Chapter 46
Kaagad akong kinabitan ng oxygen pagkadating sa hospital para kahit papaano ay guminhawa ang aking paghinga.
Nakatulog ako ng maramdaman ko ang unti unting pagkalma din ng aking katawan. Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal nuon pero pagdilat ko ay nasa isang private room na ako. Tanging si Mama Pia at Clark lamang ang nasa loob, hindi pa nila nahahalata ang aking pag gising pero napansin kong mukhang malalim at seryoso ang kanilang pinaguusapan.
May nakakabit pa ding oxygen sa akin at dextrose. Gumalaw galaw ako dahilan para mapansin iyon ni Clark kaya naman kaagad nila akonh nilapitan na dalawa.
"Kamusta na ng mga baby ko?" Kaagad na tanong ko sa kanila habang walang pakialam sa aking sarili.
"Ayos naman sila Hija, walang problema" sagot ni mama pia saakin habang hinihimas himas nito ang aking ulo.
Seryoso lamang na nakatingin sa akin si Clark kaya naman napatingin na lamang din ako sa kanya.
"Tinakot mo ako...tinakot mo kami" seryosong saad niya sa akin, ang ekspresyong iyon ay nakita ko na sa kanya nuong oras na halos mag agaw buhay si yvonne dahil sa kanyang panganganak.
Pagod akong ngumiti sa kanya tsaka yumuko. "I'm sorry" matamlay na sambit ko na lamang.
Muli akong napatingin sa buong kwarto pero mas lalo lamang sumakit ang aking puso ng hindi ko nakita si Alec. Muli ko nanamang naramdaman na parang hinihiwa yung puso ko dahil sa isiping alam na niya ang sakit ko pero heto't wala pa din siya.
"Sandali at tatawag ako ng doctor" paalam ni Mama pia at mabikis na lumabas ng kwarto.
Namutawi ang katahimikan sa buong paligid na para bang pati ang pagpatak ng dextrose ay pwede na naming marinig. Kasabay nuon ay halos sabay sabay na tumulo ang aking mga luha.
"Galit ba siya sa akin?" Umiiyak na tanong ko kay Clark at hindi ko na talaga napigilan ang hindi mapaiyak.
Kaagad na umalalay si Clark sa akin pero sa tingin ko ay mas kailangan kong iiyak ito kesa itago ko lamang dahil mas mabigat iyon sa damdamin.
"Galit ba siya dahil muntik ko nanamang pinabayaan yung mga baby namin?" Dugtong kong tanong sa kanya pero Clark just cupped my face.
"Hindi ganuon Brenda" malungkot na sabi niya sa akin.
Hindi ko man maintindihan ang totoong sitwasyon ay nalulungkot pa din ako at nasasaktan dahil wala si Alec dito ngayon. I was expecting something else, iba ang ineexpect ko sa aking pag gising.
"Hindi na talaga ako importante para sa kanya..." halos pabulong na lamang na sambit ko dahil sa pagiyak.
"Hindi yan totoo Brenda, mahal na mahal ka ni Alec" sambit nito pero ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.
Gusto kong itanong kung bakit wala siya ngayon dito kung ganuon. Bakit ba palagi na lang niyang sinasabing mahal niya ako pero ganito ang ginagawa niya sa akin?
"Gusto ko nang umalis dito" pakiusap ko kay Clark dahil ayoko din talaga ng pakiramdam ng nasa hospital, mas lalo akong nakakaramdam ng panghihina dito at sakit.
Hindi nakapagsalita kaagad si Clark nakatingin lamang siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya alam kung paano sisimulan.
"May problema ba Clark?" Tanong ko sa kanya dahil naninibago ako sa kanya ngayon.
Nakatingin lamang ako sa nakayukong si Clark habang naghihintay ng kanyang sagot hanggang sa mapatingin kaming pareho sa pagbukas ng pintuan.
Kaagad na pumasok duon si Mama pia kasunod sina Doctor Manalo at Tito Simone kasama ang isa pang babaeng doctor. Pero hindi lamang sila ang pumasok, pumasok din kasunod nila ang seryosong si Alec. Sandali lamang niya akong tinapunan ng tingin gamit ang seryoso niyang mukha pero nangingibabaw pa din ang halo halong emosyong nakikita ko sa kanyang mga mata. Sa kanyang mga mata na halatang halatang kakagaling lamang sa pagiyak.
"Hija...andito sina Doctor Manalo, Tito Simione at Doctora Alvarez para ipaliwanag sayo ang gagawin" parang natatarantang sambit ni Mama pia a halos nagkakabuhol buhol pa ang kanyang dila sa pagsasalita.
"Ma..." pagtawag ko sa kanya para pakalmahin siya pero bayolente na lamang itong napailing hanggang sa hindi na niya kinaya at napaiyak na lamang na yumakap kay Clark.
Bayolente din akong napalunok nang maramdaman kong may kakaibang nangyayari sa lugar. Ang tatlong doctor sa aking harapan ay seryosong naguusap usap samantalang sa likod nila ay ang tahimik na si Alec, nakasandal lamang ito sa pader habang seryoso ay may panglulumong nakatitig sa akin.
"Ma...Clark?" Tawag ko sa kanila.
Hanggang sa lumapit na sa akin ang babaeng doctor na tinawag nilang Dra. Alvarez.
"Hija...kailangang mong maintindihan na hindi mo pwede ituloy ang iyong pagbubu..." hindi pa man siya natatapos ay kaagad akong napahawak sa aking may kalakihan ng sinapupunan ng makaramdam ako nh paggalaw ng mga lumalaking bata sa loob ko.
"Hindi ako papayag" seryosong sabi ko sa kanila.
Seryosong nakatingin sa akin sina Doctor manalo at Tito simione, napayuko na lamang ang babaeng Doctor na sumubok na kumausap sa akin kanina.
"Hindi kayo ang magdedesisyon nito...mga anak ko to, hindi ako papayag" umiiyak na sabi ko habang ang dalawang kamay ko na ang nakayakap sa aking sinapupunan na para bang ano mang oras ay may pwedeng umagaw sa kanila sa akin.
"Brenda, pwede mong ikamatay iyon...hindi mo kakayanin" si Doctor manalo na para bang tatay ko kunh pagsabihin ako.
"Kahit pa...wala akong pakialam" tumaas na ang boses ko ng sagutin ko sila habang punong puno na ng luha ang aking mga mata, basang basa na ang aking pisngi.
Pero hindi tumigil si doctor manalo. "Brenda, sigurado akong ito din ang gusto ng Daddy mo" sabi niya pa.
Nang binanggit na niya ang pangalan ni Daddy ay hindi ko na kinaya. Umiyak na lamang ako ng umiyak sa kanilang harapan. Ang daddy ko, miss na miss ko na siya...gusto ko pa siyang makasama pero ito at halos tinataningan na nila ang aking buhay.
"Maiintidihan ako ni Daddy...maiintindihan niya kung pipiliin ko ang mga baby ko" umiiyak pa ding sambit ko at halos madurog ang aking puso habang iniisip kong iiwan ko na din si Daddy, kaming dalawa na lamang ang magkasama at heto ako ngayon, mas pinipiling iwanan siya.
Bumuhos ang emosyon sa loob ng kwartong iyon. Na maging sina Doctor manalo ay napaiwas na lamang ng tingin. Hanggang sa napagpasyahan nilang umalis na muna dahil naramdaman nilang hindi nila ako makukumbinsi ngayon.
"Iiwan na muna namin kayo" mahinang sambit ni Mama pia dahil sa kakatapos lamang na pagiyak.
Magkasabay silang umalis ni Clark at ang naiwan na lamang ay ang nakatayo pa ding si Alec na kanina pa nakatitig sa akin na para bang kung kukurap siya ay may kukuha sa akin.
Nakayuko lamang ako habang dinadama ang pagiyak hanggang sa maisip kong hindi man lang niya ako tinulungan kanina na para bang alam niya din na iyon ang magiging desisyon ng mga doctor.
Nakakunot akong tumingin sa kanya na ngayon ay dahan dahan ng lumalapit sa akin. "Alam mo iyon? Alam mo yun Alec? Papayag ka?" Tumaas na ang boses ko at hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
I will leave my heart at the door
I won't say a word
They've all been said before, you know
So why don't we just play pretend
Like we're not scared of what is coming next
Or scared of having nothing left
Sumakit ang puso ko nang unti unti itong tumango. "Bakit?" Hindi makapaniwala pa ding tanong ko sa kanya.
Mas lalo akong nanghina dahil sa kanyang pagsangayon. "Bakit pumayag ka na mawala yung mga anak natin?" Hindi pa din makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Seryoso lamang ako nitong tiningnan. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka?" Balik na tanong niya sa akin kaya naman nagsukatan na lamang kami ng tingin dahil hindi ko din alam kung ano ang tamang sagot sa kanyang tanong sa akin.
"Dahil yan...ganyan, natatakot ako na yan ang gawin mo at ginagawa mo nga Alec. Anak natin ang pinaguusapan dito" punong puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya.
"Brenda buhay mo ang pinaguusapan natin dito!" Tumaas na ang boses niya kasabay ng pagpiyok dahil sa pagtutubig ng kanyang mga mata.
Look, don't get me wrong
I know there is no tomorrow
All I ask is
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this ends
'Cause what if I never love again?
Mas lalong naglamlam ang aking mga mata habang dahan dahan kong hinawakan ang aking sinapupunan kung saan unting unting nabubuhay ang aming mga anak.
"Alec mga buhay din itong gusto niyong tanggalin sa akin, mga buhay na galing sating dalawa...naiiisip mo ba iyon?" Umiiyak na paliwanag ko sa kanya.
Napaiwas ito ng tingin habang tuloy tuloy din ang kanyang pagiyak. "Ang sabi ng Doctor iyon ang makakabuti pa..." hindi ko na siya hinayaang matapos.
"Doctor lang sila! Ina ako Alec! Hindi mo alam kung paanong araw araw ko silang nararamdaman sa sinapupunan ko, ilang buwan ko na silang kasama...Alec nararamdaman ko sila, hindi lang sila basta bagay na pwede mong tanggalin at tanggalan ng buhay kung kailan mo gusto, Anak ko sila...Anak natin" paliwanag ko sa kanya.
Pero mas lalong tumapang ang kanyang mukha. "Brenda pwede mong ikamatay iyan" madiin niyang paliwanag sa akin.
Inipon ko lahat ng lakas ko para sa susunod kong sasabihin. "Alec kahit ikamatay ko pa...itutuloy ko ito" sabi ko sa kanya kaya naman halos mapapikit ako ng hawiin niya lahat ng laman ng mesa na kaagad na naglaglagan.
I don't need your honesty
It's already in your eyes
And I'm sure my eyes, they speak for me
No one knows me like you do
And since you're the only one that mattered
Tell me who do I run to?
Look, don't get me wrong
I know there is no tomorrow
All I ask is
Hindi pa siya nakuntento dahil paulitnulit niyang sinuntok ang pader.
"Alec ano ba! Tama na!" Sigaw ko para pigilan siya dahil hindi ko kayang lumapit sa kanya dahil sa mga nakakabit sa akin.
"Tinanong mo ba ako kung papayag ako!?" Galit na tanong niya sa akin.
Nakatitig lamang ako sa kanya dahil sa naguumapaw niyang galit at halo halong emosyon. "Tinanong mo ba ako kung papayag akong mawala ka? Tinanong mo ba ako!?" Galit na sumbat niya sa akin habang umiiyak.
"Alec..." sambit ko na lamang.
"Maria naman!" Sigaw niya tsaka siya humahangos na lumapit sa akin tsaka ako niyakap. Sobrang higpit na yakap ang ibinigay niya sa akin na kahit siguro hindi na ako makahinga ay hindi ko magagawang magreklamo.
"Ayoko...hindi ko kaya" umiiyak na sabi niya sa akin na para bang bata na may hinihingi sa kanyang ina.
"Alec...kailangan nating tanggapin" pumiyok na sabi ko sa kanya.
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this ends
'Cause what if I never love again?
"Putangina! Hindi ganuon, maria...hindi ganuon iyon!" Ramdam na ramdam ko ang panginginig niya.
"Mahal kita Alec...mahal na mahal kita" madiin at dahan dahan kong sambit sa kanya para mas maramdaman niya.
"Kung mahal mo ako hindi mo ako iiwan Maria...pipiliin mong wag akong iwanan" umiiyak na sumbat niya sa akin na may kasamang pakiusap.
Tumango ako habang nakayakap sa kanya, mahigpit ko din siyang niyakap. Hanggang sa napaiyak na muli ako, muli kong naramdaman ang takot kahit buong buo na ang aking desisyon.
Mahigpit ko siyang niyakap na para bang ano mang oras ay hindi ko na magagawa iyon. "Ayoko ding iwanan ka, natatakot din akong mamatay...ayoko pa din, gusto ko pang makasama ka, gusto ko pa kayong makasama" sabi ko at pagkatapos ay napahagulgol na.
Let this be our lesson in love
Let this be the way we remember us
I don't wanna be cruel or vicious
And I ain't asking for forgiveness
All I ask is
Gusto ko sanang maging matapang sa harapan ni Alec pero hindi ko pa din maiwang ipakita ang nararamdaman kong takot na sa kabila ng mga sinasabi kong handa akong mamatay ay punong puno ng pagasa ang puso ko na malalagpasan ko ito.
"Kung ganuon Maria piliin mong mabuhay, pumayag ka na" pakiusap pa niya sa akin pero kaagad ko siyang iniharap sa akin tsaka ko ikinulong sa magkabilang palad ko ang basang basa niyang mukha.
"Alec...gagawin ko ito para sayo, para sayo ito. Ang apat na buhay na ito ay regalo ko para sayo...para sa pagmamahal mo sa akin sa kabila ng lahat ng ginawa kong mali sayo, sa pagtanggap mo sa akin kahit ilang beses kong ipinakitang hindi ako karapatdapat para sayo, para sa pagpili sa akin na mamahalin mo, para sayo to Alec." Madamdaming paliwanag ko sa kanya habang tuloy tuloy ang pagagos ng luha naming dalawa.
"You deserve to be a father, Alec" sabi ko pa sa kanya before I give him a peck in the lips.
Titig na titig siya sa aking mga mata dahilan para kahit ang sarili ko ay nakikita ko na duon.
"But I was your husband first, Maria...at wala akong ibang kailangang gawin kundi ang unahin ang kapakanan mo" sabi pa niya sa akin na tila ba ang pareho naming luha ay hindi nauubos.
If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this ends
'Cause what if I never love again?
Tinitigan ko lamang siya habang nakakulong sa magkabila kong mga kamay ang kanyang mukha. Tipid ko siyang nginitian kahit punong puno iyon ng sakit. "You'll going to be a great dad, I know that..." paninigurado ko bago ko muling piniling yakapin siya.
We stayed like that hanggang sa kaming dalawa na ang mapagod. "I don't want you to leave me, Maria..." desididong sambit niya habang diretsong nakatingin sa akin.
"I don't want to leave either Alec...but if this is our destiny we don..." hindi na niya ako hinayaang matapos sa aking sasabihin.
"Then let's not claim it as our destiny Maria, we'll gonna change it...and I want you to be with me till the end" seryosong pagpapaliwanag niya sa akin.
The way alec look straight at me makes me feel very weak inside at the same them it gives me strenght and hope, reason for me to fight for my life for him, for the babies and for our future family.
"Do you love me that much that you don't want me to leave you?" Malungkot na pangaasar ko sana sa kanya.
"I love you above anyone else Maria...i'm so in love with you kung hindi mo alam, and I demand you not to leave me" sabi pa niya sa akin kaya naman sobra sobra na ang pagkasugat ng aking puso.
Now I know. Sabi nila hindi daw dapat tayo matakot sa kamatayan, but no one can prove it unless you'll into it. Masasabi mo lamang iyon kung wala ka pa sa sitwasyong kailangan mong iwanan ang mga taong mahal mo at nagmamahal sayo. Dying isn't just the end of your life it was the end of what gives you life, it was the life you live with the people you love.
Dying isn't just a simple end of every story, cause it may build another story for those who will still stay and live a life. Kung ikamamatay ko man ang panganganak ko, ang pagkamatay ko ay hindi magtatapos ng kwento kundi bubuo ng panibagong kwento sa katauhan ng mga anak ko.
My death would be my legacy for bearing and delivering a four wonderful children for my husband.
"Hindi ka pa din ba papasok?" Tanong ko kay Alec ng halos tatlong linggo na ang nakakalipas ng lumabas kami sa hospital ay hindi na siya pumapasok sa trabaho at palagi na lamang siyang nasa bahay.
He cook for our brekafast, lunch and dinner. Sobra sobra ang pagaalalaga niya sa akin kaya naman minsan ay pinapagalitan na siya ni Mama pia dahil sa pagiging OA.
"Hindi na ako papasok" sagot niya sa akin habang pinaghihiwa niya ako ng mga prutas.
Napanguso tuloy ako. "Paano yung trabaho mo?" Tanong ko sa kanya dahil alam ko naman kung gaano siya kadedicated sa kanyang trabaho.
"Mas importante ka at ang mga anak natin" sagot pa din niya sa akin habang seryosong seryoso siya sa kanyang ginagawang paghihiwa.
Dahil sa sinabi niyang iyon ay mas pinili ko na lamang na yakapin siya habang ginagawa niya iyon. "I want you to name them Kenzo, Tadeo, Cairo, and Piero" sabi ko sa kanya.
Napatingin sa akin si Alec na para bang gustong gusto niya ang mga pangalang sinabi ko. Pero muli ko siyang hinila para mas maayos ko siyang mayakap. Muli akong tumingin sa malayo habang yakap yakap si Alec, just like what I did in my class when I was in highschool day dreaming.
"Wag mo hahayaang magtagal ang diaper sa kanila dahil baka magkarashes sila kawawa naman ang mga baby natin. You should also learn how to make them burp after feeding. Buy some rubber mats when they started learning how to crawl, don't buy too many toys pero kung bibilhan mo sila siguraduhin mong meron silang apat so that alam nilang pantay pantay ang pagmamahal natin sa kanila" paguumpisa ko.
"Pag lumaki na sila, wag mo hahayaang basa lagi ang likod ng mga bata ha...kung bibilhan mo man sila ng bicycle yung may gulong sa likod ha para hindi sila mahulog, pag magswiswimming kayong apat wag mo hahayaang maghabulan sila sa gilid ng pool..." kwento ko pa sa kanya hanggang sa pumiyok na ako.
"When they go to school kiss them twice cause the other one is from me, give each of them two gifts for their birthdays, christmas and any other special occasions" lumuluhang sambit ko.
Hinawakan ni Alec ang kamay ko at pinisil ito na para bang gusto niyang tumigil na ako dahil sa namumuong kalungkutan sa pagitan naming dalawa.
"Why do you keep saying that na parang handang handa kang iwan kami?" Malungkot man ay ramdam na ramdam ko ang pagtatampo sa kanyang boses.
"I'm not even ready Alec..." sabi ko sa kanya.
"Then don't leave Me, Kenzo, Tadeo, Cairo and Piero alone" sabi niya pa sa akin at pagulit niya sa mga pangalang sinabi ko kanina.
"You'll not going to be alone" paninigurado ko sa kanya.
"You'll gonna have four of you...four mini Alec" nakangiting sabi ko pa sa kanya.
Inirapan ako nito na parang hindi siya natutuwa sa mga pinagsasabi ko. "Alec needs Maria...and the four mini me needs Maria too" sabi niya sa akin kaya naman natuwa ako kung paano niya sabihing ang mga iyon.
Hindi na ako sumagot pa, mas hinigpitan ko na lamang ang yakap sa kanya. "Promise me you won't let them get married at a young age, okay..." pakiusap ko sa kanya.
"Why?" Nakakunot na tanong niya sa akin.
"Cause I don't want them to get hurt, I want them to take the right desicion" sagot na paliwanag ko pa.
"Age doesn't a matter Maria...cause even if you're too young when we get married, that was the best decision I ever made" seryosong sabi niya sa akin kaya naman napanguso na lamang ako.
"Are you gonna give them a step mom?" Tanong ko sa kanya pero mas lalo lamang tumalim ang tingin nito sa akin.
"No, cause you're not gonna die" mabilis na sagot niya sa akin.
Tumango tango na lamang ako. "I don't want to be replaced though" parang batang sambit ko.
Alec cupped my face. "No one can replace you Maria cause I'm no longer capable to love any other girl, I'm so in love with you" paninigurado niya sa akin bago niya ako hinalikan.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro