Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Days, weeks and months passed by so fast. I became so thin, halos bumagsak ang katawan ko. Normal daw iyon dahil lima kami ang naghahati hati sa nutrisyon ng mga pagkaing kinakain ko. I feel so weak kaya naman kung minsan ay nakahiga na lamang ako sa kama buong araw. Halos hindi ko na nga magawang tumayo dahil hindi ko kayang buhatin ang katawan ko. My tummy became so big. Literally big na hindi ko inaasahan na may ilalaki pa pala iyon.

"Good morning" nakangiting bati sa akin ni Alec pagkapasok niya sa kwarto. May dala dala itong tray ng pagkain.

"Good morning" nakangiting bati ko din sa kanya, at tsaka ko sinubukang umayos ng pagkakaupo.

Inilapag ni Alec ang dalang pagkain sa may lamesa sa may veranda sa aming kwarto. Duon na kasi kami kumakain lalo pag hindi ko kayang bumaba sa may dinning dahil sa aking kalagayan.

"Come, let me help you" malambing na sambit ni Alec sa akin pero hindi niya tinanggap ang aking kamay bagkus, kagaya ng palagi niyang ginagawa. Binubuhat niya ako ng parang bagong kasal. Kaya naman minsan ay mapapatawa na lamang kaming dalawa.

"Hindi ka ba nabibigatan sa akin?" Tanong ko sa kanya while caressing his face. Gustong gusto kong hawakan ang mukha ni Alec dahil nakikiliti ako sa mga patubong buhok sa kanyang panga.

"I will never get tired of you Maria" malambing na sambit niya bago niya ako hinalikan sa pisngi.

Nagsumiksik na lamang ako sa dibdib ni Alec. Hanggang sa makarating na kami sa may veranda. Maging sa pagpapaupo nito sa akin ay maingat na maingat siya.

"You look so old with that, you should shave" payo ko sa kanya habang pinagmamasdan ko ang kanyang gwapong mukha.

Bigla tuloy naging conscious ito sa kanya mukha at napahawak sa kanya baba. "Am I?" Tanong niya sa akin na walang sabi sabi ko namang tinanguan.

Napapabayaan na ni Alec ang kanyang sarili dahil sa pagaalaga sa akin. Palagi na lang ako, ako ang inuuna niya, ako ang inaalala niya. Minsan nga ay muntik na silang magaway ng Daddy niya dahil kahit anong mangyari hindi siya aalis ng bahay para puntahan ang companya nila.

Alec became true to his words na hinding hindi siya aalis sa tabi ko kahit anong mangyari.

Pagkatapos ng paguusap na iyon, muli nanaman kaming natahimik. Katahimikan na hindi ko alam kung nakakabuti sa aming dalawa o mas nakakasama. Sa bawat minuto na pinakikiramdaman lang namin ang isa't isa. Unti unting nadudurog ang puso ko, bumibigat ang aking damdamin.

Gusto ko na minsang maiyak at itanong sa kanya na kung paano kung ito na ang huling araw ko. Paano kung ito ang huling beses na maimumulat ko ang aking mga mata at makikita ko siyang bumabati sa akin.

"What are you thinking?" Basag niya sa aming katahimikan ng mapansin siguro niyang masyado ng lumalalim ang aking iniisip.

Napailing iling ako sa kanya at tsaka pinagpatuloy ang aking pagkain. Masama ang aking pakiramdam kung tutuusin, pero ang mga ganuong simpleng bagay ay hindi ko na sinasabi pa kay Alec dahil normal naman iyon, ayoko na magalala pa siya sa akin. Alam kong hirap na hirap na din siya.

"Gusto kong mag mall, gusto kong mamasyal. Pero ang panget ko na" malungkot na sabi ko dito.

"Sinong nagsabi?" Galit na tanong niya sa akin kaya naman imbes na matakot ay natawa pa ako.

"Sabi ko, nakikita ko sa salamin" sagot ko sa kanya kaya naman napatiim bagang ito.

"Hindi iyon totoo Maria" sabi sa akin ni Alec pero napanguso na lamang ako at tsaka pinagpatuloy ang aking pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming naligo ni Alec. Naging normal na iyon para sa aming dalawa lalo at hindi niya ako pinapayagang magisa sa banyo dahil delikado daw at baka bigla na lamang akong madulas, hirap pa naman akong controlin ang katawan ko ngayon.

"Ang lalaki ng mga baby natin" sambit ko habang pareho kaming nasa loob ng bath tub. Ang hubad kong likuran ay ramdam na ramdam ang mabato nitong pangangatawan.

Nararamdaman ko din ang init ng katawan niya lalo at nakayakap pa siya sa akin. "Wag niyo masyadong pahirapan si Mommy" malambing na sabi niya habang malambing niyang hinihimas ang malaki kong sinapupunan.

"Siguradong nagmana sila sayo...tsk. marami nanamang iiyak na babae niyan" natatawang sabi ko kay alec kaya naman narinig ko na lamang ang pagngisi niya.

"Pero hindi kita iniyakan ha!" Pagbawi ko kaya naman naramdaman ko ang pagtawa ni alec ng umalog ang kanyang balikat.

"Oo na, ako na ang mas patay na patay sayo" pagsuko niya bago niya ako hinalikan sa aking may sintido.

Humikab ako ng malakas bago ko ipinahinga ang aking ulo sa kanyang dibdib. Sa pagkakaayos ko ng pagsandal ay mas lalong dumikit ang hubad na katawan naming dalawa. Ni hangin nga siguro ay mahihiya ng pumagitna sa amin. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"I'm sleepy" sumbong ko sa kanya.

"Come on let's..." hindi ko na hinayaang ituloy niya ang sasabihin niya ng kaagad ko siyang pinigilan.

"I want to stay here...just like this" paglalambing ko pa kaya naman kahit alam kong gustong kumontra ni Alec ay hindi na niya ginawa at nagpaubaya na lamang.

Kinain ako ng antok at nagising na lamang na nakahiga na ako ng kumportable sa kama. May suot na din akong damit. Pinilit kong tumayo at lumabas sa kwarto.

"Daddy!" Sigaw na tawag ko sa kanya ng makita kong kararating lamang niya.

Kaagad na nagulat ito kaya naman mabilis siyang lumapit sa akin at tsaka niya ako inalalayang bumaba sa may hagdan.

"Bakit hindi ka nagpatulong anak?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa kitchen. Akay akay ako nito, kaya naman napayakap na lamang ako sa kanya.

"Nagugutom po ako" malabing na sabi ko.

"Lulutuan kita ng paborito" sabi ni daddy sa akin kaya naman mas lalong napahigpit ang yakap ko sa kanya.

Nilutuan ako ni daddy ng paborito kong pagkain. "Do you like it?" Tanong ni Daddy sa akin habang kumain ako. Hindi siya kumain, bagkus ay pinanuod niya lamang ako.

Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lamang ako sa pagkain. "When your Mom gave birth to you, duon na lumaki ang companya natin. We said maybe you're our lucky charm" paguumpisa ni daddy ng kwento na ikinagulat ko pa.

"Me? Your lucky charm?" Hindi pa makapaniwalang tanong ko sa kanya habang natatawa.

Napangisi na lamang din si daddy at napatango. "And we are right, you are our lucky charm...we are so lucky to have you Brenda" sabi ni Daddy sa akin then he pat my head.

"Kahit makulit, mataray, masungit at masama ako?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka masama Brenda" paninigurado ni daddy sa akin.

Biglang may parang kung anong bumara sa aking lalamunan kaya naman napaiwas na lamang ako ng tingin.

"Masama ako" sambit ko.

Nagulat si daddy dahil sa aking sinabi. "Brenda bakit mo sinasabi yan?" Tanong ni Daddy sa akin.

Hindi ko siya sinagot. Nanatili lamang ako nakayuko hanggang sa unti unti ng tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Ako ang may kasalanan kung bakit hindi na natin kasama sina Mommy at Brandon. Hindi mo man sabihin Daddy, alam kong ako ang may kasalanan nuon..." umiiyak na sabi ko sa kanya.

Kaagad kong nakita ang pamumula ng mga mata ni daddy hanggang sa magtubig na din ito. "Brenda anak hindi yan totoo" pagtanggi ni Daddy sa akin.

"Masama ako daddy...dahil sa akin nawala sina Mommy at Mrandon, tapos ngayon...ngayon..." hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko sa kanya dahil kinain na ako mabigat kong damdamin.

"Brenda..." umiiyak na tawag sa akin ni daddy.

"Iiwan pa kita...iiwan pa kita! Ang sama ko...diba Daddy, ang unfair ko" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Mahigpit akong niyakap ni daddy. "Hindi mo naman ako iiwan eh, alam ko Brenda hindi mo iiwan si Daddy" sabi niya sa akin na para bang siguradong sigurado siya na hindi ko siya iiwang magisa dito.

"Daddy!" Umiiyak na tawag ko sa kanya.

Wala nang mapaglagyan ang takot ko, ang tapang na matagal kong inipon ay mabilis na naglaho ng parang bula. "Tulungan mo ako Daddy...please, ayoko pa...ayoko pa" umiiyak na sabi ko sa kanya, takot na takot na para bang ano mang oras ay mawawala na sa akin ang lahat ng ito.

"Kung kaya ko lang! Diyos ko kung kaya ko lang..." umiiyak na sabi ni Daddy na para bang nagagakot siya sa kanyang sarili.

Nagpatuloy lamang ako sa pagiyak habang mahigpit na niyayakap si Daddy na para bang iyon na ang huling beses na mayayakap ko siya ng ganuon kahigpit, ayokong bumitiw.

"Alam mo naman diba, na lahat ng gusto mo ibibigay ko...kahit ano pa iyan Brenda. Kung pwede lang buhay ko na lang kapalit ng sayo gagawin ko..." pagpapaintindi ni Daddy sa akin.

"Natatakot ako..." umiiyak na sumbong ko sa kanya.

Nang kumalma kaming pareho ay hinatid ako ni daddy sa kwarto namin ni alec. Sa hindi ko malamang dahil ay kaagad akong kinain ng takot.

"Magpahinga ka na, pauwi na siguro si Alec" sabi ni Daddy sa akin kaya naman tinanguan ko na lamang siya.

"I love you, daddy" sambit ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita Brenda" buong puso na sabi ni daddy sa akin.

Isasara ko na sana ang pintuan ng biglang may pumigil sa akin. "Daddy...how did you let mommy go?" Magulong tanong ko sa kanya dahil kahit ako ay nasasaktan.

"What do you mean?" Tanong niya sa akin.

"Paano mo siya pinakawalan? Kailan mo tinanggap na wala na talaga siya...na umalis siya at wala ng balikan?" Masakit na tanong ko kay Dad.

Kitang kita ko kung paano siya kinain ng lungkot. "Hindi ko naman siya pinakawalan eh...kasi hanggang ngayon mahal ko pa din ang Mommy mo. Sadyang tinaggap ko lang na wala na siya, kasi alam kong nahihirapan na din siya. Alam kong pag hindi ko tinanggap, alam kong...nahihirapan din siya dahil ayaw niyang nasasaktan ako" pagpapaliwanag sa akin ni Daddy.

Napalunok ako at napatango. "Just like brandon?" Tanong ko sa pagkamatay ng nakababatang kapatid ko.

Walang nagawa si Daddy kundi ang tumango na lamang pero kitang kita ko ang takot sa kanyang mga mata na para bang natatakot siya sa kung ano pa ang pwede kong idugtong.

"Can you do...can you do that for me too?" Pumiyok pang tanong ko kay daddy.

Hindi na siya nakapagsalita dahil mabilis na nalukot ang kanyang mukha dahil sa pagiyak.

"Why do you need to do this to me?" Umiiyak na paninisi niya sa akin.

"Daddy, I want you to let me go too...I want you to live a life, i don't want you to be miserable when I get lost. I want you to be happy with your grandsons, you'll have gonna four of them. Pag busy na kayo, hindi niyo na mapapansin na wala ako" pagpapaintindi ko sa kanya pero mas lalo lamang umiyak si Daddy na parang bata sa aking harapan.

"How dare you to say that...sinong nagsabi sayo na ganuon kadali iyon Maria Brenda!?" Galit na sabi sa akin nito.

"I don't want to go with a heavy heart" sambit ko sa kanya.

Hindi pa man din nakakapagsalita si Daddy ay kaagad kaming natigilan ng dumating si Alec.

"Bakit saan ka pupunta Maria?" Seryosong tanong nito sa akin at napakunot pa ang noo ng makita niya ang pagiyak ni daddy.

"Magpapahinga na ako, pagusapan niyo yang magasawa" sabi ni Daddy at nagmamadaling pumunta sa kanyang kwarto.

Lumipat ang nanunukat na tingin ni Alec sa akin kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi ang magiwas ng tingin at tsaka ko siya tinalikuran para tuluyan ng makapasok sa aming kwarto.

"What happend?" Seryosong tanong niya sa akin.

Nagipon ako ng lakas para masabi kay alec kung ano talaga ang aking nararamdaman.

"Nausap lang kami ni Dad" sabi ko sa kanya pero alam kong hindi titigil si alec kakatanong sa akin.

"Tungkol saan?" Tanong niya sa akin pero bigla akong nawalan ng boses. Dahil kahit anong gawin kong pagtago ay lumalabas pa din sa mga kilos ko ang katotohanang, takot ako. Takot na takot akong mamatay.

"Wa...wala" sabi ko at muli ko sana siyang tatalikuran ng kaagad niya ng hinawakan ang palapulsuhan ko.

"Tungkol saan Maria, tell me..." pakiusap niya sa akin.

Naglaban ang aming mga mata. "Tungkol saan Maria?" Ulit pa niya, desididong malaman kung ano nga ba talaga.

"Sa nalalapit kong pagkamatay" diretsahang sabi ko sa kanya kaya naman nabitawan ni Alec ang pagkakahawak niya sa akin.

Kung maibabalik ko lang ang dati


Hindi na kita bibitiwan pang muli


At ipadarama ko sa iyo na mahal kita araw araw


Araw araw


Ngayon ikaw ay nasa piling niya


At ngayon ako ay nagsisisi na


Ngunit walang magawa


Kundi ang humiling nalang na sana

"P*tangina!" Sigaw niya, galit na galit at wala siyang nagawa kundi ang ibato lahat ng mahawakan ng kamay niya.

Sigaw siya ng sigaw habang halos maubos na niya ang pwede niyang ibato sa loob ng aming kwarto.

"Ano bang gusto kong gawin ko Maria...ano bang gusto mong gawin ko para tigilan mo na yan?" Desperadong tanong niya sa akin.

"Alec, wala na tayong magagawa" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Mariin siyang napapikit at tsaka sinuntok ang pader. "Anong gusto mong gawin ko? Tanggapin na mamatay ka na? Ganuon ba!?" Sigaw na tanong niya sa akin, kitang kita ko ang sakit sa mga mata ni alec.

"Gusto mo bang tanggapin ko na lang na mawawala ka na Brenda?" Punong puno ng hinanakit na tanong niya sa akin.

"Alec...yun na lang yung magagawa natin" nanghihinang sabi ko sa kanya pero mas lalo lamang lumakas ang iyak ni alec na may kasamang galit.

O Dyos ko, isang araw lang ang hinihingi ko


Isang araw lang naman


Pagbigyan Mo na ako


Ibigay Mo na sa'kin 'to


Nang maramdaman muli at marinig muli na mahal niya rin ako

"Bakit? P*tangina naman...bakit!?" Umiiyak na tanong niya sa kawalan.

"Nararamdaman ko na...natatakot ako, pero kahit anong gawin ko, kahit tumakbo ako, kahit magtago ako. Ito yun eh...hanggang dito na lang" umiiyak na pagpapaintindi ko sa kanya.

"Bakit kasi pinili mo pang..." hindi na niya matuloy ang sasabihin niya dahil kahit ako, alam kong masakit iyon. Alam kong masakit din iyon kay alec kahit inisip pa lang niya.

"Alec wag mong sabihin yan" sabi ko tsaka ko siya nilapitan. Nakaupo ito sa may paanan ng kama. Lumuhod ako sa kanyang harapan.

Pinagmamasdan nalang ang mga larawan ng ating nakaraan


Hindi maiwasan na masaktan na wala ka na


Wala ka na


Ngayon ikaw ay nasa piling niya


At ngayon ako ay nagsisisi na


Ngunit walang magawa


Kundi ang humiling nalang na sana

"Akala ko ba mahal mo ako Maria?" Punong puno ng hinanakit na tanong niya sa akin na para bang nagsinungaling ako sa kanya.

I cupped his face. "Oo Alec, sobra..." paninigurado ko sa kanya.

"Then why did you need to do this?" Tanong niya sa akin.

Hindi ko din siya masagot. Hindi ko din alam ang tamang sagot.

"I'm going to deliver four child Alec, four new human that will love you just how I love you. Nagusap na kami..." sabi ko at tsaka pumiyok na.

"Kinausap ko na sila...you will never be alone" pagpapaintindi ko sa kanya.

"How can you be this calm?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Kinuha ko ang kamay ni alec at dinala iyon sa aking dibdib. Sa tapat ng aking puso.

"Dahil natanggap na nito, tanggap na niya na kahit gaano ka niya kamahal...kailangan ka na niyang iwanan" umiiyak na sabi ko kay Alec. Punong puno na ng luha ang magkapareho naming mga mukha.

O Dyos ko, isang araw lang ang hinihingi ko


Isang araw lang naman


Pagbigyan Mo na ako


Ibigay Mo na sa'kin 'to


Nang maramdaman muli at marinig muli

Siya naman ngayon ang humila sa kamay ko papunta sa kanyang dibdib. "Pero hindi niya kakayanin" tukoy niya sa kanyang puso.

"Mahal na mahal ka niya Maria" dugtong pa niya.

O Dyos ko, isang araw lang ang hinihingi ko


Isang araw lang naman


Pagbigyan Mo na ako


Ibigay Mo na sa'kin 'to



Nang maramdaman muli at marinig muli


Nang maramdaman muli at marinig muli na mahal niya rin ako


Na mahal niya rin ako


(Alec's pov)


"Daddy" tawag ko sa Daddy ni maria.

"I can't...i can't afford to lose my princess Alec" umiiyak na sabi niya sa akin.

Bandang alas nuebe ng makaramdaman si Maria ng pananakit ng kanyang tiyan kaya naman kaagad na inayos nila tito simone ang bahay. Maging sina doctor manalo ay nandito din. May mga kasamang mga nurse, ilang malalaking machine ang nasa loob ng kwarto. Kagaya na lamang nung nanganak si Yvonne.

"Matapang yun..." si Clark. Gusto man sana niyang pagaanin ang loob ko ay alam kong kinakabahan din siya.

"Hindi ko pa siya nakakausap eh...bigla na lang, nataranta din ako eh" sabi ni Daddy.

Nang malaman naming manganganak na si Maria ay halos mataranta kaming lahat. Hindi ko man lang siya nakausap ng maayos bago siya ipinasok nila tito simone sa kwarto.

"Mamaya Daddy, pagkatapos...magiging ayos lang siya" pagpapatatag ko ng loob kahit ako mismo ay parang gusto nang himatayin sa takot.

"Alec! Alec!" Sigaw ni tito simone. Napatayo ang lahat kahit ako lang naman ang tinawag.

"Gusto ka daw niyang makausap" si tito simone, nagmamadali na din siya.

Mabilis akong pumunta duon. Nakahiga si Maria, umiiyak sa sobrang sakit.

"Alec" umiiyak na tawag niya sa akin.

Kaagad ko siyang nilapitan at hinalikan sa noo. "Bakit Maria..." malabing na tanong ko sa kanya.

"Sa may drawer, may mga sulat ako inawan para sayo, kay Daddy, at sa mga bata..." sabi niya sa akin pero umiling lamang ako.

"Ayoko, ayoko..." umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita Maria, wag..." pakiusap ko sa kanya.

"Mahal din kita Alec. Mahal na mahal kita" umiiyak na sabi niya at kaagad akong naitulak ni tito simone palabas ng muli nanamang dumaing si Maria dahil sa sobrang sakit.

"Tito please...tito" pakiusap ko dito.

Umiiyak akong lumabas sa kwarto kaya naman ang lahat ay kaagad na nagalala.

"Matagal pa ba?" Kinakabahang sabi ni Daddy.

Si Mommy pia ay tahimik na nakaupo kasama si lola, kapawa may hawak na rosario. Tahimik ang iba ko pang mga pinsan, maging ang nga tito at tita ko.

"Saan ka?" Tanong ni Clark ng makita niyang aalis ako.

"May kukuhanin lang ako" sabi ko at tsaka ako mabilis na umakyat.

Ayoko man sana dahil alam kong hindi kailangan ay pununtahan ko ang drawer na sinasabi ni Maria. Pagkabukas ko ay tatlong envelope ang aking nakita. Para sa daddy niya, para sa akin at para sa aming mga anak.

Kinuha ko ang para sa akin. Tinitigan ko lamang iyon. "Hindi ko to kailangan, mabubuhay ka pa diba...hindi mo ako iiwan diba?" Umiiyak na sambit ko habang halos malukot ang envelope dahil sa aking pagkakahawak.

"Alec!" Sigaw ni Clark at kaagad na kumatok ng mabilis at maraming beses.

Hindi siya nagsalit. Pareho kaming tumatakbo pababa. Iyak ng mga bata ang sumalubong sa akin pababa. Isa isa na silang inilalabas ng mga nurse na kasama nila tito simone.

"Si Maria?" Tanong ko sa kanila, pero iyak lamang ang isinagot niya sa akin. Si Daddy ay wala na sa kanyang kinauupuan. Nakatayo na ito habang kausap ni Daddy austin. Inalalayan na din siya ng iba ko pang mga tito at tita dahil sa sobrang pagiyak.

Papasok na sana ako ng makasalubong ko si tito simone. "Tito yung asawa ko, kamusta?" Tanong ko sa kanya.

"I'm sorry alec, she didn't make it" sabi nito sa akin kaya naman kaagad akong tumakbo kay Maria.

O Dyos ko, isang araw lang ang hinihingi ko


Isang araw lang naman


Pagbigyan Mo na ako


Ibigay Mo na sa'kin 'to


Nang maramdaman muli at marinig muli


"Maria...please. mahal na mahal kita, wag mong gawin sa akin to" umiiyak na sagot ko sa kanya.

"Maria...mahal na mahal kita" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Hinihintay na sumagot siya, pero hindi niya ginawa.



(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro