

"Wala, why?"

Tumango ito at kaagad na tumango. "Good, cause I want to have dinner with you tonight" sabi niya na halos ikaluwa ng aking mata.

"What are you a pedophile!?" Hiyaw ko sa kanya na ikinatawa niya.

"You brat...such a pain in ass" pangaasar pa niya lalo sa akin.





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro